Lhaiel's POV
Pagmulat ko ng mata ay agad na tumambad sa akin ay ang papaliwanag na kalangitan.
Hindi ko alam kung nakatulog ba ako sa labas ng bahay namin sa kalasingan o sa daan ako nakatulog.
Nang iaangat ko ang kaliwa kong kamay para tignan ang relo ko kung anong oras na, nabigla ako sa nakita kong hawak hawak ko.
Kamay. Hinatak ko pa ng marahan at nang may umungol sa bandang kaliwa ko ay agad napadako doon ang aking paningin.
Nang makita ko ang maamong mukha ng isang babae ay agad na bumaha lahat ng mga alala ko nitong nagdaang gabi.
Ang pagtayo ko sa gilid ng tulay, at ang pagkahulog naming dalawa.
Napahinga ako ng malalim. Mabuti naman at buhay pa kami.
Agad akong bumangon at tinignan kung okay lang ba sya.
Sa tingin ko ay wala namang na-fracture na buto at wala naman siyang galos maliban sa gasgas na nasa kanan niyang braso.
Ngayong maliwanag na ay kita ko na ng mas maayos ang itsura niya.
Malalantik na pilik mata,matangos na ilong, manipis at mapulang labi, hugis pusong mukha.
She was indeed beautiful.
I lift my hand to touch her cheeks and when my fingertips touch her skin. Nagulat ako dahil sa sobra niyang init.
Nilalagnat sya. Marahan kong sinalat ang kanyang pisngi.
"Miss??," tawag ko sa kanya habang marahan siyang niyuyugyog.
Ungol lang ang sinasagot niya sa akin. Nakita kong nakakunot noo siya na para bang nahihirapan pero kahit na ganoon ang itsura niya ay hindi parin maikakaila ang kanyang kagandahan.
Kahit anong yugyog at pag-gising sa kanya ay walang epekto at ramdam kong mas tumataas pa ang lagnat niya kaya I make my move.
Binuhat ko siya at nagpalingalinga kung may taong pwedeng hingan ng tulong ngunit wala akong makita kahit isa.
Habang naglalakad at naghahanap ng posibleng daan patungo sa highway ay walang patid ang pagsilip ko sa kanya.
Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong maakit sa kanyang mapupulang labi na animoy nag-aanyaya ng isang matamis na halik. I scold myself for thinking that.
Well, every guy has this feeling, aren't they?
Ipinilig ko ang ulo ko para iwaksi kung ano man ang naiisip ko.
This girl is sick and requires quick medication. Kaya binilisan ko pa ang paglalakad at pagkatapos ng ilang minuto ay naririnig ko na ang tunog ng mga sasakyan.
Kahit hindi ko kilala ay pinapara ko na. Sa mga naunang nagdaan ay walang huminto ni isa pero pagkatapos ng ilang sandali ay may humintong itim na pick-up truck at mula roon ay may bumabang isang matandang lalaki. Tinanong niya kung anong nangyari. Agad kong ipinaliwanag ang lahat at agad din naman niya kaming pinasakay sa kanyang pick-up truck.
Habang binabaybay namin ang highway ay tahimik kong pinagmamasdan ang babaeng nasa kanlungan ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdam ko. It was a foreign feeling. Nag-aalala ako sa kalagayan niya which is odd, and new to me. Knowing myself, I don't usually concern myself with someone I barely know.
Ilang minuto lang ay inihinto niya kami sa isang ospital. Nagpasalamat ako at nag offer na magbayad pero mariin nyang tinanggihan kaya nagpasalamat nalang ako at agad na nagtungo sa loob.
Sinalubong naman kami ng isang nurse na kumuha ng isang stretcher at nang makalapit samin ito ay marahan kong ibinaba roon ang babaeng hanggang ngayon ay hindi ko parin kilala.
Sinabi sakin ng nurse na sila na ang bahala kaya naghintay nalang ako sa isang gilid.
I heave a sigh.
Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon??
Nagpakalasing lang ako para makalimot, umakyat sa gilid ng tulay para lumanghap ng sariwang hangin before some crazy chick appeared and we nearly got ourselves killed.
I smile at the memory.
'Everyday may not be good, but there's indeed something good in everyday'
Nagbalik lang ako sa kasalukuyan ng tinawag ako ng doctor at tinatanong kung kamag anak daw ba ako ng pasyente so sinabi ko na kaibigan lang niya ako.
"Kamusta siya?," tanong ko.
