Chereads / My Dear Werewolf / Chapter 15 - 1

Chapter 15 - 1

Unsure things makes differ from what he had. Maybe loving a werewolf is a precious thing but it has its end.

————————

10 years before the present

"Pagbibigyan kita!" Wika ng isang werewolf na malalim ang boses

"Hindi namin alam sinasa—" at dinukot sila ng isang werewolf na malaki, matikas at mukhang babae.

"Nanay!!" Sigaw ng isang babaeng tao at wala siyang ka muang muang dahil sila ay isang bata pa lamang.

Nagising si Francine sa panaginip na iyon at katabi niya ang anim na taong gulang na si Samuel at Tiana.

"Sino y-yun mama?" Tanong ni Samuel.

"Isang masamang panaginip nanaman mga anak" sagot nito sa dalawa. "Mabuti at nagigising ako" dutong nito.

"Pag hindi nagising kukunin ka ng devil 'di ba?" Wika ni Tiana at napatingin ito sa kaniya

"Oo nak" sagot niya at napabuntong hininga siya. "Kayo, lalo ka na Sammy dapat magising kayo sa panaginip dahil walang totoo sa panaginip na iyon" wika lang niya at niyaka siya ng mga anak niya.

Hindi matanggap tanggap ni Francine ang pagkawala ng mga taong mahal niya sa buhay at pagkawala ng kaniyang nobyong si Fritz. Simula noong isinilang niya ang kambay ay wala na siya balita sa binata. Ni hindi na din dumadalaw si Stacey at Orley sa Freshwater.

Tanging ang kambal na lang ang nagbibigay lakas sa kaniya. Siya ang nagpalaki sa dalawa. Naging saleslady siya sa mga shopping malls malapit sa Freshwater at sa ibang lugar. Nagkakabalita pa din siya patungkol sa mga werewolf lalo na pag full moon. Sa scotland ang pinakamadami dahil nandun ang kota nila.

Ngunit nagbago ang lahat nang palayasin siya ng may ari ng bahay sa hindi malamang dahilan.

"Saan na tayo titira nito?" Aniya sa sarili.

"Bumalik na lang tayo ng sco—" naputol iyon nang nag shh ang kaniyang ina

"Ako ay hinding hindi na babalik" sagot ng kanilang ina na tila'y may naalala. Ang nobyo niyang si Fritz.

Tumuloy sila kila Stacey sa Andredai kung saan hindi nagtagal ay nawala din ai Stacey. Kinuha na din ni Orley. Namumuhay silang masaya at masagana.

PRESENT DAY

Nasa rooftop si Samuel at nagmamasid sa paligid nang hawakan ni Orley ang braso niya. Hindi pa din makapaniwalang malaki na ang kaniyang inaanak at binatang binata na.

"Kamusta mama mo?" Bungad nito

"Ayun, laging madrama kasi iniwan daw namin siya" sagot lang ng binata. "T-tito? Ang mga panaginip din ba minsan ay totoo?" Wika nito sa kaniya

"Oo, kasi nakikita mo ang itura ng lugar kahit sa panaginip" sagot niya nang napabuntong hininga ang binata.

Nililibot ang mata ng binata sa paligid hanggang sa magsalita ulit ang kaniyang Tito.

"Ang Scotland ay sikat sa mga werewolves dahil ang mga tao rito ay walang pakialam dati" bungad nito. "May dalawang taong nagmamahalan na ang pangalan ay si Es at si Tsi, isa silang werewolf pero hindi nila kayang mahalin ang isa't isa dahil sa ibang bagay ginagamit ang kapangyarihang taglay niya" kuwento ni Orley nang palubog na ang araw at tapos na ang isang araw na nasa Scotland sila.

Nakatitig lang ang binata sa kaniya at napatingin ulit sa malayo.

"Isang folklore" wika ng binata at napatingin ang kaniyang Tito at natawa siya.

"Alam mo naman ang iyong tito mahilig sa Myths! Bumaba ka na at mukhang hinahanap ka na" aniya at ngumiti lang ang binata.

Maya maya pa ay may bumaba sa rooftop at isa itong lalaking may 6pack abs pa din at may beared, may sugat sa dibdib at moreno na.

"Kamuhang kamukha mo ang binata" wika ni Orley sa kaniya

"Kaya nga eh" sagot nito. Napabuntong hininga siya.

"Kailan ka magpapakita?" Tanong nito sa kaniya.

"Pag naniniwala na sila sa folklord" sagot lang niya at lumipad ulit. "Makikilala din nila ako Orley" wika niya at nawala na siya sa paningin.

Umiling na lang si Orley at lumipad na din siya pabalik sa kota nila. Sa may lagpas ng bukid ng Scotland.

