Chereads / SOMEONE'S SPECIAL / Chapter 53 - CHAPTER 52

Chapter 53 - CHAPTER 52

AMIRA'S POV

Nakatagilid lang ako ng higa dito habang pinapakiramdaman ang paligid. 

It's so quiet and I can even hear the noise outside of this house. I am sure that we are not in a forest or what but we are in a place with full of people outside. Sa tingin ko maraming nakatira dito kaya sobrang ingay sa labas, mga bata, nagtatawanan, at nagsisigawan--like nobody is in kidnapped.

*bogbogbog* naalarma ako nang may marinig na tumatalbog at paang naglalakad sa labas ng silid na to.

"Kuya santi bawal pa tayo pumasok dito diba? Sabi ni kuya--"

"Grace naglalaro lang naman ako ng bola dito kaya wag ka na lang magsumbong kay kuya"

"Pero kuya sabi ni teacher bawal daw sumuway sa nakakatanda kaya tara na. Makipaglaro na lang tayo kina yoyot!" nagkarinig ulit ako ng yabag ng paa kaya umusog ako ng konti.

"Teka! Mga bata!"

"Huh?"

"Kuya sabi nila bawal daw pumasok dyan may monster daw dyan sa loob sabi ni kuya jayson!"

"M-mga bata lapit kayo! Hihingi ako ng tulong!"

"Grace diba sabi ni teacher kapag may humihingi ng tulong huwag magdalawang isip na tumulong"

"Oo nga kuya" nabuhayan ako ng loob sa usapan nila sa labas.

"Ganyan nga mga bata, sige kapag natulungan niyo ako may ibibigay akong gift sa inyo. Gusto niyo ba yun???" nakarinig na naman ako ng yabag ng paa pero ngayon parang tumakbo na sila.

"Talaga po?!"

"O-oo. Pwede niyo bang tanggalin ang tali sa paa ko? Naiihi kase ako kaya kailangan kong magbanyo" kailangan ko muna ng paa dahil unang dapat gawin ko ay ang TUMAKBO PALAYO!! Sa lagay ng mga kamay ko imposibleng matanggal nila yun agad!

"Sige po!" tinapat ko agad ang mga paa ko sa kanila kaya maya maya pa ay sinimulan na nila yung tanggalin.

"B-bilisan n-niyo ng konti h-hehe" pilit akong tumawa dahil sobrang tagal talaga nila. P-please help me!!! Nagsimula na akong mataranta dahil hindi pa rin nila natatanggal.

"Halika na po!" mabilis akong tumayo nang hawakan nila ako at hinila palabas. Tumigil muna ako at lumuhod.

"P-pwede n-niyo bang tanggalin ang n-nakatakip sa mata ko?"

"Sige po" naramdaman ko na ang maliit na kamay sa bandang mata ko kaya yuyuko na sana ako para mapadali ang pagtanggal nang bigla akong mapaupo at malakas na napasandal sa pader.

"A-aray" para kasing umangat yung bata kaya nataaman ako sa balikat.

"Grace?! Santi?! Bakit kayo nandito?!" napalingon ako sa boses na yun.

"Tulong!!! Tulong! Please humingi kayo ng tulong!!! Tumawag kayo ng pulis! Masama silang tao! Kinidnap nila ako!" sigaw ko sa mga bata pero hindi ko alam kung saan akong haharap dahil hindi ko na sila nararamdaman. Baka kinuha na nila!!

"Santi diba sinabi naming hindi muna kayo papasok dito?"

"Kuya cj naglalaro lang po ako ng bola"

"Okay sige sa labas niyo na ipagpatuloy ang paglalaro, oh ito limang piso bumili kayo ng pagkain"

"Yey! Salamat kuya jayson!!" umiyak na ako at yumuko lang. Pilit kong tinatanggal ang kamay ko sa likod pero para lang akong tangang umaasa sa imposible!!

"Ahhhh!! Bitawan mo ko!!!!" may bumuhat sa akin at dinala ako sa kung saan. Naramdaman kong mas humigpit pa ang paghawak niya sa akin kaya umiyak pa ako nang iupo na ako.

*blag* nagulat ako nang may humampas sa mesa pero hindi pa rin yun nagpatigil sa akin. Kung papatayin din naman nila ako sa huli bakit hindi na ngayon?! Mababaliw na ako sa kakaisip, sa sarili ko, kay papá, sa lahat!! Sa lahat ng pwedeng mangyari!!

"Tumigil ka nga!!--ang ingay naman kasi!" meron ba siyang kausap na hindi ko naririnig? 

Naramdaman kong tinali na ang mga paa ko sa paa ng upuan. Tumuwid ang likod ko nang may nagtanggal ng piring sa mga mata. Kumunot ang noo ko nang unang bumungad sa akin ay camera kasunod ng isang lalake sa likod nun.

"Ikaw! Ikaw yung kausap ni tita sa bahay!!" hindi niya ako pinansin kaya nilibot ko na lang ang paningin "N-nasaan yung mga kasama mo?!! Ha?!! Takot ba silang magpakita sa akin?!! Nasaan sila?!!"

"Tumahimik ka na nga" bagot na sabi niya habang nakacross-arm.

*blag* nagulat ako nang sipain niya ang mesa sa harap kaya napatingin ako sa camera.

"Magsalita ka. Magsalita ka. Sabihin mong bigyan TAYO ng daan"

"D-daan?"

