Soon, We will be togeter. Just hold tight its like a roller coaster. Many ups and downs. -Samuel
————————————-
"HINDI MO KAMI MALOLOKO" sigaw ni Francine at nainsulto si Gael kaya nag anyong werewolf agad siya nang sinugod siya ni Orley na maputi na may itim.
Tumakbo sila palayo at may isa pang sasakyan na dumating na ang tao ay ang kaluluwa ni Andy.
"Alis! Hindi ka puwedeng magdrive ng ganiyan!" Wika nito at umusog si Andy sa kabila.
Umupo sa likod ang dalawa at binarurot ang drive pero hindi siya marunong magdrive.
Pabalik sila ng Scotland kung saan sa kota lang nila ang pinakaligtas na lugar.
"Paano hihinto 'to?" Wika lang ni Francine at nagtataka siya dahil malapit na siya agad.
"Sa shortcut tayo dumaan! Apalan mo lang ang kaliwang pedal" sagot nito.
Inapakan niya iyon ng madiin at napalunok siya dahil baka kainin sila ng buhay sa kota ni Fritz. Binaba niya ang mga bata at pumasok ng mabilisan.
Pagbukas niya ng pintuan ay maraming nagkukumpulang werewolf ang nanduduon. Nakita nila ang mag iina at gumilid silang lahat. Dahan dahan silang pumasok at dumaan sa gitna. Nakayuko lang sila at pag akyat nila ay pinapahidan nila ng mantika si Fritz. Kitang kita ang namumuo niyang 6pack abs.
"Ano ginagawa niyo dito?" Wika ni Fritz at hinila niya ang mag iina papasok sa kuwarto. "Bawal kayo dito at may kalaban na nakapasok na nadito" aniya at biglang natakot na si Francine.
Walang anlinlangan ay niyakap ni Francine si Fritz at niyakap din niya iyon.
"Babalik ako promise" aniya at nakayakap pa din siya.
Dinadama ni Francine ang katawan ni Fritz na ngayon lang niya ulit naramdaman sa matagal nilang panahon na hindi pagkikita.
"Mahal kita Cine" bulong na wika nito sa kaniya at tinignan lang siya.
Nagtinginan sila at hinalikan ni Francine si Fritz. Kakaiba ang naramdaman niya at biglang tumulo ang luha niya na kanina pa niya pinipigilan.
Biglang pumasok si Wendy at nahuli silang dalawa pero nananatili pa ding seryoso ang dalaga.
"Baka mahuli ka sa laban Fritz" aniya at nakayakap lang sila.
"Susunod ako" at pinauna na niya si Wendy.
Umupo siya sa mga bata at nakita niyang umiiyak si Tiana.
"H'wag ka matakot nak. Mailalabas mo din 'yan" wika lang ng ama sa kanila.
Niyakap niya ang kambal at tumayo nang bigla. Lumabas na siya ng kuwarto nang hindi lumilingon sa tatlo.
Alam ni Francine na ligtas siya rito at makakagalaw siya ng maayos rito. Walang kagamit gamit ang mag iina pero may pumasok na mga babae.
"Pinapabigay ni Fritz sa inyo" wika nito.
Dala dala ang mga damit nila at mga gamit ng mga tao para makasurvive sila.
"Salamat ha!" Wika lang nito.
"Wala ho 'yon. Para po sa magiting na mapapangasawa ng tagapagligtas" wika nito at kinilig sila.
Natawa na lang siya at nakatulog na ang kambal sa sobrang pagod sa tatlong araw nilang walang tulog. Tinabihan lang niya iyon at kinumutan. Malalaki na ang mga anak nila at alam na nila ang tama sa mali.
NASA labas si Fritz at kasama na niya ang mga werewolf na galing sa Turkey. Mga lalaking naglalakihan ang mga abs at mga kauri nitong kasama nila sa Scotland.
"Malakas ang kampon ni Gael at dahil hindi siya natalo ng nauna, ay ako na ang tatalo sa kanila" bulang lang ni Fritz at naglakad na sila papunta sa gitna, sa Andredai kung saan dun ang meetup ng kalaban.
Ang alam lang niya ay ginagawa niya ito para sa kaniyang mapapangasawang si Francine at para mawala na din ang sumpa sa kaniya. Alam niyang nabigo ang naunang magsagawa ng ganito kaya lalong dumami ang kampon ng kadiliman at liwanag.
