Chereads / My Dear Werewolf / Chapter 5 - CHAPTER 3

Chapter 5 - CHAPTER 3

"S-sabihin mo s-sulatan ko siya" sagot lang niya sabay pikit niya dahil sumasakit ang mata niya. Ito ang senyas na nagpapatay nanaman ang dalawang kapatid ng mga tao.

Namula nanaman ang mata ng binata sabay na nagiging matulis ang mga kuko niya, at tuluyan na sumigaw ang binata. Inaawat nila ang binata nila Wendy at Mike, lumabas naman si Jake at Andy ng kuwarto.

Pagkatapos ng ilang minuto ay pawang nahimasmasan ang binata at natigil sa pagwawala. Nakatali lang siya higaan at natutulog.

"Kailangang kontrolin niya ang galit ng nakatakda" wika ni Wendy kila Jake at Mike at nagaalala kasama si Andy

"Bata pa lamang si Fritz ay may galit na siya sa dalawang kapatid" paliwanag ni Andy at tumango na lang ang dalawa. "Hindi ko gaano pinapansin si Fritz pero ayon sa aking nakikita ay siya ang nakatakda" at sabay na tumingin si Wendy kay Fritz na mahimbing ang tulog.

ILANG ARAW ang nakalipas nang walang balita ang dalaga sa binata at nagiisa lang lagi siya pati sa school. Si Andy naman maraming kasamang babae kada nagkikita sila. Lagi ding nagtatanong si Francine kung asa'n si Fritz pero sinasabi lang niyang hindi niya alam.

Isang gabi habang tinitignan niya ang litrato ni Fritz ay may kumatok sa terrace niya at si Andy iyon

"Oh Dy!" Gulat niya at nakangiti lang siya. "paano ka nakaakyat dito?" Tanong ng dalaga sa kaniya.

"Parkour expert 'to" pagmamalaki ni Andy. "Pasensiya na kasi baka magselos ang girlfriend ko pag lumapit ako sa'yo" wika niya at napakamot siya ng ulo, tilang babaero talaga. "nga pala pinapabigay ni fritz, sulatan nalang daw kayo kasi may sakit siya ngayon kaya hindi nakalabas" at may inabot siyang papel na sulat ni Fritz.

"Teka.." pagtataranta ng dalaga. "puntahan ko siya" kinuha niya ang phone niya nang inawat siya ni Andy.

"Wag na--" pigil ng kaibigan at nag aalala. "malala sakit niya, nakakahawa masyado" palusot niya.

"Ah ganun ba?" At nagbigay na lang siya ng malungkot na ekspresyon. "Oh eto gamot bigay mo na lang sa kaniya" punta niya sa cabinet niya at may inabot siyang gamot sa lagnat.

"nga pala. Dito na ba kayo" biglang tanong ni Andy sabay pasok niya nang naging ilang ang kilos ng dalaga.

"Hindi, pangsamantala lang, nadestino si tita dito eh" sagot niya at tinulak ni Francine si Andy. "Heto na sulat ko sa kaniya ibigay mo!" Wika niya at kinindatan niya ang dalaga.

Umalis na din agad si Andy at nagumpisa siyang basahin ang sulat.

Hi, its nice to know you for the past few days since we met. how are you today? Im sorry i was sick and i want to get up by the next day but my body is not in condition. Take care always.

Love, Fritz.

May puso pa siyang nilagay. Hindi alam ng dalaga ang sasabihin niya kaya binigay na lang niya ang tulang ginawa niya na ibibigay talaga niya kay Fritz.

Nagsulat  na din ang dalaga ng mahaba. Nagsimula siya sa hello pero may isa akong sulat na hindi niya dapat malaman kaya tinapon ko yon sa terrace. At iyon ang sulat niya sa parents niya bago sila kunin ng mga werewolf.

Nang matapos iyon may nag ring sa phone niya at si Andrew iyon pero hindi niya 'yun sinasagot. Ayaw pa din niya tantanan ang dalaga at pagod na pagod nang intindihin ng dalaga ang ugali niya. Nagring ulit ang phone ko.

"Jesus! For the 100th time Drew!" Wika nito sa phone niya.

"Wag naman ganito.." sagot niya at nagmamaka awa ito sa dalaga.

"May iba na 'ko!" Sagot nito sabay baba ng phone niya, kahit na casual friends pa lang sila ng binata.

Napaupo na lang siya at tinignan ulit ang picture ni Fritz na sinend ni Andy sa Facebook niya.

Pero misteryosong tao si Fritz na hindi nagpapakilala normally sa mga tao. Si Fritz na kay Andy lang ang kapitan. Siya lang ang kilala niyang tao.

Napaisip si Francine kung kukunin niya ang address ni Fritz kaya nagchat na siya kay Andy pero hindi na siya nagreply.