"Okay na siya, kailangan lang nyang magpahinga pa ng konti, baka mamaya lang ay magkamalay na siya," sagot sakin ng doktor bago siya tumalikod at umalis.
Nakahinga ako ng maluwag. Pumasok ako sa pintuan kung saan lumabas ang doctor.
Pagpasok ko ay unang bumungad sakin ay mga halera ng kama. Yung iba may nakahiga samantalang bakante naman ang karamihan.
Iniikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto at sa bandang dulo ay nahagip siya ng mata ko.
Naglakad ako patungo sa kamang kinahihigaan nya.
She was sleeping peacefully. I stared at her angelic beauty. The way her chest moved up and down, indicating her soft breathing.
There's only one thing swirling around my head. Just who the hell is she??
~~~
Alleya's POV
Ilang araw mula nang makalabas ako sa ospital ay palaisipan parin sakin kung sino yung lalaki sa tulay na kasama kong nahulog at nagdala sakin sa ospital.
Gusto kong magpasalamat sa pagliligtas niya sa buhay ko na kung hindi rin dahil sa kanya ay hindi malalagay sa alanganin.
Sinong matinong tao ang tutuntong sa gilid ng tulay kung saan delikado, at sino rin bang matinong tao ang pupunta doon at papanik din para tumulong sa inaakalang magpapakamatay?
Maybe, wala talagang matinong tao sa mundo.
I facepalm myself.
'Ano ba to!!'
Nang magising ako sa ospital ay wala na yung lalaking yon kaya hindi ko man lang siya nakilala.
"Alleya,"
"Ay tinapa!!," tutop ko ang dibdib na lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Tita na nakapamewang..
"Anong tinapa? Ano ba ang iniisip mo at nagkakaganyan kang bata ka ha?," tanong nya.
"Tita naman, wala po, naalala ko lang yung lalaking nagdala sakin sa ospital noong nakaraan," sagot ko sabay tingin sa kawalan.
"Bakit pogi ba?," napatingin ako bigla sa kanya dahil sa narinig.
"Err, ahm, may itsura naman sya," sagot ko at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa biglaang pagtatanong ni aunty ng ganoon.
"Hmm, kaya pala ganyan ka nalang matulala, sa tingin mo naman maganda ang ugali non?," tanong nya.
"Siguro po, kung hindi, sana iniwanan na niya ako doon sa ilog," nakasimangot na sagot ko kasi hindi ko din alam kung ano ang sagot sa tanong ni Tita dahil unang una, hindi ko siya kilala. Baka nga ginawan pa ako non ng masama bago ako idala sa ospital..
Sa isiping iyon ay wala sa sariling napayakap ako sa katawan ko.
'No!! Hindi naman po ako narape diba? Ibinigay Ninyo po ba yung hiling ko? Nagtanong lang naman po ako kung mamamatay ako ng virgin,'
"Nako Alleya, ayusin mo nga yang sarili mo, palagi ka nalang natutulala," naulinigan kong sambit ni Tita habang patungo sa kusina probably making something to eat.
Ipinilig ko ang ulo ko upang mawala ang mga kalokohang nasa utak ko. Nagfocus nalang ako sa ginagawa kong designs ng bagong dress na gagawin ko.
Habang nagfofocus ay hindi maiwasang sumagi sa isip ko ang mga kulay ng mata ng lalaking nagdala sakin sa ospital. Nagkaruon tuloy ako ng idea at inspiration sa pag-gawa ng design.
~~~~
Lhaiel's POV
Hanggang ngayon pala-isipan parin sakin kung sino yung babaeng idinala ko sa ospital. Gusto ko sanang makilala siya at pangaralan na dapat ay hindi siya basta basta kumakausap ng hindi niya kilala. Kung nagkataon na hindi ako ang natagpuan niya at isang manyak pala baka may nangyari ng hindi maganda sa kanya.
Kung wala lang tumawag sakin tungkol sa nagsampa ng reklamo dahil sa mga nabasag kong alak sa isang bar na pinuntahan ko ay hindi ako aalis sa ospital, isang araw din akong hindi nakabalik pero pag balik ko ay wala na siya, nakalabas nadaw sabi ng nurse.
I tried to ask the nurse about her name but the nurse said, they don't randomly give any information. Up until now, I can't help thinking about her, and I don't know if it's a good sign or not, because every time I think of her, Hannah's memories lessen and lessen.
