Fritz? I don't know where you are but I still love you, please come back and take care of our twins.
-Mrs. Medina
———————————————————
"AAAAAHHHH!!" Sigaw ni Samuel sabay takbo at talon papunta sa kabilang building.
Pagbagsak niya ay nakatayo pa din siya. Napatingin siya sa kabila at napatingala. Si Tiana na natatakot pa din.
"KAYA MO YAN!" Sigaw ng binata sa kaniya
"H-hindi Sammy! Natatakot pa din ako" mahinahon na wika nito.
"ISIPIN MO NA MAY HUMAHABOL NA WEREWOLF SA'YO!" Sigaw ulit niya at napaatras ang dalaga. "ISIPIN MO NA NANUNUOD SI PAPA SA ATIN" at ngumiti ang binata dahil naalala nanaman niya ang amang hindi pa niya nakikita.
Mabilis na tumakbo ang dalaga at tumalon ng mas mataas pa sa talon ng binata at bumaba sa isang bahay na tama lang ang sukat. Nasa bubong siya.
"S-Sammy!!" Biglang tingin ni Tiana sa baba sabay na natakot. Umatras siya ng kaonti at tumalon ulit si Samuel papunta sa puwesto ni Tiana.
"Proud sa'tin si papa" wika ng binata at ngumiti lang ang dalaga.
Sabay sila tumalon at nalipad na sila. Hindi sila makapaniwala sa powers nila kung nananaginip lang ba sila or totoo talaga.
Nababa sila sa gubat ng Scotland at nakita ulit nila ang werewolf na nakita nila noong nakaraan. Pinunta ni Samuel si Tiana sa likod niya nang makita sila.
"Nakakagalak na bumalik kayo Samuel at Tiana" wika nito
Isang familiar na boses ang naririnig ng binata sa likod ng isang werewolf na iyon. Tinignan niya ang mga mata ng werewolf pero hindi niya mabasa iyon kaya unting unting lumapit ang binata, inaawat siya ng kapatid pero hindi siya mapigilan.
Tumapat siya at sinigawan ulit siya ng werewolf. Hinawakan niya ang dibdib ng werewolf nang biglang nag ilaw ng napakaliwanag at napaatras siya.
"KAYA PALA IKAW GALIT SA AMIN DAHIL WEREWOLF KA, PROF?!" Sigaw ng binata sa kaniya
"Hindi ba kayo nagtataka? Ang dami nang werewolf dito sa Scotland dahil sa akin?" May nanginginig na wika nito. "At alam niyo kung bakit ako galit lalo sa'yo Medina?!" At unting unting bumabalik sa werewolf ang prof niya. "Ang lolo mo ang pumatay sa mga lahi namin" at nag anyong werewolf na siya.
Umatras ang dalawa at may nakita pa silang mga kampon niya at may mga matutulis ang mga mata nila pag dating sa dalawa.
"Salamat sa hapunan" wika ng isang werewolf.
Tinakpan ni Samuel ang mata ni Tiana at napapikit na din siya nang napadilat ulit siya nang mawala ang mga iyon. Lumingon sila nany may tatlong werewolf na sumugod sa kanila. Pinagkakagat nila ang mga iyon ngunit ang isang malaking werewolf naman ay sa paa lang kumakagat. Lumingon siya sa kanila at tumakbo ang dalawa nang habulin niya iyon pero nag anyong tao muna siya bago habulin.
Iba na ang takbo nila sa dati, takbong werewolf na at paakyat na sila sa bundok kung saan malapit na sila sa falls. Hinarang sila ng lalaking nakita nila noong nakaraan.
"H-hindi ba k-kayo magpapasalamat?" Wika niya.
Lumingon ang dalawa sa ibaba at nakita nila ang tito nila kaya lumapit sila duon at pumunta sa likod niya.
"Mukhang sa'yo lang talaga malapit ang dalawa" may lungkot at pait na ngiti nito sa kaniya
"Pre hindi mo alam kung gaano sila nag susumamo sa paghahanap sa'yo" wika nito nang magtaka ang dalawa
Lumingon ang tito nito sa kanila at umupo.
"Alam ko nasa panaginip mo Tiana" bungad nito at biglang umiyak si Tiana nang tumingin ito sa lalaking kaharap nila.
"May isang lalaking nasa harap ko na ang pangalan ay Fritz" bungad ni Tiana. "May dala siyang kakaibang kapangyarihan sa katawan at magiting na tagapag ligtas" sunod nito at unting unting lumapit si Samuel kay Fritz.
Kamukhang kamukha ni Samuel si Fritz at hindi na siya nakakapagtaka pa kaya naiyak na din si Samuel at niyakap niya ang matagal na niyang hinahanap. Naiyak na din ang ama niyang nagsusumamong makita muli ang mga anak niya.
"Matagal nang nilihim ng aming ina ang pagkawala ng aming tatay dahil baka hindi namin siya matanggap" dugtong ni Tiana nang hindi pa niya naituloy ang kuwento nang yumakap na din siya sa kaniyang ama.
"Papa!" Naiiyak na wika ni Tiana. Group hug lang silang tatlo at sabik siya sa dalawang kambal niyang anak na kamukha niya.
"Mukhang nahanap na nga natin" sabat ni Orley sa kaniya at tumango siya.
"Nahanap na natin dahil malakas ang dugo ng lalaking anak ko" at tumingin ito sa binata niya.
Hinatid muna niya si Orley sa kota nila at huminto ang dalawa sa isang bahay sa gitna ng kagubatan ni Scotland.
