Chereads / Millionaire Marriage / Chapter 22 - Chapter 23 the truth

Chapter 22 - Chapter 23 the truth

"Damn it! Stop laughing" He irritatedly said.

napatigil ako sa kakatawa at tumingin sa kanya. Nandito ako sa sala habang siya ay nasa harapan ko at hawak niya ang asawa niya-este laptop.

nagsasagot yata siya ng inquiries or may hearing na naman yata siya hindi ko alam bahala siya sa buhay niya. Naiinis pa rin ako sa kanyan. Hanggang ngayon hindi pa rin kame nag-uusap ay kailan pa ba kame nag-usap? Simula kahapon mainit na ang ulo niya at palagi siyang badtrip. Pinagsusungitan niya rin ako

"Minsan na nga lang ako maging masaya pipigilan mo pa " inirapan ko siya at tumingin sa cellphone ko sabay humagikgik

nakakunot na ang noo niya at masama na ang tingin sa'ken, kanina pa siyang umaga ganyan ah. Hapon na ngayon, umalis na siya kanina at ngayon bumalik na naman.

"What are you looking at your phone?" seryosong tanong niya

"Wala noh!" itinago ko ang cell phone ko at hindi mapigilan na humagikgik

kaya lang naman ako tumatawa kasi ang daming views sa tiktok nung video niya nung pinapatahan niya yung baby.

ang gwapo pa naman niya 'dun

Muli akong tumingin sa cell phone ko "Ang gwapo naman" napapadyak ako sa kilig. Naka side view siya sa video na ito at seryoso na patahanin ang bata sa pag-iyak. 'yung pointed nose niya, tapos ang tangkad, napaka professional niya tignan sa tindig at suot niya. Pure Filipino pero parang may lahi, ang gwapo gwapo talaga.

"What the hell woman! I'm going to break your phone if you didn't stop laughing" mabilis na pinigilan ko ang tawa ko

"Napapano ka ba huh?! tumatawa lang ako dito." Inirapan ko siya "Kung naiirita ka umalis ka sa harapan ko! 'Dun ka sa kwarto mo o kaya bumalik ka sa opisina mo!" nakaka imbiyerna siya

"I'm comfortable here and whatever" hanudaw ?! minsan itong lalaking ito hindi ko na maintindihan.

"lawyer ka ba talaga?! hindi kasi makatarungan mga sinasabi mo"

"what does it have to do with my profession?" Ang sungit niya para siyang nag memens, dinaig niya pa ako

"Make me cup of coffee" utos niya sa'ken habang naka tingin na sa laptop niya

"If you look again in your laptop while talking to me I'm gonna break that damn laptop" ginaya ko yung boses niya kanina. Hindi ko alam kung tama ba ang grammar ko. Basta gano'n 'yon.

" Don't try my patience woman" iritang sabi niya

hmmp! palagi naman naiirita

"what are you looking at?! make a cup of coffee now!" napapitlag naman ako sa sigaw niya

ayan isa pa 'yan, kanina pa niya ako inuutusan

"Ano ba ang problema mo huh?! bakit ang init ng ulo mo? my mens ka ba huh?! at saka hindi ka naman ganyan kadaldal dati! ano, baka may kakambal ka na naman na isa at siya ang kasama ko ngayon at hindi ikaw" mahabang sabi ko

"ang daldal mo" mabilis akong tumabi sa kanya at sinalat ang noo niya "Wala ka naman lagnat" bigla siyang nag tagalog

"what?!" makasigaw akala mo nasa labas ako. Hinampas ko siya "Bakit ba ang init ng ulo mo huh?" Nabingin kaya ako sa sigaw niya.

"Where' my coffee?"

"kanina ka pa utos ng utos hindi mo ako katulong" Reklamo ko. Bahala nga siya sa buhay niya. Iniinis niya ako.

Ang attitude ng Attorney na ito. Kairita.

"You're my wife so it's your duty to serve me, woman!"

"Hep hep! bakit ba woman ka ng woman! hindi woman ang name ko!. Call me..." nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya "call me baby" pero wala man lang siyang reaksyon.

Ginawan ko ng kape baka maging dragon na siya kapag hindi naka inom ng coffee.

pagkalapag ko sa tasa ng kape ay biglang may nag doorbell kaya binuksan ko iyon.

"Pizza delivery Ma'am"

"Hubby nag order ka ng pizza?" tanong ko sa kanya

"yeah, get the card to my wallet" sabi niya habang hindi makatingin sa'ken.

Sinunod ko siya at binayaran

para kanina kaya itong mga pizza na ito? andami naman tapos malaking size pa yung inorder. Inilapag ko sa mesa at tinignan, wow branded talaga yung inorder.

"Why are you looking ?" nakatingin na pala siya sa'ken "that's your"

"talaga? weh di nga?" masayang tanong ko.

"tsk" suplado naman

mabilis ko ng binuksan at kumuha ng dalawa.

"Wow ang sarap nito hubby" sabi ko pagka kagat pa lang.

nakadalawang pizza slice na ako ng hindi pa rin siya kumakain kaya tumabi ako sa kanya at itinutok sa kanya ang isang slice ng pizza na may kagat ko

"Say ahh" sabi ko

"I don't like pizza" sabi niya. Eh, Bakit nag order ng pizza, kung ayaw naman pala.

"dali na kasi"

he open his mouth and he bit. Habang may ginagawa siya ay sinusubuan ko at ako na rin ang taga abot ng kape niya kapag iinom siya.

halos ako ang nakaubos ng pizza.

vinidoe ko siya habang seryoso sa ginagawa niya at inupload sa tiktok.

napatigil ako sa ginagawa ko ng biglang may tumawag sa kanya

"what?!" iritang tanong niya

...

"Why bothering me?ask him" I heard irritation on his voice.

...

" I don't know! ask him!" may pagtitimpi sa boses niya

sino naman ang kausap nito at ano ang pinag-uusapan nila dahil badtrip na naman siya

...

"He deserve it!" inis na sagot niya

...

"Mom, please stop nagging! you don't know any single thing. So please, please Mom, shut up" he ended the call at basta na lang inihagis ang cell phone sa tabi.

Mukhang mas nawala siya sa mood.

he breath a deep sight

"nanay mo ba ang kausap mo?" usisa ko

"no need to repeat to what I've been said" pigilan niyo ako dahil pepektusin ko na talaga itong lalaking ito. Namumuro na siya sa'ken. Ang pilosopo akala mo naman kinagwapo.

"Parang hindi nanay. Bakit ganu'n mo naman siya kinausap? ano ba pinag-usapan niyo?"

at ayon na nga wala na akong nakuhang sagot.