Chereads / All About Her (Tagalog) / Chapter 12 - Selos

Chapter 12 - Selos

Maaga akong nagising dahil sa sakit ng ulo. Ayaw ko sanang bumangon kaso tanghali na. Nakatanggap ako ng text galing kay Tita Daniella, pumasok daw ako sa store. Kailangan ko na pa lang magresign as cashier.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto, siguro naman nakaalis na si Jared. Hindi ako kagaya noong mga nakainom tapos sasabihin na wala silang naalala, ako, tandang-tanda ko!

Pagdating ko sa kusina, halos kapusin ako ng hininga dahil nakita ko si Jared na nagluluto. Aalis sana ako ng tawagin ako nito.

"Jessabelle!" Sigaw nito at maya-maya lang ay pumasok si Jessa sa kusina.

"Anong ginagawa mo dito?" Bulong ko sa kanya. Napakamot naman 'to ng ulo.

"You two. Ano ang pumasok sa isip nyo at nagbar kayong dalawa?" Nakakatakot na humarap sa akin sa amin si Jared. Sisermonan nya pala kami.

"K-Kasi naman kuya, you left her. We celebrate." Nakayukong sagot nito.

"Do you think gawain ng matinong babae 'yan?! Jessabelle?! Paano kung napahamak kayo?" Halos dumagundong na ang bahay dahil sa sigaw nya.

"S-Sorry na kuya. Last na 'yun."

"You're grounded. No car, home after school, isasama mo si Yaya Mirna kapag may meeting ka." Nanlaki ang mata ni Jessa habang sinasabi 'yun ng kuya nya.

"What?! Kuya! 21 na ako!" Napapadyak pa sya.

"J-Jared, ako naman ang nagyaya sa kanya." Hinawakan ko ang kamay ni Jessa, nginitian ko sya.

"Really, Elaisa?" Tinaasan pa ako nito ng kilay, napalunok ako.

"O-Oo. Pati dumating naman sina Nathaniel." Napapitlag kami ng binagsak nya ang sandok.

"Nathaniel, nathaniel, nathaniel. Seriously, Elaisa? Can you please don't say the name of that fvcking bastard infront of me?" Napatango na lang ako.

"Selos ka kuya?" Napalingon kaming dalawa sa tanong ni Jessa.

"Shut up Jessabelle! Umuwi ka na." Agad naman 'tong nagtatakbo palabas ng bahay.

Nagseselos nga ba talaga sya?

"Kumain ka na." Pinaghain pa ako ni Jared. Ano bang meron?

"Ah, mauna ka na lang Jared." Tatayo na sana ako ng magsalita ulit sya.

"I said eat." Mariing sabi nito kaya napaupo ako kaagad.

Ang bilis ng pangyayari, nakita ko na lang ang sarili ko na sumasabay sa pagkain kay Jared. First time 'to! Harap harapan ko syang nakikita na sumusubo. Lalo tuloy akong naiinlove sa kanya.

"May lakad ka mamaya?" Tinitigan ko muna sya bago sumagot.

"Oo, pinapapunta ako ni tita sa store." Nakakilig 'yung ganito.

"Really? Ihahatid kita." Sabi nito na hindi nakatingin sa akin.

Hindi ako makahinga! Totoo ba 'to?

"W-Wag na. Magcocommute na lang ako." Eeeh!

"I insist." Hindi na ako nagsalita pa kasi baka magalit pa sya sa akin.

Nagpapasalamat lang ako dahil hindi naungkat ang nangyaro kagabi.

---

2pm na ng makarating kami sa store, medyo traffic kasi.

"Good morning Ma'am at Sir." Bati sa amin ni Nanita pagpasok sa loob. Medyo marami ring tao, nakakagulat.

"How's the sale?" Napalingon ako kay Jared, nakakamangha sya magsalita.

"Everything is good Sir." Magalang na sagot ni Nanita.

"Manager Nanita, kulang na po tayo sa Consultant, may gusto pong magpagawa ng gown." Tarantang pumunta sa amin si Tanya.

"Ako na lang." Kaya ko naman siguro.

"Are you sure?" Kinilabutan ako sa biglang paghawak ni Jared sa likod ko.

"O-Oo. Tanya, papasukin mo na lang sila sa office." Nauna akong maglakad, nasa likod ko naman si Jared.

Kinakabahan ako habang hinihintay ko ang customer. Nagready na ako ng isang pencil at sketchpad. Si Jared naman ay nakaupo sa gilid habang nagcecellphone.

"Good afternoon. Maupo kayo." Bati ko sa pumasok na babae, I think, she's 25 years at kasama nito ang mommy nya.

"One of my Amiga told me that this place is great. I'm Margarita Conrado, mother of the groom, and this is Margareth, the bride." Mukhang supistikada ang mother in law nya, nakakatakot.

"I'm Elaisa Montefalcon, owner of Elaisa's Closet. Nice to meet you." We shake hands.

"Ngayon ko lang narinig ang pangalan mo, bagong designer?" Tanong ni Margareth.

"O-Oo. So, we should start. What do you want for your wedding gown?" Nakangiting tanong ko kay Margareth.

Si Mrs. Conrado ang sumagot. "Well, mermaid style would be great, para mapakita ang curve nya."

"Tito, ayoko po ng ganun, mahihirapan akong maglakad." Mabilis na sagot ni Margareth.

"Margareth is right, Mrs. Conrado. Mahihirapan sya lalo na't naka heels sya." Dugtong ko.

"Who are you para kumontra sa akin?" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw nito. "Ni hindi ka nga kilala na designer eh! You should listen to us! You don't have the right para kumontra!" Nagsisisigaw na ito sa loob ng office. Pilit naman syang pinapakalma ni Margareth.

"Sasabihin ko sa mga Amiga ko na wag ng pumunta dito." Sabi nito at tumayo, pero napahinto sya ng makita si Jared.

"You don't have the right para sigawan ang asawa ko. Wala akong pakialam kung ayaw mo sa store nya, marami pang iba dyan, doon ka na lang pumunta. Hindi ka kawalan." Kalmadong sabi nito na kinagulat naming lahat. Walang nagsalita.

"LEAVE!" Sigaw nito dahilan ng pagtakbo ni Mrs. Conrado.

"I-I'm sorry Mrs. Montefalcon, ganyan talaga yang biyanan ko. Gusto nya lagi sya ang nasusunod. Gusto pa kitang makausap, sayo ako magpapagawa ng gown." Napakabait ni Margareth, kitang kita ko 'yun sa ngiti nya.

Tinignan ko saglit si Jared, tumango naman sya.

"Sige, tara, Maupo ka." Nagustuhan ni Margareth ang sketch na pinakita ko para sa weddong gown. Simpleng tube style gown, na medyo maluwag sa binti with Lacey and crystal design.

Ang hirap pala ng ganito, kanina noong sinigawan ako ni Mrs. Conrado, hindi ako makakilos, feeling ko anytime ay sasampalin nya ako, na trauma na ata ako.

"Good job, wife." Nabato ako sa biglang pagyakap sa akin ni Jared paglabas ni Margareth. Hinalikan nya pa ang noo ko. At tinawag nya akong wife?

Omg! Ano na ba ang nangyayari sa mundo?