Chereads / His Love and Lies / Chapter 8 - Chapter 7- Party

Chapter 8 - Chapter 7- Party

Here I am examining the box that Hendrix gave to me earlier. Umuwi muna ako dito sa bahay at iniwan ang tatlo kong kaibigan. Siguro naman maaayos nilang tatlo ang problema kahit wala ako.

Inalog-alog ko ang box kasi malay ko ba kung ano ito. Malay ko ba kung gusto niya na patayin ako kasi palagi ko nalang siyang sinasangkot sa gulo. Pero hindi naman siguro siya ganun.

Party yung pupuntahan ko kaya sa malamang masusuot 'to. Hindi naman siguro pool party ang magaganap diba? Kasi kung ang laman nito ay something like two piece, hindi ko kakayaning pumunta. Hindi sa ayaw kong magsuot nun pero I'm not that confident about my body. Basta. Ayoko.

Nag decide na din akong buksan siya. Paano ko malalaman kung hindi ko bubuksan? And then it surprised me.

Holy Jesus! This is so beautiful. It was a red dress na sa sobrang ganda ay dinaig pa ko. Above the knee of course, and tube siya. Simple yet elegant. May kasama din siyang heels. And guess what? Red din siya.

Curious tuloy ako. Mahilig ba sa red si SY?

At bakit nga pala ako invited? Ganun na ba kami ka-close?

Nagsimula akong gumalaw upang mag-ayos na kasi susunduin ako ni Hendrix bago mag-alas syete ng gabi. I was on my way papunta sa bathroom ng biglang pumasok si mama.

"May pupuntahan ka,sweetie?" She said at tiningnan ang laman ng kahon.

"Ah, yes Ma. Magpapaalam nga po ako mamaya. Eh nandito na kayo, kaya ngayon na."

"May sasabihin din ako sayo eh. Pero san ba itong pupuntahan mo?"

"Someone's party. A friend's party. So kung okay lang po sa inyo."

Hindi ko masabing kay SY na party eh. Paano ko sasabihin eh hindi ko pa nga siya kilala ng husto.

"Sure. Basta mag-iingat ka. At wag mong kalimutang tumawag. Okay."

Napakabait talaga ni Mama. Kahit kailan 'to eh. Talagang mag-iingat ako kasi baka kung anong gawin ng SY na yun eh. Pero si Papa?

"Eh si Papa? Alam mo naman yun hindi papayag hanggat di kilala kasama ko."

"Ako na ang bahala sa Papa mo. At sasabihin ko nga pala na isinarado muna namin yung boutique kasi dadalawin muna namin ang lolo at lola niyo sa probinsiya. So ikaw muna bahala kay Jazzen. Nag-iwan na ako ng pera para sa inyo. "

Maiiwan na naman sa akin ang pasaway na yun. I hope na walang itinatago sa amin sila Mama, mukhang biglaan eh. Dati naman, sinasama niya kami.

"Ah sige po Ma."

"Miera, halika na. Baka mahuli tayo sa byahe." Papa shouted.

"Tinatawag na ako ng Papa mo.Sige, enjoy!"

Nang makalabas si Mama ay nagsimula na akong maligo. After that, I wear the red dress, the heels and of course my earings. Ilulugay ko nalang ang aking buhok kaysa naman matagalan pa ako sa pag-ayos. I put some light make-up and lipstick. Tiningnan ko ang hitsura ko sa salamin. Mukhang okay na naman kaya pwede na akong pumunta sa baba at hintayin si Hendrix.

Nag-iwan nalang ako ng notes para kay Jazzen. Uuwi din naman ako eh, kaya naman niyang makapag-isa dito sa bahay. Hindi naman daw kasi siya takot tulad ko.

Nang makalabas ako, hindi na ako nagulat kasi may nakaparadang kotse sa harap ng bahay namin. It was Hendrix of course, sino pa ba.

