Chereads / SOMEONE'S SPECIAL / Chapter 52 - CHAPTER 51

Chapter 52 - CHAPTER 51

BEA'S POV

"Salamat manong" sabi ko at binigay na sa kanya ang pamasahe.

Pauwi na ako ngayon sa bahay para kunin ang ibang gamit ko dahil kina tito alejandro muna ako hanggat hindi pa nahahanap si bestfriend.

Pati ako humahanap din ng paraan para makakita ng makakatulong sa amin sa paghahanap sa kanya. Nakikipagtulungan na nga ako sa mga dating kakilala ko na gumagawa ng ganitong klaseng sideline. Kilala ko sila kasi kakilala siya nina kuya noon bago siya lumipad papuntang italy. Walang ginagawa si kuya kaya sa mga kakilala niya ako magpapahanap!

"Ate!" dumiretso ako sa malaking tindahan nang tawagin ako ng nakakabatang kapatid ko na lalake.

"Santi?! Bakit ka nandyan?" ngumiti muna ako kay aleng kendy na kadalasang nagbabantay sa kanya sa tuwing wala kami. 8 years old na siya habang yung pinakabunso namin ay 6 years old na. Patay na yung tatay namin kaya nagasawa ulit si mama pero namatay din dahil sa sakit.

"Nasa bahay sina kuya at yung mga kaibigan niya kaya dito muna nila kami pinatulog nina grace" kumunot ang noo ko sa sagot niya. Sumilip pa ako ng konti sa loob nang makita si grace na nanunuod ng tv.

"Hay naku yang kuya niyo talaga beatrice" naiiling na sabi ni aleng kendy. Umalis na siya kaya hinawakan ko sa kamay si santi para makatalon ng maayos mula sa bintana, hindi na muna ako makakabuhat sa kaniya kase nga juntisado ako!

"Ate halos buong gabi hindi nakatulog ng maayos ang buong barangay dahil sa ingay mula sa loob ng bahay" naglakad na kami papuntang bahay para harapin si kuya. Mamaya na yang si grace dahil panigurado kapag makita ako matatagalan na naman akong umalis mamaya.

"Tsk tsk tsk yaaang si kuya talaga!! Haays wag niyang sabihin nagparty sila sa bahay kagabi? Bakit naman kase sila nagingay?! Nakakahiya kaya sa kapit bahay! Dikit dikit pa naman ang mga bahay dito kaya panigurado dinig na dinig ang ingay nila" nafifeel ko nga minsan di kami magkapatid ni kuya dahil mayaman siya umarte habang ako tong parang katulong!

"Kuya?" dahan dahan kaming umaakyat sa hagdan dahil iyak agad ang narinig namin. S-sino yun??

Sumilip ako ng konti pero wala akong ibang nakita. M-multo?! Totoo nga yung sinabi ni amira na multo!! Tatalikod na sana ako nang pigilan ako ni santi.

"Ate baka yan yung sinasabi nilang asawa ni kuya?"

"Ano? Asawa? pero kahit girlfriend wala si kuya" hinarap ko si santi sa akin at yumuko ng konti.

"Kase sabi ni aleng petra yung chismosa nating kapitbahay na dinala daw ni kuya ang babae niya dito at nagaway daw sila kaya kagabi sigaw ng babae ang naririnig namin" iniwan ko muna si santi at mabilis na umakyat sa itaas.

Bumilis agad ang tibok ng puso ko habang hinahanap ang pinanggalingan ng iyak na yun. P-posible kaya??? Napatigil ako sa tapat ng pinto ng kwarto ko nang makitang may kadena yun.

*blag* agad kong tinanggal yun at malakas na binuksan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si b-bestfriend na nakahiga sa sahig habang balot na balot ng tape at nakatali ang mga kamay at paa habang may blindfold pa, m-may benda din yung n-noo niya.

S-si kuya--yung sugat niya sa labi niya--ang mga k-kakaibang galaw ni kuya kahapon--kaya wala siyang ginawa at pakialam sa binalita namin--ang pagiwas sa akin ni kuya--si kuya!!

"B----" pwersahan akong hinila palabas ng bahay habang nakatakip ang bibig ko.

"Ate!" sumunod din sa amin si santi habang nakahawak sa damit ni kuya.

Nakalabas na kami kaya mabilis akong kumalas at awtomatikong tumaas ang kamay ko.

*PAAAK* nagulat ang ibang taong dumadaan pero binalewala ko lang yun.

"Kuya?! Isusumbong kita kina mama at tito alejandro!!" pinigilan niya ako at pilit na pinaharap sa kanya. Hinawakan niya pa ako sa magkabilang balikat kaya naiyak na naman ako "Hindi ka ba naaawa kuya?! Halos mabaliw na si tito sa kakaisip sa mga anak niya at ito pa idadagdag mo?!"

"We've been planning this years ago. Ito na ang hinihintay namin, m-makakaganti na rin tayo beatrice" tinulak ko siya ng malakas at hindi makapaniwalang tinignan siya.

