Chereads / All About Her (Tagalog) / Chapter 11 - Don't try me

Chapter 11 - Don't try me

Maingay na tugtugan sa bar ang sumalubong sa akin pagpasok namin sa loob. Ang daming tao at puro usok.

Si Jessa ang may pakana nito, dapat daw kaming magcelebrate, napa oo na lang ako.

"Anong gusto mong inumin?" Sigaw nya. Halos hindi na kasi magkarinigan.

"Ikaw ang bahala."

"Masarap ang sisig nila dito!" Tumawag sya ng waiter at may kung anong binulong.

Napatingin ako sa paligid, kung magsayaw ang tao ay parang walang pakialam sa paligid. May sumasayaw sa stage na dalawang sexy na babae, habang sa pole naman ay mga naka bikini, napailing na lang ako. Napababa ako ng damit, ang pinasuot nya kasi sa akin ay isang blue knee length fitted dress na long sleeves.

"Sayaw tayo Ate." Hinila ako ni Jessa sa gitna, inabutan nya pa ako alak.

Siguro kailangan ko ring magparty kahit paminsan minsan lang, kaya ito ako, umiindayog sa tugtog, sinasabayan kada indak ng tao.

Inilabas ni Jessa ang cellphone nya nagvideo habang sumasayaw kami. Sandali nyang kinalikot ang cellphone at nagsayaw ulit. Nang pareho kaming mapagod ay naupo muna kami sa private table.

Nag-uumpisa na akong tamaan ng alak dahil natatawa-tawa na ako. Itinapat ni Jessa sa mukha ko ang cellphone nya, at nakita ko na tumatawag si Jared.

Sinagot nya. "Yes, kuya?" After nyang sabihin 'yun ay bigla nyang inilayo sa tainga nya ang cellphone.

"Oo na! Wait lang!" Iniabot nya sa akin ang cellphone. "For you ate, I love you both." Hindi ko nagustuhan ang ngiti nya.

"Hello?" Alanganing sabi ko.

[What the hell are you doing in that place Elaisa Montefalcon?!] Nagulat ako sa biglang pagsigaw nya. Tinignan ko ng masama si Jessa na nakangisi lang sa akin.

Lumabas ako ng bar para magkarinigan kami.

"Nagyaya kasi si Jessa kanina."

[I don't care. And what are you wearing? Is that even a dress?] Sigaw ulit nito.

Tinignan ako ang damit ko. Maganda naman ah. "Maganda naman daw 'to sabi ni Jessa." Napatawa ako ng mahina, kanina kasi sa mall nahirapan pa kami sa paghahanap ng damit dahil puro tanggi ako.

[At nagagawa mo pang tumawa? You better leave that place or else--] I cut him.

"Or else what? Uuwi ka?" Panghahamon ko.

[Don't try me, Sweetheart.] Ang sarap pakinggan. [I hate it when you're drunk, nagiging palaban ka.]

"I dare you." Asa naman na umuwi sya, eh kasama nya ang babae nya.

[Talagang sinusubukan mo ako ah!] Natawa na lang ako.

"Elaisa!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Nathaniel!" Kasama nya sina Cristom.

[Kasama nyo sya?] Nasa kabilang linya pa pala si Jared.

"No, kami lang ni Jessa ang magkasama." Sabi ko habang nakatingin sa papalapit na si Nathaniel.

[Don't you dare talk to him.] Siguro kung nasa harapan ko si Jared ngayon, may sampal na ako.

"Bakit nasa labas ka?" Tanong ni Nathaniel ng makalapit sa akin.

"May kausap ako sa cellphone. Hi Cristom, Hi Jacob." Bati ko sa mga kasama nya.

"Si Jared ba yan?" Tanong ni Cristom. Tumango ako at inabot sa kanya ang cellphone. "Pare, you should see your wife! She's so damn sexy!" Sumipol pa si Cristom, binatukan tuloy sya ni Jacob.

Pagbalik sa akin ng cellphone, wala na si Jared. Nagkibit balikat na lang ako. Pagpasok sa loob ay sumama na sa amin sina Nathaniel. We dance and drink like there's no tomorrow.

"Ate!" Nilingon ko si Jessa, parang takot na takot sya.

