Chereads / SOMEONE'S SPECIAL / Chapter 51 - CHAPTER 50

Chapter 51 - CHAPTER 50

BEA'S POV

D-nial ko ulit ang no. ni bestfriend dahil wala talagang sumasagot. Naghihintay ksmi dito sa opisina ni

"MAAAA SAAN NA SI AMIRA?!!!" yumakap ako kay mama dahil nasstress na ako sa kakaisip kay amira. 

Kahapon nung tinawagan ko si mama kung nakauwi ba sina kuya at bestfriend ng maayos sa mansyon pero hindi pa pala sila nakauwi kaya hindi ako nagdalawang isip na tawagan si tito alejandro.

"Shh anak manalig tayo sa diyos na ayos lang silang dalawa ng kuya mo"

"Mama ang sama ng pakiramdam ko. P-paano kung may nangyari sa kanila?!! Si bestfriend maaa!!"

"Shhh tahan na--sir alejandro?" pumasok din si tito at huminga ng malalim.

"Tito? N-nahanap na po ba sina bestfriend?" sinandal niya ang isang kamay sa mesa habang hinihilot ang noo. Alam kong mas masakit sa kanya dahil tatlo na silang nawawala.

"May nakakita sa kanya sa airport pero nakatakas agad"

"Po?! A-airport?! Ilalabas nila si bestfriend!!!!"

"Diyos ko, gabayan niyo po ang mga anak namin" sabi ni mama at napasign of the cross na lang.

"Patawarin niyo kami, pati ang anak mo tawy nadamay. Hindi pa siya nakikita ng mga tauhan ko pero sisiguraduhin kong makakauwi ng maayos ang mga anak natin" pahinging paumanhin ni tito. Hindi ko alam kung paano nalaman ni tito pero ang alam ko matagal na niyang alam nung nasa hospital pa siya.

"Huwag mo ng isipin yun, ang mahalaga ligtas sila" bumagsak lang ang balikat ko habang nakatulala sa sahig at nakahawak sa tiyan ko. 

Bestfriend kakasabi lang ni kuya na magnininang kaaa kaya bumalik ka na dito!!! Mananagot ang dumukot sa kanya!! Ihahampas ko sa mga mukha nila ang nagiinit kong palad! Bestfriend!!

May sakit sa puso si amira kaya siya ang mas inaalala ko at mabuti na lang kasama niya si kuya dahil alam kong hindi niya papabayaan si amira.

"Anak, don't stress yourself too much" paalala ni tito sa akin tsaka hinawakan ako sa balikat.

Tumango ako at pinahid ang mga luha. Kalahati ng buhay ko si bestfriend ang nakasama. Hindi man sila saksi pero alam ng diyos kung paano ko ituring na parang kapatid si amira. Ilang taong hindi namin kapiling si kuya kaya kay amira ko binuhos ang lahat.

"Alejandro, bumaba kayo" sabi ni tita elisa sa may pinto.

Tumayo ako nang maglakad na sina tito at mama palabas. Binilisan ko pa ang lakad para unahan sila.

"K-kuya?!!" gulat siyang lumingon sa amin kaya wala akong pagdadalawang isip na niyakap siya.

"Why are you c-crying? It's not good for your baby"

"Kuyaaaaa!!!"

"Anak!" nakalapit na sina mama at tito sa tabi namin kaya kumalas na ako at lumingon sa labas para tignan kung kasama ba niya si amira.

"W-what's with you?" takang tanong niya. Nagkatinginan kaming tatlo tsaka pinaharap ni mama si kuya sa kanya.

"Anak, sabihin mo kasama mo si miss amira diba?!" kumunot lang ang noo ni kuya. Napatingin na ako kay tito na napapatulala na lang.

"Kuyaaaa please sabihin mo!! Nasaan si amira?!!!"

"H-hindi mo ba k-kasama ang anak ko, hijo?" naiiyak na tanong ni tito alejandro.

Tinabihan naman siya agad ni madam elisa para pakalmahin. Umiling si kuya. Bagsak balikat na tumalikod si tito at umakyat ulit sa itaas.

"W-why? W-what happened?" niyakap ako ni kuya at hinagod ang likod ko.

"Anak diba magkasama kayong dalawa ni miss amira na pauwi dito??"

"Hindi m-ma---hinatid ko muna s-siya dito kahapon tsaka umalis agad" napasigaw na ako habang napapadyak. So nakauwi sila dito kaso iniwan niya si bestfriend??!! Sino ang kumuha sa kanya?!!!

"M-ma nasaan siya???"

"K-kuya nawawala si bestfriend!! Kuyaaa hanapin mo siya kuya!!! Tinawagan ko agad si tito para humingi ng tulong sa pulisya nung inakala kong hindi nakauwi si amira!"

"Y-you called?"

"Oo kuya!! Mananagot ang kumuha kay amira kuyaaa!!! Hindi man lang naawa sa sitwasyon nila ngayon!!" tumahimik ang paligid ng ilang minuto. Lumapit si mama sa akin at hinagod din ang likod ko.

"M-ma?"

"Bakit anak?" napatingala ako kay kuya. Umiwas lang siya ng tingin sa akin.

"Can I--and my friends stay at our house for a while?" pinahid ko ang mga luha ko at kumalas sa yakap.

"Kuya hanapin mo muna si bestfriend bago yan!! Kuyaa! Mas natakot ako nung makita kita dahil alam kong magisa lang si amira kung nasaan man siya ngayon!"

"I will" naglakad siya palayo. Tumabi agad ako kay mama at tinignan lang siya. Bakit ganun ang reaksyon niya?!! Wala ba siyang paki sa nangyari kay amir?!

