Chereads / When Two Broken Hearts Collide [Filipino] (EDITING) / Chapter 2 - CHAPTER 1: "The Break Up" [EDITED]

Chapter 2 - CHAPTER 1: "The Break Up" [EDITED]

~~

His POV

Tumigil ang malakas na music ng lumuhod ako sa harapan ng mga tao,sa harap ng nag iisang taong nagbigay ng sigla sa buhay ko. Sa taong pinakamamahal ko...

Finally... This is it, masasabi ko narin ang bagay na matagal ko ng gustong sabihin sa kanya,bagay na matagal kong pinagplanuhan.

I heard the cheering and gasping of all the people around us.

"This is so awkward since this is the very first time that I will do such a thing, but in front of everyone, I will assure you that this will be also the last time that I will kneel in front of a girl to say this words,"

"You Ms. Hannah Villareal, will you be mine forever? Will you marry me?," sabi ko as I opened the little box where a very precious diamond ring was in. I've worked so hard just to buy a precious ring like this. For a very precious girl like her. She's worth everything.

I look at her smiling but it vanishes when I see the hurt in her eyes,pero bakit?

Bigla akong nakaramdam ng pangamba.

"I... I'm so s-sorry, I can't, I'm n-not the right person for you, I'm sorry," sabi nya habang umiiling.

"But why?," tanong ko habang nakatingin sa mga mata nya searching for an answer.

Iling lang ang isinagot nya. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at hinawakan ang magkabila nyang kamay.

"Masyado ka bang nabigla? Sorry kung nagulat kita," pilit kong hinuhuli ang mga mata nyang hindi maitingin sakin ng diretso.

"You don't understand, I can't.." Sagot nyang nakayuko.

"Why?," tanong ko parin..

"I can't, I just can't, just please let me go," sabi nya habang pilit na inaalis ang mahigpit na pagkakahawak ko.

Dali dali syang tumakbo palabas ng bar kung nasan kami.

No, it can't be, this can't be!.. It was just a dream, right? A nightmare...

Napapikit ako ng maramdamang malapit na namang tumulo ang mga luha mula saking mga mata.

It's been a month, but the wound was still fresh. Hindi nabawasan ng kahit konti ang sakit sa dibdib ko. Parang kahapon lang ay hawak ko ang mga kamay nya. Parang kailan lang ay naririnig ko pa ang mga tawa nya. Naaamoy ko parin ang pabango nya kahit saan ako magpunta.

Napatingala ako at ang unang tumambad sa paningin ko ay ang mga mumunting liwanag na kumikinang sa kalangitan.

Dahan dahan akong tumayo hawak parin ang bote ng alak na palagi kong karamay sa mga ganitong eksena.

"Bakit hanggang ngayon masakit parin?," tanong ko sa kawalan.

"Bakit hanggang ngayon mahal parin kita?," dala marahil ng alak na nainom ko ay hindi ko namalayang napaupo na ako sa gilid ng ilog kung saan ko sya unang nakita.

Hindi ko namalayang malaya na palang dumadaloy sa pisngi ko ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang kumawala.

Bakit sa dinamirami ng tao sa mundo, bakit ako pa ang pinaglaruan ng tadhana? Pwede namang yung tambay nalang sa kanto. Napailing ako dahil sa mga naiisip ko.

Ilang minuto pa akong nanatiling nakaupo sa gilid ng ilog bago ko napagdesisyonang bumalik na sa resto.

Habang daan, hindi ko maiwasang mapapikit dahil narin siguro sa dami ng nainom ko.

Hindi ako yung tipo ng taong umiinom hanggang sa hindi na kaya pero dati yon, iba na ngayon. Hindi ko na alintana kung ano ang mangyayari. Wala na akong pakialam sa lahat. Ang tanging gusto ko lang ay mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko na din alintana ang mga malalakas na busina galing sa ibang sasakyan dahil sa pagkawala ko sa tamang lane. I felt so dizzy and after that, everything went black.

~~

Dahan dahan akong napaluhod kasabay ng dahan dahan ding pag guho ng mundo ko na umiikot lang sa kanya.