NAGTAGAL ng ilang araw ng pagkakakulong ng binata sa kwarto niya dahil sa laging pula ang mata nito at palagi din siyang nagwawala, hindi din siya makalabas ng bahay. Si Andy naman dinadalaw ang binata pag galing niya sa school at may dalang hilaw na baka para sa pangkain niya. Si Francine araw-araw may sulat sa binata. Hindi nito magamit ang phone niya at hindi niya magalaw ang mga kamay nito.

Isang gabi nang hindi na siya nagwawala at hindi na din mapula ang mata niya, nagising ang binata ng normal, naigalaw nito ang mga kamay at paa nito at nakabangon muli.

Mula sa lamesa nito ay maraming sulat at text mula kay Francine ang nadatnan nito at ang huling sulat niya ay 'labas ka ng 10pm please..' at tinignan nito ang oras at nasa 9:50pm na.

Kaya agad siya tumayo at sinira ang pagkakatali sa kaniya, dahil hindi naman iyon mahigpit ay mabilis agad siya nakatakas at nagbihisbagad ang binata. Nakablue t-shirt siya at shorts lang. Bantay si Mike ay dahan dahan siya lumabas ng kuwarto at ng pagbukas ng pinto ay nakita niya agad ang isang babae na nagdadasal sa gilid at si Francine iyon na may dalang kahon.

"Ahmm.." nahihiyan wika nito. "para sa'yo Fritz" sabay kuha nito at binuksan. Isang panyo at towel iyon. "Para hindi ka na magkasakit, lagi ka raw binabantayan ni andy at ng iba mong kaibigan" pag aalala niya sa binata.

Ningitian lang siya ng binata at hinila siya papunta sa kabilang side ng building. May hagdanan roon papunta sa rooftop ng bahay nila, habang umaakyat sila ay natisod siya at nahulog nang hinawakan nito ang kamay ng dalaga at hinila paakyat sa kaniya. Napahiga sila at nahiga siya sa dibdib ng binata at nagkatitigan sila.

"Ano 'to" tayo niya at napatingin sa paligid. Makikita sa building ni Fritz ang buong paligid ng Scotland. "Ang ganda naman dito fritz" manghang wika ng dalaga sa kaniya.

"Tambayan namin ni Andy. Dito kami araw araw, pag wala ako minsan tingin ka sa taas at nandito lang ako" tingin ko sa mata niya at natawa ang dalaga

Nagkatitigan ang dalawa at nahiya dahil habang nagsusulatan sila ay nagliligawan na ang dalawa. Hindi alam ng dalaga ang buong pagkatao ng binata kaya hinahayaan na lang muna niya iyon. Dahil normal lang naman ang magmahal pero dahil sa sitwasyon niya ay pinipigilan pa din ng binata.

May binigay siyang isang sulat na hindi nabigay ni Fritz noong nagsusulatan ang dalawa.

"Basahin mo" wika ng binata sa dalaga.

Binuksan niya ang letter at iyon ang tanong ni Fritz kung isa ba siya sa manliligaw ng Francine. Tumango lang ang dalaga at nagbigay ng matamis na ngiti sa binata. Niyakap niya ang binata.

"Fritz. Bakit..." titig ni Francine sa kaniya at hinawi ng binata ang buhok ng dalaga at tumango.

"Bakit ang baho mo" sabay amoy ni Fritz sa sarili niya. Ilang araw na nakahiga ang binata at amoy gubat.

"Malamang hindi ako naligo" at napakamot na lang ang binata sa ulo niya. Nahihiya man ay nakangiti pa din ang dalaga sa kaniya.

"Kaya pala eh" at sabay hampas niya sa binata ng mahina. Hindi maipagkakailang maskulado ang binata at natatakpan ng 6pack abs niya ng kaniyang damit.

Nagpalinga-linga ang binata at nakita niya ang babaan ni Andy na silang dalawa ang gumawa. Umupo ang binata sa gilid at pinaupo niya si Francine.

"Gusto mo nang bumaba?" Aniya sa dalaga

"P-paano? Di-diyan?! No way!" Sagot niya nang tatayo na siya nang hilalin ni Fritz ang dalaga sa kaniyang bisig at nakayakap ang dalaga sa may batok ng binata.

"ANOOOO BAAAA.. WAAAAAAHHHH BABAWIIN KO NA SINABI KO KANINA" sigaw ng dalaga at pinatahimik iyon ng binata.

"DITO TAYO BABABA ANO BA WAG KA NGANG MAGSISIGAW" pabulong niyang pagkakasabi at natatawa ang binata.

