2:00 am and I'm still awake, thinking about what Davon said while he's sleep talking.
Patulog na sana ako nang mahagip ng mukha ko ang gwapong mukha ni Davon. Like, how can someone be this handsome? Just Davon. Or perhaps it's just my feelings that says so.
Tutal tulog naman na sya, naisipan kong kausapin ang natutulog na Davon.
"Pst. Tulog ka na?" tanong ko sa mahinang boses ko. Baka magising, mahirap na't baka mapauwi ako ng disoras ng gabi. Nag paalam pa naman ako kina Mama at Papa through text tapos papauwiin nya lang ako basta? No way!
Tumalikod lang saakin si Davon kaya napanguso ako. "Ayaw mo ba sakin ha?" tanong ko. "Alam mo, mahal na yata kitang demonyo ka. Ewan ko kung paano, basta ang alam ko lang, mahal na kita. Like, paano mo nagawa yun? Gumamit ka ng love potion, 'no? Ikaw, ah?" sabi ko sabay mahinang pinindot ang sa tagiliran nya. Gumalaw sya nang kaunti pero hindi naman sya nagising kaya pinatuloy ko kung ano pang balak kong sabihin ngayong gabi, na naisipan ko lang kanina. "Alam mo ba? Hindi ako pala-mahal na tao. Family ko lang sana. Kaso nga noong nakilala ko si Rowell, ayon. Niligawan nya ako for almost three years, sya rin kasi ang nagsabi na patagalin ko. Kaya lang, ang hindi ko alam, habang nanliligaw sya't nahuhulog ako sakanya, may minamahal pa pala syang iba. Ang sakit kaya non, Davon. Kaya no choice ako, hinayaan ko nalang sila. Sabi ko pa nga kay Rowell dati, hindi naman ako yung nanligaw for almost three years kaya hindi ako yung masasayangan." napangiti ako nang mapait saka bumuntong hininga.
Si Davon naman ay tumuwid ng pagkakahiga kaya natawa ako nang mahina sa posisyon nya. Para syang patay na ano, kasi as in, tuwid na tuwid. May naisip naman ako bigla. Since tulog naman sya, ito na ang chance ko para gawin ito sakanya.
Itinaas ko ang isa kong braso saka iniyakap sakanya. ayos ah? Kung unan si Davon, bakit matigas na unan pa? Grabe naman. Ang sama. Pero okay lang naman 'yon. Ang mahalaga, nakayakap ako sakanya. "Mula noong niloko nya ako, hindi na ako tumatanggap ng mga manliligaw. Lagi 'yun. 'Pag tinatanong nila ako, automatic nang hindi ang sasabihin ko." someone... someone special came back to my mind. Damn, bat ko sya nalimutan? Just the thought of our memories already made me tear up a bit. I sighed before talking. "I remember someone, Davon. One man came. His name is Marcus. A handsome guy with an extraordinary eye color, green yata, blue. Ewan. Hindi ako makatingin sakanya, nagbablush ako lagi. He's in his fourth year while I was just in my first year. Consistent yung lalaki na yun, ewan kung bakit ko sya nakalimutan, baka dahil stressed ako? O yan kasi, sinistress mo ako palagi, bwisit ka. aaminin ko, masaya sya kasama. He never fails to amaze me with his lines, as in. Kaya lang, isang beses na nasa labas kami, he just like, hugged me. And a gunshot was heard afterwards. Natakot ako, syempre. Not until I hugged him back due to so much fear, at nung tiningnan ko ang kamay ko, maraming dugo. He was sent to the hospital, at hindi ko na sya nakita pagkatapos non." nalungkot tuloy ako. Si Marcus kasi. Ang daya lang, hindi ko na nakita. Ngayon ko lang rin naalala.
"Pero alam mo? Kahit maglakad tayo papunta sa kung saan, kung may lalaki na magsasabing; Selena, remember me? I am Marcus. Hindi ako sasama sakanya. Kasi naamin ko na sa sarili ko na...." tiningnan ko ang mukha ni Davon, tulog na tulog naman kaya sige na. "....mahal na kita." sabi ko. Napangiti tuloy ako. Sya lang ang nakakagawa sakin nito, pati pala si Marcus. So sad naman.
