Samuel & Tiana, your surname is now Anderson. I will marry your papa. -Mrs. Anderson.
——————————————
"Mukhang nahanap ko na ang pumatay sa mga magulang mo" wika lang ni Fritz na nakatitig lang si Francine sa kaniya.
Nagtataka si Francine dahil hindi naman niya kailangan gawin iyon ngunit dahil sa pagmamahal ni Fritz ay nagawa niyang magtago dahil sa mga taong nakakakilala sa kaniya ay patayin siya. Dahil hindi alam ni Francine na huling buhay na ni Fritz at isang pagkakamali na lang ay mamamatay siya.
"Hindi ako agad agad na babalik, never ko pinangako 'yan pero patuloy ko pa din na ipapangako na poprotektahan ko ang pamilya natin, ikaw.." wika ni Fritz at hinalikan lang si Francine sa nuo.
Naiyak ulit si Francine dahil sa pagkakaalala niya ay sinabi niyang hindi niya iiwan ang nobyo.
"Hindi kita iiwan Francine" aniya at tumingin lang siya sa mga mata ni Fritz. "Dahil andito lang ako lagi" at tinuro niya ang puso ni Francine.
Alam nilang hindi pa sila puwedeng magsama dahil deikado si Fritz. Siya lamang ang nakasira ng propesiya na dati ay nasira na din dahil sa isang werewolf na napamahal sa isang tao.
"Pa! Tara!" Wika ni Samuel sa kaniya at hinila na ni Francine si Fritz.
Pumasok na sila sa loob at may mga nakadisplay na picture ang nakalagay nang mapansin ni Fritz ang picture ng mga magulang niya na familiar sa kaniya. Ang litrato niya noong bata pa siya kasama si Andy at ang litrato nilang tatlo na magkakasama.
"Gwapo ko d'yan pa!" Pagmamalaki ni Samuel at binatukan siya ni Tiana.
"Ang kapal mo eh no!" Pang aasar ni Tiana at naghabulan sila.
Nasa hapag kainan sila at luto ni Tiana ang lutong bahay. Umupo agad si Fritz at kumuha agad ng sabaw nang tikman niya iyon.
"Sarap talaga ng luto mo Cine" wika ni Fritz at umiling siya.
"Si Tiana nagluto niyan, ang anak mo" at ngumiti siya sa dalawa.
"Aba gayang gaya mo ang luto ng iyong ina" pagmamalaki nito sa dalaga.
Habang kumakain sila ay nakatitig lang ang dalawa sa mga magulang nila.
"Ma, pa?" At napatingin ang dalawa. "Bakit hindi kayo magpakasal?" At nabilaukan si Francine nang painumin siya ng tubig.
"Nako nak, mahabang kuwento" at kumain ulit siya
"Meron na po bang nagpakasal sa Werewolf?" Tanong ni Samuel at nagtinginan ang dalawa.
Kakaiba ang titig ng dalawa tila'y sabik sa isa't isa. After 16years of waiting Fritz to come back ay may plano pa ba sila?
"Komplikado nak" wika lang ni Fritz at bumalik sa hapag kainan si Francine.
Balak niyang basahin ang iniisip ng kaniyang tatay pero inawat siya ni Tiana.
MATAPOS sila kumain at nagpaalam na din si Fritz ay hindi nila pinansin ang kaniyang nanay. Hindi na din nila pinansin ang isa't isa. Magkakaibang kuwarto na ang dalawa at si Francine naman ay nasa sala nang mamatay ang ilaw.
"S-sino ka?!" Wika ni Francine at nagbukas ulit ang ilaw.
"Sammy?" Tawag niya sa binata pero hindi siya sumasagot.
Tulog na ang dalawa at nagpatay ulit ang ilaw nang may nakita siyang tao sa terrace niya. Unting unti siya lumapit pero nawala iyon. Pag lingon niya ay nakita niya ang kaluluwa ni Andy.
Napasigaw siya at biglang tumakbo ang dalawa sa harapan niya nang napatitig din sila sa kaluluwa.
"Hello guys!" Tila'y para walang nangyari sa kaniya.
"Bakit ka bumisita A-Andy?!" Natatakot na wika ni Francine at natawa siya.
"Sabi ni Fritz eh! Bantayan ko raw kayo" sagot nito nang basahin niya ang isipan ng binata.
"Naging kayo ni tita Stacey?! Ikaw y-yung great love—"
"Oo! Ako nga! Hello ano pangalan mo ulit? Jake? Kapangalan mo kaibigan namin" madaldal na wika niya.
"I prefer Samuel or Sammy" sagot nito nang seryoso siya.
"Ahhh"
Ayun lamang ang sagot niya at bigla siyang sumayaw ng Gimme Gimme.