"Hendrix! Uy? Okay ka lang. Hindi ka na yata humihinga dyan." Kanina pa kasi siya nakatitig sa akin. Kulang nalang ay matunaw ako eh.

Hanggang sa pagsakay ko ganun pa din siya. Pero syempre minsan na lang kasi nasa byahe kami. San ka nakakita ng nagmamaneho na hindi sa daan nakatingin? Ayoko pang mamatay pag nagkataon.

"Hendrix, wag mo nga akong tingnan ng ganyan. Nakakatakot kana." Ikaw ba naman tingnan simula pa kanina. Hindi din siya nagsasalita. Iniisip ko talaga na may pagtingin sa akin 'to.

Bigla siyang natawa. "Kaya pala. Kaya siguro ganun nalang siya umasta. Kasi nga baka maagaw pa ng iba."

"Ha? Sino? Ako ba kausap mo?" I asked pero hindi niya ako sinagot.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami. Sa labas pa lang ay maririnig mo na ang malakas na music at mga tawanan. Kanina excited akong pumunta pero parang ngayon gusto ko nang umuwi.

"Bumaba ka na dyan, Chi." Narinig kong tawag sa akin ni Hendrix mula sa labas. Ganun na ba ako kinabahan, na hindi ko man lang namalayan.

"Parang gusto ko na yatang umuwi, Hendrix. Ibalik mo nalang kaya ako sa bahay." Dapat pala ay isinama ko sila Aiden, kasi wala man lang akong kakilala dito. Out of place ako kumbaga.

Lumapit si Hendrix at siya na mismo ang nagbukas pero hinila ko ito pabalik.

"Is there something wrong here?"

And yes. It's him. SY is here. Bigla tuloy lumala itong kabog sa puso ko. Gosh. Kitang kita ko mula dito sa loob ang kanyang kakisigan. With that suit and tie, he's near to the word perfect. Idagdag mo pa ang manly looks niya tonight.

"Uupo ka nalang ba dyan? Sayang naman ang kagandahan mo kung hindi nila makikita." He said at tuluyang binuksan kung saan ako naroroon.

Nanatili akong nakaupo. Iniiwasan ko din ang mapatingin sa kanya. Pati ang mga paa ko ay parang pinagtaksilan ako, kasi di ko maigalaw. Paano ako gagalaw eh ang sobrang lapit niya.

"Hindi ako makalakad." Tanging nasambit ko. Napalunok ako dahil sa kahihiyan. Bakit ba kasi sobrang lapit niya.

He smiled. " So, kung ganun.. it's better to carry you papunta doon sa venue."

Ano daw? Mas lalo yatang nakakahiya  iyon.

I glared at him. "No way."

"Yes, of course." And then he carry me in a bridal style.

"Ano ba! Ibaba mo nga ako. Kaya ko nang lumakad!" I shouted at him. But then after a while realization hit me.

Biglang natigil ang tawanan. Ang music, pati ang mga ingay. Isang nakakabinging katahimikan ang namayani.

Ibinaba ako ni SY at tumambad sakin ang mga unfamiliar faces ng mga tao. At lahat sila ay nakatingin sa amin. Hindi ko alam kong paano ako magre-react. Sa kahihiyan, nagtago ako sa likod ni SY.

"Pwede bang pabalikin mo na sila sa kanilang ginagawa bago tayo dumating. Please." Bulong ko mula sa likod niya. Sobrang nakakahiya kasi talaga ang ginawa ko.

"And why I must do that?" He replied.

"Dahil.. ano nga ba.. dahil ikaw ang nag-invite sakin dito. And ikaw din naman ang may kasalanan kong bakit nangyari ito." Tama. Siya 'tong may party eh. Invited lang ako.

"In one condition.."

Bakit may condition na siya ngayon? Oh sige, pagbigyan natin. Ako 'tong nangangailangan ng tulong eh.

"What?" I asked nervously. Baka kung ano 'tong condition na 'to eh.

"Go to my room after this."