If wasn't sure to fall inlove then don't let your heart stole by someone else.
———————————————
Hawak lang ni Samuel ang kamay ng dalaga nang makita niya ang isang tao. Paglapit nila ay nagtanong agad sila.
"K-kuya saan ang palabas dito?" Tanong ni Samuel
Lumingon ang lalake at nagulat sila. Naka blue na t-shirt, kulay blue ang mata at mahaba ang buhok. May hikaw sa ilong at mapulang labi na kamukha ni Samuel. Biglang umiyak si Tiana nang patahanin iyo ng binata.
"Sundan niyo 'ko" wika nito sa dalawa at naglakad na siya palabas ng gubat.
Habang naglalakad sila ay napatanong si Tiana sa lalaki.
"A-ano pangalan mo k-kuya?" Wika nito nang natigil sila sa paglalakad.
Lumingon at lalaki at ngumiti.
"Fritz" sagot lang niya at nakatingin lang ang dalawa sa kaniya nang biglang mawalan ng malay si Tiana.
Binuhat ni Fritz ang dalaga at dinala sa isang clinic pag labas ng gubat.
Habang tinitignan ang dalawa ay umalis agad si Fritz nang hindi nagpapaalam sa kanila. Lumingon si Samuel na wala na si Fritz sa tabi nila.
"Sir pagod lang ang iyong asa—" wika ng doktor
"Kapatid ho doc.." cold na wika nito sa doktor sabay na tinitignan lang niya ang dalaga.
Nakaupo lang siya sa waiting area at napapikit nang makita niya ulit sa isipan niya si Fritz at ang mama niya kaya napadilat siya. Tumayo ang binata at tumakbo pabalik ng dorm nila.
Pagbalik niya ay nakabukas ang pintuan niya. May kakaibang kaba sa kaniyang dibdib kaya kumuha agad siya ng pamalo na nasa gilid at sinipa niya ang pintuan nang kasama ng mama niya si Stacey at si Orley
"Tita!" Wika ng binata sa kaniya at niyakap siya ng tita niya.
"Laki na ng lalaki mo ah!" Aniya sa mama niya at sa binata.
"Asa'n yung kapatid mo?" Tanong ng mama niya nang napangiti lang iyon.
NASA hospital sila at nakita lang ng tatlo na natutulog ang dalaga.
"Ano nanaman ginawa mo bata ka?! Parati kayo lumalabas sa gabi nako! Samuel Jake magogrounded ka talaga sa akin!" Saway ng kaniyang ina sa binata.
"Hayaan mo sila mare! Nageexplore lang sila" sagot naman ni Stacey na kumakain ng popcorn.
"Papaano ko hahayaan eh ilang beses na 'yan!" Naiinis nitong wika. "Nak, alam kong hinahanap niyo ang ama niyo pero hindi niyo na siya makikita pa" dugtong nito.
Nagtinginan si Stacey at si Orley sabay na nagising ang dalaga. Biglang punta agad ang kaniyang ina sa kama.
"Kamusta lagay mo nak?" Pag aalala ng kaniyang ina sa kaniya.
"Im okay mom!" Sagot lang ni Tiana at umiyak lang ulit siya.
Hindi nila maawat sa pag iyak si Tiana at hinahanap nila si Samuel nang wala siya sa tabi ng kaniyang ina.
NASA school si Samuel at nagpunta sa locker niya nang mag napansin siyang isang letter mula sa bag niya. Pero hindi niya alam kung kaninong bag na hawak niya kaya kinuha niya iyon at dinala sa hallway.
Kinalkal niya ang bag na iyon at tumbad duon ang pangalan na "Andy Domenic" at isang journal na ang pangalan ay "My Dear Werewolf". Nagpalinga linga siya at umalis ng school nang harangin siya ng Prof na galit sa kaniya.
"Ano ginagawa mo rito? Bisperas ng gabi?" Tanong niya nang tignan niya ang bag na hawak niya.
"W-wala ho s-sir.." sagot lang niya nang tumingin na si Samuel ng masama
"Mabuti pa't hatid na kita" at nagulat ang binata pero hindi siya pumayag kaya tumakbo agad siya nang habulin siya ng Prof.
Deretsiyo agad siya sa Clinic at mabuti na lang ay hinarang siya ng mga guard sa gate. Tinignan lang siya ng masama at umalis na.
"Saan ka nang galing nak?" Pag aalala ng kaniyang ina sa kaniya nang tignan niya ang bag na dala dala niya. Natigilan siya sa pagsasalita tila'y may naalala.
