Chereads / SOMEONE'S SPECIAL / Chapter 57 - CHAPTER 56

Chapter 57 - CHAPTER 56

AMIRA'S POV

Naikuyom ko ang kamay habang nakahawak sa kwentas. K-kung hindi dahil dito wala na ako ngayon. Kung hindi dahil sa kwentas p-patay na ako ngayon. K-kung hindi niya binigay to nung birthday ni nat--hindi ko alam saan na ako inanod ngayon. 

Sinandal ko ang mga kamay sa gilid ng inuupuan ko at tumingin sa tubig.

Flashback

*cough* dahan dahan akong dumilat nang may bumuhat sa akin.

"Let's go" rinig ko pang sabi niya. Nanlalabo ang paningin ko kaya hindi ko masyadong naaaninag kung sino siya.

"Tulong" pilit kong binubuhay ang sarili ko pero hindi ko kaya. Nagsimula na naman akong umiyak at napahilot sa dibdib.

"N-nandito na ako" nakatingin lang ako sa kanya habang dinadala ako sa kung saan. Umikot ang paningin ko kasabay ng pagbagsak ng mga kamay ko "Amira! Amira!"

End of flashback

Nakasakay kami sa bangka habang nasa kabila si bestfriend, nanay, nathalie at siya. Si bea na kumakain, si nanay na katabing natutulog si nathalie at ang dalawang bata, yung dalawang lalake na kasama niya-- at siya. H-hindi ko inasahang tutulungan niya ako.

*coughcough*

"Anak ayos ka lang?" lumingon lang ako sa kabilang direksyon. Gabi na kaya madilim pero dahil sa ilaw sa mga bahay at sa mga flashlight sa bawat bangka ay naaaninag ko silang lahat. 

Umiwas ako sa kanya at nilibot ang paningin. May nakikita akong mga bahay na nasa tubig mismo nakatayo. Magkadikit dikit ang mga bahay at tubig na agad ang sa ilalim pero may mga bahay naman na nasa tabi nitong dagat pero hindi mo maipagkakaila na meron pa doon dahil sa sobrang dami ng bahay dito sa may tubig.

Napatingin ako sa di kalayuan nang makita ang syudad. I had just one wish. One wish that could bring back our life before. I miss the old 'us'. I miss the old 'family' we had. Now that the two person who really showed their love to me are gone---what should I do now?

*cough* napatingin ulit ako sa kwentas dahil sa balang nakabakat doon. P-paano niya nagawang barilin ako??! Siya ang pumatay kay kuya tapos isusunod niya ako?! Ganun na ba siya ka sakim sa pera?! Wala ng makakapantay sa sama niya!! Pagbabayaran niya ang ginawa niya! Hindi ko nga alam kung kapatid ko pa ba siya o hindi! Diba walang pamilyang ganun?!

Flashback

"Hahaha ate you look pretty!" masayang sabi ko nang maisuot na niya ang magandang damit na binili ni mommy sa kanya.

"Of course" nakangiting sabi ni ate tsaka umikot sa malaking salamin hehehe I'm so happy kasi natanggal na din yung teeth ko hehe.

"Hahahaha" niyakap ko si ate tsaka sabay kaming tumakbo papunta sa higaan ko at tumalon.

"Are you playing again??! Haays" tanong ni kuya ethan nang makapasok sa kwarto ko. Buhat buhat niya si baby nathalie dahil siya ang nagbabantay ngayon.

"Kuya hahaha play with us!" yaya ni ate, I am just 4 years old and I am going to school with ate even if they didn't give me grades like her and kuya hehehe I love ate and she loves me too.

"Oh edi ikaw magbabantay kay nat"

"Noo!! Si bunso nalang babantayan!" natawa nalang ako sa sinabi ni ate at hinawakan pa ang kamay ko.

"Papá is here!!!" nagkatinginan kami ni ate ng marinig ang boses ni papá kaya iniwan namin si kuya at tumakbo palabas.

"Papá!!!" tawag namin nang makita siya sa baba ng hagdan, napangiti siya kaya naguunahan kami ni ate na yakapin si papá.

"Papá how was your trip?" masayang tanong ko.

"Good princess"

"Are you tired papá?? heheehe" tinignan ni papá si ate at kiniliti pa ng konti.

"I'm good princesses" sabay kaming nagkatinginan ni ate at natawa lang ng konti. Hinawakan na kami ni papá sa magkabilang kamay at pumunta sa kwarto niya.

"Papá" bati ni kuya dahil sumunod din siya.

"Papá do you have something to say?" tanong ko. Pinaupo niya kami ni ate sa magkabilang lap niya habang sa gitna namin sina kuya at baby nat.

"I just miss your mom" kumunot ang noo ko sa sinabi ni papá.

"Si mom po ba?" tinignan ko si ate na tinaas lang ang balikat.

"I mean" tinignan niya si kuya ethan kaya tumabi kami ni ate nang ibigay ni kuya si baby nat kay papá. Sinundan lang namin ng tingin si kuya na may kinuhang picture sa drawer.

