Chereads / All About Her (Tagalog) / Chapter 15 - Montefalcon

Chapter 15 - Montefalcon

Ang saya-saya ng araw ko. Feeling ko, unti-unti na akong minamahal ni Jared. Confirmation na lang ang kulang.

Maaga akong gumising para pumunta sa store, ngayon kasi kami magkikita ni Margareth.

"Good morning Ate." Nilingon ko si Jessa na gulo-gulo pa ang buhok.

"Good morning. Ready na ang breakfast, kain ka na." Sabi ko dito habang nagtitimpla ng kape.

"Where's kuya?"

"Nasa taas pa, pero nagbibihis na. O ayan na sya." Inabot ko kay Jared ang kape at naupo na kami.

"Anong oras ka uuwi?" Iritadong tanong ni Jared sa kapatid

"Jared." Sabi ko. Tinignan nya lang ako at ininom ang kape.

"You can stay as long as you want." Nginitian ko si Jessa.

"Thanks ate, you're the best!" Tinignan nito si Jared na dinilaan.

"Jared, maaga akong aalis, magkikita kasi kami ni Margareth para sa gown."

Tumigil sya sa pagkain."Kasama ba 'yung mother in law nya?"

"Hindi ata." Naalala ko na naman 'yung mother in law nya na masungit.

"Jessa, samahan mo ang ate mo sa store." Natigilan sa pagkain si Jessa.

"Hindi na. Nandun naman sina Nanita." Sabi ko.

"Bakit ate? May nang aaway ba sayo?" Tanong ni Jessa.

"Yeah, there's this one Margarita Conrado na minamaliit ang ate mo." Pang gagatong ni Jared.

"Really? Then, sasama ako. Kami ang magtutuos."

Napahawak ako sa noo ko. Isang Montefalcon nga lang ay masakit na sa ulo, nadagdagan pa ng isa. Wala na.

---

Tanghali na ng makarating kami sa shop. Natawa nga ako sa itsura ni Jessa, mukha kasi syang mataray na dalaga.

"Where is the b*tch?" Nagulat ang lahat ng biglang magsalita si Jessa. Tinignan ko sya ng masama. "Sorry po." Nginitian nya pa ako.

Pagpasok ko sa office ay nakita ko sina Margareth, Mrs. Conrado, at isang kong mananahi sa loob. Kinalabit ko si Jessa.

"Behave." Bulong ko sa kanya. Nag okay sign naman sya.

"Good afternoon guys. Do you want something to eat?" Pag aalok ko sa kanila pag upo ko.

"No, we're fine." Mataray na sagot ni Mrs. Conrado.

"Okay. So, Margareth, gumawa ako ng dalawang design." Inabot ko sa kanya at sketch pad at ngumiti sya ng malapad.

"Oh my God. Ang gaganda Elaisa, hindi ako makapili." Inabot nya sa mother in law nya ang pad.

"Not that beautiful, not that ugly." Comment ni Mrs. Conrado. Tinignan ko si Jessa, at masama ang tingin nya sa mother in law ni Margareth.

"By the look of that, I will have a hard time choosing." Komento ni Jessa sabay tingin kay Mrs. Conrado.

"So, what do you think Margareth?" Tanong ko sa kanya.

"I like this one." Turo nya doon sa tube style na gown.

"Really? Great. Papaumpisahan ko na ang pagtahi." Sabi ko.

"I like to get the finish product after one week." Nagulat yung mananahi ko.

"Ma'am hindi po kakayanin ng one week." Magalang na sabi ni Mrs. Conrado.

"No, we want it after one week. Kung hindi, sa iba kami kukuha." Mataray na sabi nito.

"Eh ma'am--"

"Sure. After one week, you'll see the gown." Nakipagtitigan ako kay Mrs. Conrado, ako mismo ang gagawa ng gown nya.

"Good. Let's go, Margareth." Ngumiti na lang ng pilit si Margareth bago umalis.