People around me gasped in shock.

Biglang umingay ang paligid dahil sa bulung-bulungan.

"Are you alright?" tanong ni Yan,kababata at barkada ko.

Inalalayan nya akong tumayo pero tinabig ko ang kamay nyang nakahawak sa balikat ko.

"I can manage," walang emosyong sabi ko sabay tayo. Nakayuko akong lumakad at padabog na hinahawi lahat ng taong nadaraan ko.

Narating ko ang table na kanina lang ay inuupuan namin ni Hannah. Kinuha ko ang bote ng alak na nakapatong don at tuloy tuloy na ininom.

Padabog akong umupo at kumuha ulit ng alak para inumin. I just hope this drink can take away the hurt. Can wash away the pain.

'Why?'

That's the only word swirling around my head. It's enough to make me feel dizzy. But the searing pain inside my chest was all that mattered.

Can anyone tell me why is this all happening? I feel so much pain, I feel just like a thrash. I feel like a fool. I feel like I'm dead.

I love Hannah very much. She was my treasure. A purpose to live this life of mine. She was my strength, hope, and everything.

She was the very first girl who accepted me for being me. She made me feel so special. She gave me the feeling that I am more than any other man out there. She was my light.

But now, now that she's gone, my life was gone too. I feel like I am living a life without any color. She took away my smile, and she left the worst feeling that no one would ever dare to feel.

I gave everything and yet, it's not enough,

and again I ended up like this.

~~

"So how was he?" may narinig akong nagsalita malapit sakin.

"Based on his expression, he will be leaving soon," sagot ng isa pang tinig.

Sa kalituhan kung ano ang nangyayari ay bigla akong napadilat at tumambad sa paningin ko ang puting kisame. Ngunit bigla ulit akong napapikit dahil sa matinding kirot na naramdaman ko mula sa ulo ko.

What the fuck?

Pagdilat ko ulit ay napatingin ako sa pinang-gagalingan ng mga boses at nakita ko ang tatlong kong kaibigan na seryosong nag uusap.

Sa pagkurap ko ay hindi sinasadyang nalaglag ang mga luha na hindi ko namalayang nasa gilid na pala ng mga mata ko.

Panaginip.

Napanaginipan ko na naman siya. Bakit ba hanggang ngayon nasasaktan parin ako. Kahit subukan kong maging masaya, hindi ko talaga maialis sa dibdib ko ang sakit.

"No wonder he was shedding tears, I just hope he finds peace," sabi ni Ajay ang nag iisang transgen in our group of friends.

"Sumalangit nawa ang kaluluwa ng ating kaibigang si Lhaiel," madrama namang sabi ni Rain, the chinito one.

It takes 1 to 2 minutes for me to realize that I am their topic.

"Seems like, everyone in this room wants me dead," sabi ko habang dahan dahang bumabangon kahit masakit parin ang buo kong katawan.

"Thanks, God! Buhay sya!" sigaw ni Ajay sabay lapit sa akin.

"Hallelujah! Praise the lord!," dagdag naman ni Rain na nakataas pa ang mga kamay. Napailing nalang ako dahil sa mga wirdo kong kaibigan.

Napatingin ako kay Yan na nakatayo lang sa gilid. Agad naman siyang nagtaas ng dalawang kamay.

"Ikaw wala ka bang idadagdag sa mga sinabi nila?" tanong ko.

"I'm speechless," sagot niya sakin sabay kibit ng balikat.

"Where the hell are we?" tanong ko sa kanila maya-maya.

"Sa hospital," tipid na sagot ni Rain.

Napakunot noo ako dahil sa narinig.

Hospital?

"Bakit nasa hospital tayo?," tanong ko ulit.

"Hindi mo ba naalala?," tanong ni Yan.

"Ang alin?," balik tanong ko ulit habang nakatingin sa kanilang tatlo.

Nagkatinginan silang tatlo at sabay sabay na napatingin ulit sakin.

"Ano ang pangalan mo?," tanong ni Ajay.

"Ha?," maang na tanong ko. Hindi ko na kasi alam kung ano ang nangyayari dahil hanggang ngayon masakit parin ang ulo ko.

