Chereads / All About Her (Tagalog) / Chapter 24 - Jared

Chapter 24 - Jared

Ilang oras na akong gising pero hindi ko pa rin magawang tumayo. Tamad na tamad ako. Pangalawang araw na rin simula nung umalis si Jared, hindi na rin ako tinatawagan ni Nathaniel. Naging masama ba ako sa kanila? Mali na ba 'yung mga ginagawa ko?

(KRING)

Napabalikwas ako ng bangon at kaagad na sinagot ang cellphone ko.

"Hello?"

[Hija, pasensya na kung nalaman ni Jared kung saan ka nakatira. Nasundan nya pala ako.] Si tita pala.

"O-Okay lang po 'yun." Nakaramdam ako ng lungkot.

[Kamusta? Anong nangyari?]

"Nagkasagutan po kami. Hindi ko pa rin po nasasabi na sya ang tatay ng anak ko." I take a deep breath.

[Ganun ba? Kinausap ako ni Jared, balak nyang magpunta ng ibang bansa. Sabi nya sya na daw ang aasikaso ng ibang business namin doon.]

"T-Talaga po tita? Mabuti naman po." Para akong naiiyak, ano ba 'tong nangyayari sa akin?

[Sana balang araw mapatawad mo ang anak ko, sinabi nya sa akin na mahal na mahal ka daw nya. Hindi ko sinasabi sayo 'to para balikan mo sya, ginagalang ko ang desisyon mo, Elaisa.] Napakabait talaga ni tita, kahit kailan hindi nya ako kinontra.

At ayun na nga, napahagulgol na ako ng tuluyan.

[Elaisa, hija 'wag kang umiyak. Makakasama 'yan sa bata.]

"T-Tita. Natatakot po kasi ako na baka kapag tinaggap ko ulit sya ay masaktan na naman ako, hindi ko na po kakayanin yun." Ayoko na ulit maramdaman na parang wala akong karamay sa buhay.

[Naiintindihan kita, hija. Kung ako man ang nasa kalagayan mo, ganyan din ang gagawin ko. Pero sana, sana lang. Mapatawad mo ang anak ko.]

"Hindi ko na po alam ang gagawin ko." Iyak na lang ako ng iyak. Hindi na nagsasalita sa kabilang linya si tita pero alam kong nakikinig lang sya sa akin.

"Gustong-gusto ko na pong sabihin kay Jared na sya ang a-ama ng anak ko. Pero nauunahan ako ng galit lalo na kapag inaakala nya na anak namin 'to ni Nathaniel. Wala po syang tiwala sa akin, ang turing nya sa akin isang kaladkaring babae. A-Ang sakit sakit po nun. Sya lang po ang lalaking m-minahal ko." Kahit anong pigil ko talaga sa damdamin ko, hindi pa rin maitatanggi na si Jared lang ang mahal at minamahal ko.

[Elaisa.]

Bigla akong nanigas, tumigil ang luha ko, pati na ata ang paghinga ko.

[E-Elaisa.]

"J-Jared?" Wala na akong narinig sa kabilang linya. Pinatay nya ata 'yung tawag.

Si Jared ba talaga 'yun? Paano napunta sa kanya 'yung cellphone ni tita? Ano na ang gagawin ko? Paniguradong narinig nya lahat ng sinabi ko.

Hindi ako mapakali! Para akong may ginawa na malaking kasalanan, well kasalanan nga naman na itago ko sa kanya ang katotohanan.

Pagkatapos kong kumain ng pananghalian ay naupo muna ako sa labas. May paparating na sasakyan, teka! Sasakyan ni Jared 'yun. Kaagad akong naglakad papasok sa bahay. Ano na ang gagawin ko?

"Elaisa!" Dumagundong ang boses nya sa loob ng bahay, lalo akong kinabahan.

"Elaisa! Lumabas ka dyan!"

