"KAHIT MAGDASAL KA DIYAN, hindi na iyon babalik."
Pinaningkitan niya ng mata si Daffodil dahil sa patutsada nito sa kanya. It's been three days since Thorn left her—again. Ang damuho, nakaya pa siyang tiisin ng tatlong araw! She couldn't contact him. Hindi naman niya alam kung saan ito namamalagi sa Maynila.
Hindi rin niya matanong si Baileys dahil nagtungo ito sa Hawaii kasama ang kabiyak nitong si Misha para maghoneymoon. Pakiramdam niya ay pinaparusahan na siya ng tadhana dahil sa pagpapakipot niya. Sa tuwing naiisip niya ang katangahan niya three days ago ay lagi niyang sinasabunutan ang kanyang sarili. How could she let him go like that?
Dapat ay hinabol niya ito at sinabing handa naman talaga siyang ipaglaban ito. Na nagpapakipot lang siya. Napasubsob siya sa kanyang mesa. Nang umagang iyon ay nasa isang may kalayuang isla silang magkakapatid. Pareho raw kasing walang pasok ang dalawa kaya naroon ang mga ito at tinutulungan siyang magbantay ng shop.
They were in Isla Monita, as Daffodil said. Isang isla na noon niya lang narinig at napuntahan. Hindi ito kalayuan sa San Jose. Sumakay sila ng bangka upang makarating doon. May kumuha sa kanilang serbisyo para magdisenyo ng isang venue. May magpo-propose daw kasi. She sighed. Ayos din ang trabaho niya eh, pang-asar.
Paano niya makakalimutan si Thorn kung gayong puro kasweetan sa mundo ang nakikita niya? Siya kaya, makakaranas din ng maganda at nakaso-sorpresang proposal? She silently shook her head. Pagkunwa'y iginala niya ang kanyang paningin sa paligid nila. Napaka-plain ng lugar. Puro luntiang damo ang nakikita niya sa paligid.
"Teka, dito ang venue? Ang hirap naman yang ayusin ng lugar na ito," nawika niya.
"Kailangan pa nating sumakay doon," nakangiting turo ni Daisy sa isang malaking hot air balloon na nakalapag `di kalayuan sa kanila. "bago tayo makararating sa mismong venue."
"Doon?" namimilog ang mga matang bulalas niya.
"Yep," ngiti ni Daffodil. "Ang cute ano?"
Napangiti na rin siya. Medyo nakakatakot pero cute nga naman ang hot air balloon na iyon. Punung-puno iyon ng iba't ibang kulay ng rosas. Feeling niya tuloy ay napakaespesyal ng proposal na iyon. Ang swerte naman ng babaeng napupusuan ng customer nila. Hindi niya ito kilala dahil si Daffodil ang nakausap nito. Nagkataong wala siya nang pumunta ito sa shop.
"Eh ano pa'ng hinihintay natin? Tara, sakay na!" ngisi ni Daisy.
There was something in Daisy's smile that made her eyes squint. Ngunit dajhil kilala niyang maloko ang kapatid ay ipinagsawalang bahala na lang niya iyon. Hindi naman siguro siya ihuhulog ng kapatid mamaya. Natatawang sumunod siya sa dalawang sobrang excited sumakay.
Nauna siyang sumakay. Naramdaman niyang may sumampa dahil umuga ng kaunti ang kinatatayuan niya. Napangiti siyang lalo sa pag-aakalang sina Daisy at Daffodil ang mga iyon. Itatanong niya sana sa dalawa kung paano nila paaandarin ang sasakyang iyon nang may biglang tumunog na kung anong makina. Napabalikwas siya. Napahiyaw siya at napakapit sa gilid ng hot air balloon nang biglang umangat iyon mula sa lupa.
"A-ano'ng nangyayari? Bakit umaandar na ito?" natatarantang sigaw niya.
"Relax. Nandito lang ako. Hindi naman kita pababayaan."
Natigilan siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon mula sa kanyang likuran na talaga namang nagpahindik sa balahibo niya sa batok. Painot-inot siyang lumingon upang makumpirma ang kanyang hinala. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nakangiting mukha ni Thorn. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman niya alam ang magiging reaksiyon niya. She was too stunned to think of a sensible reaction.