"Asan ang mama niyo?" Tanong ng kanilang ama
"Nasa freshwater pa, may trabaho" sagot ni Samuel.
Ilang taon na ang nakalipas nang huli niyang makita ang kaniyang nobyong mahal na mahal niya.
"Alam ko ang bahay niya dahil 16years ko kayo binantayan" wika nito at nakangiti lang sila. "Nilihim ng iyong ina na isa sa inyo ay werewolf" may pagtataka ang dalawa at nagulat siya dahil natahimik sila
"Pa! Wala sa Medina daw ang werewolf" sagot ni Samuel nang kinuha niya ang libro ng propesiya na kinuha ni Orley sa kaniya pero tinago niya ulit.
"Puntahan muna natin ang nanay niyo" aniya at tumango ang dalawa.
MAHABA ang gabi at tumatakbo sila papuntang freshwater kung saan dumaanbsila sa shortcut papunta roon. Huminto sila sa isang puno kung saan may malaking bahay ang nanduduon. Modern house siya na halatang pinagipunan ni Francine ang lahat na iyon maipagawa lang ang bahay na iyon. Nagpaunahan ang dalawa pumasok sa bahay at nakatitig lang si Fritz sa bahay na iyon. Isa ito sa pinagusapan nilang bahay noong araw na magjowa pa sila. Nakangiti lang siya at unting unti lumayo.
"Maaa! Surprise!" Sabay dilat niya ngunit wala naman tao
Nagtataka sila at umalis na ang papa nila kaya lumabas ang dalawa at nagmasid masid.
"Nako gabing gabi na paano kayo napunta rito ha?" May naiinis na wika nito.
Hinila nila ang nanay nila para makalabas. Maya maya pa ay lumingon si Francine at nakita na niya ang lalaking sinasabi ng kambal. Napadilat ang mga mata ng ina sa kaniya at unting unting lumapit si Fritz sa kaniya.
"16years.." bulong ni Francine
"16 years kita hinintay Fritz" may diin na naiinis nitong wika sa kaniya at lumapit na siya at hinampas siya. "Ang kapal ng mukha mo! Nagpakita ka pa?!"
"Teka teka!" Hinawakan lang ni Fritz ang kamay niya. "Hinatid ko lang ang kambal natin baka madukot sila ng werewolf" at kinindatan siya ni Fritz.
Hinampas ulit ni Francine si Fritz.
"Hindi mo na ako madadala sa ganiyan mo!" At naiiyak na ito nang yakapin na siya ni Fritz.
Dahil sa kakaibang karisma ni Fritz ay niyakap din agad siya ni Francine na umiiyak.
"I miss you more Francine" sagot ni Fritz nang hampasin ulit siya.
"Wala akong sinabi!" At napatawa lang ang dalawa.
Ang dalawa lang ay naglalaro at lumapit na sila sa dalawa.
"Paano ba 'yan ma? Buo na ulit ang pamilya" wika ni Tiana nang tumingin si Francine kay Fritz na may gustong sabihin.
"Tara pasok muna tayo pa!" Aya ni Samuel.
Pumasok na ang kambal at nakatitig lang sila sa labas.
"Mukhang tinupad mo mga pangarap natin sa magiging anak natin" wika ni Fritz at tumingin si Francine sa kaniya.
5months na nagdadalang tao si Francine nang magpakita si Fritz sa kaniya. May dala itong dugo dahil sabi ni Orley na lalo nanghihina si Francine dahil sa kakaibang lakas ng kambal.
"H-hindi ko kayang inumin yan Fritz!" Sigaw ni Francine at naghahanap ito ng gulay.
"Vegetarian ka Sis!" Pag iinarte ni Stacey at madami nang gulay ang naubos ni Francine.
Nasa baro baro pa lang sila at nakikituloy lang siya kila Stacey noon sa Freshwater. Pinilit ni Fritz na painumin si Francine ng dugo at unting unti na ito lumakas.
"Nagiinarte ka pa!" Wika ni Fritz.
"Aba sino kaya nakabuntis sa akin?! Kasalanan mo 'to!" Sigaw lang ni Francine sa kaniya at umiiyak ito.
Hinawakan ni Fritz ang pisngi ni Francine at hinalikan siya.
"Kahit gaano ka pa kasungit ngayon hindi kita iiwan" wika ni Fritz at niyakap lang siya ni Francine.
Narealized ni Fritz noon na nagdadalang tao na si Francine at nalaman niya agad dahil sa amoy niya noong sa burol pa lang ni Andy. Kahit naghiwalay sila noon ay binalikan pa din niya si Francine.
"Oo, dahil sa pagmamahal ng dalawang kambal natin" aniya at tumingin siya sa bahay na magka akbay sila.
"Alam mo Fritz, hindi naman kailangan nilang malaman pa na ikaw ang ama dahil madedelikado nanaman kami" wika ni Francine at umiling lang si Fritz.
"Hindi habang buhay maililihim mo sa kanila lahat" at niyakap niya si Francine. "16 years ko kayo binantayan at prinotektahan" at napatingin si Francine.
"Ano ibig mong sabihin?" May pagtataka ni Francine sa kaniya at hinawakan siya sa braso ni Fritz.
"Mukhang nahanap ko na ang pumatay sa mga magulang mo" wika lang ni Fritz na nakatitig lang si Francine sa kaniya.
TO BE CONTINUE..
———————————-
Don't Forget to leave a comment, Vote and have a feedback to my story. All the love - B