Nagising ako ng maramdaman ko ang hapdi ng sikat ng araw na tumatama sa aking mga balat. Nakalimutan ko pa lang isara ang bintana. Hindi ko din alam kung anong oras na ako nakatulog. Nakasuot pa ko ng uniporme at mugto ang aking mga mata. Dinaig ko pa ang namatayan ng malapit na kapamilya.
Hindi na din ako nakakain ng dinner kaya naman sobrang kumakalam ang sikmura ko ngayon. Hindi ko man lang naisip na baka magkasakit ako ng dahil dito.Hindi ko napansin na napapabayaan ko na pala ang aking sarili dahil sa break-up namin ni Xerc.
Yeah. That bastard.
Ako lang siguro ang sobrang affected sa paghihiwalay naming dalawa, kasi siya nagpapakasaya sa bago niya.
Hindi manlang ba siya tatawag at magtetext kung okay lang ba ko? Hindi manlang ba siya bibili ng ice cream nang sa ganun ay mabawasan itong sakit na nararamdaman ko?
Hindi talaga niya magagawa at hindi niya gagawin. Wala na nga kami diba?
He's not my boyfriend to be called now. He's with someone he love and its not me.
Hindi pa din totally mag sink in sa utak ko kung bakit nangyayari 'to. Meron bang explanation tungkol dito?
Syempre wala.
Na-fall kasi ako tapos hindi niya sinalo. Heto ang resulta, nasaktan ako. Kaya nga sabi nila, kapag nagmamahal ka hindi talaga maiiwasan ang masaktan. Kasi nga daw kapag hindi ka nasaktan w-
"Ay, pusang gala!" gulat na sambit ko ng biglang magvibrate ang cellphone na nasa table malapit sa kama. Nag-e-emote ako dito, tapos magtetext at mang-iistorbo. Ini-open ko ito at tumambad sakin ang text ng isa sa friend ko, si Heartfilia.
"Are you ok? I already know about your break-up. Condolence sa puso mo. Don't cry too much, papangit ka nyan dear. Tsaka kapag pumangit ka, wala ng magkakagusto sayo, tapos mamamatay ka ng walang lovelife."
Nalaman na pala niya. Well, I'm not surprised if the whole university know about it. Naku, balita nga naman may pakpak na. Mareplyan nga 'tong babae na 'to.
"Brokenhearted na nga yung tao eh. Wag ka nga magtext dito! Kapag nakita kita, hindi lang hampas ang aabutin mo!"
And then I hit the send button. Agad din siyang sumagot sa aking reply. Siguro natakot siyang makatikim ng sapak o whatever I can do.
"Joke lang naman. Peace tayo. Love you. All you have to do is to move on. Don't worry, I'm here. We're here. Just call me and I'll be there."
Hindi ko na siya nireplyan. Hindi ko alam kung maiinis, matatawa at magagalit sa text niya. Friend ko ba talaga 'to? Dadagdag pa sa sakit ng ulo.
Bakit ba kasi nangyayari 'to?
Ilang oras na ding ganito ang aking kalagayan. Tiningnan ko ang kabuuan ng room ko, puno ng mga tissue at nagkalat na mga gamit. Buti nalang wala kaming pasok dahil Sunday ngayon.
Sinong mag-aakalang dahil sa damuhong Xerc Javier ay magkakaganito ako. Pakshet siya! Kapal ng mukha! I hate him to the max.
I think I am being bitter right now.
Argh! Damn that guy!
Sabi ni Heartfilia kailangan ko na daw mag move-on para naman makalimutan siya, pero bakit ang hirap?
Moving on is not easy in case you do not know.
Sino nagsabing ang dali-dali lang magmove-on? Ipapatapon ko talaga sa pluto.
May pasabi-sabi pa siyang hindi ko deserve yung pagmamahal niya. Dapat sana sa simula pa lang hindi na siya nagpakita ng motibo na mahal niya ko, para naman hindi ako nasasaktan ng ganito. How dare that guy cause so much pain in me!
Bakit deserve ba yun ng bago niya?
Nalaman ko na si Georgette ang bago niya ngayon. Well, she deserve it I think. Siya lang naman ang dreamgirl of every guy in the university. Ano naman ang laban ko dun diba? Matalino at maganda lang naman ako-
What the?
Aish! Stop this nonsense! Kung anong naiisip ko. Gutom lang siguro ako kaya ganito. Ikaw ba naman walang maayos na kain. Pasalamat nalang talaga at hindi ako nakita nina Papa the whole day. I don't know how they will react if they saw me like this.
"Ate Cherry, kakain na daw sabi ni Mama," sigaw ng kapatid ko mula sa baba.
I ignored him.
Marami akong iniisip dito at kailangan ko nang mga kasagutan at plano para makalimot.