"Kilala mo pa ba kami?," tanong naman ni Rain.

Sasagot palang ako pero nagsalita ulit siya.

"No way! Dude hindi na niya tayo kilala," baling niya sa dalawa.

"What the-----," naputol ulit ang sasabihin ko dahil si Ajay naman ang nagsalita.

"Ako? Kilala mo pa ba ako? What! Hindi mo narin ako kilala?," sabi niya kaya lalo akong napanganga.

Hinatak ni Ajay si Rain at Yan sa gilid at saka nagbulungan.

"Do you think he had an amnesia or something?," tanong ni Ajay.

"I think he had something," sagot ni Rain habang napapailing naman si Yan.

"Hindi na nya tayo kilala, what should we do?," natatarantang tanong ni Ajay.

Talagang hindi nila alam ang totoong meaning ng salitang 'Bulong'.

"I have an idea," sabi ni Rain na nagtaas pa ng kamay.

"Ano?," sabay na tanong ni Ajay at Yan.

"Watch and learn,this is done only by experts and professionals like me," sagot ni Rain sabay lapit ulit sakin.

"Hi I'm Rain, magkaibigan tayong matalik ,hindi tayo mapaghiwalay we were like twins and we--------- aw-ouch!!," sigaw nya dahil piningot siya ni Ajay at hinatak ulit pabalik sa isang sulok.

"What do you think you're doing ?," pabulong ngunit pasigaw na tanong ni Ajay.

Here they go again, bumubulong pero rinig ko naman.

Napabuntong hininga nalang ako ng malalim at humiga na lamang ulit kaysa mag aksaya ng panahon sa pakikinig sa kanila.

Masakit parin kasi ang ulo ko. May malaking benda sa gilid ng noo ko na syang kumikirot kasabay ng pagkilos ko.

Pinilit kong alalahanin kung ano ang nangyari. Naaalala kong nagdadrive ako kagabi at bigla nalang nawala sa lane ang kotse ko dahilan para kabigin ko ulit pero dala ng kalasingan hindi ko namalayang napasobra ako ng kabig kaya nagdirediretso ako sa isang puno at wala na akong maalala pagkatapos non.

"Ahm Lhaiel, may gusto sana kaming sabihin sayo," simula ni Ajay na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala.

"Wag kang mabibigla pero, LHAIEL! MAY AMNESIA KA!," hysterical na bulalas ni Rain.

"What if hindi ka na gumaling?," tanong ni Ajay.

"What if hindi mo na kami makilala?," tanong din ni Rain.

"Paano kung bigla ka nalang hindi magising?," - Ajay.

"Paano kung hindi ka na makalakad?," -Rain.

"Paano kung makalimutan mo na ding magsalita o kaya makarinig o kaya makakita?," - Ajay.

Palipat lipat lang ako ng tingin sa kanilang dalawa hanggang sa hindi ko na talaga kinaya ang mga kaabnuan na ginagawa nila.

"ANO BA!? TUMIGIL NA NGA KAYO!!!," sigaw ko dahil sa kaingayan nila.

"Thank God, hindi pa nya nakakalimutang magsalita," sabi ni Ajay na akala mo nabunutan ng tinik sa dibdib.

Napapikit ako ng mariin. Lalo lang sumasakit ang ulo ko!

"Wala akong amnesia okay? So please stop talking and just leave me alone!," masungit na sabi ko sabay talukbong ng kumot. Nakakapagod silang kausap.

"At least he doesn't forget his attitude. It's a good sign right," narinig ko pang tanong ni Rain habang palabas sila ng kwarto. Napailing nalang ako dahil sa mga kabaliwan nila.