"Trip neto?!" Bulong ni Samuel
"Tanga!" Sabay na binatukan ni Tiana ang kapatid. "Gimmie Gimmie" at nagtataka pa din ang binata. "Sammy Sammy" at nagtawanan ang dalawa.
"Apir!" Wika ni Andy at hindi pinansin ni Tiana si Andy
Dinilaan lang ni Tiana si Andy at lumayo papunta kay Samuel.
"A-ano gina-ginagawa mo dito b-bukod sa pagbantay s-sa amin?" Utal na wika ni Francine at napabuntong hininga si Andy
"Gusto ko sana sampulan si Orley" at ngumisi siya. "Kamukha ko pa ang pumalit eh!" May naiinis nitong wika nang parang bata.
Napailing na lang ang dalawa at tumayo na. Mukhang walang katakot takot sa kaniya at sa mga gagawin niya.
"Multo ka na Andy at wala ka nang magagawa duon!" Sagot lang ni Francine.
Natawa na lang siya pero naalala niyang last year na nanduduon siya noong birthday niya. Sa unang tambayan nila sa puno.
"Osiya! mauna na ako" aniya at kumaway lang siya
Alam niya kung saan siya papunta at derecho agad siya sa siydad sa Scotland. Kada taon ay bumibisita ang binata bilang multo. Pero ngayon ay bumisita siya para sa isang misyon. Laging pumupunta si Fritz sa puntod ng kaniyang pamilya at sinama din siya sa parte ng mga pamilya niya. Hindi na sila nakalibing sa gubat kundi sa sementeryo na sa Andredai, malapit sa kota nila sa Scotlad dahil magkarugtong lamang iyon.
"Pag nagkita pa kami ni Stacey matutuwa ako" aniya sa sarili niya nang makita niya ang siyudad.
Ibang iba na siya kaysa dati. Madami nang lalong ilaw at mga puno na patuloy na tumutubo at mga taong sa gilid na nagsasaya at nagkakantahan.
"Sana buhay pa ako para maranasan ko ang buhay" at napayuko na lang siya nang makita niya ang hinahanap niya.
Naupo siya sa bench ng maraming tao at nasa likod niya ang pinakamalaking puno na hinahanap ng binata. Nasa tabi na siya ng isang stall ng mga girl strippers.
"Gara naman hindi ba masisira ang puno dito?!" Wika nito nang nakatingin lang siya af napatingin ulit siya kay Stacey
"Pagkain Dy! Alam ko kinakain mo 'yan every ghost month" aniya at natawa si Andy.
Bigla niyang naalala na August pala kaya nagising agad siya.
"Alam mo Dy? Miss na miss na kita. Sana maglipat ka naman sa katawan ni Orley. Namimiss ko na kagaguhan mo, kalokohan mo" aniya at napaisip ang binata sa idea na iyon. "Wala pa kasi nangyayari sa amin ni Orley eh. Werewolf siya pero kamukha mo" dugtong ng dalaga.
After 16 years may nararamdaman pa din ang dalaga sa yumaong jowa. Si Orley lamang ang nakikita niyang pamalit sa hindi niyang makamove on na puso.
Tumayo siya at dinaanan lang siya ng dalaga. Napaupo siya at hinawakan ang pagkain na keso at gulay. Alam niya ang paborito ng binata dahil pinagluto siya ng isang beses noong panahon na magkaibigan pa sila ni Fritz.
Ngunit nag iba na si Fritz simula noong pinaglayo sila dahil sa propesiyang nilabag niya. Naging legendary werewolf siya ngunit hindi siya masaya dahil sa pamilya niya, kay Francine at mga sugat niya na hanggang ngayon ay hindi pa nawawala.
MATAPOS ang ilang araw ng pagpapakita ng dalawa ay bumalik na ang dalawa sa dorm nila. Ang nanay nila ay nagtatrabaho sa mall at si Samuel naman ay nag aaral. Si Tiana naman ay nasa baba at kausap niya ang tito niya
"Wag kang lalabas sa full moon ha?" Aniya at mukhang gets na niya agad.
Habang naguusap sila ay napansin niya si Andy na nasa likod ni Orley nang itulak ni Andy ang kaluluwa ni Orley.
"HOY ANO GAGAWIN MO?!" Wika ng kaluluwa ni Orley at pumasok si Andy.
Nabuhayan siya ng dugo at hinabol ni Orley si Andy.
"Bye inaanak" wika ni Andy na nasa loob ng katawan ni Orley.
Umiling na lang ang dalaga at nakita siya ng kaniyang prof na may dugo sa kaniyang bibig. Tumakbo siya nang harangin siya ng security at tinakpan ang bibig niya.
TO BE CONTINUE..
———————————-
Don't Forget to leave a comment, Vote and have a feedback to my story. All the love - B