"Ama, puwede magtanong?" Bungad nito sa kaniyang ama sabay humarap sa kaniya ang kaniyang ama.
"Ano 'yun nak?" Wika nito sa binata at ngumiti, sabay na nahiya ang binata.
Nahihiya pa si Fritz ngunit halata na sa mukha ng binata na may nagugustuhan na siya.
"Kung mahal mo ang isang tao dapat kalimutan mo 'yung pagiging warewolf mo" advice niya agad nang siyang kinagulat ng binata.
"Ga-ganun ba g-ginawa mo?" Pagtataka ng binata sa kaniyang ama. "Si ano ba 'yan.. Si ina?" Dugtong ng binata at lumapit ang ama sa kaniya.
"Oo nak.." wika nito. "Kaya ako nawala ng mahabang panahon ay hindi ko tanggap na naging warewolf din ako" aniya at napayuko na lamang siya. Animo'y may naalala sa lahat ng nangyari sa kaniya. "Pero nak..kung magmamahal ka.. 'yung sa'yo na talaga" advice niya ulit. "yung hindi ka magaanlilangan" dugtong nito at bigla siyang naiyak.
Biglang nagulat ang binata sa nangyayari sa kaniyang ama. "B-bakit? Paano ang pagiging warewolf ko?" Tanong nito sa kaniyang ama.
"Malalaman mo din pag dating ng panahon" aniya at niyakap niya ang binata. Nakaramdam ng kirot si Fritz matapos siyang yakapin ng kaniyang ama. "pahinga ka muna diyan at aalis muna ako" tapik niya sa braso ng binata at ngumiti siya ng tipid.
Lumabas ng kuwarto ang kaniyang ama at bigla naman niyang naalala ang kaniyang nobyo na si Francine kaya biglang kinuha agad sa bulsa niya ang phone niya at marami na nga itong text sa kaniya. Tinext niya nito ang dalaga.
To: Francine
Meet me at rooftop.. 10pm, -Fritz :)
Naupo ang binata sa kama at tinignan ang bato. Med'yo nanlalabo ang mga mata nito at nang titigan niya nang mabuti 'yon ay may nakikita siyang maliit na bagay sa loob. Hindi iyon senyales sa pagkaka alam niya at hindi din iyon diyamanteng basta basta lamang. Hinayaan na lang niya muna iyon at nag ayos na ang binata.
NAG AAYOS ang dalaga ng kaniyang gamit sa kaniyang kuwarto dahil puro na ito alikabok at puro na din sira dahil sa mga naalala nito ay pinagbabato niya iyo sa ex niyang si Andrew. Ang dami niyang pangambang pumasok sa isipan nito at isa na dito si Fritz na baka kung ano na nangyari sa kaniya pero noong nagtext ang binata sa kaniya ay naginghawaan siya.
Nabalitaan niya din kay Andy na lumalala ang sakit niya kaya hindi niya iyon madalaw. Bigla din nasagi sa isipan niyang bakit niya nahalikan ang binata at wala iyon sa plano niya. Francine is Fritz girlfriend at iyon ang nasa isipan ng dalaga kahit wala pa silang sagot sa isa't isa.
Nakaupo lang ang dalaga sa lamesa niya at nagsusulat sa story niya na ilalagay niya sa wattpad.
"Ano kaya ilalagay ko sa next story ko" aniya sa kaniyang sarili nang napansin niyang para na din siyang tanga sa ilang oras din siyang nagisip pero si Fritz pa din ang nasa isip niya.
Maya maya pa ay biglang tumawag ang binata sa kaniya.
Fritz: Hi.
Francine: H-hello
Fritz: Are you busy?
Francine: N-Not really baby you?
Fritz: Baby huh..
Tumawa at kinilig naman ang dalaga. Napatayo siya at nagpagulong gulong kama nito nang nagulat ang dalaga dahil nahulog siya.
Fritz: Ang panget mong kiligin..
Nagulat siya at tumingin ito sa terrace na nandun ang binata. May dalang bulaklak at favorite niyang chocolate. Nahiya siya sa ginawa niya kaya tumakbo agad siya at pinagbuksan niya ang binata.
