We're here in the elevator again. It's been two hours since breakfast and what we've talked about is still fresh in my mind. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na narinig nya ako, gising daw sya noong nagsalita ako e. Kaasar.
"Let's go?" Davon said, leading the way outside of the opened elevator. See? Lutang na lutang lang talaga ako kaya ganon. Syempre. Sino'ng hindi malulutang?
After all that he told me, paano ako makakafocus, ha? Tell me!
Namalayan ko nalang na nasa parking lot na kami. He guided me to the seat beside his'. Sabi ko sa passenger seat nalang, ayaw nya naman. Edi fine. Pumayag nalang ako dahil ayoko nang makipagtalo. Pinaprocess parin ng utak ko ang mga kaganapan kaninang umaga.
The way he told me that he's serious about saying that he's inlove with me too. The look on his face earlier while uttering his words. It just feels so surreal.
Sinabi nya rin sakin na nakaramdam sya ng galit kay Rowell nang marinig nya ang ginawa nito sakin, natakot nga ako nang sabihin nyang makakatikim daw ito sakanya 'pag nagkita sila. His seriousness is just, scary, however, he looks handsome with his furrowed eye brows.
Ang pinagtataka ko nga lang, ay kung bakit hindi nya nabanggit si Marcus. Eh narinig nya nga yung kay Rowell e. Nung sinabi ko naman yun, pangalan palang ni Marcus ang nabanggit ko ay agad syang nag-iwas nang tingin at umigting bigla ang panga nya.
Napaisip nga ako kung may mali kay Davon e. Galit kaya sya kay Marcus? nagseselos kaya sya? O kaya.....
Oh my God! Hindi kaya, kilala nya si Marcus?
Napanguso ako. Sana kapag tinanong ko na sya tungkol kay Marcus, sasagot na sya. Napaayos ako ng upo. Tumingin ako sa unahan saka napansin kong nasa gitna kami ng traffic. Ano nanaman kayang meron ngayon?
"Why are you pouting earlier?" tanong ni Davon nang ihinto nya ang sasakyan. Lalo lang kasing naging heavy ang traffic. Kaasar nga e. "Please don't pout like that again. It's tempting me." aniya. May bigla naman akong naalala.
"Stop that, it's tempting me."
My eyebrows furrowed. Deja vu? Naalala ko ba talaga o imahinasyon ko lang 'yon?
"Hey? Why so serious this time?" tanong nanaman ni Davon. Ano ba'ng problema nito't tanong nang tanong? Nakakadalawa na sya, ah?
"None of your business." masungit na sabi ko. Bahala sya dyan, naiinis ako sakanya.
"What's with the none of your business? Meron ka ba ngayon at ako ang tinatapunan mo ng galit mo?" aniya. Pangatlo na yan.
"Ano naman ba sayo kung magpout ako? Ano naman sayo kung magsalubong ang kilay ko? Ano naman sayo kung-"
"Everything that you do matters to me. Because you matter to me, too." he said while looking intently at me. I felt my cheeks heating. Napayuko ako.
"Tumigil ka nga. Tumingin ka lang sa kalsada, ano ba?" natawa sya sa reaksyon ko kaya napatakip nalang ako sa mukha ko. Kaasar!
-
Nang makarating kami sa bahay ay nanananghalian na sina Mama, Papa, at Alistair. Nagmano kami sakanila at tinanong naman nila kung nakakain na kami, sinabi naming mamaya na at kakausapin pa namin si Keana na ngayon ay nasa kwarto parin. Si Papa ay kinukumusta si Davon. I looked at Alistair who's now grinning from ear to ear, napangiwi tuloy ako sakanya.
Nang matapos ang kumustahan ni Davon at Papa ay tumungo kami sa kwarto namin ni Keana. Napag-usapan na namin 'to. Hindi nga sana ako papayag, kaso sabi ni Davon. Hindi sya sasabat sa usapan namin, sya lang daw yung sa side ng kaibigan nya'ng si Zach.
Nang buksan ko ang pinto ay ayon si Keana't tulala sa laptop. Napatingin sya sa gawi namin, namumula ang kanyang mga mata. "Ate." napangiti sya saka dahan-dahang bumaba. Nang makalapit sakin ay yumakap agad sya, akala ko nga okay na e. Not until I hugged her back and she cried on her Ate. Agad na nanggilid ang mga luha ko nang marinig ko ang hikbi nya.
Iginiya ko si Keana sa malapit na upuan at pinaupo sya doon. Tumalikod ako at binuksan ang electric fan. Kailangan na namin ng aircon, perhaps. Nang makaharap ko si Davon ay ngumiti sya saakin kaya nginitian ko rin sya. Si Keana ay ayon, pimupunasan ang mga luha gamit ang likod ng palad.
"Ano na? Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko sakanya.
"Better." mahinang sabi nya saka natawa. "Who is he?" tanong nya. Magsasalita na sana ako kaya lang naunahan ako ni Davon.
"I'm Damarcus Leivon Lopez, your lawyer." aniya saka marahang yumuko. Natawa ako nang mahina sa sinabi nya, habang si Keana naman ay nagsalubong ang kilay. "Just kidding. I am Damarcus Leivon Lopez, your sister's boss. And Zach's bestfriend." naglahad sya ng kamay. Kinuha naman yon ni Keana at nagshake hands nga sila.
"Keana Tuazon. Nice to meet you." ani Keana at muling yumuko si Davon. "What brought you here?" tanong nya kaya napa-ayos ng tayo si Davon.
"I just want to tell you something. About Zach, don't mind him. He's just confused because, you know. He's been into guys for so long. Maybe this is new to him. Don't cry too much. I know he loves you for I can see the happiness in his eyes every time he tells me stories about you. You know, memories with him. Don't lose hope, you love him, you patiently wait for him until he sort things out, okay? I'm not saying this because he's my bestfriend, instead, I'm saying this because I know that you guys are happy with each other. That's it. You two can talk." he said and stormed out of the room. I chuckled.
Napatingin ako kay Keana at napairap ako sa itsura na. She's grinning too! Argh! "What?" tanong ko.
"Wala. Sige na. Go after him. Okay na ako dahil sa mga sinabi nya, naiyak lang ako nang sobra dahil sa frustration. Sige na." sabi nya.
"Nagmamadali? Sure kang okay ka na sa words of wisdom nya, ah?" tanong ko.
"Oo naman." tumayo sya at muling niyakap ako. "Sige na" kumalas sya sa yakap namin kaya lumabas ako. Wala na sa dining room si Davon kaya lumabas ako at andon na nga sya, prenteng nakatayo habang hinihintay ako.
"Ayos, boss, ah?" sabi ko. Ayos naman talaga.
He sniggered. "Wala yon. Ako pa?" sabi nya. Edi sya na.
"Nagpaalam ka na sakanila?" tanong ko saka tinuro ang gawi ni Mama habang tinututok kay Papa ang hose, napangiti ako. Inaasar nanaman yata ni Papa si Mama.
"Yeah. Kanina pa." sabi nya. At sinabi nya ang word na kanina, naalala ko yung kanina. Itatanong ko nga.
"Nga pala, Davon, 'bat ayaw mo kanina pag-usapan si Marcus-"
"I'm going. Have a good day. I love you." aniya saka tumalikod at naglakad palayo saakin.
I felt butterflies in my stomach because of his I love you, but I'm weirded out because of his sudden move. Bakit ba ayaw nya pag-usapan yung manliligaw ko na si Marcus?
He's really weird.