Chereads / My Dear Werewolf / Chapter 6 - CHAPTER 4

Chapter 6 - CHAPTER 4

Tumakbo ang binata ng mabilis at direksyon niya ay papunta sa gubat na huling napuntahan niya noong bata pa lamang siya. Nakaluhod lang siya sa isang puntod kung saang nakalibing ang kaniyang ina.

"Hi ina, kamusta?" Bungad niya at pinupunasan lang niya ang luha niyang pumapatak dahil sa naalala niya ang lahat ng nasapit niya. "Ito ako.. naiinlove sa tao kahit bawal" wika niya at nakayuko lang siya. Alam niya sa sarili niyang bawa ngunit ginagawa pa din niya. "At galit na galit ako kay Ate at Kuya dahil sa ginawa nila sa'yo" habang nakatingin siya sa puntod ng kaniyang ina at nakayuko.

Ito ang kahinaan ng isang matapang at magiting na Fritz Anderson, ang makita at maalala ang ina kung paanong kainin ng mga walang-hiyang anak niya ang sarili nilang ina.

Tumayo ang binata at umalulong ng malakas at hindi na niya malaman ang gagawin niya kun'di hintayin ang panahon na makakaganti din siya sa dalawa niyang kapatid habang ang Ate niya ay naghahasik parin ng lagim.

Nang makarinig ang binata na sumagot sa alululong ay bigla siya tumingin sa itaas at nakita niya ang dalawang magkapatid na magkasama.

"Bunso, kailangan namin ng tulong mo kaya bumalik kana sa amin" bungad ng Ate niya sa binata na animo'y nagmamakaawa.

"Hindi niyo na ako madadaan sa pakiusapan" sagot ng binata ng madiin at may galit sa kaniyang pananalita. "Si ina ginanyan niyo na pero ano sinukli niyo?" Nanunuot ang galit niya at gusto niyang gumanti sa dalawa ngunit  hindi niya magawa. "KINAIN NIYO ANG SARILI NATING INA" sagot niya habang nanghihina dahil sa kanila at namumula nanaman ang mata ng binata. Dahilan nang tulungan ng Kuya niya ang binata.

"Si ama.." bungad ng Kuya niya. "kailangan ng mang gagamot sa sugat niya, nakalmot siya ng isa sa pinakamalakas na warewolf warrior" wika niya sa binata pero tinulak lang ng binata ang kuya niya.

"oo malaki ang naging kasalanan namin pero patawad sa lahat" aniya sa nakababata niyang kapatid.

Nakaka amoy siya ng hindi maganda at lumapit ang binata sa dalawa. Hinawakan ang mga kamay nila at inamoy.

"KUMAIN NANAMAN KAYO NG TAO EH" wika lang niya sa dalawa, mahinahon at may pagtatampong wika.

"Pasensya at gutom kami" sagot lang ng kaniyang kuya.

"Alam niyo kaya naman nating maging normal na tao eh" paliwanag ng binata sa dalawa. "Hays.." may pagtatampong tingin niya sa dalawa. Mula noong lumayo ang dalawa sa puder ng kanilang ina ay nagtampo na ang bunso sa kanila. "maghanap lang kayo ng puwang jan sa puso niyo na kaya niyong magmahal" paliwanag ulit niya at sabay na tumingin sa puntod ng kanilang ina.

Nagtinginan lang sila at makikita sa mukha ng kaniyang Kuya na may malaking pagsisisi na nagawa kung bakit siya sumama sa Ate niya.

"Titignan namin" wika ng Ate sa binata. "mukhang nahawa na kami kay Ama na kayang pumatay ng kahit na sino" sabat ng Kuya niya. "At isa pa, ang lahat ng tao sa Fretas ay bulag sa katotohanan na may mamamatay tao dun at 'yun ang ating ama" dugtong ng kaniyang Ate sa bunso.

"Paano ko siya matutulungan kung puro kasamaan ang umiiral sa kan'ya" wika lang ni Fritz na nagtataka

May pinakita siyang litrato ang Ate niya kay Fritz at 'yun ang larawan niya noong sanggol pa lamang siya.

"Matagal ka nang hinahanap ng ama kaya bumalik ka na" pagmamakaawang wika ng Kuya.

Tumalikod lang ang binata at nagaanlilangan. Hindi alam ang isasagot niya kaya nakayuko na lang siya palayo sa kanila.