"A-akala ko ba sa roo-rooftop?" May utal nitong wika sa binata
"Ang tagal mong sumagot sa text ko eh" sagot ng binata at tinignan niya ang phone niya na nakadraft lang pala ang text niya sa binata.
"T-thank you" pulang pula ang mukha ng dalaga at hindi iyon maipagkakaila sa kaniya dahil maputi siya. "Sign ba 'to ng panliligaw" pataray nitong tanong at pinisil ang cheeks ng binata. "O tayo na?" Pabiro nitong sabi sa binata.
"Hindi, baka sinusuklian ko lang yung paghalik mo sa'kin" ngumisi siya at hinampas siya ng mahina. "Are we? Parang wala pa ata akong nakikitang sagot.." aniya at may hinahanap sa kaniya.
May kinuha ang dalaga sa kaniyang bulsa at inaabot iyon ng binata nang maghabulan sila sa kaniyang kuwarto at natungtong si Francine sa kama niya at binato si Fritz ng unan. Dinaganan ng dalaga ang binata at natumba ang dalawa. Nagtawanan sila at nagtitigan. The way he look at his partner is devastating, that he can't see other girls other than her. He knows for himself that he cannot love a person but he knows he can. Napatayo ang dalawa at kinuha ng binata ang papel.
Roses are red
Violets are blue
All i can say that
I love Fritz Anderson
Natawa ang binata at niyakap niya ang dalaga ng mahigpit. Nagkatitigan sila at muli ay dumapo ang kanilang mga labi sa isa't isa pero nagulat na lang ang dalawa nang sumulpot bigla si Andy.
"What are you doing here?!" May inis na wika ni Fritz sa kaniyang kaibigan.
"A-akala ko w-wala ka" sagot niya na nahihiya. "S-sige na, maghalikan ulit kayo" dugtong niya at binatukan niya ang kaibigan niya.
"Gago!" Sagot lamang ni Fritz at aalis na dapat si Andy nang sinundan na iyon ni Fritz.
"Mauna na kami.." wika ni Andy sa dalaga at natatawa lang siya.
Tinulak ni Fritz si Andy at muntik na siya mahulog kaya sinalo siya ng binata. Tawanan laman ang dalawa at kumaway ang dalawa sa dalaga.
NANG makarating ang dalawa sa rooftop ay naupo lamang sila sa gilid at pinagmamasdan ang buong Scotland. Nagpophone lamang si Andy at si Fritz naman ay tinitignan ang litrato ng kaniyang ama.
"Kayo na ni Francine eh!" Aniya sa binata. "Alam mo pre.. chansingan mo na si Francine" wika ng mokong niyang kaibigan habang naglalaro
"Ha ano yun?" Inosenteng tanong nito. Wala siyang ka alam-alam sa sinasabi ng kaibigan.
"Luh painosente ka pa!" Wika niya nang mag pinakita siyang sa lalaki lamang. "nagawa mo na nga" at ang picture ng nagkikiss iyon.
"Wala ako ginagawa" sagot nito. "Besides its just a kiss.." at ngumiti ang binata sa malayo. Animo'y isang matamis na ngiti ang pinakita niya sa kaibigan niya.
"Palibhasa warewolf ka!" May diin niyang wika at napalingon ang binata. Napakamot siya sa ulo niya. "Sige na nga! 'yun yung hihipuan mo.. yung gagalawin mo siya" at napadilat ang binata at kinaltukan ang kaibigan niya ng malakas.
"Araaaay!" Sigaw nito sa kaniya.
"Aba gago ka ba?!" Naiinis nitong sabi sa kabigan niya. "May respeto ako sa kaniya!" At tumayo ang binata. "palibhasa lahat ng mga nagiging babae mo nakaka one night stand mo" sabay dila nito sa kaibigan niya.
"Luh pre.." indenaial niya. "Loyal pa din ako sa isa" aniya at natatawa ng kaonti. "try mo masarap" dugtong niya at binatukan siya ni Fritz.
"Igaya mo pa ako sa iyo" sagot lang niya at inayos niya ang tent ni Andy.