Pero kahit na ganyan yang mga yan, I was still very thankful because I have good friends like them. Kahit na madalas ko silang sinusungitan, hindi parin sila nagbabago. Nandiyan parin sila kapag kailangan ko ng masasandalan. And I will honestly admit that if it wasn't for them, I would not still breathing. Kahit ganito ako, mahalaga sila para sakin.

~~~~~

Ilang araw din akong nag stay sa ospital at ilang araw na din akong stressed out dahil sa mga kaibigan ko. Wala yatang mga sariling mundo at dito na din sa ward ko naglalagi.

Kagaya ngayon, nandito silang lahat except Roby. Wala silang ginawa kundi mag ingay at mag ingay.

"Lhaiel, bakit parang hindi yata dumadalaw si Jia?," maya maya ay tanong sakin ni Ajay.

"Sinabihan ko na wag pupunta dito at baka manyakin ni Rain," sagot ko.

"Speaking of which, asan ba yung mokong na yun?," pagsali naman ni Yan sa usapan.

"Lumabas kanina, may bibilin daw yata," sagot ni Ajay kay Yan.

Hinayaan kong magkuwentuhan yung dalawa. Sumasakit na naman kasi yung ulo ko kaya napagdesisyonan kong matulog nalang muna.

Hindi pa man ako nakakatulog, may narinig akong ingay sa labas ng kwarto.

"Hey Miss Nurse, you look so gorgeous today,"

No, not this time, not now.

Dumilat ako at bumangon ng kaunti para tiyakin kung ako lang ba yung nakakarinig at tumingin sa dalawa. Halata sa mga mukha nila na may naririnig din silang nag uusap sa labas lang ng pinto.

"Are you flirting with me?," tanong ng nurse kay Rain. Nasisigurado kong sya 'yon,dahil sya lang naman ang may kalandian sa grupo.

"What if yes?,"

"Well, if that is so, I'm not interested..,"

That was... Well, I'm not expecting that... Really...

"What?? Are you out of your mind?? Ako? Tatanggihan mo? The sexy gorgeous me, you're crazy," narinig kong sabi ni Rain na kahit hindi ko sya nakikita ay alam na alam kong nanlalaki na naman ang mga mata nya kahit singkit ito.

One thing about Rain. He never really appreciated the word 'Rejection'.

"Excuse me, if there's someone who's losing his sanity, it's not me, it was you. I'm not crazy, it's just that I'm not interested in you, well in fact, I'm not considering you as sexy or gorgeous, or even human if I might add,"

Savage!

Kung wala lang ako sa ganitong sitwasyon,baka gumulong ako sa katatawa. Tumingin ako sa dalawa na nakikinig din. Si Yan nagpipigil ng tawa habang si Ajay naman, nasa lapag at ginagawang mop ang sarili sa katatawa.

The Great Cassanova, Rain Serrano. Nakahanap ng katapat. Busted!

"Nakahanap din ng katapat si lover boy," sabi ni Ajay habang tumatawa.

Ako naman napapangiti dahil kay Rain. Aaminin ko, hindi ganon katalino si Rain at hindi din sya ganon kabobo. Pero sana naman alam nya kung kailan susuko.

Well, on the other hand, nakakatuwa din dahil for the first time, nakatagpo din si Rain ng matalinong babae. Karamihan kasi sa mga nakakatagpo niya, stupid enough to fall on his looks and antics.

"You!!... Do you know who am I?," iritado at hindi makapaniwalang tanong ni Rain.

"No, and I don't have plans to know either," sagot ng nurse sabay bukas ng pinto at lakad papasok. Naiwan si Rain na nakatanga. Still processing everything.

As if on cue, pagpasok ng nurse, siya namang paglabas ng dalawa para awatin at pigilan si Rain sa maari nyang gawin sa nurse. Knowing him, kapag hindi nya nakuha, wawakasan na nya. Kidding. Baka kasi hindi niya mapigil ang sarili nya, baka gumawa pa ng kalokohan.

Nakita kong hinatak ng dalawa si Rain papunta sa kung saan kaya naiwan kami ng nurse sa loob. Pagkatapos niyang icheck lahat, walang sabi sabing lumabas na sya ng kwarto.

Naiwan akong mag isa sa loob. Naramdaman ko na naman yung pinaka ayaw kong maramdaman.

I feel so alone.

Ramdam kong may kulang, at alam ko kung ano o sino iyon.

Kahit iwaksi ko sa isipan ko ang nakaraan, palagi ko parin siyang naalala. Palagi ko padin siyang naiisip. Alam kong masasaktan lang ako pero hindi ko maiwasang balikan lahat ng mga alaala naming dalawa.

It hurts a lot. It's been a month but the wound was still fresh. I can't accept the fact that she's already gone. I can still feel her soft skin under my fingertips. Why it was so hard?

Kapag nag iisa ako, hindi ko maiwasang maramdaman lahat ng sakit na kinikimkim ko. But I'm still thankful because, I might not be that lucky when it comes to love, but at least I'm lucky enough to have some friends who will always be there for me.

"Grabe yung babae na iyon, akala mo kung sino!!," napabalik ako sa kasalukuyan ng padabog na pumasok si Rain sa pintuan kasunod si Yan at Ajay.

"Oh c'mon Rain, tanggapin mo na kasi na hindi ka ganoon kagwapo para lahat ng babae ay magkandarapa sayo," natatawang sabi ni Ajay.

"Ang sabihin mo, pakipot lang sya, no one can ever resist my charm," sagot naman ni Rain sabay upo sa couch na nasa gilid.

Napailing nalang ako sa mga pinagsasabi ni Rain. Talagang hindi niya alam kung paano tumanggap ng katotohanan.

"Gutom lang yan eh, kumain ka nalang," sabi ulit ni Ajay bago umupo sa tabi ni Rain.

Hinayaan ko lang silang mag usap ng mga bagay bagay na walang kakwenta kwenta. Kahit hindi ako sumasali sa usapan nila, mas gusto kong nakikinig lang. It somewhat brightens me up. Nakakagaan ng kalooban na andiyan sila kahit hindi ko sila masyadong pinapansin, hindi sila nagsasawa sa ugali kong aaminin kong hindi maganda.

