Chereads / ROSE'S THORN PHR / Chapter 22 - CHAPTER TWENTY TWO

Chapter 22 - CHAPTER TWENTY TWO

"H-HI," kiming bati ni Thorn sa kanya.

It was the stupidiest thing she's ever heard in her entire life. Mahigit dalawang linggo itong hindi nagpakita sa kanya pagkatapos ay "hi" lang ang sasabihin nito? She balled her fists and gave him a seething look. Yes, she's missed him but it didn't give him the license to crush her heart and her pride like that. Isa pa, kasama rin talaga sa plano niya ang pagpapahirap dito.

Ngayong kaharap na niya ito ay maliliwanagan na siya sa relasyon nilang dalawa. Iyon ang mahalaga sa kanya. Ngunit nagbalik nga ba ito upang liwanagin ang namamagitan sa kanila? Nagbalik nga ba ito dahil sa kanya? O baka naman may nakalimutan lang ito sa San Jose kaya ito nagbalik. Doubt and her insecurities clouded her mind. Unable to find the right reaction, she chose to pursue with her plans—ang pahirapan muna ito.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" sikmat niya kay Thorn. He seemed irked by her violent reaction. Lalo tuloy siyang nagngitngit sa galit. Inisip ba talaga nitong sa pagbabalik nito ay bukas kamay niya pa rin itong tatanggapin? Dahil sa mabilis na pagsagot ng puso niya ng "oo" ay lalo siyang nainis—hindi lang kay Thorn kundi sa kanyang sarili.

"I…" hindi mapakaling wika nito. "I c-came here to talk to you."

She couldn't believe it. He had that "aren't-you-happy-you-saw-me-look" on his now flustered face! Lalo niyang naisip kung gaano siya nagpakatanga sa paghihintay dito. Most girl have towering pride, mukhang kasali siya sa most girls na iyon.

"I d-don't want to talk to you. Umalis ka na," taboy niya rito.

Her mind went ballistic because of what she's just said. Nasubukan mo na ba iyong magsabi ng taliwas sa gusto mong sabihin? Tipong gusto niyang isigaw ang "I don't want to talk to you!" pero ang totoo ay gusto niyang sabihing miss na miss na niya ito. "Umalis ka na! Iwan mo na ako!" pero ang gusto niya talagang sabihin ay, "Huwag mo na akong iwan ulit, dito ka lang sa tabi ko." Pero bakit niya ito pinapaalis? Nababaliw na nga yata siya.

"Please, Rose. Talk to me. Hayaan mo naman akong magpaliwanag," natatarantang sumamo nito. Nagtangka itong lumapit ngunit pinigilan niya ito.

Parang bulang naglaho ang galit niya sa binata nang gawin nito iyon. Ganoon pala ang pakiramdam ng sinusuyo. May kung anong mainit na bagay ang tila lumukob sa kanyang puso. She suddenly felt warm inside, touched at how he cared for her. Sa gitna ng mainit na pakiramdam na iyon ay may tila kiti-kiting umusbong.

Pinamulahan siya nang mukha nang maisip kung ano iyon—kilig! Kinikilig siya! Ngayon ay alam na niya kung bakit maraming mga babae ang nakikipag-away at nagpapakipot sa mga mahal nila. Kakaiba pala talagang kasiyahan ang dulot ng pagpapakipot—mainit at nakakakilig.

"B-bakit ka pa ba bumalik?" mayamaya'y disimuladong angil niya.

"Dahil gusto kitang makita!" he hissed. Mukhang napipika na ito sa pag-iinarte niya. "Bakit ba bumabalik ang isang tao? Hindi ba't dahil may babalikan siyang importante sa buhay niya? God, Rose! Kung alam mo lang kung gaano akong nahirapan nang malayo ako sa iyo."

She was tongue-tied. Hindi niya inasahan na sasabihin nito iyon sa harap ng mga kapatid niya. Unable to think of a retort, she just shook her head and started to walk through the door. Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang hindi makapaniwalang tingin ng dalawang kapatid niya sa kanya. Daisy was mouthing, "Nababaliw ka na ba, Ate?" As if saying, "Chance mo na ngang makasama siya ulit, magpapakipot ka pa ba?"

Thorn ran towards her and blocked her way. "Rose naman. Huwag ka namang ganito. Kung alam mo lang ang pinagdaanan ko makapunta lang dito."

Pinagtagis niya ang kanyang mga bagang—hindi dahil sa matinding galit kundi dahil sa sobrang kilig niya. Originally, she has convinced herself that she hated him. Na sa oras na makita niya ito ulit at susubukan niyang magalit ng gabundok kay Thorn. But seeing him upfront, all her evil plans vanished. Kapag pala nakita mo na ang taong mahal mo, ni katiting na galit mo sa kanya ay mabubura. She loved him too much to hate him.

"Isinusumbat mo ba sa akin ang pagbabalik mo rito?" she snapped. "So, kailangan ko pa palang magpasalamat sa iyo kasi sa wakas, naisip mo ring balikan ako. Gano' ba iyon?"

"God, you're impossible!" sambulat ni Thorn. "Pakinggan mo naman muna ako! Ni hindi ko pa nasasabi ang dahilan kung bakit ako umalis ng hindi nagpapaalam."

She was acting like an evil brat, she knew. Napasobra na nga yata siya dahil pati ang mga kapatid niya ay parang gusto nang maki-team up kay Thorn sa pagsabunot sa kanya hanggang sa makalbo siya. Humalukipkip siya at tsaka napabuntong-hininga. Handa na ba siyang makinig sa paliwanag nito? She was stalling because she was afraid of what he'd tell her. Pero baka mapatay niya ang kanyang sarili kapag hinayaan niyang makaalis si Thorn nang hindi niya nalalaman ang rason nito kung bakit ito biglang nawala.

