14 years later
Magkasama si Andy at si Fritz sa tambayan nila sa rooftop ng abandonadong bahay niya. Hanggang ngayon ay hindi maiwan ni Fritz ang bahay na iyon kung saan siya pinanganak at lumaki. Hilig ng dalawa ang tumulong sa mga tao at sa mga nangangailangan. Pag sumasapit ang alas dose ay nag aanyong werewolf si Fritz at nangtutugis ng mga magnanakaw sa kanilang lugar. Kinakagat lang niya ang paa ng kalaban at pag may saksak ang tao ay binubuhay niya ulit at pag dumadating ang mga pulis ay nagpapasalamat pa sila.
"Salamat kay freywolf at hindi na natin kailangan ng silya elektrika at parusa sa kulungan! wheelchair nalang" wika nung isang pulis pag dumadalaw sila sa station dahil ang tatay ni Andy ay nakulong dahil sa droga.
Freywolf for short, Fritz the warewolf. Kilala nila iyon dahil ang mga tao ay bulag sa katotohanang walang mabuting werewolf. Ang mga pulis lang ang naniniwala sa kakayanan ni Fritz the werewolf. Ang laki ng bahay nila, isang building iyon pero isang kuwarto lang ang gumagana.
Sa baba naman mukhang eskinita pero pag pasok, isang munting lumang bahay at pagpasok ay makikita ang malinis na sala, maliit na kwarto at isang kwarto na malinis at maaliwalas. Dahilan ng hindi na natutulog si Fritz at panay ang lingkod niya sa bayan niya.
Nagkataon na ding mag aaral na si Andy at hindi naman makapag aral si Fritz dahil sa pagiging warewolf niya.
"Pre mag aaral na 'ko sa susunod na buwan, ikaw ano balak mo?" Tanong ni andy at kumakain lang siya ng favorite niyang steak sa tent
"Alam mo naman 'di ba? Pag nakakagawa ng masama si Ate at kumakain ng tao kumakain din ako ng buhay na baka, baka mamaya sa school eh mag anyong warewolf ako eh 'di patayin pa 'ko!" sagot lang niya sa kaniya habang kumakain siya ng hilaw na manok.
"Edi paguuwi kita ng mga librong mababasa mo" sagot niya sabay luwa ng isang hita ng buhay na manok nang siyang kinaduwal niya ng onti. Minsan lang makakita si Andy ng ganun dahil ayaw ipakita iyon ni Fritz.
"Saan ba 'yan, malapit lang ba 'yan?" Tanong niya habang kinain ulit ang manok. "Malapit sa kantong Fretas" at sabay tingin niya sa oras na hudyat na para mangtugis ng mga krimen.
Sa ngayon si Andy lamang ang kasama ni Fritz, ang tinuri na niyang kapatid at barkada. Hindi na naging interesado si Fritz sa pag-aaral dahilan ng laging naguuwi ng libro na mababasa ang kaniyang ina para mag aral ng alphabets at numbers. At dahil marunong naman siya ay minabuti pa niyang magligtas ng tao at makakilala pa ng maraming kapwa niyang werewolf. Nag buo na din siya ng kampon niya laban sa dalawang malupit niyang kapatid.
PUMASOK si Fritz sa isang haunted house kung saan nagtitipon ang mga kauri niyang warewolf. Sina Jake, Mike at maraming pang iba na nagtitipon. Nakipagkamay siya sa dalawa.
"Late!" Wika ni Mike na natatawa
"Kaarawan lang maman ito" sagot lang niya at binatukan niya si Mike.
Trenta ang lahat ng miembro sa isang grupo ng Scottland na pinamumunuan ni Ate Wendy, ang nagiisang babae sa legendary kaya tinitingalaan siya ng marami.
Kaarawan ni Erika ngayon at siya ang pinaka magandang warewolf sa lahat ng nakilala niyang warewolf at siya ang tinitipuhan ni Fritz bukod sa maganda, mabait pa.
Mula sa itaas ay nakita ni Fritz ito pababa at nakagown siya.
Si Ate Wendy ang nagmanage sa birthday niya na ang mga handa ay buhay na manok at sa ibang bahagi naman ay buhay na bata. Naglibot ang paningin ng Binata sa mga tao at nagbubuddle fight na ang iba dahil sa gutom at paghihintay. Nag abot si Mike ng maiinom nang nakita ng tatlo na nagkukutilyon na ang dalaga.