"Gosh! Ate! Muntik ko na syang matiris kanina! Maldita 'yun ah!" Natawa na lang kami sa reaksyon ni Jessa, may pagka brat kasi 'to.

"Mrs. Montefalcon, paano po 'yun? Marami po akong nakalinya na tatahiin, hindi ko po kakayanin." Pati yung mananahi ko ay nasstress na.

"Ako na bahala. Ako ang magtatahi, iuuwi ko na lang ang isang sewing machine." Sabi ko. Kaso bigla akong natigilan. Marami nga pala silang tatahiin ngayon, meron ako sa bahay, kaso maliit lang 'yun at sirain na. Napakagat labi ako, napasubo ata ako.

"Yes kuya, I already met Mrs. Conrado and I think we have a problem. We need you credit card, we need to buy sewing machine." Napalingon kami kay Jessa habang kausap sa phone ang kuya nya. "Oh really? Dadaan kami sa office after namin magshopping-- I mean, bumili ng sewing machine. Love you kuya! Ate! Nasa bag mo daw ang credit card ni kuya, nilagay nya kanina." Tinignan ko ang bag ko, and just like that, our problem is solve!

Habang naglalakad kami sa mall, hindi mawala sa isip ko na unti-unti ng nagbabago ang pakikitungo sa akin si Jared. Naging mabait na sya, nagagawa nya ng makinig sa akin. At higit sa lahat ay hindi nya na ako sinasaktan.

Nagsimula akong makaramdam ng kakaiba noong anniversary namin. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Ate okay ka lang? You look pale." Natigilan ako sa pag-iisip ng tanungin ako ni Jessa.

"Hindi na ako nakapag make up kanina sa sobrang kaba ko kay Mrs. Conrado." Natatawang sagot ko.

Hinila ako ni Jessa sa Gucci. Teka, sewing machine ang hanap namin ah. Anong ginagawa namin dito?

"Ate, bagay sayo 'to? Mahilig ka ba sa brown?" Inaabot sa akin ni Jessa ang isang bag, nagulat ako sa presyo, P 45, 000.00?! Seryoso?!

"Naku, Jessa! Wala akong hilig sa bag." Sagot ko na lang.

"We'll take this." Inabot nya sa sales lady 'yung bag at naglakad ulit.

Kung saan-saan kami pumasok ni Jessa, ang daming paper bag na dala na ang assistant nya, lagot ako nito kay Jared!

Finally, nakapili na kami ng sewing machine at kakailanganin sa gown. Tuwang-tuwa ako! Ngayon na lang ulit ako makakapagtahi at hindi na ako mapakali.

[Ring ring] "Ano 'yun?" Natigilan si Jessa sa paglalakad at parang hinahanap 'yung tunog. Huli na ng marealize ko na cellphone ko pala 'yun.

"Sayo 'yan Ate? It's so outdated!" Natatawang inikutan ko na lang ng mata si Jessa sa kaartihan nya.

Tumatawag si Jared. "Hello?"

[Nag eenjoy ka ba sa pagsshopping?] Natakot ako sa seryosong tanong nya.

"S-Sorry. Napasarap kasi ng shopping si Jessa, medyo mahal din 'yung machine, babayaran ko naman." Napaisip ako. Kaya ko bang bayaran 'yun? P 35, 000.00 'yun eh!

[It's fine. Buy anything you want.] Natawa sya bigla.

"S-Salamat." Saglit na katahimikan ang namayani sa amin.

[Dumaan kayo sa office ha? Sabay na tayong uuwi.] Nagulat pa ako ng magsalita sya.

"O-Oo. Salamat." He ended the call. Napangiti na naman ako.

"Iihh! You're blushing ate!"

Lalo akong napangiti sa pang aasar ni Jessa. Posible kaya na kahit mahal mo na 'yung tao ay mas lalo ka pang naf-fall?

Ganoon kasi ang nangyayari sa akin at natatakot ako sa kahihinatnan.