Natatawa na lang ang binata sa kaniya. Aminado masiyado si Andy na sobrang guwapo na tipong habulin ng chicks. May 4pack abs at may bigote pero nagshashave siya at may nose ring na animo'y rakista ang dating pero mukha raw siyang monggi ayon sa kuwento ni Fritz kila Jake.
LUMIPAS ang ilang araw na pantutugis ng binata sa mga kriminal sa Scotland at Fretas ay unting unti nang gumaganda ang mga lagay ng tao ruon. Nagiging mabait na ang mga tao kay Freywolf at namumulat na sila sa katotohanang mabuti si Freywolf. Bibigyan ng parangal si Freywolf sa pagiging bayani niya sa bayang Scotland at Fretas. Naging maayos din ang samahan nila ni Francine na palaging sundo si Fritz at marami na ang nakakakilala sa taong lobo.
Ngunit isang araw habang nasa iskuwelahan si Francine ay biglang bumisita ang ex niyang si Andrew.
"Ano ginagawa mo rito?" Wika ng dalaga sa kaniya
"Ako susundo sa'yo" aniya na may planong gawin.
"Sabi ni Fritz sa kaniya lamang ako—-" naputol iyon nang hilahin ni Andrew ang kamay ni Francine nang hampasin ang kamay ni Andrew ni Fritz.
"Long time no see!" Nagagalak na wika niya sa kaniya.
"So.." maangas na tingin nito sa binata. "Ikaw pala ang bago ng fiance ko.." wika niya at dinala ni Fritz si Francine kay Andy.
"Ah? Imagination" malamig niyang sagot sa kaniya. "Kailan ka pa nag proposed?" At halakhak niya. Mortal na magka away si Andrew at Fritz dahilan ng matagal nang agawan ng trono bilang legendary werewolf warrior.
Nang gagalaiti sa galit si Andrew at umalis na sila kasama ng dalawa niyang kasama.
"Okay ka lang?" Aniya kay Francine nang nagbibigay lang siya ng nagtatakang ekspresyon.
"Kilala mo siya?" Tanong niya at tumango lang ang binata. "Paano? Kailan? Saan?" Sunod sunod na niya.
"Dito ako lumaki 'di ba?" Pagsisinungaling niya at napatingin na lang siya sa kaibigan niya. "Hatid mo siya pre" aniya kay Andy at tumango siya.
"A-akala k-ko ba—"
"Sorry babe, i have to go" at hinalikan siya sa nuo. Tumakbo ang binata palayo.
May isang text siyang natanggap sa kaniyang Kuya na parang nagmamaka awa.
From: 09697493624
Fritz, bunso pwede ba tayo magkita ngayon sa puntod ni mama.
At pinagbigyan niya ang kaniyang kapatid. Lumipad ang binata papunta sa puntod at hinahanap niya ang kaniyang kuya.
"Fritz" tawag ni kuya sa binata.
Lumingon ang binata at may malaking sugat siya sa tiyan. May binigay din siyang isang bato na ordinaryo na lang.
"Nanghihina ako.." mahinang wika nito. "sa tuwing nagkakaaway kayo ni Deny.." at napaluhod siya nang sinalo siya ng binata. "sa tuwing inaawat kita.." at inalalayan ito sa sahig kung saang malamig iyon.
"Kuya.." may awang wika nito at may humawak sa likod niya at ang ama iyon.
"Nagusap kami ni kuya mo bago sumugod si Deny rito" bungad ng ama sa binata. Si Deny mismo ang bumukod sa inyong tatlo at pinilit lang si kuya mo na sumama sa kaniya---" at naputol iyon nang dumating si Wendy at si Mike
"TAKSIL.." sigaw nito. Niloko na siya ng kaniyang kuya na dating magkasintahan. NILILINGLANG KA LANG NIYAN" sigaw ni Wendy na kinagulat ng kaniyang kuya.
Lalong nanghihina ang kaniyang kuya at lumalaki ang sugat sa kanyang tiyan. Naka handusay lamang ang kuya at tinutulungan iyon ng dalawa. Nagdilim ang paligid at biglang umulan.