"Bakit? Okay ka lang?" Hinila ko sya sa table namin.

"Si kuya." May tinuro sya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kong papalapit sa amin si Jared. "Lagot tayo." Bulong ni Jessa.

Tumayo lang sa harapan namin si Jared, walang nagsasalita. Nakakatakot syang tumingin.

"Uy pare! Ang bilis ah!" Napasinghap ako ng biglang bumulagta sa harapan ko si Cristom. Sinuntok sya ni Jared.

"Ayan! Bagay lang sayo 'yan!" Segunda ni Jacob.

"Let's go." Kinilabutan ako pagtingin nya sa akin. "Jacob, do me a favor, pakihatid ang mabait kong kapatid sa bahay. Untouch." Tinignan nya si Jacob na nakangiti.

"Kuya, it's my fault. Wag kang magalit kay Ate." Hinawakan ni Jessa ang kamay ko.

"Let her go, mag-uusap tayo bukas." Hinawakan na ako ni Jared.

"Let's go Jessa." Sabi ni Jacob at hinawakan sa kamay si Jessa.

"Don't touch me! You evil!" Sigaw nito.

Habang nagmamaneho si Jared, hindi ako mapakali, naiihi ako sa sobrang kaba. Magsasalita na ba ako?

"N-Napa aga ata ang uwi mo." 'Yun na lang, para safe.

"Actually, nakauwi na ako kaninang umaga pa, I stayed at the hotel dahil may huling meeting pa ako. And then, Jessabelle sent me a video of you dancing." Tinignan nya ako, napaiwas na lang ako. Kaya pala, humanda sa akin ang bata na 'yun kapag nagkita kami.

"Nagcelebrate lang kami."

"There's other way to celebrate Elaisa. Not like that. Is this one of your job? Sumaway sa bar para makaakit ng lalaki?" Nanlaki ang mata ko, akala ko hindi nya na babanggitin 'yun, ito na naman pala.

"Huling beses ko ng sasabihin 'to, hindi ako pokpok, kaladkaring babae, madumi, gold digger, at kung ano-ano pa man. It's up to you kung maniniwala ka! For once naman makinig ka." Sumabog na ako, pero kahit ganoon ay hindi ko sya sinigawan.

"Do you think I believe you? You even go to that fvcking bar with Nathaniel! You dance like a whore!" Napahampas pa 'to sa manibela.

"Ihinto mo, bababa ako." Mariing sabi ko.

"No."

Dahil hindi nakalock ang pinto ay nabuksan ko'to at tinanggal ang seatbelt.

"Sht!" Biglang tinabi ni Jared ang sasakyanat huminto. Naglakad ako palabas.

"Get in, Elaisa!" Sumusunod sya habang nasa kotse.

"Ayoko!"

"Jessabelle will pay for this. Get in!!" Sigaw ulit nito.

"Ayoko sabi!" Ganting sigaw ko. Woo! I take a deep breath. I need to control my emotions. Kapag kasi nakakainom, nagiging hard headed ako.

"Ayaw mo? Fine!" Nagpaharurot na sya.

Naiyak na ako. Ang sama-sama talaga ng ugali nya, iniwan nya talaga ako. Wala syang awa. Pinilit kong maglakad kahit na nahihilo na ako.

"Tumigil na kayo." Pakiusap ko sa mga mata ko, kanina pa kasi ako naiyak.

Di nagtagal ay may sasakyan na huminto. "Ano? Hindi ka pa rin sasakay?" Lalo akong naiyak kasi binalikan nya ako.

Napaupo ako at umiyak lalo. Bumaba sya at lumapit sa akin.

"Stop crying. Look at you, para kang bata." Naiyak ako ng tumawa sya ng mahina.

"Pinagtatawanan mo pa ako."

"I-I'm sorry. Get up, uuwi na tayo. Tignan mo, nakikita ko na ang panty."

Napatayo ako kaagad kaso na out of balance ako kaya naramdaman ko ang sarili ko na bumagsak sa isang bagay, no tao!

"Ang bango mo." Siniksik ko pa ang sarili ko lalo sa kanya.

"Jared, I love you." And I fall as sleep.