~~~~

I was in my deep slumber when suddenly someone blew up the door.

Agad akong napabangon. Hindi ko kasi alam kung ano ang mas nakakagulat. Yung pagbukas ba ng pintuan ng napakalakas o yung pag sigaw ni Ajay ng 'May kalaban! Nilulusob tayo!,'

Napapikit ako ng mariin. Kung nasa tabi kolang yung mokong na 'yon, malamang nabatukan ko na.

"Oh my God! Lhaiel?," napatingin ako sa nagsalita at laking gulat ng makita ko kung sino ang pumasok sa pinto.

"Mom?," gulat na tanong ko. "Why? How.. Anong ginagawa ninyo dito? Kailan pa kayo nakauwi?,"

"Are you okay? What happened to you? Oh.. My poor baby," sunod sunod na tanong ni Mommy habang nagmamadaling pumunta sa kinalalagyan ko sabay yakap sakin ng mahigpit.

"M-Mom! I... I-I.. can't b-breath!," pagpupumiglas ko sa malakadenang pagkakayakap niya sakin.

"Oh! I'm sorry my dear. Kamusta ka? Anong masakit?," tanong niya nang sa wakas ay bumitaw nadin sa pagkakayakap sakin.

"Nurse!! My son is in danger! Come here and get him proper medications!," sigaw ni Mommy habang iniinspeksyon ang bawat sulok ng mukha at katawan ko.

"Mom, okay na ako, galos lang at sabi ng doctor within weeks pwede na akong lumabas." Reassure ko kay Mommy habang umiiwas sa hawak nya. Ito ang ikalalamog ko! Sigurado yon!

"What taking them so long? Nurse!?," sigaw niya ulit na halatang hindi pinakinggan yung sinabi ko kanina.

"Aargh! Nurses these days, kailangan nilang maturuan ng leksyon," sabi nya more to herself.

"Mommy, calm down okay? Malayo sa bituka to, kaya wag ka ng mag alala saka hayaan mo na yang mga nurse, okay naman na ako," pagpapakalma ko sa nanay kong parang laging nasa melodrama.

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo Lhaiel? Malayo sa bituka oo, pero malapit sa utak dahil ang sugat mo nasa ulo," nanlalaki ang mga matang sabi nya. "So how can you say you're fine? You've damaged your head Lhaiel and for Pete's sake! It was so close to your brain. Haven't I told you that the brain is the most important part of the human body?,"

"So what about the heart?," mahinang tanong ko.