Natatanaw na nila ang mga kalaban na naglalakad na din at nauna silang tumakbo kasabay ng mga kampon ni Fritz at nag anyong werewolf na ang iba. Nagsi sugod sila sa isa't isa. Hinahanap niya si Gael at wala siya duon kaya pumasok siya sa loob ng bahay at nakaharap niya iyon.
"Balita ko ang lider ay bababa ah" bungad nito. "Dahilan na tatanggalin niya ang sumpa" dugtong nito at magkaharap lang sila. "Pero hindi mangyayari 'yon dahil ngayon pa lang ay gagapang ka na papunta sa mga anak mo at sasabihin mong forever na sila magagambala ng isang Gael na sumusuway sa utos ng hari"
"Magkaiba tayo ng Hari!" Madiin na wika ni Fritz sa kaniya. "Tiga israel ang hari mo na pinatay ni Tsino dahil naghahasik siya ng kasamaan noong panahong ng kaguluhan" sagot niya.
"Kaya nga pinatay ko ang magulang ng asawa mo eh" at tumawa siya. "Hindi pala ako.." at natawa siya nang may isang babaeng sumulpot sa kaniya. Isang familiar na babae na dating naging kampi nila.
"Remember? Tita ni Francine" sagot nito at mabilis siyang kumilos nang nasa likod na niya ang matanda at hinawakan niya ang kamay ni Fritz. "Opps, well trained pala siya! Nagbalik siya ng Israel para iganti ako dahil nalaman niyang ikaw lang ang sisira sa utos ng hari"
"Sinabi nang hindi ako taga sunod!" Mariin na kumawala ito, kinuha niya ang kamay ng matanda at binagsak niya ang tita ni Francine. "Hindi ako isang utus-utusan na sumusunod sa galaw niyo noong nasa Israel pa lang kami! Lumipat ang mga magulang ko dahil sa inyo!" May galit at nagsusumamong wika nito. "Ayon sa propesiya.. nagkaroon lang ng pagkakawatak watak dahil ang mga Hermoso ang mga masasamang nilalang. At IKAW YON GAEL HERMOSO!" Lumalalim na ang boses nito sabay na nag anyong werewolf na si Gael.
Lumalaki lalo ang katawan ni Fritz at nag anyong werewolf na din siya nang sugurin ni Gael si Fritz. Hindi sila nagkakagatan sa halip ay nagsusuntukan. Dahil sa kakaibang lakas ni Gael ay tumalsik si Fritz at nasira ang kahoy na bahay. Pumunta sa puwesto niya si Orley at sinugod din niya si Gael pero tumalsik lang siya sa kabilang banda. Natalo ng mga kampon ni Fritz ang mga kalaban pero may iba pa din na malalakas kaya pinagtutulungan na nila iyon. Sinugod ni Jake at Mike ang tita ni Francine at dinala sa malayo para si Gael na lang ang matira. Umalulong ang isang werewolf na nanghihingi ng tulong pero ang tita niya iyon.
"Wala din kuwenta ang matandang gurang" tumatawa lang si Gael.
Sinugod ulit ni Fritz si Gael at hinila lang siya para lampasuhin palabas ng bahay. Sumunod na sumugod si Orley pero tinapon siya palabas at papunta ito kay Fritz para kainin pero umiwas siya at kumapit siya sa likod at may tinanggal sa kaniya.
"Ang bato ko!" Wika nito at mabilis ito humabol kay Fritz pero binato niya iyon sa malayo.
"Hindi mo pa din ako matatalo!" Sagot nito at parang nagkarerahan sila pero tinalunan lang niya ang kalaban.
Gumulong silang dalawa nang makalmot si Gael sa mukha at braso. Parehas nilang nasira ang bahay dahilan na duon ang bagsak nilang pareho. Nag anyong tao sila at umulan ng malakas sa paligid nila. May mga werewolf pa din na lumalaban at ang iba naman ay nangangamoy na sa sarili nilang dugo.
Tumayo ang dalawa tumatawa ng parang baliw si Gael.
"Sa talambuhay ko, ngayon lang ako nakakita ng taong may kumuha ng kuwintas ko" at natatawa ito.
"Alam ko ang nasa loob ng kwintas na iyon" sagot lang ni Fritz. "Wala sa'yo ang tunay na lakas dahil naka salalay ka lamang sa lakas ni Tsino!" Wika nito at nagulat ito nang pasugod si Wendy sa kaniya nang natumba ang dalawa.
"Miss me?" Wika nito sa kaniya.
TO BE CONTINUE..
———————————-
Don't Forget to leave a comment, Vote and have a feedback to my story. All the love - B