"Are you hiding something to us?" tanong ni ate. Hinawakan ko siya sa kamay kaya inakbayan niya ako.

"I have something I didn't tell you until now dahil sobrang bata mo pa noon anak" sabi ni papá at tinignan si ate. Inabot ni kuya ang hawak niya kaya tinignan namin yun ni ate.

"Sino po ito?" tanong ni ate. Tahimik lang ako dahil hindi ko alam anong sasabihin ko.

"This is your mom--- your real mom" tinignan niya kaming dalawa kaya tumingala lang ako sa kanya at ngumiti. I know he had a reason why he hid it.

"W-what happened papá? Where's mommy?" umiyak na si ate kaya hinawakan ko siya sa likod at kinomfort siya.

"She loves your sister so much so she sacrificed herself while giving birth to your sister" tinignan ko ulit si papá dahil sa sinabi niya.

"I-is it my fault papá?" kinakabahang tanong ko. Umiling siya.

"No, mommy loves you so much so she gave her life to you, she wants you to grow with us, live and love someone like how she love me" natawa ako ng konti sa sinabi niya. Hinawakan niya ako sa pisngi at ngumiti sa akin.

"Re----"

"It's your fault!" nagulat ako nang itulak ako ni ate kaya nilapitan ako ni kuya ethan.

"Zaira!" tawag ni papá sa kanya. Naiyak ako dahil sumama ang tingin niya sa akin.

"A-ate I'm sorry"

"No!! It's your fault! She's not here with us because of you!" sinubukan kong lumapit sa kanya pero tinulak niya lang ulit ako "Kaya pala hindi kami magkamkga ni mom-- no"

"Zai! Stop pushing her!" sigaw ni kuya. Tumakbo ulit ako kay papá at niyakap siya. Binalik naman niya si baby nat kay kuya at niyakap din ako.

"Huhuhu papá~ I'm sorry~ I-I didn't mean to get mommy's life"

"Shhh it's not your fault----zaira you need to understand"

"Ayoko papá!! It's her fault and we can't change it!!"

*blag* tinignan ko ulit si ate na lumabas ng kwarto tsaka sinara ng malakas ang pinto.

"Zaira! Let's talk!"

"Huwaaaaa! Uwaaaa!!" tinignan ko si baby nat na umiyak na.

***

"Stay away!!"

"A-ate? I-I want to play with you" sabi ko habang magkahawak kamay kami ni bestfriend.

"Dyan ka sa kasama mo makipaglaro!! I don't want to play with you!!" galit na sigaw niya at tinulak kami.

"Ahhh!!" tumakbo kami nang pumulot si ate ng bato at umaktong itatapon sa amin.

"Ate we're friends, right?" nagtago kami sa ilalim ng slide para hindi niya matamaan.

"Natatakot ako sa kanya" mahinang sabi ni bestfriend.

"Hindi, mabait siya" sabi ko at sumilip ulit kay ate.

"We're not friends anymore!! Go away!!" sigaw niya at tinapon sa slide yung bato. Hinila ko si bestfriend palayo at pumasok ng bahay.

"Nanay! Nanay! Si ate nanapon ng bato!" sumbong ko at nagtago sa likod niya nang marinig si ate.

"Miss zaira, tumigil na po kayo" sabi ni nanay kaya napahinto si ate. Nagcross arm siya at umakyat na lang sa itaas.

End of flashback

Yumuko ako at tahimik na umiyak. Hindi ko alam paano? Bakit? Bakit niya ginagawa to sa amin? H-hindi ba kami naging magandang kapatid sa kanya? Dahil ba sa hindi pa rin niya matanggap ang nangyari kay m-mommy?

*sip* pinunasan ko ang mukha habang inaalala lahat. We used to be friends and 'real' sisters. She used to love me. We used to play together. We used to prank kuya ethan before--but what happened? One day it turned out like these.

"Nandito na tayo" nanatili lang akong nakayuko nang huminto ang bangka sa gilid ng tulay. Isa isa na sila umakyat doon dahil may mga sumalubong atang kakilala nila.

"Jusko tawy! Anong nangyari sa mga kasama mo?! Kung hindi ka tumawag hindi ko kayo masasalubong dito! Tuloy kayo sa amin!"

"Amira" napatingala ako nang ilahad niya ang kamay sa akin. Kaming dalawa na lang pala naiwan dito.

Tumitig ako sa kanya at pinilit na hindi maiyak. Bakit nung tinignan ko siya mas naiiyak pa ako lalo? I have nothing but them--I hated him but he's still here.

Tinanggap ko ang kamay niya para makaakyat din. Aalis na sana ako nang hilahin niya ako at mabilis na niyakap. Hinagod niya agad ang likod ko kaya ang inakala kong hindi ko ilalabas sa harap niya ay ngayon naguunahan pa. Dahan dahan kong tinaas ang mga kamay ko at yumakap din ng mahigpit sa kanya.

"I-I don't know what to do now" pag-amin ko. Naramdaman kong humigpit din ang yakap niya kaya sumiksik ako sa balikat niya.

"I'm here at your side"