Bumuntong hininga ako saka naghanap ng komportableng posisyon. I immediately yawned when I found one, and I dozed off to sleep.
Maya-maya pa ay may naramdaman ako. Si Davon, umuusog palapit sakin. "Don't worry. I'm inlove with jousi." the last words, all I heard was jousi. Is he sleep talking?
Hinayaan ko na lamang yon at muling sumubok na matulog pero nang marealize ko kung ano yung jousi ay napamulat ako ng mga mata saka napabangon. Mabuti na lamang at hindi sya gising. Aasarin ako non dahil paniguradong ang pula ng mukha ko ngayon.
Ayan nga ang dahilan kung bakit gising pa rin ako hanggang ngayon kaya pinilit kong mag bukas sara ng mata, nang mapagod ay agad akong nakaramdam ng antok.
Sinag ng araw ang gumising saakin, nang tingnan ko ang digital clock sa katabing table ay napag-alaman ko na 7:37 na ng umaga. Kung sa bahay ako gaganto ay malamang bago yun. Alas sais kasi talaga dapat ang gising ko. Lumabas ako ng bathroom at nakita ko si Davon na nakatayo sa may balcony, topless. Andon alng sya, hindi gumagalaw. I went to the bathroom and started my morning rituals. I also used new toothbrush I found there. Natagalan ako sa loob at mabangong amoy ang bumungad saakin pagkalabas ko.
Davon's cooking again. Paniguradong busog ako nito. "Good morning." sabi ko.
He turned to me and gave me a smile. "Good morning." Lumapit sya saka bumalik at sa niluluto at binaba ang heat setting. Nang maupo sya sa harap ko ay nagsalita ulit sya. "How's your sleep?" tanong nya.
I remembered last night again. Argh.
"G-good." pagsisinungaling ko.
Please maniwala ka.
"Is that so?" tanong pa nya kaya agad akong tumango. Binalikan nya ang niluluto kaya nakahinga ako nang maluwag. Inihanda nya ng mga niluto sa lamesa saka binigyan din ako ng fresh milk. Mukha bang umiinom ako nito? Hayaan na nga. Salamat nalang at merong maiinom.
Napatingin ako sa mga nakahain. Fried rice, bacon, two eggs, and some strawberries and grapes. Nanakam tuloy ako. Nang magsimula kaming kumain ay agad kong nilantakan ang fried rice. Nanlaki ang mga mata ko sa lasa.
Grabe, ang sarap!
Nilunok ko ang nginunguya at agad na uminom ng gatas. "Chef ka ba? Grabe ang sarap ng mga gawa mo, ah?" sabi ko. He chuckled at my reaction.
"I took Culinary Arts." ooh. That explains everything. Ang galing lang. Ikaw ba naman CEO ng isang kompanya tapos magiging chef ka pa? Kaso wala. Hindi na 'to magiging chef at CEO naman na sya. Ang yaman nya na kaya. "By the way," napatingin ako sakanya. "I heard you last night." halos masamid ako sa iniinom na gatas dahil sa sinabi nya.
Narinig nya? Lagot.
"N-narinig mo yung mga sinabi ko?" kabadong tanong ko. Nako, 'wag naman sana hanggang doon sa sinabi ko na mahal ko sya. "H-hanggang saan?" napalunok ako. 'Wag naman sana.
"Till the part when you said that you love me." aniya saka kumuha ng strawberry. Kawawa naman yung strawberry, ang laki ng kakain. Napatingin ako kay Davon. Ang laki nga nya para sa maliit na strawberry.
Kinabahan agad ako nang maala ko na alam nya! He heard me!
"And I wasn't sleep talking last night." halos malaglag ang panga ko sa sinabi nya.
Tiningnan ko sya kahit nahihiya ako. "Totoo yun?"
"Ang alin? Yung I'm inlove with you too?" o diba? Tama yung pagkakaintindi ko! Yumuko ako dahil pakiramdam ko, ang pula pula ko nanaman. Nakakainis. "Don't worry. That's true."
Nahihiya man ay napaangat ako ng tingin sakanya. Totoo raw! He chuckled at my reaction.
"Trust me when I say that I am inlove with you. I mean it." he smiled.