"Xerc please. Don't be like this. We can fix this together. Wala naman akong nagawang mali diba?" Hinawakan ko ang braso niya upang magkaharap kami. I don't even care if somebody sees us. The important thing is maintindihan ko kung anong rason ng pakikipaghiwalay niya.
Pathetic. Is'nt it?
I think. You can call me that.
Kapag mahal mo, ipaglaban mo sabi nga nila. Pero paano kung yung ipinaglalaban mo na mismo ang sumuko? Napaka unfair right? Tulad nalang ngayon.
"Cherry, end this conversation and let's officially break up. Just accept the fact that you and me are not meant for each other. Think that we never met and had a relationship so you can easily move on and forget about me." Mahinahon pero may diing sambit niya.
Move on.
Wow! Big word.
Gusto ko siyang sumbatan pero parang umurong ang aking dila. Napakadali lang sa kanya ng lahat na para bang ang pakikipaghiwalay ay di na bago ngayon. Sobrang sakit.
"Ganun nalang ba yun Xerc? For 2 years na naging tayo, naging open ako sayo. You know how much I love you. Then now, you're giving up. I know minsan may pagka-childish ako but I thought you understand it?" Konti nalang talaga, maiiyak na ko. Alam niyo yung feeling na ginawa niyo na lahat para sa kanya tapos binalewala lang.
Yes, that feeling. And I'm fool for not knowing that.
"Pagod na ko Cherry. Hindi sa lahat ng pagkakataon kaya kitang intindihin. Napapagod din ako. I'm tired of understanding and loving you. So,we better end this now." Naiinis at pasigaw niyang sambit.
May mga estudyanteng nakapansin at pinagtinginan kami. May ilang itinigil ang kanilang ginagawa. Ganun na ba kami kaingay para makuha ang atensyon nila. Ngayon lang siguro sila nakakita ng nagsisigawan sa library.
But the hell I care.
"Yun lang ba ang rason? San ba ko nagkulang? Answer me! Sigaw ko pabalik sa kanya. I know na hindi kami mapapalabas kasi wala naman si Mrs.Leighton, the librarian.
" OK, I'll be honest to you. I don't love you anymore. May mahal na akong iba. Masaya na ako sa piling niya. If I will married someone, it must be her. And I think mas deserve niya ang pagmamahal ko."
Pak!
Nasampal ko siya dahil dun. Masakit pero mas malala pa 'tong mga sinasabi niya sakin eh. Manloloko!
Truth will slap you jerk!
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko bago magsalita dahil baka hindi lang sampal ang abutin niya sakin.
"Maybe you deserve that slap you jerk! At siguro nga tama ka, hindi ko nga deserve yung pagmamahal mo kasi in the first place hindi mo ito ipinaramdam sakin noong tayo. Lahat pala ng pinakita mo ay walang iba kundi puro kasinungalingan lang." Nakita kong nalungkot siya sa mga sinabi ko.
I'm sure those words hit him dahil iyon naman talaga ang totoo. Akmang hahawakan niya ko pero tinabig ko ang kamay niya.
"Sapat na yung binalewala mo ako Xerc pero not the point na halos ipagdiinan mong hindi mo na ko mahal kasi may iba ka na. Don't worry hindi na kita guguluhin pa. Salamat nalang sa lahat. Tulad ng gusto mo, I'm setting you free." Kinagat ko ang labi ko na kanina pa nanginginig idagdag pa ang puso kong parang sasabog sa sobrang sakit na naidulot niya.
Hindi. Hindi pwedeng makita niya kong umiiyak sa harap niya. He don't deserve this tears.
Breath Cherry. Inhale. Exhale.
"Kawawa naman si Ate."
"Siguro mahal na mahal niya."
Humarap ako sa mga estudyanteng nagbubulungan na para bang nakakita ng krimen. Mga tao talaga sa mundo ang hilig maka tsismoso at tsismosa.