"Pag iisipan ko" at lumipad na ang binata pabalik sa bahay nila.

Pagbaba ng binata ay nasa sala si Andy at may babae nanamang kasama kaya nag shhhs na lang muna ako pero hinatak niya ang kamay ko.

"Lagot ka pre, hinahanap ka nila kanina pa" aniya na natatakot at natawa ako sa kaduwagan niya

"'Di ba sabi mo hindi ka takot??" Tanong ng binata sa kaniyang kaibigan

"Kakainin raw nila ako ng buhay eh" aniya sa binata ngunit napailing na lang siya.

"Asa'n sila?" Tanong ng binata ngunit napailing na lang siya.

PAGBALIK ng binata ng kwarto ay nakatayo si Wendy at Mike, may pagtatampo at pag aalala na tingin sa kaniya.

"Saan ka nang galing Fritz" bingad ni Wendy. "Hindi ba't sabi namin sa'yo pag gumaling ka ay magpahinga ka lang" tampo ni Wendy sa binata.

"Ok lang ako Ate" sagot lang niya at napayuko. "si ama--" naputol iyon nang may gumalabog sa bubong nila ng bahay ni Fritz.

"Oo alam namin, kailangan niya ng tulong mo dahil nanganganib ang buhay mo" malungkot na wika ni Wendy at nagbigay lang ang binata ng nagtatakang mukha.

"ANO?!" Gulat nito, isang Marupok na Fritz Anderson ang Bumalot sa kaniya. "PERO ANG KWENTO NI ATE DENY---"

"KAILANGAN NIYA NG LEGENDARY WAREWOLF WARRIOR PARA SA KABUTIHAN NG LUGAR NATIN, KAILANGAN KA NG---" wika ni Wendy at napasinghap siya bago muling nagsalita. "NG ATE MO KASI KUKUNIN NILA LAHAT NG LAKAS AT DUGO MO PARA MATALO NILA ANG INYONG AMA, NAKASALALAY SA'YO ANG LAHAT" kwento lang niya ang kinahina iyon ng binata.

Mula sa bato na hawak niya ay isang malakas na hangin ang dumatnan sa kanila at isang malaking warewolf ang nakita ng binata na nag anyong tao.

"Fritz anak?" Wika ng kaniyang Ama, matagal na panahon magmula ang huli nilang pagkikita. Anim na taong gulang pa lang siya nang masaksikan niya ang pag lisan niya sa kanilang Ina."'Nak, ako ito ang iyong ama" may galak na wika niya pero nakatitig lang ang binata sa kaniya.

Nagilaw ulit ang bato at nang hihina lalo ang binata at namumula ang mata, pumasok sa bahay ang kampon nila Deny at nagsi sugod ang kampo ni Fritz sa kanila, Nagsagi naman ang mga mata ng Ama at ng binata at parang bato lamang siya na nakatayo.

Tutulungan na ng Ama na makatakas pero hindi makagalaw at nagtutulis ang mga kuko ng binata. Pinipigilan lang siya ng kaniyang ama na sumigaw ng malakas. Ngunit dahil sa sobrang lakas ni Fritz ay halos lahat natangay niya pati ang kaniyang Ama. Nagsialisan ang mga kampon ni Deny dahil sa takot at nanghina na siya lalo, sinalo na siya ng kaniyang ama dahil nahimaray ang binata.

"Fritz, anak" salo niya sa binata sabay binuhat siya. Nakita lang niyang ang ama niya ang bumuhat sa kaniya. Nagkaroon ng kagaanan ng loob ang bumalot sa kaniya.

Nagising ang binata sa isang magarang bahay at nagulat siya dahil baka bahay ito ng kaniyang nobyong si Francine. Pumasok ng kwarto si Andy na may dalang ulo ng baboy.

"Pre sobrang lakas mo na ah" aniya at napakamot na lang siya sa ulo. "Ito pre, binili ng tita ni Francine sa'yo" wika lang niyang may paghahalong tampo.

"Delikado ako pre" nakatitig lang ang binata sa malayo at malalim ang iniisip. "Paano ako maliligtas nito eh hindi ko na alam ang nangyayari sa'kin" wika lang niya sa kaibigan niya nang biglang pumasok sa kuwarto ang kaniyang Ama

"Fritz.." bungad ng kaniyang ama at napatitig ang binata sa kaniya. "'yung batong hawak mo, 'yan ang nakakapaghina sayo" aniya at tinignan ng binata iyon.