"Anak" napatigil si kuya sa paglalakad nang tawagin siya ni mama "Anong nangyari sa bibig mo?"

"Napaaway lang ma" sagot niya at dumiretso sa itaas. Tinignan ko din yun. Parang may benda sa bandang balikat niya.

AMIRA'S POV

Mabilis akong dumilat nang bumalik na ang malay ko. W-where am I? Ililibot ko sana ang paningin pero may nakatakip na tela sa mga mata ko.

"TULOONG!!!" nakahiga lang ako sa matigas na bagay kaya gumulong ako para makagalaw ng maayos.

M-masyadong mahigpit ang pagkatali sa kamay ko. Dinuck tape din nila ang buong kamay ko!! Sinigurado talaga nilang hindi ko magagamit ang kamay kahit mga daliri ko!!

"SOMEBODY HELP!!" narinig kong may bumukas sa kung saan dahilan para tumigil ako nang ilipat ang pagkakatali ng kamay ko sa harap tsaka binuhat at naglakad "PAKAWALAN MO KO!! TULONG!! HINDI AKO MAYAMAN!!!"

"Walang tutulong sayo dito kahit anong gawin mo" sabi pa nung isa sa di kalayuan. Tatlo sila at naisaisip ko na ang mga boses nila.

Iniupo na ako kaya pinakiramdaman ko ang lalake sa tabi dahil tahimik lang siyang inaayos ang tali. Siya yung nagbuhat sa akin.

"I don't know when we are going to do this to her tsss you are the luckiest hostage we have" sabi din nung isa sa kaliwang banda ko.

"Anong kailangan niyo sa akin?!" may dumikit sa bibig ko kaya wala akong pagdadalawang isip na kinain yun dahil naamoy ko ang adobo.

"Malalaman mo din"

*toktoktok*

"TULOONG!! TULONG!!! DINUKOT NILA AKO!!!" sigaw ko agad nang may kumatok sa pinto.

"Jayson puntahan mo" tumahimik ang paligid kaya tumayo ako at tatakbo na sana pero nakatali din pala ang mga paa ko.

"TULOOONG!!! ILABAS NIYO KO DITO!!! MASAMA SILANG TA--" hindi ako natapos nang mabulunan ako. Pinaupo ako nung nasa tabi at tinapat ang baso sa bibig ko. Nakahawak pa siya sa likod ko.

"Sige thank you riane, this is a big help"

"Hehe walang anuman, basta pagbatiin niyo yung dalawa ha? Ganyan talaga kapag nagaaway ang magjowa"

"Y-yeah you got it hehe" nakarinig na ako ng pag-sara ng pinto kaya lumingon ako doon.

"Anong kailangan niyo?! Ibibigay ko lahat!! Please let me go! Hinahanap na ako ni papá! I don't want him to get worried too much just b-because of me at may libing pa akong kailangang puntahan!" pumiyok ang boses ko at tumulo na naman ang mga luha nang maalala si kuya ethan.

"Sorry to say but you can't attend anymore"

"I SWEAR TO GOD!! KUNG MAHULI MAN KAYO SISIGURADUHIN KONG MAGSISISI KAYO SA PAGDUKOT SA AKIN!!!"

"As if you can"

"Certamente potrò perché se non mi sbaglio mio padre sta per adesso! O altro (I'll surely can because if i am not mistaken, my father is searching for me right now or else)"

"Or else what?! If I am not also mistaken I can shut your life before they will catch us!"

*blag* nagulat ako nang may humampas sa mesa kasabay ng pagtayo ng lalake sa tabi ko. He understood me--?

"Do you speak italian?! Who are you?! Who are you?!!" pilit akong tumayo pero may humawak sa balikat ko.

"None of your business!! But soon we will bring you there" I-italy?! No!! Ang layo ko na sa kanila!! No way!!

"Cj, tumahimik na kayo. Let's just wait how can we get rid of this country"

"You're right" naramdaman kong umayos na ng upo yung lalake sa tabi ko. Tumahimik na din ako at nakayukong sumandal sa likod ng upuan.

One thing for sure tatlo lang sila. Isa yung nasa harap ko na kausap ko ngayon, yung pangalawa nasa kung saan lang na sumalubong sa kumatok kanina at itong nasa tabi ko na sinusubuan ako ng pagkain.

"Yung kasama ko? Nasaan na siya?" tanong ko habang ngumunguya ng pagkain. Naalala ko si mr.linc.

"He can't help you anymore"

"Nasaan na nga siya sabi?! Dinukot niyo din ba?!! Mga masasama kayo!!"

"Naah he's in peace, right now" in p-peace??!

"Anong ginawa niyo sa kanya?!! Mr.linc?! Mr.linc?!!"

"He won't answer you" napadabog na ako sa kakaiyak dahil kinabahan sa posibleng ginawa nila kay mr.linc.

"TULOONG!!!"

"Tumahimik ka na! Ikaw lang ang sadya namin kaya bakit pa namin siya isasama dito?!" napadaing ako nang sumakit ang dibdib ko.

"Huy! Huwag ka ngang umarte!!" sigaw pa nung isa. Umiyak lang ako at sinubukang pakalmahin ang sarili. 

"How I wish I wasn't just acting!!" napatigil ako nang may humila sa akin tsaka niyakap at tinapik ang balikat ko.

Nararamdaman ko pa ang panginginig ng kamay niya. Mas lalo akong nagalala kay mr.linc dahil naaalala ko siya sa tuwing ginagawa niya to sa akin.