KINABUKASAN ay maagang tumatawag ang kaniyang ina si Francine sa telepono. Sinagot iyon ni Tiana

"Ma kamusta ka d'yan?" Bungad ni Dalaga.

"Okay lang ako nak, kayo? Pag dating niyo hindi niyo na ako kinamusta" sagot ng kaniyang ina na nakaloudspeak.

"We're fine and good mum" wika ni Samuel habang namumugay pa ang kaniyang mga mata.

Nakakapagtaka, hindi siya ganiyan sa mga ibang bagay till she heared that her kids is moving to Scotland.

"Ma totoo po ba—" pinutol agad ni Samuel ang tawag dahil hindi niya nasabi ng direkta sa kaniyang ina.

"H'wag ngayon Tiana" sagot ng binata sa kaniya. "May kailangan tayo puntahan bukas, free ka ba?" Aya ng binata

"S-sammy!!" Biglang nginig ng dalaga

"Nako Marian papairalin mo nanaman ba pagiging matatakutin mo?!" May wika nitong naiinis. "Hindi ka na bata, 16 ka na Tiana!" Dugtong nito at tumayo.

Kada nag aaya ang kaniyang kapatid ay laging may takot agad ito sa kaniyang dibdib. Hindi alam iyon ng kaniyang ina dahil sa isang panaginip na hindi siya nagising. Umiyak lang si Tiana nang tignan lang iyon ni Samuel

"Yung panaginip mo nanaman ba?" May mahinahon na tanong nito sa dalaga sabay tango nito. "Akong bahala sa'yo!" Sagot lang niya at hinawakan nito ang kamay ng dalaga.

Nagslow dance sila at inikot niya ang dalaga.

"Better?" Tanong nito at tumango lang siya.

Isa sa panaginip niya ang slowdance kasama ng kaniyang ama pero si Samuel lang ang gumagawa nito sa kaniya.

"H-hindi ko pa kayang ikuwento" wika nito at hinawakan niya ang buhok ng dalaga.

"Hindi naman kailangan pa" sagot ng binata at may gumalabog sa labas ng kanilang condo.

Lumabas ang dalawa at napansin nilang wala naman kaya sinarado ulit ni Samuel ang pintuan. Tinignan niya ang oras at iyon ang hudyat para pumasok na.

HABANG naglalakad sila ay may napansin si Samuel isang poste na punong puno ng mga naka paskil. At isa duon ang nakalagay na "kill freywolf"

"Parang isa ito sa panaginip ko" bulong ng binata sa sarili

"Ano yan Sammy?" Tanong ng dalaga sabay silip niya pero umalis agad iyon at hinila ang binata.

"B-bakit?!" Gulat nito sa dalaga.

Hila hila lang niya si Samuel at tumakbo ito ng mabilis kasama siya.

"T-teka Marian!!" Hinto ng binata. "B-bakit?! Ano meron duon?" May pagtataka niyang tanong

"B-basta! Late na tayo" aniya at tumakbo lang ang dalawa.

Habang tumatakbo sila ay may nagkukumpulan nanaman sa isang eskinita malapit sa school pero hindi na nila iyon pinansin. Nakapasok na sila sa gate at umakyat sila sa magkabilang room.

"MR.MEDINA YOU'RE LATE" wika ng prof niyang galit na galit sa aura niyang naka black leather jacket at kulay blue ang mga mata.

"S-sorry prof" may pasungit na sagot nito at umupo sa tabi ng isang babae.

Ang isang prof na sa kaniya lang galit. At hindi niya alam kung bakit. Lagi siya tinitira sa klase at ngayon dahil hindi. May sinusulat siya sa papel at nagtataka ang binata. Ngunit hindi na niya iyon pinansin at tumayo na lang siya at lumabas.

"MR. MEDINA! GET BACK HERE!" Wika ng prof at hindi na lang siya pinansin ni Samuel.

NAGPUNTA siya sa talipapa malapit sa school niya. Nagtingin tingin lang ang binata pang birthday sa kanilang dalawa ni Tiana nang mapansin niya ang aesthetic shop na nasa tabi lang ng gulayan. Nakikita niya ang mga puting matutulis na bagay na nanduduon.

"Ngipin ng mga werewolf 'yan" wika ng tinderang nakatingin sa kaniya

"H-huh?" Sabay bitaw ng binata at nakaramdam ng kaba pero mukhang maganda sa kaniyang mga mata

Kumuha siya ng isa at binayaran niya iyon sa murang halaga.

