Lunes ng umaga, pasukan na at sabay kaming naghanda ni Aaron upang pumasok."Tara na?" tanong ko sa kaniya at tumango siya bago kami maglakad papuntang sakayan, isang sakay lang ng tricycle ang mula dito papuntang school. Nang nasa paradahan na ay lumagpas sa amin ang isang kotse, yung sa pamilya nung lalaki ang kotse na 'yon, halata naman na papunta na din ito sa school. Sa hindi malamang dahilan ay gusto ko tuloy makipag-kaibigan sa lalaki, sana'y magkaklase kami.
- - - -
"Sandoval Riegne?" saad ni ma'am, attendace na kasi at babae ang inuuna bago ang mga lalaki, hindi katulad sa ibang paaralan na nauuna tawagin ang mga lalaki. "Present" sagot ni Riegne(Riyen). "Verano Irana Vyronne?" tawag ulit ni ma'am at sumagot ulit ako, nagpatuloy ang attendance hanggang sa "Jaypenyo Kiannon?" wow, kaklase ko siya! "Present" walang ganang sagot ng lalaking lumipat sa tapat ng bahay, Kiannon pala ang pangalan niya!
Katabi ko ngayon si Aaron, naka-alphabetical order kami at parehas kami ng apelyido kaya ko siya nakatabi. Napatingin siya sa akin at ngumiti, nginitian ko din siya. Lumipas ang mga araw at unti-unti na kaming nagiging close ni Kiannon, lagi kaming tatlong magkakasabay tuwing recess, lunch, at kapag uwian, sabay na din kaming naglalakad pauwi. Pagpasok naman ay hinahatid pa din siya ng papa niya.
ISANG ARAW ay hindi pumasok si Kiannon, namatay daw pala ang lolo niya kaya't sobra ang pagluluksa niya na humantong sa pagkakaroon niya ng sakit. Tumagal ang sakit niya nang isang linggo kaya't nagdesisyon kami ni Aaron na puntahan siya sa bahay nila nang dumating ang araw ng sabado.
"Hello po, bibisitahin po sana namin si Kiannon, kaklase niya po kami" nakangiting bati ko sa katulong ata nila na nagbukas ng pinto. "Naku, buti at nandito kayo, hindi kasi siya lumalabas ng kwarto, halos hindi na din kumakain. Sana ay mapaayos niyo ang kalagayan niya ngayong pumunta kayo dito" saad niya at iginiya kami papasok sa bahay na parang walang katao-tao. "Ang tahimik dito 'noh?" bulong sa akin ni Aaron na hindi nakatakas sa pandinig ng katulong na si Ate Linda, "Naku, sanay na kami na tahimik dito dahil maagang umaalis ang mag-asawa dahil sa trabaho, si Kianna naman na kapatid ni Kiannon ay tulog pa ngayon sa kaniyang kwarto binabantayan ng kaniyang yaya, tapos si Kiannon nga tuwing umaga ay maaga ring inihahatid ng kaniyang papa sa eskwelahan" mahabang paliwanag niya. Napatango na lamang kami ni Aaron at maya-maya ay tumigil kami sa tapat ng pinto ng isang kwarto dito sa ikalawang palapag. Kwarto na siguro niya ito?
Agad na nasagot ang katanungan kong iyon sa aking isipan nang sabihin ni Ate Linda na kami na ang bahalang kumatok at kumausap kay Kiannon. Kumatok si Aaron ng tatlong beses at nagsalita naman ako, "Kiannon.. Kami ito si Aaron at Irana, pwede ka ba naming makausap?" tanong ko, sumagot naman siya kaagad. "Sorry Aaron, Irana. Gusto ko muna sana mapag-isa." matigas na saad niya, sumabat naman si Aaron, "May dala kaming pagkain dito Kiannon, hindi ka ba talaga lalabas?" nahimigan ko ang kalungkutan dito. Wow ha, dati parang ayaw niya kay Kiannon tapos ngayon naman awang-awa s'ya. Hindi naman umimik si Kiannon nang sabihin iyon ni Aaron, "Fine. Hindi kami aalis dito hangga't hindi ka lumalabas, hihintayin na lang namin kapag handa ka na makipag-usap. Uupo lang kami dito at maghihintay." saad ko, sinamaan naman ako ng tingin ni Aaron "Ano bang iniisip mo? Baliw ka ba?!" gigil na bulong nito kaya't sinagot ko siya, "What? Ito lang ang naiisip kong paraan, don't worry lalabas 'yan maya-maya lang" saad ko, umirap naman siya.