"Sa school ma, may kinuha lang" sagot nito. "Mabuti pa at umuwi na kayo ma. Pagod ka na at ako naman magbabantay sa kapatid ko" aya niya at hinila na ni Stacey si Francine. "Salamat tita" bati nito nang kumaway lang si Stacey.
Habang nakaup siya sa tabi ni Tiana ay tinitignan niya ang bag na nanduon. Nakita niya ang pangalan na iyon sa panaginip niya. Biglang nagising si Tiana at hinawakan ang kamay ng binata.
"K-kuya Fritz" bungad nito. "k-kasama sa panaginip k-ko.." wika nito at nakatitig lang siya.
Binuklat niya ang libro nang lumipad iyon at hinabol iyon ng binata nang may sumalo duon. Si Orley.
"Saan mo ito nakuha?" May diin na tanong ng kaniyang tito sa binata.
"S-sa school" sagot lang ng binata nang hawakan niya ang kamay ng binata
Nagulat ang tito niya nang makaramdam siya ng kakaibang lakas mula sa mga kamay ng binata. Hinawakan din niya ang kamay ng dalaga at napayuko na lang ang tito nila.
"Ilan taon kayo ngayon?" Tanong ng kanilang tito.
"16 kami pareho" sagot ng dalawa ng sabay.
"16 years kayo pinaglihiman ng iyong ina" wika ng tito niya.
"T-teka ano ibig mong sabihin?" Nagtataka si Tiana at biglang tumalon si Orley sa bintana.
Sumilip ang binata at napalingon siya nang tanggalin ni Tiana ang nakasaksak sa kaniya. Hinila ng dalaga ang binata at bumaba nang nakahospital rob pa.
"Miss! Bawal 'yan ginagawa mo miss!" Wika ng isang nurse na naka duty sa hospital.
Sinundan nila ang tito nila at nagtataka pa din si Samuel kaya bumitaw na siya.
"Ano ba Tiana?!" Wika ng binata na naiinis na
"Ang panaginip ko.." nakayuko lang siya. "Ito.." dutong nito at unting unting lumalayo ang binata. "Nakakakita ka ng sumusunod na mangyayari Samuel at ako ay nakakakita ng hinaharap" paliwanag nito at nakatitig lang siya sa malayo nang may makita siyang werewolf na pasugod sa kaniya.
Mabilis na tumakbo ang werewolf at humarang si Samuel sa harapan ni Tiana kaya biglang tumalsik ang werewolf.
"DADAAN KA MUNA SA AKIN PAG SINAKTAN MO ANG KAPATID KO" wika nito at tumingin siya sa dalaga nang ngumiti siya.
May dalawang werewolf na sumugod sa kaniya at kinain nila ang isang werewolf. Tumakbo ang dalawa at nagtago sa isang malaking puno.
"Ang panaginip ko.." bungad ulit ni Tiana. "Hindi na ako duwag dahil pinoprotektahan na ako ng dalawang taong mahal ko" wika nito at napatingin ang binata.
"Sino?" Pagtataka ng binata at lumayo ang dalaga sa kaniya.
"Ikaw" ngiti niya. "Ang ang tatay natin" dugtong nito.
Biglang natawa ang binata. May kumaluskos sa mga dahon at lumayo siya sa puno nang makakita siya ng dalawang lalaking papunta sa dalawang kabataan.
"Sino kayo? Bakit andito kayo sa teritoryo namin?" Tanong ng lalaking moreno na malaki ang katawan at may bandana. Katabi niya ang lalaking maputi na may benda ang kamay
"P-pasensya na ho, may hina-hinabol lang kami" at natawa ang lalaking maputi nang tignan niya si Tiana na naka hospital rob
"H-hindi ka naman nilalamigan?" Tanong ng lalaking maputi sa dalaga
Napatingin ang dalaga sa suot nito at nainis ito. Lumapit si Tiana sa lalaki at tinulak siya nang magulat siya at tumalsik ang lalaki sa may puno at natumba siya.
"S-Sammy?!" Wika nito nang mahinahon at napatingin siya sa mga kamay niya.
Tinignan lang siya ng dalawa mula ulo hanggang paa.
"Sila nga.." wika ng lalaking moreno.
"Ang dalawang kambal ng legendary" sagot ng lalaking maputi.
Lumuhod ang dalawa at parang sinanto nila ang kambal.
