Chereads / My Dear Werewolf / Chapter 2 - PROLOGUE

Chapter 2 - PROLOGUE

Scotland, kung saan sa abandonadong bahay pinanganak si Fritz Anderson. Sa dating police station, pag labas niya ay warewolf siya na hugis tao at iyon ang kuwento ni Ate Deny Anderson sa kaniya. Tuwang tuwa ang Ina at ang Ama. Si Ate Deny ang panganay at si Kuya Scott Anderson naman ang pangalawa. Hindi nila alam na magiging magiting na warrior si Fritz.

Habang lumalaki siya ay lumalakas naman ang katawan niya. Tuwing training nila Ama sa gubat ay laging talo si Kuya Scott at panalo si Fritz, at sa hapag kainan naman ay sinasanay sila ng Ina na kumain ng gulay, nakakapagpalakas raw iyon ng katawan. At sabay naman sila kumakain ng hilaw nabbagay gaya ng Baka, Kambing, baboy at manok ngunit napapansin lagi ng Ama na kada umuuwi si Ate Deny ay may baon lagi itong buhay na bata or fetus at kinakain ng magkapatid.

Nakilala ni Fritz si Andy Domenic noong bata pa lang sila. Dahil na din mahilig si Andy sa adventures, pinasok niya ang bahay nila na akala niya ay walang tao. Naging magkalaro sila at nasaksihan niya ang bawat galaw niya bilang warewolf.

"FRITZ TURUAN MO NGA 'KO KUNG PAANO MAGING MALAKAS" sigaw niya habang kaharap ang tatay niyang bulag sa katotohanan.

Pinatahimik niya agad si Andy dahil siya lang ang nakakaalam na half warewolf siya. Walang nakakaalam na may werewolf sa lugar nila hanggang sa pinaglayo sila ni Andy.

Nang mawala ang Ama ay madalas mag-anyong warewolf si Fritz at sa kulungan siya pinapatulog ng malupit niyang ina. Naghiwalay na pala ang Ama at ang Ina kaya labis ang lungkot niya at sa kan'ya binubunton ang galit niya dahil wala na din sa puder niya si Ate at Kuya.

Ngunit nagbago ang lahat nang magbuo ng kampon si Ate at Kuya na paano kumain ng tao, ng buhay na bagay nang hindi alam ng Ina. Duon na nagkaroon ng idea ang mga tao na may werewolf pala sa lugar ng Scottland.

Si Fritz na lang at ang Ina ang magkasama sa abandonadong bahay. At dahil sa labis na lungkot niya at sinubukan na niyang kumain din ng tao pero hindi kaya ng bituka niya kaya lagi din niya sinusukuan agad. Isang beses nang dahil sa galit niya ay kumain siya ng tao at tinititigan ko lang siya.

"Wag m-mong gagayahin ang iyong Ina.." malalim ang boses niya at hinalikan siya sa nuo. "Maging mabuti kang werewolf Fritz" aniya at umiyak lang siya.

Simula nun ay hindi na siya kumain ng tao ulit. At puro gulay na lang ang kinakain niya. Unting-unting nanghihina ang Ina hanggang sa isang araw na pumasok sa bahay si Ate na dala ang ulo ng isang batang pinatay nila sa labas, ang ina ay nakatali ng kadena dahil nalaman ni Kuya na nababaliw na ang kanilang Ina at ang batang Fritz ay walang ka muwang muwang.

"Ina, ito ang kainin mo" wika ng Ate at initsa lang niya ang ulo ng bata

"HINDI KO KAILANGAN 'YAN, GULAY ANG KAILANGAN KO, GULAY!" at sinampal naman ni Ate ang Ina

Biglang nagwala si Fritz at pilit niyang kinakawala ang sarili niya sa kulungan nang makita ng Ate si Fritz.

"MANAHIMIK KA JAN FRITZ. ANO NATUTULAD KANA DIN KAY INA NA KUMAKAIN NG GULAY?!" nang gagalaiti si Fritz sa galit at sinira niya ng tuluyan ang kulungan at sinugod niya ang Ate.

"IKAW ATE SUMOSOBRA KANA, ANO? NANGDADAMAY KA NG TAO ATE?" hindi makapalag ang Ate sa sobrang lakas niya nang bigla siya tinulak ng Kuya palayo at nag anyong warewolf sila.

Anim na taong gulang pa lang siya nang masaksihan niya kung paano kainin ng malulupit niyang kapatid ang kanilang Ina. Wala siyang malay at iyak lang siya ng iyak hanggang sa umalis siya sa harapan nila at tumalon ng mataas. Umalulong siya ng malakas nang walang sumasagot sa kaniya.

Pagbalik niya ay may mga pulis na nasa loob ng bahay at may bangkay na nakahiga sa sahig at labas na ang lamang loob. Nilapitan niya iyon at iyak lang siya ng iyak, si Andy lang nakatingin sa kaniya habang yakap niya ang Ina.

"Ina! HINDI!" hagulhol lang niya sa Ina habang yakap niya ang Ina.

Tumayo siya at tumakbo, nag anyong warewolf na din siya papunta sa gubat at sa bundok na kung saan sumigaw siya at naghahanap ng alulong.

"AWOOOOO...." tawag ng isang warewolf na kailangan ng tulong pero lumipad lang ang mga ibon at may mga hayop na lumayo sa kaniya.

Iyak lang ng iyak at sinabi niya sa sarili niya makakaganti din siya.

"Maghihiganti ako, magiging savior ako ng Scottland. Magiging magiting na warrior ako at para sa iyo 'to Ina!"

PS: WRITTEN IN TAGALOG