Chereads / SOMEONE'S SPECIAL / Chapter 56 - CHAPTER 55

Chapter 56 - CHAPTER 55

AMIRA'S POV

"I-I am still with you"

"W-w-why???" tumikhim ako dahil sa panginginig ng boses kahit alam kong dahil yun sa pagiyak.

Hindi siya nagsalita at hinawakan lang ang mga mata kong may piring pa. Tinabig ko ng malakas ang kamay niya at bumagsak sa tabi. T-that explains me t-the b-blindfold. Tumalikod ako sa kanya at naikuyom lang ang mga kamao habang nakayakap sa sarili.

"I---"

"It's better to be like this, d-don't talk to m-me" lumipat siya sa harap at hinawakan pa ang pisngi ko.

"I don't want to do this to--"

*PAK* mabilis kong tinanggal ang piring. Tumayo siya kaya tumayo din ako habang tinutulak siya.

"You don't want this?! But you still did it!! I-I can't believe out of billion people ikaw pa!!" tinakpan ko ang mukha ko pero hinawakan niya agad sa magkabilang pulsuhan at pilit na pinapatingin sa kanya.

"B-believe me I w-wanted to change this but--"

"You can't change everything!! Wala na! Wala na sa akin lahat! Masama kang tao!! Sana sa simula pa lang hindi na kita pinagkatiwalaan! Nang dahil sayo mas gumulo pa ang buhay ko!!"

"I d-don't want this f-for you amira. I-I just want to protect you, it's just not us who wanted to get you"

*PAAAAK* sinampal ko ulit siya at tinulak pa ng malakas. Napatingin ako sa shelves na puno ng mga gamot na kung hindi ako nagkakamali para sa akin yun, nandun din yung mga injections at iba pa na palagi kong ginagamit noon.

*blaaag* tinapon ko lahat yun kaya lumapit siya para pigilan ako.

"Kahit anong sasabihin mo hinding hindi na ako maniniwala!! You ruined my trust for you!! You are all just the same!! Nothing important but luxury!!"

"H-hindi ako ang m-masama dito" tumigil na ako at hinihingal na humarap sa kanya.

"A-alam mo ba kung gaano ako kagalit ngayon?! Ha?! Na hindi ko mabanggit banggit ang pangalan mo kahit sa isip ko lang! O baka naman hindi talaga linc pangalan mo! Yung pinakita mo sa akin noon?! Niloloko mo lang ako noon pa! Everything was just a lie! You're not real! O baka simula pa to kay ate kasi ito talaga ang balak mo!!?"

"I am with you amira"

"Patunayan mo" kasabay ng pagtalikod ko sa kanya ay ang pagtulo ng luha ko. Humiga ulit ako sa pahabang upuan at doon tahimik na umiiyak.

***

Kinabukasan

Nakatingin lang ako sa kawalan habang nakayakap sa magkabilang tuhod ko. I don't know where they are nor bea, naalala ko pati siya kinuha din nila and I don't have any idea where they brought her.

"Isang oras na lang upang masaksihan natin ang libing ng dalawang yumaong mayayamang negosyante. Napagpasyahan ng naiwang asawa na gawing isa ang libing ng kanilang mahal sa buhay" narinig kong may papaakyat kaya sinuot ko agad ang piring sa mata at lumingon sa may pader kung saan hindi ko sila--o siya makaharap. I don't know what to call him. Mr.linc? I-i don't think so. I don't know him anymore.

"Napakahigpit po ng seguridad ng pulisya kaya nahihirapan ang lahat makapasok sa loob ng memorial" tinakpan ko ang bibig sa mga braso para hindi makagawa ng kahit anong ingay dahil sa pagiyak.

"Inaasahan po ang lahat ng kakilala na dadalo sa napakahalagang araw na ito" naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya agad kong tinabig ang kamay niya.

"We will go there" napatuwid ako ng upo at napakunot ang noo sa sinabi niya.

"Linc this is bad idea, we better stay here" rinig ko pang sabi ng kasama niya.

Naalarma ako kaya hinayaan ko na lang siyang alalayan ako para makatayo. I-I need to see them!! Tahimik lang akong sumusunod sa kanya at pinasakay agad sa sasakyan tsaka pinaandar na.

"Kung may mangyari man o kapag sasama ang pakiramdam mo sabihin mo agad sa akin para matulungan kita"

"I don't need your help" walang ganang sabi ko.

"You can t-take your blindfold off"

"I don't want to see you either" hindi na siya nagsalita kaya nanginginig kong nilalaro ang daliri ko. Pinaghalong kaba, takot, lungkot at lamig ang nagraramdaman ko ngayon.

***

"We're here" hinayaan kong alalayan niya ako palakad kaya nung huminto na kami ay agad ko na siyang binitawan "I'm sorry but I can only do this far"

"P-papá!!!!" unti unti kong tinanggal ang blindfold at saktong dalawang kabaong agad ang nakita ko.

Napatakip ako sa bibig habang tinitignan silang binababa sina papá at kuya. P-papá!!!! Kuya!!! Bakit ganito?! Bakit?!! Hindi niyo deserve na mapunta dyan!!