Habang naglalakad lakad ang binata sa buong talipapa ay nakaapak siya ng malagkit at basang simento. May naalala siyang isa sa panaginip niyang dito dumadaan ang mga werewolf. Napaatras siya nang tumama siya sa mga tao na dumadaan. Bigla siya tumakbo pabalik sa school nang makita niya si Tiana na kasama ng mga babae palabas dahil uwian na

"Nagcutting ka ano?" Aniya at seryoso lang ang tingin sa kaniya

"Ano pa nga ba? Si Prof Gael" sagot nito sa dalaga

"Lagi na lang ba? Ako din eh.." wika nito. "Galit na galit sa akin" dutong niya nang tinignan siya ng binata

"S-sinak—"

"Bakit ako papayag na gawin sa'kin 'yun Sammy? Edi pinatay mo na 'yun" at inakbayan siya ng dalaga.

Naglalakad na sila pauwi nang tumawag ang kanilang ina si Francine

"Saan kayo?" Wika nito? "Nasa dorm niyo ako nak" dugtong nito

Nag tinginan ang dalawa at tumakbo papunta sa building. Naguunahan pa sila paakyat nang makita nila ang mama nilang blooming at may ngiti sa mga labi.

"Ma!" Yakap ng dalawa sa kaniya.

"Mga anak koo!!" Wika nito at mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanila. "Ang bilis niyo nang lumaki parang mauunahan niyo pa 'ko" dugtong nito at natawa ang dalawa.

"Yaan mo ma mahahanap mo din si papa" sagot ni Tiana nang bungguin siya ni Samuel at natawa na lang siya.

Pumasok sila sa loob at mabilis naghanda ang babaeng anak ni Francine habang si Samuel naman ay nagbibihis. Pumunta lang ng terrace si Francine nang makita niya ang buong paligid ng Scotland at Fretas. Bigla na lang bumagsak ang luha niya nang maalala niya si Fritz. May biglang yumakap sa kaniya at si Tiana iyon

"Ma are you okay?" Wika ng dalaga

Tumango lang siya at pinunasan niya ang luha niyang tumutulo nanaman.

"Naalala mo nanaman si Papa?" Tanong nito at tumango lang siya.

"Tara na ma onti lang kasi niluto ni Marian kaya sa'yo na lang 'to" wika ni Samuel at pumasok siya. Umupo at mabilis na kumain

"Hindi ka nanaman kumain ma?" Tanong ni Tiana

"Paano kasi baka malate ako hindi ko nanaman kayo makikita" sagot niya sa dalawa

"Mabuti at wala kaming lakad today" sagot lang ng binata na nakaupo na din at tinitignan ang kaniyang ina.

NAMAMAHINGA ang kaniyang ina sa kama ni Tiana nang ang dalawa ay nasa sala.

"Ready ko nang ikuwento ang panaginip ko" aniya at napalingon si Samuel at pumikit nang napadilat ulit.

"May something talaga duon sa talipapa" sagot lang ni Samuel at tumayo siya

"Samahan mo 'ko?" Lahad niya ng kamay at hinawakan iyon ng dalaga.

Lumabas sila ng kuwarto at tumakbo pa elevator. 10:30pm na ng gabi nang lumabas ang dalawa.

Tumatakbo sila papunta sa talipapa nang nagtago sila sa ilalim ng payong na nakabukas. May isang werewolf na may kinakain.

"T-totoo ang folklore.." bulong ni Samuel nang umatras ang dalawa at nabunggo si Tiana sa basurahan sa gilid niya.

Napalingon ang werewolf sa dalawa.

"Magandang gabi Samuel at Tiana" wika ng werewolf nang magtaka ang binata

"S-sino ka?!" Aniya at natatakot itong palapit sa dalawa. "Pa-paano mo kami ki-kilala?" Utal niyang wika

Palapit ng palapit ang werewolf nang sumigaw siya. "RAAAAWWWWHHH"

"TIANA TAKBO" sigaw ng binata at binato ni Samuel ang werewolf sabay takbo din.

Hinahabol ng werewolf ang dalawa nang matisod si Tiana at sinalo naman siya ng binata.

"MAY DALAWA AGAD AKONG HAPUNAN" wika nito at may sumugod sa kaniyang isang werewolf.

Tumakbo ang dalawa sa di malamang lugar at nasa gubat sila. Nagpalinga linga ang dalawa at hindi na alam kung saang palabas. Tumakbo lang ang dalawa nang hingalin si Tiana at umiyak.

"K-kasalanan ko 'to" wika nito at niyakap lang siya ng binata.

"Wala kang kasalanan okay?" Sagot nito para mawala ang takot ng dalaga.

Hawak lang ni Samuel ang kamay ng dalaga nang makita niya ang isang tao. Paglapit nila ay nagtanong agad sila. Lumingon ang lalake at nagulat sila.

TO BE CONTINUE..

———————————-

Don't Forget to leave a comment, Vote and have a feedback to my story. All the love - B