Hawak lang niya ang batong iyon na binigay sa kaniya ng ina bago siya mamatay. Apat ang batong iyon, ang dalawa nasa kapatid niya at ang isa ay nakatago sa puntod ng kaniyang ina.

"Ang iyong ina ang pinakamalupit na warewolf warrior" kuwento niya at naging interesado ang dalawa. "mula sa destinang israel ang lahi niyang warewolf kaya sinalin salin sa inyo iyan" aniya at napasinghap ang kaniyang ama. "Nasalin sa iyo ang pagiging warewolf warrior kaya noong huling buhay niya ay nasalin na sa'yo lahat ng lakas ng iyong ina" kuwento niya pero hindi makapaniwala ang binata. "at ang bato na iyan ang pinakamalakas na bato kaya pag hindi mo yan nagamit ng maayos ay matatalo ka" paliwanag ng kaniyang ama nang siyang kinanghina niya. Napaupo ang binata at hawak niya ang kamay ng kaniyng ama.

"Matatalo saan" wika ng binata sa kaniya. Matagal na panahon mula nang nakasama ng binata ang kaniyang ama.

"Sa kahinaan mo, hangga't naalala mo ang kahinaan mo nanalaytay parin sa batong iyan na mahina ka. Kaya ka tinatablan ng sakit ng mga warewolf" wika niya nang magtaka ang binata. "Simula bukas ay dumito ka muna. May ipapagawa ako sa'yo" digtong nito

Si Andy na nakikinig lang sa kanila dahil tao siya at hindi niya naiintindihan ang bawat detalye ng sinasabi ng ama ni Fritz. Lumabas ng kuwarto ang kaniyang ama at naiwan lang ang dalawa.

"Si Francine nagtetext" wika ng binata sa kaniyang kaibigan. "pero hindi ko 'yun binabasa" at napatitig na lang siya sa kisame. Mahirap man aminin pero nagkakafeelings na ang binata sa tao. May pangamba na sumagi sa isipan niya kagaya ng 'tatanggapin kaya ako?'

Napahiga ulit ang binata at pumikit ulit, sana panaginip na lang ang lahat. Iyon lamang ang laman ng utak ng binata.

"Alis na muna ako pre" nagpaalam lang sa kaniya si Andy dahil hinahanap na siya ng dalaga.

"Osige, tell her i miss her" may pagmamakaawa niyang wika sabay na sarado ng pintuan ng kaibigan niya.

KINABUKASAN ay nasa sasakyan si Fritz ng kaniyang ama at papunta sila sa isang familiar na lugar. Sa Andreidai kung saan duon sila nagtatrining noong bata pa lang silang lahat.

Naunang bumaba sa kotse ang kaniyang ama at nasa gubat sila. Tinignan niya ang binata.

"Ano pang hinihintay mo bata?" Bungad nito sa kaniya at bumaba na din siya.

Tinititigan iyon ng binata at naalala niya ang lahat na nasa gubat na iyon. Mga alala na parang kahapon lamang na nasa puno pa sila at nagpapaunahan sa dulo ng gubat. Nagulat siya nang akbayan siya ng kaniyang ama.

"Fritz alam mo, napakabait ng mama mo" bungad niya na napatitig lang ang binata sa kaniya. "kahit noong bata ka kinukulong ka? Dahil sa ikaw nga ang tinadhana na maging pinakamalakas at ikaw ang paborito ng iyong ina" wika nito nang hindi naman siya naniniwala at tinawanan lang iyon ng binata.

"Pero si Kuya ang palagi niyang pinapansin sa tuwing nag aaral kami at lagi ako ang pinagagalitan" sagot lang niya at napayuko na lang ang binata.

"Siya kasi ang pinakamahina" aniya. "kung kayong tatlo magkakasama, isa sa inyo ay patay na. Dahil pag nagsama-sama kayo si Scott ang kawawa" dugtong nito.

Nanlumo nanaman ang binata sa naalala niya.  Naalala nito kung paano siya pagmalupitan ng kaniyang ina at kung paano siya ikulong hanggang sa nakalimutan na niyang may anak siya, ngunit naging maganda naman iyon dahil naalala niyang siya ang itonadhana.