"ALEJANDRO!!!"

"PAPÁ!!!! KUYAAAA!" mas doble ang lakas ng iyak nina tita at nath sa nararamdaman ko ngayon.

"I am so sor--" mabilis ko siyang tinulak dahil yayakapin niya sana ako. Sinandal ko ang isang kamay sa puno at yumuko na lang.

Nanatili lang akong ganoon habang unti unting umaalis ang mga tao. Ano na ang gagawin ko ngayon? Aaminin ko mahina ako at nakabase lang ang buhay ko kay papá, p-paano na ako ngayon? Bakit kailangan pa itong mangyari sa atin?

"Nandito siya!" gulat akong napalingon sa likod. Umayos ako ng tayo at takot na tinaas ang mga kamay.

"W-we--"

*bang* hindi pa ako natapos nang paputukan kami nung isa. Agad naman akong hinawakan sa pulsuhan at tumakbo palayo.

"Cj! We need help!" sigaw niya habang nakatapat ang cellphone sa tenga. Napalingon ako sa likod dahil ang dami na nilang nakasunod sa amin.

"MISS AMIRA!!"

*bang*

"Ahhhh!!" palabas na kami sa gate kaya dumami na ang mga tao.

"Tabi!!" sigaw niya habang pilit akong hinihila sa mataong lugar.

*bang* napalingon ulit ako sa likod dahil biglang tumabi ang mga tao. Napunta kami sa kalsada kaya takot akong tumingin sa gilid dahil baka masagasaan kami.

*beeep*

"W-weirdo!" napatigil kami nang makita si nat na binuksan ang likod ng kotse. Aatras na sana ako nang hilahin ako at pumasok sa loob. Mabilis nilang pinaandar ang kotse kaya inis akong tumingin sa kanya.

"W-we shouldn't enter here!" tinulak ko siya palayo sa akin dahil sobrang lapit niya at nakahawak pa sa likod ko.

"Manong bilisan niyo po!" sigaw ni nat habang natitingin sa mga sumusunod sa amin. Napalunok ako at tumingin din sa labas "W-weirdo! Bakit pumunta ka pa?!!"

"W-what?" hindi ako makapaniwalang tumingin kay nat dahil sa tanong niya "Am I not allowed to attend their funeral?!---"

"Hindi hindi!" mabilis siyang umiling pero tinulak ko pa din siya since napapagitnaan nila akong dalawa "D-delikado ka na dito"

"As if you care!" mabilis kong binuksan ang pinto sa side niya at tatalon na sana pero may humawak sa akin.

"Amira!!"

"Bitawan mo ko!!! Itigil niyo to!!" sigaw ko habang hinahampas siya sa likod ko.

"AHHHH!!!" nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko sinasadyang matulak si nat. Mabilis na huminto ang sasakyan at bumaba agad yung driver kaya napatingin ako sa likod. Tumigil din yung ibang kotse, isa na dun yung humahabol sa amin kanina.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si ate zaira na bumaba sa kotse habang pilit na pinapatayo ng mga tauhan niya si nathalie.

"Where is she?!" galit na tanong niya. Napatakip ako sa bibig nang may nilabas na baril si ate at tinutok yun kay nathalie. H-how can s-she?!! May humawak sa kamay ko pero hindi ko yun pinansin at mabilis na bumaba ng kotse.

"Amira!" tumakbo lang ako papunta kay nathalie at hinarangan siya na humawak agad sa likod ko.

"There you are" nakangising sabi ni ate habang nakatutok pa rin sa amin ang baril. Naglakad siya palapit kaya dahan dahan kaming umaatras ni nathalie.

"Z you promised!" nawala ang atensyon niya sa amin kaya huminto kami ni nat at tumingin sa baba ng t-tulay. T-tubig na ang nakikita ko.

"L? Are you with her?"

"Stop this! This is not right z!" may huminto pa na isang kotse sa di kalayuan.

"Why are you stopping me now?! This woman is the reason why we're having this funeral!!"

"Ahh!" pareho kaming nagulat ni nathalie nang ituro niya ako gamit yung baril.

"Z!!"

*BANG*

BEA'S POV

*BANG*

"ahhhh"

"Amira!!"

"BESTFRIEND!!" tawag ko nang makita silang nahulog. Natamaan siya!! Sigurado ako!! Nataman siya!! Amira!!!

Lalabas na sana ako nang pigilan ako ni jayson. Tumingin muna ako kay kuya na hinahabol si miss zaira na biglang sumakay ng kotse.

"Beatrice!" pumunta ako sa gilid at tinignan kung nandun pa ba ang dalawa.

"AMIRA!!!" sobrang lakas ng daloy ng tubig.

"Where is she?!" nakalapit na si kuya kaya tinignan ko lang siyang natatarantang tumingin sa baba. Lumapit din yung dalawa at tumulong sa paghahanap.

"Kuya!" tawag ko nang tumakbo siya sa kung saan. Sumunod din si jayson kaya nilapitan ako ni cj.

"We need to pack our things!" sabi niya at hinila na ako pabalik ng kotse.