"Kung galit ka pa din dahil sa inyong nakaraan ay kalimutan mo na iyon.." wika lang ni Fritz kay Wendy na nakatitig lamang sa kaniya.
Ibibigay ni Fritz ang kaniyang lakas sa kuya niyang nanghihina at unti unti naman ito gumagaling. Ngunit nakakaamoy ang binata ng isang masamang amoy. Nasa likod na pala si Deny at mga kasama niya. Nagulat silang lahat.
"ISA KANG TRAYDOR" at sabay turo niya kay Scott at duon naniwala nang tuluyan ang binata.
Tumayo si Fritz at nag anyong werewolf. Sinugod niya agad ang kaniyang ate nang kalmutin siya sa likot at bilang ganti ay kinagat si Deny sa paa.
"HANGGANG KAILAN ATE.." malalim at malamig na wika nito sa kaniya habang sinasakal nito ang dalaga.
"HANGGANG SA MAMATAY KAYONG LAHAT" sagot niya at sinuntok nito ang binata nang siyang lalong kinagalit ng binata.
MAY UMALULONG na werewolf sa pagitan ng isang gubat kung saang nag lalaban ang dalawa at dinig iyon hanggang sa eskuwelahan ni Andy kung saan kakabalik lamang niya dahil hinatid si Francine. Kinuha niya ang werewolf detector na nasa locker niya at may isang werewolf na pasugo sa kaniya. Tumakbo siya ng mabilis at nabunggo siya kay Jake.
"Saan ka pupunta" awat ni Jake na siya pala ang nasa warewolf detector ng mokong.
"Puta naman akala ko naman may warewolf dito" sagot nito sa kaniya at natawa lamang siya.
"Tanga wala at ako lang 'yun.." sagot niya na isa ding tanga. "bakit ka pa nandito ng hating-gabi?" Tanong niya bigla.
"Sabi kasi ni Fritz dito kami magkita at may susugurin siya" aniya na parang nagtataka kung bakit din nandito siya at hating gabi.
"Ahhhh.." tango lang niya sa kaniya. "Si Andrew.." dugtong nito.
"Paano—" at napaisip siyang kaibigan din pala ni Fritz ang kausap niya. "Ahh sabagay kaibigan mo pala" at napakamot na lang ito sa ulo.
"Sorry nasa puntod ng kanyang ina si Fritz kasama si Scott" malamig niyang wika na nag aalala.
"Eh? Pupunta ako" may nag aalangan na wika nito kay Jake.
"Tara" sabay hawak niya sa damit ni Andy at nilipad siya agad.
"PRE.." biglang pikit niya at biglang dumilat. Sumigaw siya ng malakas. "AAAAAHHHHH BAKIT GANITO NAMAN" sigaw nito kay Jake at nabingi si Jake
"Bakit hindi ka ba nililipad ni fritz?" Tanong nito kay Andy.
"Sa likod sinasakay niya 'ko" sagot niya at binuhat pa niya ang mokong at nilagay si Andy sa likod niya.
Nag anyong warewolf si Jake at mabilis silang nakarating sa kinaroroonan nila Fritz kung saang duguan na si Mike at Fritz. Palipad na sana si Deny dala si Scott nang makita ng binata si Andy na may hawak na patpat.
"IKAW!" sabay binato si Deny ng patpat at napalingon ang dalaga na masama ang tingin sa mokong.
"RAAAAAWWWWWWHHHHHH.." tumalsik ang mga laway ni Deny sa katawan ni Andy nang itulak ni Jake si Deny at pinagsusuntok din. Tinulungan ni Andy ang Binata at nagulat siya nang papunta siya sa kinaroroonan nila.
"M-MAY KASAMA PALA KAYONG HAP-HAPUNAN" wika ni Deny at sinigod niya ulit ang kaniyang ate nang manghina ang ate nang sa braso na siya kagatin ni Fritz
"Patayin mo na ako h'wag ang kaibigan ko!" May diin nitong wika.
"Babalikan kita bunso.." ngumisi siya at lumipad na.
TO BE CONTINUE..
———————————-
Don't Forget to leave a comment, Vote and have a feedback to my story. All the love - B