"Makakaganti?? Kuya tungkol na naman ba to kay papa?? Kuya matagal ng patay si papa!" alam ko anong ibig niyang sabihin.

Makakaganti. Makakaganti dahil sinisisi niya ang pamilya ni bestfriend sa pagkamatay ni papa, hindi ako galit kahit si mama dahil alam niyang walang ginawang mali sina tito.

Palaging pinapaliwanag ni mama sa akin na kagustuhan yun ni papa kaya binuwis niya ang buhay niya. Pero itong si kuya hindi natatahimik hanggat walang nananagot sa nangyari. Nakalimutan ko na ang nangyari noon kahit hindi ko naabutan si papa bago ako naipanganak.

"Kuya? Ate? Si papa ba?" singit ni santi. Tinignan ko lang si kuya na umiwas ng tingin at yumuko ng konti.

"Kuya ako na nagmamakaawa, huwag mong isisi kay amira ang nangyari noon!"

"I-I am not blaming her" mahinang sabi niya kaya lumapit ako ng konti at pilit siyang pinapalingon sa akin.

"Pwes ano ang dahilan bakit mo ginagawa to kuya?!! Matalik kong kaibigan si amira kaya kahit ikaw pa yan hindi ako papayag na saktan mo siya!!"

"Hindi ko siya kayang saktan"

"Edi anong nangyari sa noo niya?!!!" huminga ako ng malalim at napahilot na sa sintido dahil naalala kong buntis pala ako.

"I wanted to die after causing her more pain. I-I just need to protect her. I also wanted to stop this but I can't do anything t---"

"Mygaad kuya!! May sakit sa puso si amir! Paano kung aatakehin siya?!! Huh?! Nasaan ang salitang protekta mo?! Anong gagawin mo pagkatapos?! Ilang araw lang ang nakalipas nung sinabi niyang may gusto siya sayo kaya kapag makita ka niya hindi natin alam anong irereact niya at baka ikaw pa ang dahilan bakit aatakehin siya" napadabog na ako habang hinahawakan pa rin niya ang mga braso ko.

"Kaya nga kunin mo ang mga gamot niya at dahil mo dito---"

"Baliw ka ba kuya?!! Wala ka ba talagang balak na ibalik siya?! Ayokong pati sa akin magalit siya dahil sa kagagawan mo!! Ayokong madamay sa ginagawa mo!! Sinasabi ko sayo kuya kapag may mangyari kay amira hindi lang siya ang mawawala sayo asahan mong pati din kami ni mama!" nakita kong napalunok siya.

"Hindi siya mawawala dahil kasama niya ako" pinunasan ko na lang ang mukha ko na basang basa na ng luha.

"P-paano mo nasabi k-kuya? H-hindi natin alam anong k-kakalabasan nitong ginagawa niyo"

"Makinig ka ng maayos beatrice" pilit ko siyang inilalayo pero hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin "Hindi mo naiintindihan. Mas maayos na din tong ganito kaya wala na din akong ginawa"

"Hindi kita maintindihan kuya!" binitawan na niya ako kaya hinila ko si santi palapit sa akin.

"We are not just the one who's after her kaya mas pipiliin ko na sa amin siya para kahit paano mas maayos siya sa akin"

"Paano ako maniniwala sayo kuya? Maayos lang naman si amira nung hindi ka pa dumating"

"Ito na lang isipin mo. Anong gagawin nila kay mama kapag nalaman nilang ako ang dumukot sa nagiisang tagapag mana nila? Ha?" tinignan ko lang siya at mabilis na naglakad palayo. Hindi pwede! Kailangan kong sabihan si mama!

***

Mabilis akong nakarating sa bahay nina bestfriend kaya walang pagdadalawang isip na hinanap ko si mama.

"Ate ebeth nasaan si mama?"

"Ah nasa itaas bea kausap ata si sir alejandro" tumango lang ako at halos itakbo na ang opisina ni tito. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko silang dalawa na naguusap sa harap ng mesa.

"M-m-ma" bakit umurong ang dila ko?!! Pareho silang nakatingin sa akin kaya dahan dahan akong naglakad palapit "M-ma. Si a-amir-ra"

"Hija, siguro nalaman mo na sa kapatid mo ang balita" nagtataka akong napalingon kay tito sa sinabi niya.

"P-po?"

"Your brother went here and got the lead where my daughter amira is, he's chasing them now and he is sure that amira is fine--"

"S-sigurado po kayo?" tumango si tito kaya napatingin ako kay mama nang hawakan niya ang kamay ko.

"Hiniling niya sa akin na siya na ang bahala kay amira habang hinahanap pa si zaira"

"Pumayag po k-kayo tito?"

"Yes, I got the full trust to your brother. He promised to me and to my son" sumandal na lang ako sa upuan at pilit na tumango sa kanila. Ano ba talagang plano mo kuya?! Makukunan ako sa kakaisip sayo eh!