"Fritz Fritz.. sayaw mo oh! 'Di ba gustong gusto mo si Erika?" Malakas na wika ni Jake sa Binata.
Binatukan ni Fritz si Jake nang siyang kinapula ng mukha ng binata, hindi maipagkakait sa kaniya ang maputi, maskulado at maamo niyang mukha.
"Aba ayoko! wala akong hilig sa sayaw" sagot lang niya at umupo siya sa couch malapit sa puwesto nila Erika at may lalakeng lumapit sa kaniya at sinayaw siya.
Hindi nila alam na may nag mamay-ari na pala sa dalaga.
"Boyfriend niya pala" sabay tinabihan ni Mike ang dalawa
"HA?!" Sabay pang gulat ni Fritz at Jake.
"Chismoso ako, sabi ni Evelyn nagliligawan yan noong nasa Fretas tayo at si Frank at Gabbie ay nag away pa ngunit si Frank ang sinagot ni Erika" kuwento ni Mike na isang lalaking chismoso sa tatlong magbabarkadang werewolf.
"Aww wala ka nang chance pre" at natawa ang dalawa.
"MAGSITAHIMIK NGA KAYO, CRUSH LANG NAMAN EH WALANG MASAMA DUN!" Pasungit niyang sagot at pinaalis ang dalawa nang siyang solo lang niya sa couch.
Nakatitig lang ang binata sa kanila at tinitignan si Frank at nasa utak na niyang mas guwapo siya kaysa sa binata. Sa kabilang banda naman ay hindi din naman niya close si Erika.
Natapos ang ilang oras na panunuod lang niya sa mga tao ay naglakad lakad na din siya palabas ng bahay nang biglang tumawag ang kaibigan niyang si Andy.
"Pre! may lilipat dito sa'tin!" Bungad niya agad sa tawag. "tulungan natin maghakot ng gamit!" Nagagalak niyang wika at umiling na lang ang binata.
"Ano nanaman trip mo?" Sagot lang niya ng malamig at nakadungaw lang siya sa langit at natatanaw lang niya ang mga bituin na kumikinang.
"Babae yung lilipat" wika nito at naantig ang pandinig ng binata. Nagpalinga linga siya sa bahay na tinutuluyan niya at lumipad sa itaas ng bubong. Tinignan niya muna kung gaano kalayo iyon at lumipad pabalik sa rooftop niya.
"Pre asa'n?" Tanong bigla ng binata at nagulat ang lalaking mahilig sa babae. Nasa loob siya ng tent at ginagawa ang gawain ng mga lalaki.
"Pre naman next time magsenyales ka naman kung darating ka hindi yung mang gugulat ka ayan tuloy, sira yung tent ko" hiya niya sa binata sabay taas niya ng pantalon niya.
"Bili ka nalang. Asa'n nga?" Naglinaw ang mga mata niya nang may tinuro siyang truck at mga gamit. Sa isang magandang bahay ang destinasyon at may nadudungaw siyang nagbababa ng gamit sa bahay na iyon.
Binuhat ng binata si Andy at lumipad sila papunta sa mismong truck at nababa sila sa likod ng truck pero wala pala ang mga may ari ng gamit na iyon.
SA KABILANG banda naman ay may babaeng matining kung nagsasalita ang umalingawngaw sa loob ng kotse ng isang matandang dalaga.
"Tita! Excited na ako! May bago na ako kuwarto!" Aniya sa tita niyang mabait
"Oo nak. Pero maiiwan kita lagi okay lang ba sa 'yo?" Tanong ng tita niyang anak na kung ituri sa kaniya
"Opo! Sanay naman na ako lagi mag-isa" ngiti lang niya at tinignan ang phone niyang marami nang message mula sa ex niyang si Andrew
To: Andrew
Yung pagkakatulad mo sa'kin sa baboy at tanggap ko 'yon pero ang sabihan mo 'kong malandi aba! iba na yata 'yan Drew!