"Oh God, forget about that stupid heart. The brain is the most important part of our body, without a brain, we die,"

"Mamamatay din tayo kung meron nga tayong utak wala naman tayong puso,kaya mas mahalaga ang puso," paliwanag ko.

"Marami nga dyang nabubuhay ng walang utak eh, tulad ni Rain at Ajay,"

Hindi ko alam kung anong pumasok sa sistema ko at pinatulan ko ang mga rants ni Mommy about brains. Ewan, nakahiligan na niyang ipagtanggol ang utak.

"Well, they're just plain stupid, and their stupidity makes them cute all the more,but it doesn't mean they don't have any brain,they just don't know how to use it,"

"Anyways andito ba sila?," tanong ni Mommy habang palinga-linga.

Hindi ko alam kung anong kinakain ni Mommy habang nasa ibang bansa siya. Hindi ko alam kung bakit siya ganyan. Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa tatlo na naglalakad palabas ng pintuan. Talking to her was tiresome.

"Where do you think you're going cuties?," tanong ni Mommy sa tatlo na halatang tatakas na naman.

"Comfort room," sagot ni Ajay na hindi na hinintay na makasagot si Mommy dahil tumakbo na siya palabas ng kwarto.

Binalingan ni Mommy si Rain at Yan na parang napako na sa kanilang kinatatayuan. Their faces were priceless.

Palagi nalang kasi silang ganyan whenever na nasa paligid si Mommy. Well, hindi ko sila masisisi kung natatakot sila ng ganyan. Knowing Mommy,hindi na ako mag tataka kung kada makikita niya yung tatlo eh ganyan palagi ang reaksyon nya. May pagka maniac kasi ang Mommy ko. Yeah sounds pathetic right? But that was the freaking truth. Well, what can you say? I have a Mom which was far from being normal.

"A-Ahm.. I.. I h-have something to do!," kanda-utal-utal na sabi ni Yan at kagaya ni Ajay nagmamadali ding lumabas ng kwarto leaving Rain cowering behind.

"Ikaw Rain,come here," sabi ni Mommy na may kakaibang ngiti sa labi.

"I-I.. I-I'm .. I-I will. Uh... I'mgoingtotheoperatingroom!," halos hindi humihingang palusot ni Rain bago kumaripas ng takbo habang tumatawag ng nurse at sumisigaw ng 'I need a heart transplant '.

Napabuntong hininga si Mommy bago humarap sakin ng nakasimangot.

"What's wrong with them?," tanong nya habang umiiling.

Napabuntong hininga nalang ako bago humiga ulit. Napapagod ako sa mga nangyayari habang tumatagal..