Ilang sandali lamang at bumukas na ang pinto at hinila kami ni Kiannon papasok. "Ano bang kailangan niyo?" mukhang naiinis na saad nito. "Need a friend? We're always here Kian, magkuwento ka lang, dadamayan ka namin" saad ko na tinanguan naman ni Aaron. "Sa tingin ko, kailangan muna natin lumabas dito at maglibot-libot upang makalimot ka kahit saglit. Gala muna tayo para gumaan pakiramdam mo, tara?" saad niya pa. "Pero" pagtanggi ni Kiannon pero pinutol ko ang sasabihin niya't hinila na siya palabas ng kuwarto.
"May alam kaming lugar ni Aaron doon sa may guludan(parang bakanteng lote) . Doon kami laging naglalaro dati, doon tayo pupunta." saad ko na sinang-ayunan ni Aaron at tinanggihan naman ni Kiannon, "Mga bata ba tayo?" sarkasmong tanong niya pa. "Maganda kasi doon, sariwa ang hangin at malawak, may isang maliit na lamesa at bench din doon kaya pwedeng doon tayo kumain" saad ni Aaron sabay taas ng basket na may lamang prutas na dala namin kanina. Wala nang nagawa si Kiannon kundi sumunod sa amin.
- - - -
"I really admire him. He's been with me through my up and downs so it's hard for me to let go. But what could I do? That's how life works right?" malungkot na saad niya. "Cheer up Kian, we're always here for you. You're right, that's how life works and we really need to let go even though it's hard. We just need to be strong to move on and start our life again so always remember that you could lean on us" nakangiting saad ko, pinagagaan ang kaniyang loob. "You're good at giving life advices huh? I wonder if you've experienced the same situation." saad niya, "Nah, haven't experienced it, hindi ko alam kung saan ko nakukuha yung mga advices ko" sagot ko at tumawa. "Thank you, I really appreciate you and Aaron's help. I felt relieved now." sagot naman niya. Kaming dalawa lamang ang nandito habang nakatingin sa asul na kalangitan, bumibili kasi si Aaron ng inumin namin. Patagal ng patagal ang oras na nakatingin lamang kami sa itaas ngunit pakiramdam ko ay nahuhulog ako.. Nahuhulog na ako dito sa lalaking katabi ko.
Tumingin ako sa kaniya at sabay kaming nagulat at umiwas sa isa't isa nang magtama ang aming paningin. "Oh, bakit namumula kayo? Anong meron?" tanong ni Aaron dala-dala ang tatlong plastic ng softdrinks, tumikhim ako bago hinablot ang isang plastic at dali-dali itong ininom. Nagugulat siyang tumingin sa akin, "Hindi ka ba makapag-hintay? Grabe ka!" saad niya at iniabot naman kay Kiannon ang isa. Nagpalipas lamang kami ng kaunting oras bago sabay-sabay na umuwi.
- - - -
Tanghali na at isinama ni Tita si Aaron sa palengke kaya't naiwan kami ni Tito dito sa bahay. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong natakot. Nandito lamang ako sa loob ng kwarto at gumagawa ng mga takdang-aralin sa bawat asignatura nang may kumatok galing sa labas. "Irana, may dala akong juice uminom ka muna. Kanina ka pa diyan sa kuwarto baka nauuhaw ka na, parating na din ang Tita mo mamaya" saad ni Tito, nag dalawang isip pa ako kung bubuksan ko ang pinto ngunit sa huli'y binuksan ko din ito bilang pagrespeto na rin. Hindi muna lumabas si Tito at sinabing hihintayin niya na daw maubos ko ang juice para maibaba na niya ang baso kaya't inubos ko na ito agad dahil sa natatakot nga ako sa kaniyang presensya. Nasa kalahati pa lamang ng baso ang naiinom ko nang bigla na lamang sumakit ang ulo ko at unti-unting lumabo ang aking paningin hanggang sa hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari dahil sa palagay ko'y nakatulog ako.