Saad ni Francine kay Drew sa text habang bumibiyahe sila papuntang scotland kung saan sila lilipat. Nakatingin lang siya sa bintana at nagiisip ng gagawin sa bago niyang kuwarto habang nagsusulat sa diary niya nang maisip niya ang katagang "WAREWOLF". Napapansin din niyang panay ang wanted ang nakalagay. Ay habang papasok sila sa isang eskinita ay may isang poste siyang nakita na ang nakalagay ay "Kill freywolf"
"Tita, totoo po ba ang mga warewolf" aniya sa kaniyang tita habang nakatingin lang siya sa daanan.
"Oo nak totoo yun, may balita nga dito sa scotland daw may superhero na warewolf" wika niya nang nahinto siya dahil may mga sasakyan na nakaharang.
"Mukhang hindi naman totoo tita. Pawang kathang isip lang ng mga taga scotland yun" napaisip ang dalaga dahil isa lang iyong pantasya na kung saan mga bata lamang ang nanunuod.
"Hindi nak.." sagot lang niya at napabuntong hininga siya. "ikaw kasi panay twilight ka, may werewolf du'n 'di ba?" Biglang tanong niya at napatango na lang siya. "kagabi nak may pinatay siyang lalake at tinali sa sako" saad niya at umusad ulit ang sinasakyan nila.
Napatingin na lang siya sa bintana at nakinig na lang ng music sa cellphone dahil naisip lang niyang kathang isip lang 'yun.
Nakadungaw lang siya nang may dalawang lalakeng dumaan sa eskinitang pinasukan nila. Nagulat siya dahil papasok sila sa bahay nila. May mga tumutulong ng mga katrabaho ng tita niya at mga kapit bahay. Pag baba niya ay napatitig ang lahat ng laaki sa kaniya.
NAKITA ng binata ang magandang babaeng sinasabi ni Andy habang naglalakad siya papasok sa loob ng bahay, isang kulot na maputi at chinita ba babae ang tumumbad sa kanila.
"Chix ano?!" Nakakagalak na wika ni Andy
Nakatitig lang ang binata dahilan nang nahinto siya at tumingin sa binata, tinulak ni Fritz si Andy para tumulong.
"Teka pre, ano gagawin natin" nagbigay ng nagtatakang mukha si Andy nang binigay ni Fritz ang mga magagaan na gamit.
"O buhatin mo 'to" at binigay niya ang mga gamit na magagaan. Pinabuhat sa kaniya ang mga unan at foam, sa binata naman ang cabinet at kama na dalawa kamay ang gamit niya.
Nagulat ang mga kasamahan ng mga nagbubuhat at pinasok niya 'yon sa loob ng magandang bahay. Si Andy naman ay nahihirapan pero tinulungan din ng binata si Andy. Lumabas ulit ang dalaga nang napaslowmo ang mga sumusunod ganap. Tinititigan lang ng binata si Francine at tinignan din ni dalaga ang binata.
"Pre.." hawi ng kamay niya sa muhka ng binata at sinampal ni Fritz si Andy.
Nakatitig lang siya sa kaniya at napagtanto din niyang hindi werewolf ang dalaga. Kaya maraming pumapasok sa kaniyang isipan. Paano kaya siya matatanggap nito? Ililihim na lang muna niya 'tong pagiging warewolf niya.
"PREE.." sumigaw na si Andy at nakatitig pa din ang binata sa kaniya. "PUTEK NASAMPAL MO NA AKO INIIPIT MO PA AKO GAGO KA" at biglang tinulak ni Andy si Fritz.
"S-sorry pre.." nabalik sa ulirat ang binata sabay buhat na niya ng foam at sa kaniya naman ang mga unan.
Pinuntahan nila ang isang kuwarto kung saan walang laman iyon at du'n nilagay ang mga gamit. Nagharutan lang ang dalawa nang batukan ni Andy si Fritz sabay takbo nila palabas nang nakalabas na sila at saka tinitigan ni Fritz ang buong bahay, modern type siya at 2 story house lang siya. Napatingin ulit siya sa mga tao at saka nagsalita ang dalaga sa mga taong tumulong sa kanila.
"Salamat sa inyo boys" aniya at nagpalakpakan ang mga lalaki. "may reward kayo sa'kin" at biglang naantig ang pandinig ni Andy sabay lingon niya sa dalaga.
TO BE CONTINUE....