Baka ito pa yung maging dahilan para hindi ako makalabas ng mabilis dito sa hospital nato.

~~~~~

Her POV

"Alleya! Ano ba sa tingin mo yang ginagawa mo sa sarili mo??," I heard Rica's annoying voice, pero hindi ko sya pinansin.

Nagtalukbong pa ako lalo ng kumot at nagtaklob ng unan sa mukha. I just want to be alone. Why can't they understand that?

"Alleya!! Ano ba?! Bumangon ka nga dyan, ilang linggo ka nang ganyan," sabi ni Rica habang pilit na hinihila yung kumot na nakabalot sa buo kong katawan.

"Ano ba?? Leave me alone Rics, I don't feel like moving," sagot ko habang pigil-pigil si Rica sa ginagawa niyang pagtanggal ng kumot sakin.

"Naririnig mo ba yang sarili mo Alleya? It's been a month! It's been freaking two months and yet you are still like this," galit na sigaw nya sakin.

"Get a grip on yourself! Bumangon ka na dyan," dahil sa pagpipilit niyang tanggalin yung kumot ko, natanggal tuloy yung nakatabing sa mukha ko kaya kitang kita ko na ngayon ang galit na galit niyang mukha.

"Ayoko! Hindi mo ba nakikita? Gabi pa oh, madilim pa," sabi ko sa kanya habang iwinawasiwas sa paligid ang dalawa kong kamay.

"Yeah right! It's already 10:30 in the morning Alleya, at kung wala tayo sa sitwasyong ganito, baka pinarangalan na kita dahil sa galing mong mag dikit ng mga garbage bags sa kwarto mo, no wonder na akala mo gabi pa," paliwanag nya sabay hatak sakin patayo.

"No Rics!! Ayokong bumangon! Ayoko! Ayoko!," sabi ko habang nagpupumiglas sa malakadena niyang hawak.

"C'mon Alleya, you need to accept everything! At kung inaakala mong natapos na lahat, well hindi, nagkakamali ka, lalaki lang yan, madami ka pang makikita at mahahanap na mas deserving, kaya please, help yourself, move on and live your life before it's too late,"

"Live my life?? Don't you think it's not already too late?? My life was gone when he left. So how can I live a life when I don't have it anymore? He was my life Rica! And I can't accept that after all those years that we've been together, he will just leave me like that!,"

Hindi ko maiwasang maiyak dahil sa sinabi niya. Oo lalaki lang 'siya' pero 'siya' lang yung lalaking gusto at pinangarap kong makasama habang buhay.

Unti-unti,lahat ng sakit na gusto kong kalimutan, bumabalik na naman. Hindi ko na kaya. Gusto ko nalang mawala lahat ng nararamdaman ko.

I remember all the hurtful memories like it had just happened yesterday.

~

Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa isang Restobar na itinuro ng isang kakilala ko na kinaroroonan ni Alex.

Labas palang ng naturang Restobar ay kakikitaan na nang karangyaan kaya masasabi kong hindi lang ito basta isang Restobar. Mukhang pang mayaman at hindi nga ako nagkamali dahil pagpasok ko palang, halos lahat ng nasa loob ay mayayaman. Yung iba mukhang mga anak pa ng mayor.

Agad bumungad sakin ang nakakabinging tugtugin na sinasabayan ng halos lahat at karamihan sa kanila ay pawang mga kabataan.

'Ano ba yan! Naalog yata pati katawang langit ko!'

Asan na ba kasi yung lalaki na 'yon? Somebody texted me na nandirito sya sa Blood Brothers Restobar. Ang gara ng name.

Ano kaya ang specialty nila dito, dinuguan?

Halos magkandakalas kalas yung buto ko dahil sa bunggo dito bunggo don ang nangyayari. Bakit ba kasi andito si Alex? Wala naman syang sinabi na pupunta siya dito.

Nakakairita na din dahil halos lahat ng nadaraanan ko ay mga lasing na and believe me, hindi sila kaaya ayang amuyin.

I tried to contact Alex but he was out of coverage area so I assume na baka patay ang cellphone nya. Datirati naman hindi nya hinahayaang mamatay o malowbat ang cellphone nya?

Iniikot ko ang paningin ko sa pag asang makita si Alex sa isang sulok at hindi nga ako nabigo.

I saw him and his best friend Tina. Sucking each other faces.

The first thing I felt was the searing pain inside my chest.

Tumigil ang pag ikot ng mundo ko. Dapat pag ganito diba dapat masaya ang kasunod? Gusto ko yung ganitong slow motion ay para lang sa mga happy moments ng buhay ko.

Pero bakit iba? Bakit ang sakit??

