Pagkarating namin sa munting tahanan nila Bless agad naman akong sinalubong ng iba pa nitong kapatid at ng kanyang ina.
Masaya itong nakatitig sa akin kaya parang gumaan ang loob ko nang makakita akong ganito.
"Hello ate beauty. Ikaw po pala tinutukoy sa amin ni Kuya Gene. Ang ganda niyo talaga." manghang-mangha na sabi nang kapatid na lalaki na mas matanda kay Bless. Agad siyang binatukan ng kuya nila kaya napadaing siya sa pagkakahampas nito. "Sakit niyon ah." sabay ngiwi.
"Hindi ko inaasahan na magdadala ng isang anghel si Gene dito sa aming bahay." ina ni Blaze na nangugusap ang mga mata habang tinititigan ako.
Hindi ko alam pero sobra akong natutuwa sa kanila kaya hindi na naiwasan mapangiti.
"Mas gaganda ka ate beauty kung lagi ka lang naka-smile." lingon ko naman sa isa pa nitong kapatid na babae sumunod kay Blaze.
"Oh nga pala." pagsasabat ni Blaze sa usapan. "Heto nga pala si Brace Snow." yung babaing sumunod sa kanya. "Heto naman si Breeze Jasper at syempre pinakabunso namin alam mo na siguro pangalan niya pero sasabihin ko ulit, siya si Bless Writes."
Napakaganda naman ng pangalan nila ahhh, napaka-unique.
"Tawagin niyo na lang po akong BJ, ate beauty para hindi ka na mahirapan." sabay kindat sa akin.
Mukhang pilyo isang 'toh hehe.
"Tandaan mo BJ mas gwapo pa rin ako sayo." pagsingit naman ni Blaze kaya napalabi nanaman si Breeze.
"Tawagin niyo na lang po na Brace para maikli man lang din, ate beauty." nakangiting saad nito.
"Kahit alin sa dalawa ko pong pangalan, ate beauty ang pwede mong itawag sa akin."
Cute na cute naman ako sa batang ito hehe.
"At syempre ito ang ina namin si Wenilda, ang pinakamabait, maalaga at pinakamasarap magluto na nanay sa buong mundo." pagpapakilala ni Blaze sa kanyang ina.
"Ikaw ate beauty, ano naman po pangalan niyo?" agad na tanong ni Brace kaya napailing na lang ang ina at si Blaze.
"Hindi niya alam ang kanyang pangalan." paliwanag niya sa mga kapatid maliban kay Bless na alam na.
Puno ng kuryosidad ang dalawa kaya pinaliwanag na sa kanila ni Blaze ang totoo.
"Mayroon siyang selective amnesia." diretsahang sagot nito sa kanila.
"Bakit po kuya Gene?" tanong ni Breeze.
"Naaksidente siya sa isang highway at ako ang nakasagip sa kanya roon." uli niyang sagot.
"Pero may bago na ba siyang pangalan kuya Gene?" si Brace naman ang nagtanong.
"Oo siya si Ivy Villamorez na ngayon." seryosong pahayag ni Blaze sa mga kapatid nito.
"Bakit iba ang apelyido niya? Bakit hindi na lang apelyido natin, kuya?" muli na namang tanong ni Breeze.
"Eh iyan sana gagamitin ni kuya Gene kaso ayaw ni ate beauty." si Bless na ang sumagot.
Puno nanaman ang pagtataka sina Brace at BJ sa sinabi ni Bless.
"Bakit naman? Atleast para na rin natin siya kapatid kapag apelyido natin mismo ang ginamit." nag-uusisang saad ni BJ.
Sasagot na sana si Blaze nang sumabat si Bless.
"Ayaw niya kasi para raw sila mag-asawa ni Kuya Gene kapag ginamit niya apelyido natin."
Napa-ohhh ang dalawa pati si Nanay Wenilda sa sinabi nito. Kaya ako naman ay napayuko sa sinambit iyon ni Bless.
"Maganda nga 'yon eh para magka-girlfriend na itong kuya namin." nakakalokong sambit ni BJ ngunit agad nanaman siyang binatukan ni Blaze. "Aray ko naman kuya. Totoo naman kaya iyon. Hanggang ngayon single ka pa rin." sabay ngisi na rin sa mga labi.
Babatukan nanaman siya ulit ni Blaze pero agad na itong umiwas.
"NGSB pa rin si kuya Gene." natatawang sabi naman ni Brace.
"Huwag mo nang intindihin ang mga sinasabi nila." depensa nito sa sarili. "Mabuti pa ihatid na kita sa kwarto para makapagpahinga ka na."
"Sana nga iha, ikaw na lang maging girlfriend nitong si Gene para mabawasan ang kasungitan." sabi ng kanila kaya napalingon rito si Blaze.
"Ma naman eh." pagmamaktol pa niya.
"Kunwari pa itong si kuya ohhh." wika ni Breeze na may kasamang pang-iinis kay Blaze.
"Magpahinga ka na at huwag mo na silang pansinin." sabi nito sa akin saka ako iniwan sa kwarto.
Umupo na muna ako sa kama ng ilang sandali pagkatapos humiga na rin.
Nakakapagtaka lang na sa ganitong edad, hindi pa nagkakajowa iyong si Blaze. Bakit wala ba siyang nagugustuhan o natitipuhan man lang?Ano ba gusto niya babae o lalaki?Napatakip na lang ako sa aking bibig sa iniisip ko.
Sa aking pag-iisip, agad na akong nakaramdam ng antok at tuluyan ng natulog.
Pagkalipas ng oras, muli kong minulat ang mata at napansin ang pagbubukas ng pinto ng kanyang kwarto kaya napaupo na lang siya sa kama.
Bumungad sa kanya ang tatlong kapatid ni Blaze na sila Brace, Bj at Bless na papalapit sa kanyang hinihigaan.
"Kamusta po ang tulog niyo ate beauty?" bungad sa akin ni Brace.
"Ok naman." maikli kong sagot.
"Wala po talaga kayong naalala kahit kaunti?" tanong ni BJ at napailing naman ito sa dalawa.
"Wala." malumanay kong tugon.
"Ganoon po ba? Sayang naman." wika ni Grace saka tumabi na sa akin at sumunod na rin sina BJ at Bless.
"Hindi ko nga alam kung bakit ako nagka-amnesia? At kung bakit ako naaksidente." dagdag ko pa kaya napansin ko rin ang pagkalungkot ng kanilang mga mukha. "Don't be sad. Ok naman si ate beauty eh." sabay himas sa buhok nina Brace at Bj at pisil naman sa pisngi ang ginawa ko kay Bless. Ang tambok kasi ng pisngi at namumula-mula pa.
"Sana nga po bumalik na lahat ng alaala niyo ate beauty." saka ko pilit na nginitian.
Ewan ko ba kung bakit napapangiti ako pagdating sa kanila. Kapag nakikita ko sila, lumiliwanag ako na parang mas nsgbibigay sa akin ng pag-asa na ipagpatuloy lang ang buhay.
"Kahit po ba favorite color niyo ate beauty hindi niyo rin naalala?" natawa naman ang dalawa sa tanong iyon ni Bless.
Pwede! Kahit nga paborito kong kulay hindi ko na naalala. Ewan ko nasobrahan ata itong pagkakaroon ko ng amnesia. Pati ba naman kasi ganoong bagay nakalimutan ko. Pati siguro buo kong pagkatao nakalimutan ko rin.
"Brace, BJ at Bless halika na kakain na tayo." dinig kong saad ni nanay Wenilda kaya hinila na rin ako ng mga bata palabas ng aking kwarto para kumain na ng gabihan.