"Fine. Sige, umpisahan mo ng magpaliwanag," kunwa'y inis pa ring wika niya.

"Noong araw na nagpunta ka sa bahay ay hindi na naging maganda ang pakiramdam ni Lola Pamela. In fact, nasa Manila siya ngayon at naka-bed rest pa rin dahil inatake siya sa sakit niya sa puso. Mahina na ang lola ko, samu't saring mga sakit na rin ang mayroon siya." Hinuli nito ang kanyang mga mata. "H-hindi niya alam na nandito ako ngayon para puntahan ka."

Bumagsak ang torre ng kilig niya dahil sa narinig. "H-hindi pa rin ako gusto ng Lola mo," nawika niya. Those words hurt like hell. Paano na sila? May pag-asa pa ba kaya?

"In time, alam kong matatanggap ka rin naman niya," pag-aalo ni Thorn nang makita ang lungkot at sakit sa mukha niya. "R-Rose, please…"

Napayuko siya. "I d-don't know," she said truthfully. "H-hindi mo ba naisip na baka ito ang nakatadhana sa atin?" Napayuko siya. "H-hindi naging masaya ang pag-iibigan ng mga lolo at lola natin. M-maybe, we wouldn't have a happy ending too."

She smiled bitterly. "Baka ako ang karma ng Lolo ko. Sinaktan niya ang lola mo noon, kaya siguro ako naman ang nakatakdang masaktan ngayon."

Nanlaki ang mga mata niya. Bakit ba hindi niya naisip iyon? Hindi pa man tuluyang nagugupo ng takot ay dibdib niya ay bigla nang napailing si Thorn.

"Nakalimutan mo na bang marami talagang balakid noon sa pagmamahalan nila? Pareho rin silang takot sumugal kaya hindi nagtagumpay ang pag-iibigan nila. We would never do that. Hindi natin sila gagayahin. Hindi tayo magpapatalo sa takot. Hindi ba?"

Hindi siya nakasagot. Hindi niya kasi alam ang dapat niyang sabihin. Funny, few weeks ago, ang tapang tapang niya—saying that she was brave enough to face Lola Pamela and her wrath. Na kaya niyang ipaglaban ang relasyon nila ni Thorn. And knowing that he too would fight for her, dapat ba siyang matuwa? O lalo lang siyang mangangamba?

Paano kung magtapos din sa isang trahedya ang pag-iibigan nila kagaya ng mga lolo at lola nila? Kung labis iyong ikinalungkot ni Lola Pamela, baka ikabaliw naman niya kapag si Thorn ang nawala sa kanya. Could she risk her sanity for him?

"We would fight for our love," matigas nitong wika nang hindi pa rin siya sumagot. Hindi na niya ito napigilan nang bigla nitong abutin ang mga kamay niya. Mahigpit nito iyong hinawakan. "Please, don't give up on us baby," he pleaded.

Pinakatitigan niya ito. His eyes held no reservations, no pretense. She could see his sincerity, his love. Mahilig siyang magbasa ng mga romansang nobela sa pocketbook. Pinakapaborito niyang parte sa bawat kwento ay iyong pagsusumamo ng hero sa heroine. Iyong pagpapahirap ng heroine sa hero hanggang sa magkaroon sila ng happy ending.

She wanted to do that to Thorn too. Afterall, he deserved to be chastised; he deserved to have a hard time in having her forgiveness. Pero masaya lang pala sa pakiramdam kapag binabasa mo iyon, hindi iyong ikaw mismo ang gumagawa sa lalaking mahal mo at handang ipaglaban ka hanggang sa huli. He hadn't told her that he loved her yet, but she wasn't a prick.

Ang pagparoon ni Thorn sa piling niya ay sapat na upang makuha niyang mahal nga siya nito. Hindi naman ito magte-take ng ganoon kalaking risk kung hindi siya nito kamahal, hindi ba? She was so happy! Mahal din siya nito. Malapit na siyang umiyak kaya bigla niyang iwinaksi ang kamay nito at tsaka niya ito tinalikuran.

Ayaw niyang makita siya nitong umiiyak. Sabi kasi ni Daisy ay pangit siya kapag umiiyak siya. Ayaw niyang maging pangit sa paningin ni Thorn. Tumingala siya at pilit na pinipigilan ang pag-ampat ng mga luha niya nang biglang magsalita si Thorn.

"Alam kong natatakot ka. Pero ito ang gusto kong tandaan mo. Hinding hindi ako susuko dahil mas natatakot akong mawala ka sa akin. Handa akong gawin ang lahat para sa ating dalawa. Aalis man ako sa ngayon ngunit babalik ako. And then you would be mine."

May ilang segundo rin siyang hindi nakahuma. And when she finally calmed herself and turned around to face him, he was already gone. Hindi makapaniwalang napaawang ang mga labi niya. What the heck? Then she heard her sisters laughter behind her.

"Ayan kasi! Andami pang pakipot effect. Eh ano ka ngayon? Nganga!" natatawang pang-aasar ni Daffodil.

"Huwag kang iiyak iyak kapag hindi na iyon bumalik ulit dito ha?"

Napasigaw siya sa sobrang inis nang lumalakas ang tawanan ng mga kapatid niya. Nababaliw na ba ang Thorn na iyon? Hindi man lang nito pinatagal ang pagpapakipot niya!