"Si Andrew.." wika ng binata sa kaniyang ama nang siyang nawindang ito.
"Hindi pupwede 'yon" aniya at nag aalala ang ama.
Naalala ng binata na kaya pumunta ang ama dahil kay Andrew at hindi sa kaniya.
"Kaya ako bumalik dahil ikaw ang tinaguriang legendary.." wika ng kaniyang ama. "Nakanino ang—" at nagulat ito nang makapa niya ang scroller mula sa kaniyang loob ng katawan. "Peke ang nabasa mong scroller" aniya.
Nagulat ang binata nang basahin niya ang papel at napaupo ito. Sinuot niya ang kwintas kung saan iyon ang tanda ng pagiging legendary werewolf warrior. Naalala niya sa kuwintas na iyon na kada buhat ng ama sa kaniya ay laging pinapasuot sa kaniya ang kuwintas na nagsisilbing lakas sa kaniya.
MATAPOS ang isang araw na pahinga ng binata ay nakatitig lamang siya sa burol ni Andy na tinuri na niyang kapatid mula pagkabata. Hindi pa din siya makapaniwala sa nangyari. Ang galit pa din niya ang nanunuot sa kaniyang isipan.
Hindi pinagsisisihang ng binata na mawalan ng Ate at hindi naman kapatid ang turi niya sa binata. Sa kanilang magkapatid ay si Scott lang ang tinuri niyang kapatid. Ngunit pinatawad na ng binata ang kaniyang kuya na katabi niya.
Ang mga dumalo ay mga kaanak ni Andy at ang tatay niya na galit sa binata dahil alam niyang masasama ang werewolf. Dinalaw pa din iyon ng binata at nakayuko ang kaniyang tatay.
Nasa tabi ng binata ang mga kampon niyang warewolf. Naguusap sila patungko sa mangyayari sa huling panunugod nila sa Fretas, sa kota nila.
"Bale si Fritz mangunguna.." wika ni Wendy at kasama nila ang tatlo pang werewolf na andun.
Katabi ng binata ang kaniyang kuya at tatay. At nasa kabila naman ang kaniyang nobyang si Francine.
Sa ngayon ay nagtatawag si Andrew para makapaghasik ng lagim sa lugar ng Fretas.
Maya-Maya pa ay pumasok si Stacey kasama si Alex na isa niyang kapatid at papunta ito sa kabaong ni Andy. Umuyak lang siya ng umiyak at inaawat siya ni Wendy. Pinapatahan din siya ng mga babaeng kasama niya.
"Ok ka lang?" Himas ni Francine sa likod ng binata at tumango lang siya.
Tinanggal ng binata ang pag akbay sa dalaga nang napatingin si Wendy sa kanilang dalawa. Inaalala lamang niya ang mga alala ng kahapon. Mula noong nagkakilala sila noong mga bata pa lang sila at sabay silang lumaki, yung laging galit ang tatay niya dahil sa katangahan niya. Laging damay ang binata sa kalokohan ng kaibigan at sabay silang maligo sa ulan. Lagi din siya ang kasama ng binata pag may labanan sa Fretas, sa kampo nila Deny at siya ang taga bantay sa labas.
Habang nakayuko ang binata ay may nadidinig silang isang malakas na alulong mula sa tainga ng binata. Nabingi siya at si kuya scott ay nagulat nang may lumabas sa likod nila na warewolf. Nagtakbuhan ang mga tao at pati na din sila. Hinatak ng dalaga si Fritz nang nakatitig lang siya. Nagpahila naman ito at nagtago sa likod.
"D'yan ka lang" wika ng binata nang tumayo ito at hinatak ni Francine ang kamay nito
"Natatakot ako" aniya. "Baka hindi ka na bu-bumalik" wika nito.
"Babalik ako I'll promise" at hinalikan ang nuo ng dalaga.
"T-teka saan ka pupunta?" Tanong niya nang hindi na niya pinansin iyon. Tumakbo siya sa likod at nag anyong werewolf.
May pumasok na isang warewolf sa likod niya at papunta din ang dalawa sa harapan ng binata.
"Magpupugso na rin natin ang kasamaan" wika ng isa na naeexcite.
Pagpabas ng mga kalaban at sabay na lumabas na din ang kampon ni Fritz na nakita iyon ni Francine. Natitig lang ang dalaga sa kanila nang nagtago ulit dahil may werewolf pala sa harapan niya.
"A-akina ang bangkay n-ni a-andy.." wika ni Venice na malalim ang boses nang kinuha ng kampon ni Fritz ang bangkay mismo ni Andy na namumula at matigas ang katawan.
Biglang pumasok sa isipan ng binata na kaya pala bumuhay ng mga patay si Andrew. Patakbo ang isa nang hinarang ni Fritz ang hahabol sa nagbuhat ng bangkay ni Andy nang kalmutin niya iyon ng matulis niyang kuko. Biglang hinablot ni Scott ang damit ng isang kalaban at kinagat sa braso. Mag pasugod pang ibang kalaban at nagsi sugod ang iba pang kakampi ni Fritz.
Nakita ni Francine ang itsura ni Andrew sa di kalayuan at at sinaksak ng pat-pat si Andrew nang humarap ito at biglang tumakbo ang dalaga at napasigaw si Andrew. Nakita din niyang patakbo si Andrew sa kaniya at dinakip ang dalaga.
