Chapter 15 - 13

It has been an hour since we arrived at his unit. It looks good. And I love it because the whole place is filled with his scent. His walls are beige in color, and there are cute wooden-like tiles that are on the floor. Sabi ni Davon, hindi raw to kahoy, parang disguised ba.

Nang pumasok naman ako sa bathroom ay literal na napanganga ako. It looks good. The tiles everywhere are damn clean! Maging doon ay kalat ang amoy ni Davon kaya halos magtagal ako doon nang sampung minuto.

Ngayon, andito kami sa kusina ng unit nya na malawak, nagluluto sya e. Lutuan nya raw ako ng cordon bleu, buti nalang at meron daw syang ingredients. Kukunin ko na ang mga iyon nang halos malaglag ang panga ko sa nakita.

Punong-puno ang refrigerator nya ng mga sari-saring pagkain, meron ding fresh milk. Nako, paampon naman po.

Naalala ko ulit ang pinag-usapan namin kanina. Naiinis nga ako e. Pagkaikli-ikli kasi ng sinabi nya sakin, kahit nga sa loob ng mall pwede nyang sabihin sakin e. Kaasar ka, Davon.

"My best friend seems to have feelings towards your twin sister."

Maraming salamat sa information, Davon. Nakakainis. Ano, pinapunta nya ako dito para lang don? Sabagay, may pagkain naman kaya medyo okay lang. Siguraduhin nya lang na masarap yan.

Nang matapos naman sya sa pagluto noon ay itinabi nya muna para palamigin. Kumuha sya ng ilang patatas sa refrigerator saka hiniwa ang mga iyon. Magluluto sya ng chips? Ayos. Sulit ang pagsama ko dito.

Sa kalagitnaan ng pagluluto nya ay kumalat ang mabangong amoy. Ang bango naman non. Mas lalo tuloy akong nanakam. Gutom narin ako e. Ayos. Buti nalang marami nakain ko sa bahay kanina pag-agahan. But still! Hapon na rin kaya meryenda nalang ang niluto ni Davon, sosyal ng meryenda nya, no? Kami nga pinipirito lang yong kamote, lagyan mo pa ng asukas, sarap non!

Nang matapos naman sya sa chips ay itinabi nya ito sa cordon bleu saka kumuha sa ref ng kung ano. Turns out, nagtimpla sya ng iced tea. Nilagyan nya pa yon ng hiniwang lemon saka naglakad papunta sakin habang dala nya ang dalawang baso ng iced tea. Lumapit narin ako para tulungan sya. kinuha ko ang lalagyan ng inaakala kong chips, pero mojos ang laman. Ayos na to, masarap din naman. Sinunod nyang kinuha ang cordon bleu sa lalagyan nito saka tumikhik. "Let's eat." aniya saka ngumiti.

I was taken aback by his geniune smile, it took me a minute before getting over it. Kumuha ako ng mojos at napapikit pa ako sa sarap non. Masarap din 'yong iced tea na timpla nya. Astig ah? Nang tikman ko naman ang cordon bleu nya ay napadaing ako sa sarap. Ang sarap, sobra.

Nang malunok ko ang kinakain ay hinarap ko si Davon na ngayon ay madungis kakakain ng cordon bleu, hindi pa nga sya kumukuha sa mojos e. Natawa tuloy ako sa itsura nya. "What?" tanong nya habang puno pa ang bibig. Kumuha ako sa tissue na nakalagay malapit sa may mojos saka pinunasan ang palibot ng bibig nya nang makalapit ako.

Napatitig ulit ako sa mukha nya na makinis pa sa ulo ng lolo ko. As in. Like, nagkakapimples ba to o hindi nagkakaganon pag CEO ka?

"What's with the stare?" tanong ni Davon. Napaiwas tuloy ako ng tingin saka bumalik sa kinauupuan ko. Nang malunok naman ni Davon ang nginunguya ay humarap sya sakin. "You're so weak, sa tissue, really?" tanong nya.

"What? Inaano ka ba?" tanong ko naman. Wala naman akong ginagawang masama ah!

"Nevermind. As I told you earlier, it is your twin and my best friend. Si Zach, andon pa sa ospital, hinarang daw sila kahapon. Nakilala nya pa yung mga humarang. Mga kalaban ng Mafia Organization na kinabibilangan ko noon. Lagi naman yun kaya normal lang yun na harangin kami non ni Zach." paliwanag nya,

Hindi parin rumi-register sa utak ko ang sinabi nya. Hinarang? Hindi kaya...

"Yes. Hinarang sila. Kasama nya si Keana kahapon nang harangin sila. Ayon, hindi yun nakikipaglaban pero kung nakita mo kahapon, galit na galit nang mahawakan ang kakambal mo." natawa sya kaya pinatigil ko sya. Wala kayang nakakatawa don. "Dumating ako don kasi wala pa man ay nakaramdam na si Zach, he sent me a message, mas sanay ako makipaglaban dun sa mga nanghaharang samin. Oo. Makipaglaban. Yun ang gusto nila edi sige."

"Ano pang nangyari?" sabi ko saka humigop sa iced tea.

"Dumating ako noong hinawakan noong isa sa mga humarang ang kakambal mo, tinutukan pa ng baril. Tell me, umuwi ba nang nanginginig?" tanong nya kaya tumango ako. Kaya pala nanginginig yun. "Hinatid ko sya, sasama sana ako kaya lang walang mag-aasikaso kay Zach sa ospital. Nabaril din yung loko na yu-"

"What?! Nabaril?!" tanong ko. Nabaril talaga? Grabe naman yung mga nanghaharang na yun. Inaano ba sila?

"Yep. Nabaril. Okay naman na sya." nagkwento pa sya habang kumakain naman ako ng cordon bleu. Sunod sunod naman akong kumuha ng mojos at nalaman kong para sakin pala talaga yon, napansin nya raw kasing nasarapan ako kaya okay lang, hindi nya naman daw paborito. Yun lang cordon bleu. Nang matapos naman ako sa pagkain ng cordon blue ay uminom ako ng iced tea na hindi na masyado malamig. Inilapit ni Davon ang upuan nya sa upuan ko nang akmang tatayo sana ako para kumuha ng tissue. Ang dungis ko yata.

Ngunit hindi ko inasahan ang sunod na nangyari.

He used his thumb to remove the mess around my mouth, and he sucked his thumb with my mess! He even leaned to kiss me, but it's just a lips-to-lips. He didn't open my mouth for a tongue fight. Nah, I'm good with his kiss.

He smiled at me when he pulled away. He pulled me up. And I am now standing when he immediately hugged me. I felt comfort with his hug so I hugged him back. While hugging each other, he asked me. "Can you stay here for tonight?" tanong nya. Napangiti naman ako.

Nothing's bad if I would, right? He pulled away from the hug and held my chin to have the same eye-level as his'. "Can you? Just for tonight. I'll send you home tomorrow." his eyes are begging while asking me to stay.

"Okay." I smiled when he hugged me again, this time, tighter. I want to stay in this position forever, if possible.