"Malugod ho namin kayo pinaparito sa aming teritoryo" wika ng lalaking maputi
"T-teka lang ha? Una sino kayo? At pangalawa, bakit niyo kami niluluhudan? Mga santo ba kami?" Takang taka na ang binata sa dalawa.
Nagulat ang dalaga nang tignan ni Samuel ang mga mata ng lalaking maputi nang tumalsik siya at napa atras.
"Ayoko maniwala, Jake" wika ng binata at nagulat si Tiana dahil binasa pala ang utak ng lalaking maputi.
Nagulat ang dalawa sa narinig nila.
"Mike and this is Jake" wika ni Mike sa dalaga.
"Tiana and Samuel" wika ng dalaga at hinawakan ni Mike ang kamay ng dalaga.
Hinampas ni Samuel ang kamay ng dalaga na animo'y hindi pa puwede.
May isa pang lalaking na papunta sa kanila pero sila na mismo ang pumunta.
"Hanggang sa muli!" Wika ni Jake nang habulin siya ni Tiana pero inawat na siya ni Samuel
"Hindi ka ba talaga nalalamigan sa suot mo?" Wika ng binata.
"Heh!" At ngumiti na siya. "Tara at hinahanap na tayo ni mama" Naglakad na sila pauwi na magkaakbay ang dalawa.
MATAPOS ang ilang araw na naospital ang dalaga ay bumalik na ulit sa trabaho ang kaniyang ina at ang dalawa naman ay hindi ulit alam kung nasaan. Nasa school ang dalawa at pinagiinitan ulit siya ng prof.
"MR. MEDINA, WHAT IS THE SQUARE ROOT OF 456?" Tanong niya sa binata ng pasigaw.
Wala sa intensyon niyang tignan ang kaniyang prof sa mata nang maaksidente niyang tignan iyon. Nakita niyang may pumatay sa lalaki at babae habang ang bata ay hinahawakan niya. Napaatras ang binata at nagdugo ang ilong nang makita iyon ng mga kaklase niya. Nagpanic ang lahat at dinala ang binata sa clinic. Biglang sumulpot ang dalaga.
"Ano nangyari sayo!" Pag aalalang tanong ng dalaga.
"W-wala, sa init lang 'to" sagot nito at yumuko ang binata.
Pinatingala ng nurse ang binata baka lalo raw mawalan ng dugo si Samuel kaya sumunod naman iyon.
"Hi-hindi Sammy! Pangalawang beses na 'to! Noong una kay tito Orley ta's ngayon kay prof?" Naiinis na wika ni Tiana. "Binasa mo ba mga utak nila?" Mahinahon na wika nito.
Hindi makapaniwala si Samuel sa nakita niya sa tito niya noon. Na hindi pa niya nasasabi kanino man. Ang panaginip naman ni Tiana ay inuunti-unti na niya. May clue na siya sa panaginip ng dalaga pero gusto din niyang basahin ang iniisip ng kapatid.
Tumango lang siya at ang nurse na ang nagsalita.
"Mr. Medina, pagod ka lang so kailangan mo muna ng mahabang pahinga. Ipapasa ko ang record mo sa mga teachers mo para excuse ka sa mga subjects mo" paliwanag ng nurse.
"The fuck?! Pagod?! Kaya ko pa mag aral miss!" Wika ng binata na naiinis.
"Kailangan mo hanapin ang pumatay sa lolo at lola mo" sagot ng nurse at nagulat silang dalawa.
"Nababasa din ba niya utak ko?!" Aniya sa dalaga at napataas na lang siya ng balikat.
Lumabas na ng clinic ang nurse at mukhang tama ang nurse. Kaya lumabas agad sila ng school at umuwi sa dorm nila.
"Hindi ko alam kung tama ako Sammy pero gaya ng nasa panaginip ko, may superpowers raw tayo.." wika ng dalaga at napangiti sila.
Umakyat ang dalawa sa rooftop at sa tabi ng building ay may isang maliit na building na nanduduon.
"Ano gagawin natin dito?" Wika ng dalaga at napaisip ang binata kaya nagsearch siya sa phone niya about werewolf
"Ang sabi rito" bungad niya. "Kayang tumalon ng werewolf kahit gaano kataas pa 'yan" dugtong nito.
Mauunang tumalon si Samuel sa kabilang building kahit na natatakot siya. Kaya ginawa na niya.
"AAAAAHHHH!!" Sigaw ni Samuel sabay takbo at talon papunta sa kabilang building.
TO BE CONTINUE..
———————————-
Don't Forget to leave a comment, Vote and have a feedback to my story. All the love - B