Chereads / We're Connected / Chapter 7 - Abduction¦Suggestion¦ (IVY/MS)

Chapter 7 - Abduction¦Suggestion¦ (IVY/MS)

I was shocked.. No scratch that, we were shocked by what manong Martino said. He told us that maybe.. He know where to find the son of Mrs. Hando. So all the time that we are here.. He was listening to us! Well sobrang tahimik nga naman sa Sanmartino dahil liblib na lugar at kami lang tatlo ang nandoon. But it's okay if he listen to us kase gaya nga ngayon, baka matulungan din niya kami.

Pinalapit namin siya't pinaupo sa katabi naming silya.

"Paano niyo po nasabi na maaring alam niyo ang pagtataguan ni Fridor sa kaniyang biktima?" tanong ni Kian(Y-/Kiannon).

"Nabiktima na.. Niya dati ang anak.. Ng kapatid ko" he said. With our startled face, he continued.. Making us more shocked. "Matagal na siyang nambibiktima, ang alam ko ay pangatlo na ang anak ng kapatid ko dahil kahit ipakulong siya'y paulit ulit siyang nakakatakas sa 'di malamang dahilan." Hindi na kami nakapag-salita kaya't pinagpatuloy niya ang pagkukuwento.

"Araw noon ng sabado, ako ang kasama ng anak ni Mariano---kapatid ko---sapagkat wala siya dahil nasa trabaho. Isinama ko si Louie---anak ng kapatid ko---sa tindahan malapit lamang sa aming bahay dahil walang maiiwan sa bahay para mag-bantay sa kaniya habang ako ay bumibili ng ibang sangkap ng lulutuin kong ulam namin. Habang bumibili ay nakakapit lamang siya sa damit ko. Nang nasa labas na ako ng tindahan ay kukuhanin ko na sana siya sa gilid ko ngunit wala ng bata sa aking tabi. Tinanong-tanong ko ang mga tao sa tindahan kung nakita ba nila yung bata ngunit hindi daw. Biglang may lumapit sa akin at nakita daw nila na yung bata ay isinakay sa isang puting van ng mga naka-maskarang lalaki. Pumunta agad ako sa presinto upang i-report ngunit kailangan ko daw muna mag-intay ng twenty-four hours. Umuwi ako sa bahay at tumawag sa kapatid ko upang sabihin sa kanya't humingi na din ng tawad. Kinabukasan, may nagpadala din ng tawag at litrato na humihingi ng ransom money.. Ngunit hindi natuloy ang bigayan sapagkat nahanap agad ng dating pinakamagaling na private investigator ang kaniyang kuta." mahabang litaniya ni mang Martino.

"Maaari po ba naming malaman kung sino ang private investigator na tinutukoy niyo?" tanong ni Kian(Y-), gusto ko na din iyong itanong ngunit naunahan niya ako.

"Si Investigator VVNO.. Hindi ko alam ngunit palagay ko'y nakikita ko siya sa iyo iho" sagot niya.

"VVNO? Para pong familiar.. Alam po ba ninyo kung ano ang pangalan niya?" tanong ulit ni Kian.

"Si Investigator Vivieno Jaypenyo.. Kaapelyido mo siya iho" he said earning a shocked face from him. Tahimik lamang akong nakikinig sa kanila nang magsalita si Kian na para bang maiiyak na.

"H-he was my.. G-grandfather.. God knows how I misses him" He trailed as his emotions started to flow. "H-he was my inspiration, my partner in life. Sina mama at papa, lagi nila akong pinipilit mag law school but I refused at si lolo ang naging katuwang(kakampi) ko noong pinapagalitan nila ako sapagkat gusto talaga nilang manahin ko ang law firm.. But now, grandpa is gone at wala nang pumigil pa sa magulang ko na pagtrabahuhin ako sa law firm. Since I was a child.. I wanted to be an architect, I started to draw houses and buildings.. But when my parents saw it, they scolded me and I was like a scared puppy being scolded for peeing inside the house, haha" He started to cry while telling us his story, mang Martino is caressing his shoulder making him calm while I was looking down. "Enough with this drama haha, let's just prioritize the case" saad niya't nag-punas ng luha. We give him a seconds of silence, as if we're greiving--which is necessary now because of the memory of his late grandfather--then I started to ask again, removing the sad feeling that is clouding our surroundings. "S-saan ho ang kuta niya?" tanong ko at tumikhim. Matapos ang ilang sandaling katahimikan at pagtitig sa amin ni mang Martino, sumagot siya "Sa may palengke, sa Lubaan Street.. Dalawang sakay lamang ng jeep mula dito sa Liadan street at makararating na tayo doon." sagot niya na ipinagtaka namin.

"P-palengke? Hindi ho ba napakaraming tao na namimili doon, bakit doon pa ho?" tanong ko na sinang-ayunan ni Kian.

"May espasyo doon na hindi masyadong napupuntahan ng mga tao, madilim doon at kulob kaya't hindi rinig ang kahit anong ingay. Hindi na ako nagtaka kung bakit yun ang napili niyang lugar." saad ni mang Martino.

"Saang banda po ng palengke ang lugar na iyon?" tanong ni Kian.

"Sasamahan ko kayo, anong araw ba tayo pupunta doon?" saad ni mang Martino, nagkatinginan kami ni Kian at pinag-isipang mabuti ang turan ni mang Martino. Sa huli ay sabay kaming tumango at tumingin kay mang Martino, pinag-usapan muna namin kung anong oras kami muling magkikita kita bukas sapagka't gumagabi na.

- - - -

Alasais ng umaga ang napag-usapan naming oras para bukas, ngayon ay alas-siyete na ng gabi at nakauwi na ako sa bahay namin. Wala pa ngayon dito si papa, marami siguro siyang tinatapos sa presinto. Kasalukuyan akong nasa kwarto at naglilinis, napakadami ko kasing kalat dito puro pictures ng iba't ibang tao, sticky notes, at iba pa aakalain ngang hindi babae ang natutulog dito. Wala akong magagawa, trabaho ko ang pagtulong sa iba't ibang mga kaso ng tao e. I'm not yet done cleaning when one picture piqued my interest, bumagsak kasi ito mula sa may likod ng TV nang ito'y walisin ko. Isang litratong ayaw na ayaw ko ng makita pa. Isang litrato ng nakaraan na ayaw ko ng balikan pa dahil sa pait ng mga alaala. Ito'y litrato ng aking tiyuhin, kapatid ni papa at talagang kinamumuhian ko siya dahil sa katarantaduhang pinag-gagawa niya.

-----------------------------------------------------------------

Are you ready to know what Ivy's dark secret is?

Her memory that she wanted to remove in her life?

Her memory that she doesn't want to share with everyone?

Is this connected on the case that made Chief Ivrand Verano meet Kian's parent?

Is this why Ivy doesn't want those police officers to know her name?

Well, tune in for more updates!