Nagsibalikan naman sila on what their doing nang tumingin ako sa kanila. Then I turned my back palabas.
One glance Cherry Icen. Just one.
Nilingon ko si Xerc at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Baka naman..
No.it can't be.
Sa kanya na mismo nagmula. Hindi niya ko mahal. Period.
Pero bago ako tuluyang lumabas, I fake a smile and say this word to him.
"Sana maging masaya ka sa kanya. I think you can do that now because its over between you and me." At tuluyan na akong naglakad paalis ng library.
Gusto kong sumigaw ng sobrang lakas. Gusto kong maglaho na parang bula. At lamunin nalang ng lupa pero wala. Heto ako nagpapaka-Flash,tumatakbo palayo sa kanya.
At habang palayo sa kanya dun ko na pinakawalan ang mga luhang kanina pa nagbabadya. Mga luhang matagal kong itinago sa kanya. Great. Ilabas mo lang Cherry Icen. Kaya mo 'to. Matapang ka diba?
Bakit ba kasi nangyayari ito? Sa lahat ng relasyon samin pa? Jusko.
Hindi ko namalayang nakalabas na pala ko ng Starlit University. Wala na kong planong umatend sa next subject ko. Gusto kong umuwi at magkulong sa kwarto. Nag-commute nalang ako pauwi ng bahay kesa naman mag antay pa ko. Hanggang sa sasakyan walang tigil na iyak at hikbi ang ginawa ko.
Now Playing: Two Less Lonely People in the World by Kz Tandingan
I was down my dreams were
wearing thin
When you're lost where
do you begin
My heart always seemed to drift
from day to day
Looking for the love that never came
my way
Luh? Sinasadya o nagkataon lang? Si Manong driver, ang galing din ng tyming. Broken hearted na nga ako nagpatugtog pa. Lakas ng trip eh. Napansin siguro ni Manong driver kaya nagsalita na siya.
"Are you okay Miss?"
Hindi ko siya sinagot. Stating the obvious naman eh. Nang aasar ba siya. Kasi kung oo, wala akong panahon para dito.
Then you smiled and
I reach out to you
I could tell you were
lonely too
One look and then it all
began for you and me
The moment that we touched
I knew that there would be
Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil na din sa aking mga luha na walang tigil ang patak. Kung di lang talaga ako umiiyak ngayon baka nasagot ko na si Englisherong Manong Driver.
"Feeling broken huh?"
I remained crying despite of his presence.
Two less lonely people
in the world
And its gonna be fine
Out of all the people
in the world
I just can't believe your mine
Hindi na ulit siya nagsalita kaya buong byahe hikbi ko nalang at tanging kanta ang naririnig sa loob ng sasakyan.
Itinigil niya ang sasakyan sa address na ibinigay ko. Dali dali akong nagbayad at lumabas sabay pasok ng bahay. Narinig ko pang tinawag ako ni Manong Driver pero di ko na siya nilingon. Basta sigurado akong sakto ang naibayad ko.
Buti nalang wala dito sina Mama at Papa. Wala pa din ang aking kapatid na malamang ay nasa school pa. Dumiretso ako sa kwarto at nilapag lahat ng aking mga gamit pagkatapos ay humiga sa kama. At dun na bumalik lahat ng mga alaala namin ni Xerc. Lahat ng mga masasaya at hindi malilimutang oras kasama siya.
Love hurts. Yeah, true. Like a fire burning you inside.
I'm dumb and such a fool for believing that he may be the one. The one who can understand, love, and treat me like I'm the precious thing in this world.
But I'm wrong. Instead he's the one who's capable in hurting me like this way.
Inilabas ko lahat ng sakit sa pamamagitan ng iyak. Siguro nga basang basa na 'tong unan ko eh. Ganito ba talaga kasakit? Mas masakit pa 'to sa turok ng karayom eh.
Namalayan ko nalang na unti-unti akong hinihila ng antok hanggang sa makatulog ako.
I hope tomorrow everything will be okay. Back to normal and new me.