Nang makalma ko na ang sarili ko at maiprocess ng mabuti lahat ng nangyayari ay agad agad akong nagtungo sa kinalalagyan nila para sila gawaran ng isang mag asawang sampal kaya lang, hindi nagpapigil ang kamay ko at ibinigay ko din sa kanila pati anak at kaapuapuhan at isang angkan na sampal na kaya kong ibigay.

"What the!!," galit na sambit ni Alex ng makabawi mula sa pagkakabiling ng mukha niya dahil sa sampal ko.

"Ang kapal naman ng mukha mong hayop ka! Kaya pala hindi mo sinasagot lahat ng mga tawag ko may iba ka palang pinagkakaabalahan!," sigaw ko sabay sampal ulit sa kanya.

"Hey!Stop it you freak!," sabat naman ni Tinang bisugo kaya siya naman ang hinarap ko.

"At ikaw naman makating ahas na may lahi ng bisugo, gusto mo bang paduguin ko yang nguso mong malaki? Malandi ka! Haliparot!," sambit ko bago ko siya tuluyang tanggalan ng buhok.

"Tama na yan!!," awat ni Alex sa ginagawa kong pananabunot sa makati niyang kerida.

"Kailan pa ito ha?! Kailan nyo pa ako niloloko??," nanggagakaliting tanong ko sa kanilang dalawa.

"Matagal na Alleya! Simula palang noong una! Kaya please, wag ka nang mag-iskandalo dito!," sagot ni Alex na lalong nagpaguho ng mundo ko.

"Ganon na katagal? Mga hayop kayo!!," sigaw ko sa kanila saka ko sila pinagsasapak. Suntok kung suntok. May kasama pa ngang sipa at tadyak. Wala akong pakialam kung masaktan ko sila ng grabe dahil kumpara sa nararamdaman kong sakit, kulang pa yung nararamdaman nila ngayon.

"Alleya??," nabalik lang ako sa kasalukuyan ng yugyugin ako ni Rica. Eto na naman. Nag-space out na naman ako.

Dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko na malaya na palang dumadaloy sa aking mga pisngi.

'God! Why it hurts so bad?'

'I love him,but my love will never be enough to catch his heart which belongs with someone, someone he loves... How can I accept the fact that I will never replace her in his heart, it's hurt so much,'

"Alam ko naman na hindi nya ako mahal, pero I tried. Akala ko kasi kapag ibinigay ko lahat, kapag ibinuhos ko lahat ng pagmamahal ko he will love me back, but I was wrong," sabi ko more to myself but still, Rica heard it clearly. Niyakap niya ako at inalo dahil hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako. Bakit hanggang ngayon may luha parin ako?? I cried my eyes out this past few days.

"You know,ganyan talaga ang pag-ibig, una kailangan mong masaktan para mag grow ka pa at matuto kung saan at ano ang pagkakamali mo," she said softly.

"Mali bang magmahal ng totoo? Mali bang umasa na mamahalin din nya ako? Tell me Rica, mali ba yun?," tanong ko sa pagitan ng paghikbi.

"No, hindi mali iyon, ang mali mo lang ay nahulog ka sa maling tao, hindi ba una palang sinabi ko na sayo na hindi siya makakabuti para sayo pero ipinilit mo parin yang nararamdaman mo, well hindi kita masisisi, ganyan talaga ang love, ginagawa tayong tanga," mahinahong sabi niya habang yakap parin ako.

Nakaramdam ako ng guilt. Alam ko kasing tama siya pero nagpumilit parin ako at hindi siya pinakinggan. I will make it up to her. Babawi ako sa kanya at pati sa sarili ko.

"I'm so sorry Rics, promise aayusin ko na ang sarili ko, hindi na ako magmumukmok dito, pipilitin kong kalimutan lahat," pilit kong tinutuyo ang mga luha kong masaganang dumadaloy.

"That's the Alleya I knew, c'mon girl! Just so you know, I will always be here for you every step of the way!," halata sa kanya ang saya dahil sa mga sinabi ko at tutuparin ko yon. Babangon ako muli at magsisimula ng panibago.

"Salamat Rica ha, hindi mo ako iniwan kahit na ipinagtatabuyan kita," sincere na pasasalamat ko sa nag iisa kong best friend.

"Sus, wala iyon, best friend for life diba?," sabi nya sabay taas ng kamay to do our weird handshake we discover back then. Natawa ako and for the first time in two months, ngayon lang ulit ako natawa ng ganito.

"Ahm Alleya, when did the last time you took a shower?," tanong niya maya-maya kaya nagmamadali akong kumalas sa pagkakayakap niya at dali daling nagtungo sa banyo. Narinig ko pa ang paghagalpak niya ng tawa mula sa labas.

Hay! Walang duda, best friend ko nga siya!..

******