"Alam mo pa ba kung bakit ako lang ang kumakain ng gulay at mga sariwang hayop sa tuwing kainan" tanong niya sa kaniyang ama at naupo ito sa isang puno na putol.

Akala niyang hihinto siya duon pero hindi, binato niya ang malaking kahoy sa kaniya at naiwas niya agad iyon.

"Namana mo sa iyong ina. Naalala ko noong bata pa kayo, ikaw lang ang kumakain ng sariwang batang kambing at sila Deny naman ay fetus ng bata" wika nito sabay na bumato ulit siya at sinalo iyon ng binata sabay sira nito. Isa iyon sa training nilang maging alerto.

Isa lang ang hangad ni Fritz, ang maipaghiganti ang kaniyang ina at magkaroon ng kapayapaan sa kanilang lugar dahil sa dami ng krimen nagaganap. Nag anyong werewolf siya nang makarinig ng kaluskod ngunit wala naman iyon.

"Matindi ang galit mo bata" wika ng kaniyang ama sabay na hinawakan ang kaniyang dibdib nang siyang bumalik sa dating anyo ang binata. "Kailangan mo iyan kontrolin" dugtong nito.

Nakatitig lang ang binata at hawak pa din niya ang bato ngunit hindi iyon umiilaw. Nagkatitigan lang sila ng kaniyang ama.

"Balang araw nak, hindi ikaw ang gaganti sa kanila kun'di ibang tao" wika lang niya. "Matapang na tao ka nak, mapagkumbaba at mapagmahal, kaya ka namin hinahangaan" dugtong nito at napayuko lang ang binata.

"Ngunit iniwan mo kami.." sagot ng binata sa kaniyang ama.

"Dahil may mga bagay na hindi nasosolusyunan agad sa simpleng usap lang, minsan kailangan natin hanapin ang ating mga sarili para malaman mo ang sagot sa iyong tanong" malamig na wika ng kaniyang ama sa binata.

Napaisip lamang ang binata dahil marami din siyang tanong sa kaniyang sarili ngunin hindi iyon masolusyunan sa simpleng usap lang. kagaya na lang ng mga tanong niyang bakit.

"Hayaan mo nak, balang araw.." aniya at kapit niya sa braso ng binata. "Malalaman mo ang sagot sa lahat ng tanong mo" dugtong nito at naglalakad na ulit ang dalawa pabalik sa kotse niya.

PAG UWI nila ng bahay ni Fritz ay sinalubong sila ng nagagalak na ngiti at papuri sa kaniyang ama. Sa kota sila tumuloy sa Fretas at sa isang kuwarto kung saan mataas lamang ang puwedeng pumasok. Nanduon si Andy at nakatali sa upuan at pinagtitripan iyon nila Jake at Mike.

"PRE TULONG!" Aniya at pinagtatawanan siya ng binata.

Hindi iyon tali dahil laway iyon ng werewolf na naistuck sa isang upuan na inupuan pala ng mokong.

"Tanga! Kaya walang umuupo diyan dahil parang glue ang laway ng werewolf" sagot nito sa kaibigan niya at mangiyak ngiyak na si Andy habang pinagtatawanan siya ng dalawa.

Tinulungan iyon ng binata at natanggal naman agad iyon.

"Ngayon, umuwi ka't mabaho ka" wika ni Fritz sa kaniyang kaibigan.

"Oo salamat ha! Mga gago kayo, pagtawanan daw muna ako bago alisin dito sa— sa stick chair na 'to" may pagalit niyang wika at inambaan niya ang dalawa.

"Sorry boss Andy! Tao ka kasi eh" pang aasar nila sa kaibigan niya sabay binatukan ni Fritz ang dalawa.

"'Tong mga to, wala manlang pasintabi! Alis na nga kayo!" Pag susungit nito sa dalawa at sabay umalis naman ang dalawa.

Naiwan sila ng kaniyang ama sa kuwarto na iyon at nasa terrace naman ang ama.

"Ama, puwede magtanong?" Bungad nito sa kaniyang ama sabay humarap sa kaniya ang kaniyang ama.

TO BE CONTINUE...

———————————-

Don't Forget to leave a comment, Vote and have a feedback to my story. All the love - B