It's been a week since Davon explained to me what the rankings in a Mafia are. And it's been two weeks since he rubbed me down there.
Ugh! As days passed, his face filled with desire is all I can see whenever I close my eyes in bed. It's kind of horrible since it really bothers me! Yun bang hindi na ako makatulog kaya nakakainis lang!
And two weeks after that happened, Davon continued working like a boss. Yep, like nothing happened inside the woman's restroom. He's cruel! However, as how Davon works as if nothing happened, I did it too. After asking him much about the Mafia rankings, I worked too much. We seldom talk even though we share the same office. Ewan ko. Baka na-sense nya na umiiwas ako kaya ganon.
And since this is a story, I'll tell you why I'm avoiding him. Delikado na ang puri ko! Nakakatakot kaya matuhog, duh? Secret lang natin yan. At kung tinatanong nyo kung pano ko nalaman yang tuhog thing, I found it online, I did some researching since I'm so innocent. Davon won't know. Kung malalaman nya, hindi ngayon. Wala e, natatakot lang ako, sabi kasi don sa article, pag wasak, wasak talaga. Kaya nakakatakot. Malay mo.
Week off ko ngayon. Oo, ako lang. Yung magaling lang na secretary ni Damarcus Leivon Lopez ang may week off since magba-bakasyon daw sya. Aba't tanda ko pa ang bangayan namin nung nakaraan'g araw. Pano kasi, ako daw umasiko ng lahat, as in LAHAT. Kaya syempre nagalit ako. Ano sya, sineswerte? Secretary kaya ako, hindi boss o CEO o kung ano pa man sya.
Since I have a week off, ito nga ang timeline ng week off ko. By the way, it's Monday now. Davon went off on Saturday so technically, my week off started yesterday. And I spent my yesterday sleeping all day. Yep, kaya nga lang, sinubukan ko yung mulat-mata-matulog-challenge, ang hirap. Ngayon naman na araw ng Lunes, balak kong mamasyal sa mall dyan sa malapit kaso nang lumabas ako ng bahay ay bumungad ang tulala'ng Alistair sakin. Oo! Tulala sya. Ano kaya problema nito? Naglakad ako palapit sakanya at dahil sa kalakihan ng pagitan namin ay matagal pa bago ako makarating sa kung nasaan man sya ngayon habang nakatulala, inisip ko ang mga posibleng problema nya.
Una, baka wala nang babae. Lumayo na sakanya lahat kasi playboy sya. Delikado si Alistair, girls. Kapatid ko'y wag lapitan upang h'wag malungkot nang lubusan. Payo yan from the Playboy's Ate.
Pangalawa, baka wala nang pumapayag na makipaghigupan sakanya kasi baka mabaho ang hininga nya. Opo. MAKIPAGHIGUPAN. Na-witness ko kaya ang pakikipag-higupan nya last week. Inutusan kasi ni Davon na magpunta ng university nila kaya ayon, pumunta naman ang magaling na sekretarya ng demonyo. At ayon nga, nakita ko yan may kahigupan don sa may restroom. Lakas nyan e no? Sinara pa yung pinto para sa privacy kuno e kitang kita naman sila sa bintana. Kung hindi lang talaga yan consistent na dean lister e sinipa ko na yan palabas ng bahay.
Pangatlo-
Ay nako. Meron pa ako'ng anisip kaso andito na ako sa tabi ni Alistair naghanda akong gulatin sya ngunit hindi pa ako nakakasigaw nang paunti-unti nyang nilingon ang ulo papunta sa gawi ko. "Ginagawa mo dyan, Ate?" nakakunot noong tanong nya. Nabalisa naman ako at agad na nag-isip ng dahilan.
"Ah- wala, eto o, may lamok." sabi ko saka tinampal ang balikat nya. Natawa naman sya nang mahina.
"Seriously, Ate? Ano nga? Ba't andito ka?" ang kulit ha? Sabi nang may lamok e!