Napabuntong hininga ako at bumangon mula sa pagkakahiga. Ilang beses akong tinatawagan ng tropa pero hindi parin ako nagpapakita sa kanila pati kay Mom but I somewhat missed them. Sa hotel nga ako nag stay in these past few days.
Nagdiretso ako ng banyo para maligo. At pagkatapos ng mahigit bente minuto ay lumabas na din ako at nagbihis.
I wear my signature white v-neck shirt and faded jeans, partnered with my black converse.I look in the mirror and once I'm satisfied with my looks. I grab my jacket, and my car key then I rush down into the hotel parking lot.
After 15 minutes of driving.
Nasa harapan na ako ng favorite kong coffee shop. Gusto ko lang dalawin ang nag iisang alaala ko kay Daddy, he looks like my dad so much. Maybe because they're brothers.
Pagpasok ko palang ay langhap ko na ang masarap at mabangong aroma ng mga kapeng isine-serve nila. Isama pa ang specialty nilang cookies na gustong gusto ni Mommy at Jia.
The shop was oddly bigger than any usual coffee shop. There are too many tables and it's surprisingly full and only a few tables are left untouched.
Mabenta kasi ang mga kape nila na bukod sa masarap na ay mura pa.
Kahit tag-init ay mabenta parin sila dahil sa kanilang ice tea and Ice cold coffee.
Mayroon na atang 1 hundred branch ang 'Noel's Coffee shop,' at ito ang kanilang main branch.
Nang makarating ako sa counter ay agad kong napansin na iba ang nakadestino doon.
Maybe she's new here. Kahit nakayuko ay tinanong nya ako kung anong o-order-in.
"Black coffee," sagot ko and instantly, the short lady in the counter shot a glance on my way.
"Kuya Lhaiel!!," gulat na bulalas nya sabay lundag at sunggab sakin ng mahigpit na yakap. Hindi ko nga alam kung paano niya ako naabot eh bukod sa matanggad na ako, mataas din yung counter.
"Angel?," sambit ko nang makabawi sa pagkakabigla. Saka ko lang napansin na nakayuko na pala ako dahil hinalumbitan niya ako literally.
"Can you please get off of me?," I ask as politely as I can because she's as stubborn and hard-headed as my mom.
"Oops, sorry, I'm just too happy to see my handsome cousin," sambit nya sabay bitaw sa akin at ngiti ng sobrang tamis na pag hindi mo nakayanan ay para kang mauumay.
"Can you please wipe that creepy smile out of your face, it's giving me goosebumps," sabi ko sa kanya sabay halukipkip.
"Excuse me? This smile is what they called 'genuine smile'," sabi nya with her signature pose. Nakataas na kilay at nakahawak sa bewang with her head held up so high.
It takes a couple of seconds for me to take in her appearance. My eyebrow furrows when I see her attire. Brown polo shirt, black slack, and dirty white apron with their coffee shop logo.
"What the hell is that?," takang tanong ko habang nakaturo sa damit nya.
"This?," maang na tanong nya sabay angat ng damit nya mula sa kuhelyo.
"This is what they called 'clothes,' c-l-o-t-h-e-s, and as you can see, everyone in this coffee shop is wearing these same clothes, so this is our 'Uniform,"
I look at her dumbfounded.
"Ang ibig kong sabihin ay, bakit ka nakasuot ng ganyan?," tanong ko.
"Oh, that.. Well, uhm...," she trailed off then I saw her eyes tearing up. And...
"Kuya Lhaiel! *sniff* I-I don't know w-what else to do *sniff*,"
I rolled my eyes and then crossed my arms over my chest.
"Cut the crap Angel, bumenta na yan over a hundred times," sambit ko.
"Charot! It's a prank, well, nagbagong buhay na kasi ako, I want to help Dad in his business so eto ako ngayon," sabi nya sabay balik ulit sa kung anong ginagawa nya kanina, bago ako dumating.
"It's that a prank too?," maang na tanong ko kasi knowing her, she wouldn't take her dad's words.
"Anyway,asan nga pala si Uncle Noel?,"
"Nag out of the country, may mga inaasikaso sya, so ako muna ang papalit sa kanya,and no,it's not a prank" sagot nya sakin na abalang abala sa ginagawa nya.
"Can I get your order?, kasi nakikita mo naman I'm very busy,"
Napangiti nalang ako dahil sa kamalditahan ng pinsan ko.
"I want a cup of black coffee," sabi ko sa kanya.
"Don't put so much sugar, and Angel?,"
"Hmm? Anything?," tanong nya sabay tingin sakin.