"Lahat ng pwedeng dadaanan natin paalis nandun lahat ng mga tauhan niyong ugok! Simple lang ipapagawa namin! Aalis tayo dito sa bansa at matiwasay ka naming palayain doon matapos niyong ibigay lahat ng ari-arian niyo sa amin!"

*cough* umubo lang ako tsaka yumuko. Wala akong balak na sagutin siya. Kung meron man bakit kailangan ko silang tulungan na makaalis sa bansang to??? Italy??!!

"Nakikinig ka ba?!!" nainis na ata siya kaya lumipat siya sa likod ng camera para buksan yun "Speak"

*cough* ilang minuto lang kaming tahimik kaya nanlaki ang mga mata ko nang may hinugot siya at tinapat sa akin. Nanginginig na ang baba at ang mga kamay ko sa likod.

"W-W-W-WAG!!!! P-PLEASE WAG!!! P-PAPÁ!! M-MAGSASALITA NA AKO!!"

"Speak or I'll shoot this directly to your head!"

"O-OO NA!! M-M-MAGSASALITA NA AKO!! ILAYO MO YAN!!!" laking takot ko nang ikasa niya pero kasabay nun ay ang paglagay ulit ng piring sa mga mata ko. Hinayaan ko lang siya hanggang sa matapos at sumunod naman ang ingay sa paligid.

"OO NAAA!!! PAPÁ!!!!" yumuko lang ako at umiyak na naman dahil hindi ko na alam anong nangyayari sa paligid, parang nagkagulo.

*BOGSH*

*blag*

"Tumigil ka na!!" nakarinig pa ako ng sigaw mula sa likod. A-a-ano ba ang nangyayari??

*boogsh*

*blag*

"Tumigil na kayong dalawa!!!" maya maya pa ay may bumuhat na naman sa akin kaya sinandal ko ang ulo sa kanya habang nanginginig na pinapakiramdaman ang paligid.

"I'm just here"

BEA'S POV

Hindi man ako makapaniwala pero pauwi na ako ngayon sa bahay. Dala ang bag na naglalaman lahat ng gamot ni bestfriend, sa mga sugat niya lahat lahat!

Inuna kong dalhin to kesa mga damit niya dahil baka magduda sila sa akin sa sobrang laki ng bag na dala ko. Madami ang maintenance ni amira at dagdagan pa yung bagong sugat niya ngayon kaya kailangan ko talagang damihan.

Malapit na ako sa bahay nang makita ko si kuya sa labas habang naninigarilyo. Ganyan yan kapag may pinoproblema pero dahil bawal sa mansyon nina amira noon kaya umuuwi pa ng bahay para gawin yan. Lumapit ako sa kanya kaya tinapon niya yun at gulat na tumingin sa akin at sa dala ko.

"What's this?"

"Gamot niya kuya" agad kong tinungo ang loob ng bahay nang hindi pinapansin ang dalawang kasama ni kuya.

"Bro? Bakit nandito yan?" tahimik kong sinilip si bestfriend sa loob ng kwarto habang nakatakip sa bibig. Nakaupo at nakasandal siya sa sulok habang tahimik na umiiyak.

Makikilala ako ni bestfriend kapag magsalita ako! Ayaw ko ding pati sa akin magalit siya!! Sinara ko ulit ang pinto at isa isang hinila yung tatlo palabas ng bahay.

"W-what--"

"May kondisyon ako!" sigaw ko nang makalabas na kami. Humarap sila sa akin habang napapapagpag pa yung dalawa sa parte ng damit na hinila ko.

"What do you mean beatrice?" tanong ni kuya. Kukunin na niya sana yung bag pero nilayo ko yun at tumingin ng seryoso sa kanya.

"Sa isang kondisyon. Isama mo ako sa kanya kuya. Hindi ko kayang makita si bestfriend nang mag-isa kaya aarte akong kinidnap din ninyo"

"Let's go inside" sabi ni cj at tatalikod na sana nang pigilan siya ni jayson.

"Kuya nagmamakaawa ako. Ayokong pati ako madamay sa galit niya--sayo" napalunok siya at tumingin lang sa akin ng diretso "Para magamot ko siya ng maayos aarte akong kinidnap niyo din!"

"Pero beatrice diba buntis ka? Huwag mo din kaming sisihin kapag may mangyari sa anak mo kung nagkataon" hindi ko pinansin si jayson. Iniwan ko na sila tsaka tinungo ang lalagyan ng mga libro. Sumunod na sila sa akin kaya binilisan ko ang pagayos ng mga gamot ni bestfriend doon.

"Beatrice, huwag muna ngayon may ipapagawa pa ako sayo" mahinang sabi ni kuya at lumapit pa sa akin para masiguradong hindi aabot yun kay bestfriend. Tinignan ko lang siya at hinintay ang sasabihin niya "Paalisin mo si mama sa trabaho niya"

"B-bakit kuya?"

"Their lives are getting more worst, it is better to stay with me so I can watch you at the same time" lumapit din si jayson sa akin kaya kunot noo ko silang tinignan.

"Tama siya beatrice"

"Warn tito alejandro as well"

"Tama din siya beatrice. Oo nangingidnap kami pero hindi kami pumapatay. Nasa standard ko yan sa trabaho---'manners'" singit ulit ni jayson kaya huminga ako ng malalim.