Shaina Pauleen POV
Pagkamulat ng aking mga mata, bumungad sa akin ang kulay puti na paligid kaya inikot ko pa ang aking mata nang may narinig akong nagsalita na isang batang babae.
"Kuya gising na si ate beauty." sigaw nito sa binata na nakakapasok pa lang ng kwarto ko.
Dali-dali itong lumabas ang tinawag ang doctor.
Maya-maya pa dumating na rin ang doctor kasama ang lalaking tinatawag na kuya nitong bata.
"Who are you?" agad kong tanong sa kanila. "Why I am here? What happened to me? Who brought me here?" sunud-sunod kong tanong at agad namang sumagot ang lalaki habang chinicheck naman ako ng doctor.
"Ako nagdala sayo dito nang maaksidente ka." napakunot ako sa sinabi niya.
Ako naaksidente paano?
"Hindi ako naaksidente." pagdedeny ko sa kanila at napatitig naman ako sa bata.
"Sino kayo? Bakit kayo nandito?" walang sumagot sa akin.
Pagkalipas ng ilang minuto sumagot ang lalaki.
"Hindi mo naalala?" medyo naiiritang saad nito sa akin.
"Hindi ko alam saka hindi ko rin kayo kilala kaya nagtatanong ako kung bakit kayo ang kasama ko?" hindi mapalagay kong paliwanag sa kanila at tumingin ako sa doctor.
"Ano ang pangalan mo iha?"
Pangalan? Teka? Bakit hindi ko naalala ang pangalan ko?
Napayuko na lang ako at sinabi, " I don't know what my name is."
Napasmirk na lang ang lalaki dahil sa hindi ko alam ang pangalan ko.
"She has a selective amnesia."
Bakit naman ako magkakaroon niyan? Ano ba kasi nangyari?
"Because of severe accident happened to her that's why may mga part ng memories niya na hindi maalala?"
Ano ba kamo? Bakit napaka-slow ata ngayon. Epekto pa ba ito ng pagkakaroon ko ng amnesia?
"Kaya pala." sarkastikong saad ng lalaki.
Bakit parang inis na inis itong guy na'to sa akin? Anong kasalanan ko sa kanya?
"Sige maiiwan ko muna kayo dito dahil may pasyente pa akong kakausapin ngayon." wika ng doctor saka na siya umalis ng kwarto namin.
"Sayang naman ate beauty hindi mo alam ang pangalan mo." nagtatampong saad ng bata.
Ang cute niya lang hehe at naalala ko ang childhood sa kanya kaya hindi naiwasan napangiti ulit.
"Saan ka na titira niyan?" sabat ng lalaki.
Suplado nito kahit kailan. Hindi ko naman siya inaano kung makapagsalita.
"Hindi ko alam." sabay kibit-balikat.
I don't my name that's why I don't know where my house too. I don't know when is my birthday, my parents?
Kaya bumalik na lang ulit ako sa pagkakahiga sa kama.
"Ivy na lang ipapangalan namin sayo." siguradong sagot ng lalaki.
Ok naman yung name at bagay pa rin sa itsura kong ito.
"Ako naman si Blaze Genesis de Leon at itong kapatid kong bunso naman siya si Bless Writes de Leon." pagkatapos niya magpakilala muli niyang sinambit ang bagong pangalan ko.
"Ivy de Leon na ang magiging pangalan mo."
Napakunot naman ng noo sa narinig kong de Leon na magiging last name ko? Ano 'yan? Para naman kami mag-asawa niyan eh.
"Bakit de Leon ang apelyido ko?" agad ko nang pagrereklamo na ikinakunot naman ng noo na may pangalang Blaze Genesis.
"Ayaw mo po ba ate beauty para na kayo mag-asawa ni kuya?"
Napangiwi na lang din ako pagkatapos dahilan na hindi ako sang-ayon na ganoon ang magiging surname ko.
"Ano gusto mo ibigay namin apelyido sayo ah." naiinis nang tanong nito sa akin.
Napahawak na lang ako sa sentido ko upang makapag-isip ng magiging bagong last name ko.
Haixt! Wala pa ring pumapasok sa isip ko.
"Alam ko na, Villamorez, na lang siguro." agad niyang sagot.
Tama na siguro 'yan tutal nakakapagod mag-isip at mas lalo sumasakit ang ulo ko ugh.
"Ivy Villamorez. Ok na ba 'yan?" paninigurado niyang tanong sa akin.
Tumango na lang ako bilang sagot.
"Buti naman sumang-ayon ka na." aniya. "Oh nga pala aasikasuhin ko na itong papeles ng bago mong pangalan." saad niya at bumaling sa kapatid na babae. "Bless, ikaw muna bahala sa kanya. Babalik agad ako kapag natapos ko ng ipaggawa ang dokumento niya." bilin nito bata at hinimasan ang bangs nito na ikinainis naman ng batang babae.
Ang cute niya talaga. Sarap pisilin ang pisngi.
"Bye kuya Gene." saka na ito nag-wave sa nakakatandang kapatid bago tuluyang lumabas ng kwarto.
LIMANG ARAW akong namalagi sa hospital at hindi ko namalayan sa mabilis na pagtakbo ng oras. Nalilibang rin kasi ako kausap itong bata. Nakakatuwa kasi siya.
"Masungit ba talaga yung kuya mo na 'yon?" tanong ko sa kanya kaya napatakip ito sa bibig dahil nagpipigil ng tawa.
"Hindi naman po ate beauty. Mabait at matulungin 'yon si Kuya. Baka siguro sa hindi niya kilala ganoon ang trato niya."
Napa-ahhh na lang ako bilang sagot.
"Hindi pa po kasi nagkaka-girlfriend si Kuya Blaze kaya ganoon din siya." napatakip ito ulit ng bibig at napailing.
Magtatanong pa sana ako nang biglang pumasok na itong si Blaze sa kwarto ko.
"Ikaw bunso baka anu-ano nanaman kinukwento sa babaeng ito. Don't talk strangers di ba?" seryosong sambit nito kaya napatahimik na lang ang bata.
"Wah? Strangers pa ba ako sa harapan niyo eh samantalang kinakausap niyo na ako." pangangatwiran ko naman sa kanya.
"Pero hindi ka pa namin lubos na kilala kaya mahirap na magtiwala. Baka kasabwat ka pa ng mga kriminal." pag-aangal niya pa kaya napasimangot ako sa mga sinabi niya.
Sa mukha kong ito, kasabwat ng isang kriminal? Aba-aba, below the belt na iyang mga biro niya ah...
"Hindi ako kamag-anak o kasabwat na mga KRIMINAL" pagdidiin ko pa sa salitang "criminal" kasabay na seryosong reaksyon.
Actually sobra akong na-offend sa sinabi niya. It hurts me you know.
"Paano ka makakasigurado?"
Hindi ko na siya inimikan dahil sobrang talaga akong nasaktan sa mga sinabi niya. Ikaw ba naman sabihan ng ganoon? Masasaktan at mapipikon ka rin.
"Maya-maya nga pala makakalabas ka na ng hospital." dagdag pa niya pero hindi na ako bumalak pang tumingin sa kanya.
Sumusobra na ang biro niya. Hindi pa nga niya ganoon kakilala hinuhusgaan na agad ako?
Grabe lang.
Pagsapit ng ala-una tuluyan na akong na-discharge sa hospital at unti na ring nilisan ang lugar hanggang sa makarating na kami sa kanilang munting tahanan.