Nagising na lang ako na masakit ang buo kong katawan habang iba na ang aking damit at gumabi na, andito na din si Aaron sa kwarto. "Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulog jan" saad niya. Bumalik sa isipan ko ang lahat ng nangyari at bigla na lamang bumuhos ang aking mga luha. "Oh, bakit? Anong nangyayari sayo? Irana, kumalma ka lang, anong nangyari?" nag aalalang tanong ni Aaron. "Ang papa mo! Binaboy nya ako Aaron! Napakabata ko pa! Mataas pa naman ang respeto ko sa kanya dahil tiyuhin ko sya!" sigaw ko, nagtaka naman si Aaron, "Anong sinasabi mo? Hindi magagawa yon ni papa! Mabait siyang tao!" apila niya. " Aaron maniwala ka naman sakin! May kung ano siyang ihinalo sa inumin ko kaya nakatulog ako at doon niya ako pinagsamantalahan!" sagot kong muli, sa puntong ito ay dumating na sa kwarto si tita dahil narinig niya ang ingay. "Baka panaginip mo lang iyon! Kumalma ka lang Irana!" dagdag ulit ni Aaron. "Hanggang ngayon ay nararamdaman ko ang sakit ng katawan ko at pagbibintangan mo akong nananaginip lang? Aaron naman! Alam mo rin na hindi ito ang suot kong damit kanina!" sagot ko, pinigilan ako ni tita nang akmang tatayo ako at lalabas ng kwarto para sana umalis ng bahay nila. "Saan ka pupunta? Hindi mo sigurado kung nagawa niya talaga yun! Bakit naman gagawin yon ng tito mo?" naiinis na sigaw na rin ni tita. "Bahala kayo kung ayaw niyong maniwala!" sigaw ko at nagpumiglas hanggang sa makatakbo na palabas kahit pa masakit ang katawan ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero dinala ako ng paa ko sa bahay nina Kiannon.
Nakatayo lang ako sa harapan ng gate nila habang umiiyak hanggang sa nakita ako nung yaya niya at pinapasok ako sa loob. Hindi ko alam kung sinundan pa ako ni tita at ni Aaron pero sa totoo lang, wala na akong pakialam. "Nako iha, ano bang nangyari sa'yo?" alalang tanong ni ate Linda, "Basang basa ka na oh, halika at magpalit ka muna dito, buti at may mga damit dito na siguro ay kakasya sayo" dagdag pa niya. Dinala niya ako sa isang kwarto sa bahay at ikinuha ng damit bago ako sabihan na magpalit sa cr noon. Nang makalabas ay pinigilan ko na ang aking pag iyak at umupo muna sumandali sa kama. Nakarinig ako ng dalawang katok bago bumukas ang pinto.. si Kiannon.
.
.
.
.
.
"Are you okay? Sabi ni ate Linda nasa harapan ka daw ng gate, basang basa sa ulan, umiiyak. What happened?" tanong niya bago umupo sa aking tabi, napapitlag ako nang hawakan niya ang aking balikat kaya't tinanggal din niya ang pagkakahawak sa akin. Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari at hindi na naman mapigilang umiyak. Kung kanina ay nagulat ako nang hawakan niya ang aking balikat, ngayon ay hinayaan ko lamang siyang yakapin ako at umiyak sa kaniyang balikat. "Shh, it's okay, I'm here" pagpapatahan niya. "Do you want to call your father?" tanong niya sa akin. Nag dalawang isip ako sa isasagot dahil ayaw kong masira ang pangalan ni papa " Wala na akong papa, tiyuhin lang. Pero wag na muna, siguradong hindi rin siya maniniwala" sagot ko at kumalas sa yakap. "But he's your uncle" pangungumbinsi niya, "And he's a police, for sure he would acquire evidence muna" sagot ko. "Fine, pero pano ka ngayon?" pagsuko niya. "I'll go back, bahala na" sagot ko, may kinuha siya mula sa drawer nung kwarto, isang kutsilyo na naitutupi o nababaliko upang hindi mahalata kapag hawak ito ng isang tao o kaya ay nakatago kung saan. "San mo nakuha yan?" nagtatakang tanong ko. "It was given to me by my grandfather, kunin mo na, for safety" sagot niya at iniabot sa akin ang kutsilyo. "Thankyou" sagot ko, he patted my shoulder bago ako tinulungan tumayo at ihatid sa labas ng gate. "Are you sure you'll be fine?" tanong niya bago ako umalis, "Yes, don't worry about me" sagot ko at dumiretso na ulit sa bahay nina Aaron.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Saan ka galing? Nag-aalala kami sa'yo" bungad ni Aaron nang makapasok ako sa bahay. "Nagpahangin lang" sagot ko at dumiretso na sa kwarto, sinundan niya naman ako. "Yung kanina.. sorry kung hindi agad ako naniwala sa'yo, hindi ko kasi talaga maisip na kayang gawin ni papa yun" saad niya. "Okay lang, wag mo nang pansinin" sagot ko at humiga na sa kama bago mag taklob ng kumot at matulog. Ramdam ko na may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya na itinuloy, hindi ko na hinintay pang mag hapunan dahil natulog na ako agad at nagising na lang kinabukasan na walang tao dito sa bahay. Bumangon na muna ako at naligo na rin dahil hindi pa rin ako mapakali sa aking katawan. Matapos magbihis ay dumiretso ako sa kusina at may nakitang sulat.