"I-ikaw? Ano'ng ginagawa mo rito?" she gasped.
Hindi ito nagsalita, bagkus ay tinitigan siya nito ng mataman na para bang ayaw na siya nitong makawala sa paningin nito. His stare was too intense that it made her blush like a fool. Parang maiiyak na naman siya dahil sobrang namiss niya ito at dahil sa pangalawang pagkakataon ay binalikan siya nito—kahit pa ang arte arte niya.
But then, she remembered where they were. May trabaho siyang dapat asikasuhin, may mga kapatid siyang naghihintay sa kanya at wala silang kasamang marunong magpalipad ng hot air balloon! Hindi pa siya handang mamatay `no! Well, on second thought, kung kasama niya itong mawawala sa malupit na mundo ay hindi naman siya mag-aatubili.
"Kahit tumalon ka pa paalis dito, hindi ka pa rin basta bastang makakatakas sa akin dahil handa akong tumalon at kumapit sa bewang mo huwag ka lang mawala ulit sa akin."
Ni hindi sumagi sa isip niya ang tumalon ano! Baka siya pa ang kumapit sa bewang nito huwag lang itong umalis ulit. But of course, she wouldn't say that. Napatingin siya sa ibaba. Nakatingala sa kanila ang kanyang mga kapatid—halatang tuwang tuwa at kilig na kilig. Then reality dawned on her. Kaya pala kakaiba ang ikinikilos ng dalawa sa harap niya.
"You set me up," nasabi niya.
"Yes, I did," tila proud pang pag-amin nito. Kung ganon ay marunong itong maniobrahin ang hot air balloon na iyon. Isa sa pinakaayaw niya ang iyong naiisahan siya. Ngunit kung ganoong klase ng pang-iisa, choosy pa ba siya? She kept her mouth shut to suppress her smile.
"You wouldn't talk to me. You left me no choice," anitong nagsimulang maglakad palapit sa kanya. Maliit lang naman ang space kaya madali itong nakalapit.
Nanatili siyang tahimik. Pakiramdam niya kasi, kapag nagsalita siya ay bubulanghit siya ng iyak sa harap nito. She was too happy to see him. Parang wala na siyang pakialam sa paliwanag nito. It didn't matter to her anymore. Ang mahalaga ay kasama niya ito. Kapag nagmahal ka pala, nakalilimutan mo ang lahat—sakit, paghihinanakit at pagtatampo.
"I love you, Rose."
Hindi na siya nagpanggap na nagulat sa isinambulat nito. His love for her didn't need words, she has already felt it. Oras na para ibaon niya sa lupa ang kanyang pride. From that moment on, she would be her true self. She would show what she felt. So she smiled at him.
"Ang hirap paliwanagan ni Lola Pam. I know, other people would say that my grandmother is just overacting. I mean, it's been fifty years since she lost him. But I knew better how much she has loved, or perhaps, how much she still loves your grandfather. Kaya naiintindihan ko kung bakit mahirap para sa kanyang tanggapin ang relasyon natin."
"You look like your grandfather. His female version. Hindi niya magawang tignan ka na hindi naaalala ang pait at sakit ng nakaraan niya. And our relationship came as a shock for her. Ayaw niyang magtagal ako dito sa Pilipinas ngunit dahil nakilala kita ay nagpaalam ako na gusto ko ng mamalagi rito. Sana ay maintindihan mo ang sitwasyon ng Lola ko," paliwanag nito.
Napayuko siya. "K-kung hindi niya ako matatanggap, paano na tayo? Oo, maaaring maging masaya tayo sa umpisa subalit alam kong sa huli ay magsisimula lang ito ng away sa pagitan natin dahil sa conflict namin ng lola mo. A-ayokong mangyari sa atin iyon."
Hinawakan nito ang kanyang baba at tsaka marahang itinaas ang kanyang mukha, para makita niya ang sinserong ngiti nito. "It would never happen to us. Alam mo ba kung bakit?" tanong nito. "Kasi mahal natin ang isa't isa. Kasi pareho tayong takot na mawala ang isa't isa kesa ang isipin na mahihirapan tayo sa hinaharap. Hindi ba, Rose?"