Napakapit siya sa leeg ng binata at pababa ang dalawa ay tinitigan lang ng binata ang dalaga. Nakatitig din ang dalaga sa kaniya at pagkababa nila ay bigla niya hinalikan ang binata. Napadilat ang binata sa ginawa ng dalaga. May kakaibang kuryenteng dumaloy sa katawan ng binata ngunit napaatras ang binata dahilan nang magiba ang itsura niya.

"I gotta go.." wika ng dalaga sa binata

Nakatitig lang ang binata sa kaniya at napasabunot siya sa ulo niya. Hindi siya puwedeng mahulog sa tao dahil alam niyang werewolf siya.

MATAPOS umuwi ang dalaga ay napaupo siya sa kama niya at nagtataka kung bakit hindi sumagot si Fritz sa halik niya. Hindi niya alam na parang nagmadali siya sa binata. Kakaiba ang nararamdaman niya simula noong lumipat ang dalaga sa Scotland, kakaiba din simula nang makilala niya si Fritz pero kakaiba din ang lagi niyang nakikita sa binata pag nagkakasama sila.

Pero may narinig siyang alulong ng isang werewolf na ilang beses at mukhang kinabahan ang dalaga kaya lumabas ulit siya ng bahay at dala niya ang wallet at phone niya pero may lalaking papunta sa akin at dinukot ang wallet ko.

"HOY! IBALIK MO 'YAN" sigaw niya sa lalaki sabay bato niya ng sapatos niya pero hindi pinansin ng magnanakaw ang dalaga.

Nagulat ang dalaga sa isang bubong ay nakita niyang papunta sa lalaki ang isang werewolf at kinagat ang paa niya. Dinukot ng werewolf ang lalaki at naiwan niya ang wallet ng dalaga kaya pinulot niya iyon at napatingin siya sa werewof at sinundan sila.

Matapos nang makita ng dalaga iyon ay naiyak na lang siya dahil naalala niya ang magulang niya. Dumadaan lang siya sa eskinita kung saan nakita ng dalagang nakatali ang lalaki sa poste at punong puno ng antik. Tumakbo na lang siya palabas at naririnig lang niya ang werewolf.

"K.R.I.M.I.N.A.L" at isang malakas na sigaw na lalake ang dumatnan sa dalaga. At nawala na ang ingay nang sumilip ako at nakita niyang wala nang malay ang lalaki.

"WAAAAAAAH LOOOBOOO" sigaw ng dalaga at tumakbo siya palabas ng eskinita.

Pag labas niya ay nasa lugar na siya ng hindi familiar sa kaniya. Nagtataka na siya dahil sa kabila pala siya lumabas. Nakita niya ang werewolf at tumakbo siya sa kabila kaya sinundan ko siya sa kabila at nagtungo na siya sa pinaroonan niya noong una. Nawala na din sa paningin niya ang werewolf.

"F-FRITZ?" Sigaw ng dalaga kung saan at nagbabaka sakaling sagutin siya ng binata pero ang werewolf ang sumagot.

"S-SINO FRITZ" napahinto siya at tinitigan lang niya ang bubong kung saan naroon ang werewolf.

Palapit na siya nang magsalita ang dalaga. "A-ano pa-pangalan m-mo Mr. Werewolf?" Utal niyang wika dahil sa takot na sugurin siya.

"FREYWOLF" sabay takbo niya palayo sa bubong.

Biglang kinabilis ng puso niya nang sabihin niyang Freywolf. Dahil kilala siya sa lugar ng Scotland bilang masaman werewolf pero kagulat gulat nang tulungan niya ang dalaga at namula.

May humila sa kamay ng dalaga at si Andy iyon.

"'Di ba sabi sa'yo na 'wag ka lalabas sa gabi?" Inis na wika nito sa dalaga

"Eh ba't ikaw?" Pabalik na tanong ng dalaga.

"Tangek, may werewolf ako nadinig din kaya need ko lumabas" sagot niya

Tumakbo lang ang dalawa pabalik sa bahay ng dalaga at binigay ang sulat na pinapabigay ni Fritz sa dalaga.

"Nalimutan ibigay ng bestfriend ko" at tumakbo na siya

Magsasalita pa sana ang dalaga nang hindi na niya mahabol ang babaerong kaibigan ni Fritz. Binuksan niya ang sulat at tula iyon

Be my sunshine pours with metaphors

And be my everything, can take your breath away.

Napangiti na lang ang dalaga pero may biglang pangamba sa kaniya ang dumatnan sa kaniyang dibdib. Tinext niya si Andy.

To: Andy

Kilala mo si Freywolf?

Hindi nagreply ang kaibigan ng binata at napahiga na lang ang dalaga sa kama. Nasa isip na lang niyang paano magkikita ulit ang dalawa.

TO BE CONTINUE..

———————————-

Don't Forget to leave a comment, Vote and have a feedback to my story. All the love - B