"I missed you little brat," sagot ko sabay gulo sa buhok niya bago ako lumakad patungo sa bakanteng table.
I can feel her glare digging a hole in the back of my head.
Ilang minuto pa ay isinerve na sakin ang order kong kape. I enjoy my coffee while watching the people and vehicles pass by through the glass wall.
Napabuntong hininga ako. Kailan ko ba huling naramdaman ang ganitong pakiramdam? Yung masaya at contented, but still I know deep within me, I can feel the dull ache. I can still feel the pain.
Maya maya pa ay may nakapukaw ng mata ko.
Napangiti ako habang sinusundan ng tingin ang babaeng nakadilaw na bistida na lagpas hanggang tuhod with her hair neatly combed on the side of her pinkish cheeks.
Nagkita ulit tayo. Lalong lumawak ang aking pagkakangiti nang makita kong papasok siya ng shop kung saan ako naroroon.
While she walked past some people making their way in and out of the shop, her beauty was all I could see.
Napapangiti ako habang nakatitig sa kanya at kung may nakakakita siguro sakin iisiping nababaliw na ako.
Nang maka-order siya ay agad siyang naghanap ng bakanteng table then she suddenly stops dead on her track. Looking at the table beside mine.
Agad akong napatingin kung saan siya nakatingin and there, I saw two people, having their sweet moments.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko ang emosyong nagsasayaw sa kanyang mga mata.
I saw hurt, pain, betrayal, bitterness, and all the negative feelings I could name. Doon palang, alam ko na kung ano ang nangyari.
Alam ko yun dahil yan ang nararamdaman ko nang makita ko ang taong mahal ko na nasa harap ng altar na iba ang kasama.
"Oh, looks who's here," I heard a female voice say. Napatingin ako ulit sa table na nasa tabi lang nang table ko.
"Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako? Ganyan kaba ka talaga kadesperada?," mayabang na sambit ng lalaki.
Nakita kong kahit nangingilid ang luha ay tinignan parin niya ng diretso yung dalawa.
Dahil sa nakita kong reaksyon niya ay agad akong tumayo at lumapit sa kanya.
I grab her by the waist and kiss her on the cheek. I can feel her stiffened under my touch.
"What took you so long babe?," tanong ko. Nakatitig lang siya sakin at hindi mawari kung ano ang gagawin.
Pagkatapos ng ilang sandali ay naunawaan din niya kung anong nangyayari. Gumanti din siya ng halik sa pingi and this time, I'm the one who stiffened.
"Traffic kasi babe," sabi niya sabay ngiti sakin ng matamis.
Ginantihan ko sya ng ngiti at ibinaling ang tingin sa dalawang tao na kanina pa nakanganga sa amin.
"Do you know them?," takang tanong ko kunwari.
"No, ikaw ba pinapangalanan mo ang basura?," balik tanong din niya at kung wala kami sa ganitong kalagayan ay pinarangalan ko na siya sa galing niyang magtago ng tunay niyang nararamdaman kahit alam kong gustong gusto na niyang sumabog.
"Babe, haven't I told you, don't be so rude?," tanong ko ng nakakunot noo. Pwede na akong maging artista pagkatapos ng pangyayaring ito.
"Well, trash is trash, so treat them as one," kibit balikat na paliwanag nya.
"But you know, whatever babe, let's go?,"
Nginitian ako siya saka siya marahang inakay kung saan ako nakaupo. Ramdam ko ang panginginig niya kaya inalalayan ko siya hanggang sa makaupo na kami.
Napansin kong tumayo na yung dalawa which I assume was her ex and her ex's former girlfriend. Ano kayang pinakain ng babaeng yon sa lalaki eh hamak na mas maganda si--
Di kopa nga pala sya kilala.
Pinanunuod ko siya habang hinihigop niya ang kanyang kape. Nabawasan na ng konti ang panginginig nya. Nang makita niyang umalis na yung dalawang nakaupo sa table na katabi lang ng lamesa namin ay napabuntong hininga siya ng malamin. At dali dali ding umalis leaving me there dumbfounded and speechless.
What the hell just happened?
Napabuntong hininga ako habang pinanunuod siyang palabas na ng shop. I can't take away the sadness and hurt I saw in her eyes inside of my head. I know that feeling all too well.
Hindi ko na inubos ang kape ko at dalidali na ding umalis ng shop. Nakalimutan ko na ngang magpaalam kay Angel. Tiyak na may batok ako pag nagkita kami ulit. Well, I will deal with that later.
***