To hell with it! Hindi na baling magmukha siyang shrek sa harap ni Thorn, hindi na niya napigilan ang kanyang sariling mapaiyak. She was too happy to hear what he's said. Mahigpit niya itong niyakap. "Mahal na mahal kita, Thorn. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko," hikbi niya. "Please, huwag mo na akong iiwan ulit," she begged.
"Kahit na ipagtabuyan mo ako, hinding hindi ako aalis sa harap mo. With you, my lovely Rose, I have finally discovered what love is. Wala akong pakialam sa tadhana o sa kahit ano pa. Kasi handa akong labanan kahit ang pinakamalupit na tadhana makasama lang kita. Karma man, kamalasan o sumpa ang pagmamahalan natin ngayon, it doesn't matter anymore. Ang mahalaga ay masaya tayong dalawa. And together, we would overcome everything that would come into our way. Ganyan kita kamahal."
Lalo siyang napahikbi. "With our love, we would be together forever."
Mahigpit siya nitong niyakap. His hand carefully stroked her hair. Panaka-naka ay hinahalikan siya nito sa ulo. "I love you, Rose. Please tell me you love me too."
"I love you too, Thorn. Kahit na mayabang at pasaway ka pa," umiiyak na biro niya.
Tumawa ito ng pagak. "I love you more, kahit na sabihin ng kakambal ko na baliw na ako sa pag-ibig ko sa iyo, wala akong pakialam. Kasi totoo naman iyon."
Kinikilig na kinurot niya ito sa tagiliran. "Ang cheesy mo pala kapag inlove."
"I missed you like crazy. Kahit kailan, hindi pa ako naging cheesy sa buong buhay ko. Ngayon lang, Rose. At iyon ay dahil para mapasaya ka at para sabihin ang tunay na nararamdaman ko para sa `yo," madamdaming saad nito.
Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at ipinaharap sa isang lugar na agad na nagpaiyak sa kanya. Napatutop siya sa bibig at mas lalong napaluha dahil sa kanyang nasilayan. Sa ibaba kasi ng himpapawid kung saan nakalutang ang hot air balloon na kinalululanan nila ay kitang-kita niya kung paanong nakasulat ang mga salitang I LOVE YOU ROSE, WILL YOU ME MY GIRL FOR REAL? gamit ang iba't ibang kulay ng mga rosas.
Sa Isla Monita, ang isla na kinaroroonan nila, ay may malawak palang flower farm sa kabilang bahagi. With tears in her eyes, she hugged Thorn again.
"Oh, Thorn!" she sobbed.
"Baileys told me about this trick before he went to Hawaii," nahihiyang pag-amin nito. "Tatlong araw akong hindi nakapagpakita sa iyo kasi ipinagawa ko ito. I just thought that you deserved something as beautiful as this. Para maalis ko ang inis mo kasi umalis ako nang hindi nagpapaalam. Nagpatulong ako sa mgakapatid mo para mai-set up ito. I hired a hundred people just to make this. Ipinaayos ko talaga ang mga bulaklak para mabuo ang tanong na iyan."
Hinarap siya nito. "So, what's your answer?"
Sa halip na sumagot ay mabilis niyang niyakap si Thorn at hinalikan sa mga labi. Matagal ding naghinang ang mga labi nila bago naputol ang makapugtong hingang halik na iyon.
"I suppose, that's a yes." nakangising ani Thorn bago muling sinakop ang mga labi niya.
Ang saya saya! Kissing the man she truly loved on top of his cheesy proposal. Tiyak na mamamatay sa inggit ang mga kapatid niya kapag nagkwento na siya mamaya.
"B-but wait…" aniya bago itulak ito palayo. "P-paano nga ang Lola mo?"
"Si Exodus Briar muna ang bahala sa kanya. Alam mo bang nagpalit muna kami ng katauhan para lang makaalis ako sa bahay at mapuntahan kita rito?" natatawang sagot nito.
"Talaga?" gulat niyang tanong.
Tumango ito. "Ganito kita kamahal."
Ah…bahala na kung anuman ang mangyari sa kanila sa hinaharap. Ang mahalaga ay kasama niya ang lalaking pinakamamahal niya. "I love you, Thorn."
"Tinik ako, Rosas ka. Bagay na bagay pala talaga tayo, ano?" ngisi nito.
"Sira!" natatawang wika niya bago ito siniil ng mainit na halik sa mga labi.