Nilock ko yung pinto ng kwarto, hindi ko sya kayang harapin. Nagulat ako ng kalabugin nya ng malakas 'yung pinto.

"Jared! Baka masira!" Napasigaw na ako.

"Sisirain ko talaga 'to kapag hindi ka lumabas!" Sigaw nya. Dinadaan nya na naman sa init ng ulo ang lahat.

"Ayoko!" Yun na lang ang naisigaw ko.

"Ano? Tataguan mo na naman ba ako Elaisa? Ganyan ka ba kaduwag!" Natahimik ako. Naging duwag nga ako, pero dahil 'yun sa kanya.

Unti-unti kong binuksan ang pinto at sinalubong ako ng mukha ni Jared na galit na galit. Natakot ako.

"T-Totoo ba? Ako ang ama ng pinagdadala mo?" Diretsong tanong nya. Tumang ako.

Naglakad sya papunta sa sala at parang gigil na gigil. Sinundan ko sya.

"Bakit Elaisa? Bakit mo tinago sa akin? Naniwala ako na si Nathaniel ang nakabuntis sayo! Lagi kong sinasabi 'yun pero kahit kailan hindi mo ako itinama! Pinagmukha mo akong tanga!" Napasinghap ako ng bigla nyang sinuntok 'yung pader. Nakita ko na nagdudugo 'yung kamao nya, lalapitan ko sana sya kaso ang sama ng tingin nya sa akin.

"N-Natakot ako na baka hindi mo kami tanggapin. Natakot ako na baka saktan mo kami." Totoo 'yun.

"Nagmakaawa pa ako sayo na tatanggapin ko ang anak mo, kahit hindi ako ang ama! Kaya kong gawin 'yun kaya bakit naisip mo na hindi ko kayo tatanggapin. Oo nagkamali ako nung saktan kita. Pero hindi mo ba naisip na masakit din na itago sayo ang katotohanan?" Alam ko na kahit hindi sya sumigaw ay sobra syang nasasaktan. Kitang-kita ko ang halo-halong emosyon sa mata nya. Ngayon lang nangyari 'to.

"Kahit sinong ina ganun ang gagawin maprotektahan lang ang anak nila! Ayokong mangyari sa kanya ang nangyari sa akin dati." Naluha na ako at humawak sa tiyan ko.

"Mali ako, mali ako ng saktan ka. Hinding hindi ko magagawang saktan ang anak ko, maniwala ka Elaisa." Hindi ko na sya matignan sa mukha. "Pero sana, hindi mo tinago sa akin ang totoo. Dalawang pinaka importanteng tao pa ang nagtago sa akin na may anak na ako."

"Walang kasalanan si tita dito." Yun na lang ang nasabi ko bago salubungin ang titig nya. Tama ba 'to? Umiiyak sya.

"Kung hindi ko nalaman ngayon, hanggang kailan mo itatago sa akin 'to? Hanggang sa tumanda ang anak natin? Na kapag nakasalubong ko sya sa kalsada dadaanan ko lang sya. Ganun ba Elaisa?" Mahinahon lang ang boses nya habang sinasabi 'yun.

"H-Hin--"

"Naging masaya ka ba habang sinasabi ko na si Nathaniel ang ama nya? Siguro tumatawa ka habang wala ako." Tumawa sya ng mahina.

No Jared! Hindi totoo 'yun! Hindi ko ginawa na pagkatawanan ka. Walang lumalabas na boses sa akin.

"So, I hope naging masaya ka. Aalis na ako." Dire-diretso syang lumabas ng bahay, hindi ko nagawang ihakbang ang paa ko para habulin sya. Gusto kong tumakbo.

"J-Jared." Ano ba? Bakit hindi ko sinabi 'yung totoo una pa lang? Inunahan kasi ako ng galit, pero mali ako.

Napaupo na lang ako habang umiiyak. Kailangan ko syang sundan, hindi pwedeng lumaki ang anak ko na wala sya.