"Lamok nga!" mukhang hindi parin sya kumbinsido kaya iniwas ko ang tingin ko saka nagsalita. Itatanong ko na, eto na. "I-ikaw? Bat ka andito?" tanong ko. Grabe naman Selena. Pag kaharap ang panel, dere-deretso pagsasalita mo without stuttering, English pa gamit mo, samantalang, eto at kapatid mo lang kausap mo e nauutal ka na?
Umiwas ng tingin si Alistair. Confirmed! May problema nga ang bunso'ng lalaki nina Fidel at Serena Tuazon. Sila Mama at Papa yan a? Wag kayong ano.
"Ate?" tawag nya. Eto na talaga. Magtatanong to kung pano mang-akit ng babae o, isang libo pusta ko. "Pano mo malalaman kung nahuhulog ka na sa isang tao?" my eyes literally widened in shock. "Ate, no scolding muna. I need my magaling magpayo na Ate Selena." nagpa-cute pa nga sya kaya ayon. Ready na sana sasabihin ko e kaso bawal daw, mamaya nalang daw.
Bumuntong hininga ako saka tumingin sa malayo. "Hindi ko alam. Ako nga rin e hindi ko alam kung ano yan, basta't nung sinabi sakin ni Keana, alam ko na. Nagpakonsulta ako kay Love Doctor Keana Aera Tuazon e, kaya alam ko na yung love. Ang sakin, mabibigat ang paghinga ko pag napakalapit nya-"
"So pareho na kayo ni Ate Keana?" putol nya sa paliwanag ko. Aba bastos na bata ere a? Meron na rin si Keana? Noice. Naisip ko agad kung sabay kaming magpapakasal, saka ko naisip kung posible nga ba ang ganon. Baka hindi pwede yon. "Si Ate Keana kasi, may kwinento rin sya sakin, habang nagkekwento sya, nakita ko kung pano ngumiti pati ang mga mata nya sa pagbigkas nya ng mga memories nila nung lalaki." tumingin sya sakin. "Ikaw, Ate? Meron narin kayong memories nung sa'yo?" tanong nya.
"Ikaw ang pinag-uusapan natin dito Alistair. Hindi ako o si Keana, kaya sige. Ikwento mo sakin yang karma mo." natawa ako. Baka eto na ang karma ng Alistair na playboy. Yan na nga yata.
Bumuntong hininga naman sya bago nagsalita. "Basta hindi kumpleto ang araw ko kapag wala sya sa paligid. Pag galit na galit ako o naiinis ako, makita ko lang sya, ngingiti na ako. Nawawala rin ako sa hulog kapag hindi ko naririnig yung mga pambabara nya sa mga kaklase ko. Yun lang." tinapos nya ang paliwanag nya nang may ngiti, malawak na ngiti.
Wala, hulog na hulog na yata 'to para ngumiti nang pagkalawak lawak.
"Finn Alistair, kung nahuhulog ka man o kung nahulog ka na, wag mo pigilan gawin ang gusto ng puso mo. Kasi kung magfofocus ka sa pagpigil sa nararamdaman mo, mamamalayan mo nalang, hulog na hulog ka na't hindi na makakaahon pa. Yun lang." sabi ko. Sana maabsorb nya yun.
"Sige Ate, salamat. Pasok na po ako, kanina pa ako dito." aniya saka ngumiti. Tumalikod sya saka naglakad palapit ng bahay. Hapon na pala.
Naglakad narin ako palapit sa bahay nang makita ko si Keana sa malayo, humihikbi. Agad akong lumapit sakanya saka nagtanong. Pinaliwanag naman nya sakin ang mga nangyari at nadama ko tuloy ang problema nya. "Mahal nya raw ako e. He told me he loves me but he also said that his feeling is uncertain! Mauna na ako." aniya saka pumasok sa bahay habang patuloy ang paghawi ng mga butil ng luhang tumutulo mula sa mga mata nya.
Napabuntong hininga ako. Sabay sabay pa talaga kami? Nakaramdam ako ng ginhawa nang maisip na wala naman kaming problema ni Davon. Wala e. Ngunit magkaganunpaman, Ate ako. At sa tingin ko, kailangan ako ng mga kapatid ko ngayon.