.
.
.
"Irana, pumunta muna kaming buong pamilya sa bahay ng aking mga magulang. Hindi ka na namin isinama dahil ang iniisip ko ay baka may galit ka pa sa amin. Pasensya na kagabi, kumain ka na, ipinagluto kita" ito ang sulat na nakalagay sa ibabaw ng lamesa, sulat kamay ito ni tita. Noong una ay nagdadalwang isip pa akong kainin ito dahil baka kung ano na naman ang maging epekto sa akin ngunit napangunahan na ako ng aking gutom. Naglinis na din ako ng bahay habang wala pa sila. Hindi ko na hinahayaang mawala sa bulsa ko ang binigay na kutsilyo sa akin ni Kiannon, mahalaga na rin ang maingat. Nang tanghali ay bumili na lamang ako ng de lata na ulam at nagsaing para sa aking sarili. Ilang oras bago dumilim ay nakarinig ako ng motor sa labas at sa palagay ko'y sila na iyon kaya lumabas muna ako at pinagbuksan sila ng pinto. Nagulat ako nang mabuksan ko ang pinto dahil isang tao lamang ang bumungad sa akin. Ang tao na kinatatakutan ko...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Halata sa kaniya na nakainom siya ng alak at mas lalo akong natakot nang hawakan niya ang aking braso. Hinawakan ko ng mahigpit ang kutsilyo sa aking bulsa at dahan dahang tinanggal sa pagkakatupi habang hinihila ako ni tito papunta sa kaniyang kwarto. Pinunit niya ang manggas ng aking suot na damit at tinanggal ang kaniyang sinturon bago inihampas sa akin. "Pasalamat ka at hindi naniwala sa iyo ang mag-ina ko dahil kung saka-sakali, siguradong wala ka nang buhay ngayon" tumatawang saad nya habang patuloy ang pag hampas, hindi na matigil ang aking pag iyak. Lumapit siya sa akin at hindi ko na napigilang ilabas ang kutsilyo at saksakin siya. Tinamaan siya nito sa dibdib at umagos ang dugo mula sa sugat kung saan nakabaon ang kutsilyo. Patuloy akong umiiyak hanggang sa nakarinig ako ng nagmamadaling tao na papasok sa kwarto.. Sina tita.. Nakita nila ang kalagayan ni tito at nang lapitan nila ito ay wala na itong buhay. "Walang hiya ka! pinatira ka namin dito! bakit mo ito nagawa?!" sigaw ni tita habang pinipigilan naman siya ni Aaron na malapitan ako. Gaya nang nangyari noong nakaraan, tumakbo lang ako ulit at pumunta kina Kiannon. Pinindot ko ang doorbell at sa hindi inaasahang pagkakataon, ang nagbukas ng pinto ay ang papa niya. "Naku iha, anong nangyari sa iyo, bakit ka duguan?" natatarantang sabi niya. Dumating na din si Kiannon at ang mama niya nang marinig ang sinabi nito. "Irana! Anong nangyari?!" dali-daling tumakbo si Kiannon palapit sa akin at niyakap ako bago tuluyang lumakas ang aking pag-iyak.. Hindi ko namalayan na sumunod din pala sa akin si Aaron at si tita.