My one week off from work didn't go well. Keana's cries are all I can hear almost every night. And guess what? She came home shaking yesterday! I have to ask her again and again before she answered.
"Dali na nga! Napano ka?" tanong ko. Paano kasi. Umuwi nang nanginginig. Medyo iika-ika rin. Napano ba to? Humangin nang malakas tapos lahat ng lamig napunta sakanya?
O baka naman hinabol sya ng hangin?
"W-wala to, Ate. Sige, papasok na ako." sabi nya. Napabuntong hininga nalang ako. Wala akong magagawa nyan. Kailangan ko syang tulungan pero paano ko sya tutulungan kung ayaw nya akong pagsabihan ng problema nya? As if naman na ikakalat ko sa iba. Alam ko kaya pag confidential ang isang statement o hindi, duh?
Ganon parin si Keana kagabi. Pinatay ko na nga yun electric fan e. Buti nalang hindi ako pumayag na magpa-aircon dito. Kung pumayag ako e baka nagyeyelo na to si Keana ngayon. Ngunit magkaganunpaman, ang kinakainis ko kay Keana ay hindi nya ako pinapansin! Oo. Kanina pa yan hindi namamansin. Mamaya talaga, kakausapin ko na yan.
With some little bit of blackmailing.
Pumunta muna ako sa malapit na mall upang magpalamig lamig. Syempre, ano ba ang gianagawa sa mall? Nagrerelax daw. Yun yung sabi nila. Ang hindi ko maintindihan ay kung pano sila nagrerelax gayong panay lakad naman sila habang may bitbit na kung ano? That's not relaxing kaya. That is a hundred percent nakakapagod.
Nang mapunta ako sa grocery ay tumungo ako sa bilihan ng potato chips. Bumili narin ako ng mga bathroom essentials saka iba pang kailangan sa bahay. Naisipan ko rin na bilhan si Keana ng light beer. Oo. Pero tinatamad ako kumuha since naka bote. E baka mabasag lang yun, kaya wag nalang.
Root beer nalang kaya? Hindi naman yata yon nakakalasing.
Yan ang naisip ko kaya ayon, nakapila na ako sa counter at itinaas ko ang paningin ko. Bumungad saakin ang isang pamilyar na likod, amoy, at tangkad. Ginagawa nito dito?
Tinapik tapik ko ang likod nya at nang humarap sya ay nakumpirma ko ang hinala ko. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Nagkibit balikat naman sya. "Bakit? Sa'yo ba to kaya bawal ako dito?" pabalik na tanong nya. Aba talaga. Inilapag nya don sa metal counter ang mga pinamili nya na puro bote ng beer, may ilang box ng band aid, may antispectic din, bat sya andito kung yan ang pagbibilhin nya? Meron namang malapit na pharmacy don sa katabi ng condo nya. Mag lalasing ba to o may problema? Tiningnan ko ang buong katawan nya. Wala namang sugat kaya paniguradong may problema itong Davon na 'to. Maayos naman ang sales ng company ah? "Do you have something to do?" tanong nya pa.
"Wala naman. Don lang sa bahay magmumuni-muni, bakit?" tanong ko naman.
"Accompany me in my unit." sabi nya habang naglalabas ng pambayad don sa mga pinambili nya. Nasulyapan ko naman yung babae na panay ang tingin kay Davon, nakaramdam ako ng inis.
"Miss," tawag ko dito. Nag-aalangan naman itong lumingon. "Pakibilisan nga po dyan, nagmamadali po ako. Kunan nyo nalang po sya ng litrato nang matigil ang kakatingin nyo." inis na sabi ko. Napayuko naman ang babae habang si Davon ay nagpipigil ng ngiti.
"Someone's jealous." paulit ulit na bulong ni Davon habang palabas kami ng mall.
"Titigil ka o titigil ka?" iritadong sabi ko. Kanina pa sya a? Nakakainis na.
"Hey, chill, woman. Geez." sabi nya bago buksan ang back compartment ng sasakyan saka maingat na isinilid doon ang mga pinamili namin. Oo. His movement screams gentleness but I can see how rough he turns around just to get another bag to put in the back compartment of his car.
Napalunok ako nang magtama ang mga paningin namin. Agad akong umiwas ng tingin saka tumikhim. "T-tara na." I swear naiinis na ako. Kailangan talagang mautal, Selena?!
Tahimik ang buong biyahe papunta sa condo ni Davon, idagdag pa ang heavy traffic. Yes! HEAVY. "Buksan mo yun." sabi ko sakanya. Nakakabingi kaya ang katahimikan dito sa loob. Sa loob lang, maingay sa labas.
Nagets naman nya ang sinabi ko at binuksan nya ang audio player. Napangiwi nalang ako nang maalis ang mga nakaharang kanina na sanga ng puno sa kalsada na dahilan ng traffic na yon. Hindi pa natatapos ang unang kanta nang makarating kami sa harap ng condo nya.
Ang taas ah?
Seryoso. Ang taas nya. "Huy, bakit ang hilig mo sa mataas?" tanong ko. Wag naman sana sya sa penthouse or sa mataas na floor. Nako!
Anong floor ba ang mataas na para sayo? Tanong ng boses sa isip ko. Napaisip naman ako ng sagot, mataas na floor para sakin? Second floor.
"Anong mahilig? Hindi lang. Mahilig na mahilig ako sa matataas. Kaya nga dyan ako sa 36th floor e." kalmadong sabi nya habang kinukuha ang mga binili nya sa back compartment. Napalunok naman ako.
Kaya nga dyan ako sa 36th floor e.
Napatingin sya sakin saka natawa. "Just kidding. Sa 12th floor lang." sabi nya. Hinampas ko sya sa braso saka naunang naglakad papunta sa building na mataas. Nang makapasok kami ay may nilapitan muna si Davon bago nya ako iginiya palapit sa elevator.
"Kumain ka na ba?" tanong nya habang naghihintay kami dito para sa elevator na paakyat. Meron pala tong basement, nakaka amaza naman.
Umiling ako sakanya. "What do you want to eat?" tanong nya ulit kaya hinarap ko sya.
"Marunong ka magluto?" tanong ko. Kumunot naman ang noo nya bago sya ngumisi.
"Nah, that's why I have someone in my unit. A girl named-"
"Teka, may babae sa unit mo?" tanong ko. Meron pala ah. Uuwi na ako kung ganon! Palakad na ako palayo nang magsalita sya.
"Just kidding." hinawakan nya ang palapulsuhan ko saka marahan akong hinila palapit sakanya. "I don't bring women in my unit." sabi pa nya. Bakit ako? Sabagay, woman naman ako. Hindi ako women. Bumukas ang elevator kaya lumakad na kami ni Davon. Hinawakan nya naman ang kamay ko nang mahigpit, pakiramdam ko ay namumula na ako.
Nang makapasok kami at tuluyang sumara ang elevator, napapikit ako nang maalala kung ano ang nangyari sa elevator doon sa LPC. "Anong gagawin natin sa unit mo?" tanong ko.
"We'll talk."
Agad naman akong kinabahan sa sinabi nya. Meron kasi akong alam na "Let's talk." o kaya "We'll talk." wag naman sana mangyari yon.
"Talk about what?" tanong ko pa. Kinakabahan na kaya ako. Rescue me po.
"About Keana and my best friend, Zach."