"FRANCINE!" Sigaw ng binata at lilipad na sana siya nang inawat iyon nila Mike.
"Hindi ba't may balak tayo.. ipagparaya mo muna 'yung pagmamahal mo kay Francine" wika nito sa binata.
Nagsisigaw lang ang binata pero inawat siya ng kaniyang ama at hinawakan ang kaniyang dibdib na nag anyong tao ito.
"Ayan ang magiging kahinaan mo pag ikaw ay puso lamang ang pinapairal" wika nito at natauhan din ang binata.
Nakaupo lang ang binata at biglang tumayo nang kumuo ang kamao niya at nagsalita na ang binata ngunit may isang taong nakakita sa kanilang lahat. Ang tatay ni Andy.
"I-ito.." at binigay nito ang litrato niya kasama si Andy noong baby pa lamang sila. "Baunin mo hanggang sa huli nak" at iyon ang unang beses niyang marinig iyon sa kaniyang tinuri na ding tatay.
Nakayuko lang ang binata at tinignan na din ang litrato ng kaniyang ina.
"Para sa inyo ito.." wika ng binata sabay lipad niya kasama ng mga kasamahan niya.
HABANG nasa gubat sila ay nakatitig ang lahat sa iisang bahay na nakatayo roon.
"Mukhang ito na nga" wika ni Wendy na naka anyong werewolf na.
Ito na ang una at huling pagkakataon ng binata na matalo si Andrew. Naalala niya na kaya pala bumuhay ng patay na tao si Andrew. Binuhay niya ang pinatay niyang kriminal sa lugar nila at kitang kita nila iyon
"Makakamit mo din ang hustisya, Andy" pabulong na wika ni Fritz.
Isa isa sila umakyat ng puno at nag aabang ng senyales muna kay Fritz.
"Para sayo ito ina.." wika ng binata na animo'y huling laban na din niya.
Nasa tabi niya ang kaniyang kuya at tumango sa kaniya. Naunang binuksan ang pintuan at naglabas siya ng tatlong bomba roon. Lumayo agad ang dalawa at sumabog ang pintuan nang makita nilang mga tao roon ay mga zombie kaya naghagis pa siya ng isang bomba para patayin iyon.
Maya maya pa ay namatay ang mga zombie at lumabas na ang werewolf na anduon naunang bumaba ang part nila Alex. Sa away ng diyos ay mga babaeng werewolf lang pala ang mga kalaban nila. Sumunod sa part nila Mike na sampung werewolf ang bumaba at sinugod ang labing limang werewolf. Mula sa likuran ay nakita ng binata na tinatakas nila ang dalaga at binaba lang nila si Francine nang dakipin ng binata si Venice. Sinaksak niya iyon sa tiyan habang lumilipad at hinagis sa malayo. Sumunod ang dalawa pa niyang kasamahan nang magtaka na si Andrew bakit nawawala ang mga kasama niya. Sinaksak ng binata ang isa sa leeg gamit ang matulis niyang kuko at ang isa naman sa tiyan ulit.
"Tumigil ka na!" Sigaw ni Andrew at nag sumigaw siya. "RAAAAAAAWWWRR" galit na galit ito at naguusok na ang kaniyang ilong.
"Hinahanap mo ko?" Wika ni Fritz na malalim ang boses at si Francine naman ay naka kadena na ginawa nilang aso.
Sinugod ni Andrew si Fritz at nakalmot ang binata sa tiyan ngunit kinagat ng binata ang balikat nito.
"BUMALIK KA SA TAO FREYWOLF" wika nito at sinunto ni Andrew ang tiyan niya nang kinahina ito ng binata at hinagis siya sabay na dinala si Francine sa destinasyon ni Fritz.
Nilapag niya si Francine nang sugurin niya ulit si Fritz nang sinipa siya sa tiyan at lumabas ang bato na green na hinahanap din nila. Bigla niya iyon kinuha at lumipad, sumunod si Andrew at muntik nang mahulog ang binata nang hablutin niya ang paa nito nang siya ang sumipa ulit kay Andrew.
Pilit niyang sirain ang bato ngunit ayaw masira nang nakikita na niyang natatalo na ang kampon nila Andrew. Papunta sa binata ang kaniyang kuya nang itaas niya ang bato at dinurog ng kaniyang mga kamay.
Pero nagulat ang binata nang saksakin ng isang matulis na kuko ang kaniyang kuya. Si Andrew ang nakagawa nun nang bumagsak silang dalawa sa lupa na puwesto mismo ni Francine. Pumunta ang binata kay Francine nang tanggalin na niya ang kadena ngunit hindi pa din iyon umaalis.
Para na siyang pinanghihinaan ng loob sa nakita ng binata. Namula ang mata niya at sinugod na niya ulit si Andrew at nabalik silang dalawa sa tao.
"MASAYA KA NA?!" Wika ni Fritz at sinasakal siya ni Andrew. Dahil sa kakaibang lakas ni Fritz ay hindi ito nasasakal at sa halip at tinulak ng malakas si Andrew at naka handusay ang dalawa sa malayo.
"F-Fritz.." mahinahon na wika ng dalaga sa binata.
TO BE CONTINUE...
———————————-
Don't Forget to leave a comment, Vote and have a feedback to my story. All the love - B