Chereads / All About Her (Tagalog) / Chapter 22 - Everything

Chapter 22 - Everything

"Okay ka lang ba talaga dito?" Natawa ako sa tanong ni Nathaniel.

"Pang lima na tanong mo na sa akin 'yan." Sagot ko habang tinutulungan syang mag impake ng damit.

"Pwede naman kasi akong hindi na umalis para masamahan kita." Tinigil nya ang pag iimpake at naupo sa kama.

"Kailangan ka nila doon. Kaya ko naman na ang sarili ko, pati nandito naman si Aling Susan." May meeting daw kasi 'to na kailangan puntahan para sa business at one week sya doon.

"Kung pwede lang kitang isama, ginawa ko na Elaisa." Malungkot na sabi nito. Kinurot ko lang sya sa pisngi.

Naging mabuting kaibigan sa akin si Nathaniel at nagpapasalamat ako sa kanya, though medyo nagkakailangan pa rin minsan dahil sa paghalik nya sa akin dati, pero pilit ko ng kinakalimutan 'yun.

"Dalhan mo ako ng pasalubong ha?" Paglalambing ko sa kanya. Nakita kong napangiti naman sya.

"What do you want?" Hinawakan nya ang kamay ko. Saglit akong nag isip.

"Hmn. Gusto ko ng chocolate cake, at fried chicken tapos itetext ko yung iba." Napahagikgik pa ako. Gustong-gusto ko kasi ng fried chicken, iniisip ko pa lang ay naglalaway na ako.

"Sure. Babalik ako ng mas maaga." Tumayo na sya at isinarado ang maleta.

"Nakatanggap ako ng tawag kanina kay Jared." Natigilan ako. Hindi ako umimik. "Gusto nya akong makausap."

Ngumiti lang ako sa kanya. "Tara na. Ihahatid na kita sa labas."

Pasakay na sya sa taxi pero tumapat muna sya sa akin tapos niyakap ako ng mahigpit.

"Remember this Elaisa. Everything's gonna be alright. You take care of yourself, I'm just here whenever you need me. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo." Hinalikan nya ako sa noo.

Kahit naguguluhan ay tumango na lang ako. "Salamat, Nathaniel."

-------

Napabangon ako ng makarinig ng kaluskos sa labas ng bahay, hindi lang basta kalukos, parang may nabasag na halamanan. Three in the morning na at tulog na si Aling Susan. Kinabahan ako bigla. Lakas loob na kinuha ko 'yung payong at tumayo.

Dahan-dahan akong naglakad. Patay lahat ng ilaw pero nakakakita pa naman ako. Halos mabingi na ako sa kalabog ng dibdib ko.

"Sht!" Nagulat ako ng may nabasag na kung ano kasabay ng pagsigaw.

God, help me!

Hinanap ko kung saan nanggagaling 'yung mga kaluskos. Sa Sala. Ano naman ang nanakawin nya dito? Isang maliit na TV lang naman ang nasa sala at mga upuan.

Dapat pala tinawagan ko si Nathaniel, kaso baka tulog na sya. Hinawakan ko ng mahigpit ang payong at handa ng ihampas sa magnanakaw ng biglang lumiwanag ang buong sala.

"Wag!" Sigaw ko sabay hampas sa ulo ng magnanakaw. Hindi pa ako nakuntento, inulit-ulit ko pa. Ayokong dumilit, natatakot ako!

"Fck! Aw! A-Aray!"

Biglang hinawakan ng magnanakaw 'yung payong ko at inagaw hanggang sa maramdaman ko na lang ang kamay nya na pumulupot sa bewang ko.

Naamoy ko sya, pamilyar, maliban lang sa amoy alak sya. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko, and to my surprise, it's Jared!

"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko. My God!

"Bakit ka ba nanghahampas?" Iritadong tanong niya at naupo sa sofa.

"Akala ko magnanakaw ka." Naawa ako ng makita kong may galos sya sa noo. "Ano ba ang ginagawa mo dito?"

"Wala kang kasama diba? That's why I'm here." Simpleng sagot nito. Naiinis ako sa kanya dahil kung magsalita sya ay parang walang nangyari.

"Kaya ko ang sarili ko. Pwede ka ng umuwi." Kailangan kong tatagan ang sarili ko. Kung maari na magtayo ako ng bakod ay gagawin ko para hindi sya makalapit sa akin.

"No you can't. Paano kung may magtangkang magnakaw dito?"

Inirapan ko na lang sya. Unti-unti na naman akong naiinis sa kanya, masyado syang mapilit at talagang hindi magpapatalo.

Tumayo sya at dumiretso sa kusina. Nauhaw siguro dahil kumuha sya ng malamig na tubig at nilagok ng dire-diretso.

"Matutulog na ako." Aalis na sana ako bigla nyang hinawakan ang siko ko.

Nakatitig sya sa akin, parang hindi sya kumukurap. Nakaramdam ako ng kaba at hindi ko nagustuhan 'yun dahil ibig sabihin ay naaapektuhan nya pa rin ako.

"Kung saan-saan kita hinanap. Para na akong mababaliw, wala akong maisip na lugar na pwede mong puntahan. Kinulit ko si Jewel pero hindi nya daw alam kung nasaan ka. Ang dami kong gustong sabihin sayo pero hindi ko alam kung saan magsisimula." Hinawakan nya ang mukha ko. Napapikit ako.

"I'm sorry, sweetheart. Alam ko na hindi sapat 'yun sa lahat ng pananakit ko sayo." Pinagdikit nya ang noo namin. Ilang sandali lang ay nakalapat na ang labi nya sa labi ko.

Damang-dama ko ang init ng labi nya sa bawat hagod. Nawawala na ako sa wisyo, para na akong nahihipnotismo.

"I'm sorry." Wika nya sa pagitan ng halikan namin.

Hindi ko na napigilang umiyak. Mukhang talo na naman ako, hindi ko pa rin maitatanggi na mahal ko sya.

Humiwalay sya at pinahid ang luha ko. "Pangako, hindi na kita paiiyakin."