Papangitin ko kaya yung babaeng yun para hindi na siya magustuhan ni Xerc. Nang sa gayon ay magkabalikan na kami ulit. Ang tanong paano?
"Ate, you're spacing out," sabi niya na kadadating lang galing baba.
Buhusan ko kaya ng asido? Iparetoke?Ipa-
Patayin ko kaya.
Bad Cherry Icen. So Bad.
Hindi pwede. Magiging killer ako nun. Atsaka mamamatay tao? No way! Ayoko pa makulong, bata pa ako at maraming pangarap sa buhay.
Sirain ko kaya yung iniingatan niyang pangalan sa university. Hahanap ako ng mga hindi kaaya-aya na nagawa niya tapos ipapakalat ko online. Hindi ba yun ang uso ngayon.
Aish! Hindi din. Lalabas lang na insecure ako sa beauty niya, which is not true. Ako lang din ang mapapahiya dahil kailanman ay hindi ako gumawa ng ikakasakit ng iba.
Think Cherry Icen.Think.
Ipakidnap ko kaya.
"Ate, makakatikim ka sakin ng sapak at batok kapag hindi ka tumayo dyan," pagbabanta nito.
Yun nalang, pwede pa. In that way, she will never know me, I can disguise to hide my true identity.
Pero wala naman akong paggagamitan nung pera na makukuha ko. Kasi nga kidnap for ransom yung gagawin ko.
Pwede ding hugutin ko ang mga pilikmata niya o di kaya kalbuhin ko nalang.
Brilliant Cherry Icen.
Natigil lahat ng iniisip ko ng biglang may pumitik sa noo ko.
"Aray! Ano ka ba naman Jazzen Steve. Why are you here? Ang sakit nun ah," reklamo ko pero tiningnan lang niya ako. Ang sadista talaga nitong kapatid kong ito.
Umiling siya. "Kanina pa kasi kita tinatawag pero nakatulala ka dyan. You better get up, andito na sina Mama. Hinihintay nila tayo sa baba.In case you forget breakfast," sabi niya sabay talikod paalis. Sungit din talaga nito minsan eh. Siguro hindi na naman siya pinansin noong crush niya.
Tumayo na ko at inayos ang aking kwarto pati na din ang aking sarili sa harap ng salamin. Nagpalit na din ako ng maayos damit. Nang makuntento na ko sa hitsura ko, sumunod na ko kay Jazzen papuntang baba.
Pagkadating ko sa kusina bumungad agad si Mama.
"O, nandito ka na pala. Umupo ka at nang makakain na tayo."
Sinunod ko naman siya at nagsimulang kumuha ng pagkain. Mukhang marami ang makakain ko. Adobo is my favorite in case you want to know. First spoon makes me crave for more. Nakakagutom din pala lalo na kapag luto ni Mama. Sunod- sunod na subo ang ginawa ko. Ang sarap talaga eh, idagdag pa ang dahilan na ngayon lang ulit ako kumain.
"Anak, baka mabulunan ka niyan," panimula ni Papa.
I choose to ignored him and continued eating.
"PG ka ate," pangungulit ni Jazzen.
"PG? Ano yun?" I asked. Mukhang mang-aasar na naman 'tong si Jazzen.
"Ano pa kundi patay gutom.Yun ka ngayon ate, kulang nalang talaga pati kutsara kainin mo," sagot niya at humagalpak ng tawa.
What the -
"Ewan ko sayo Baby bro." I emphasized the word baby kasi ayaw niyang tinatawag ko siya with that word.
Hindi na daw kasi siya bata. Kaya ayun tumitigil na lang siya kapag binabanggit ko ang salitang baby kapag nang-aasar siya.
I sighed. "Masarap lang talaga ang luto ni Mama. Hindi ba, Papa," pagpapalusot ko.
"Ha? A-a... Oo naman. Si mahal pa," sabay tingin kay Mama na kung hindi pa inirapan ay hindi pa sasabihing masarap.
Takot nalang ni Papa kay Mama when it comes to this decision. Kahit dating sundalo si Papa, si Mama pa din ang kinatatakutan niya sa lahat.
"Masarap talaga ang luto ko. Kaya kayong dalawa, huwag niyong pagtulungan 'tong si Cherry," sabi ni Mama.
"Ay naku... Talo na naman tayo Jazz. Wala tayong laban kay Mama," bulong ni Papa kay Jazz at nagsimulang tumawa ang dalawa.
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain. I really miss this conversation with the four of us. This is the time that I will never forget having a family. Napakaswerte ko dahil sila ang pamilya na binigay sakin ni God.
"Cherry, kamusta na pala kayo ni Xerc?" tanong ni Papa na naging dahilan para umiwas ako ng tingin.
Shoot. I never saw that question coming. Gosh!
I cleared my throat. "Pa... W-wala na po kami. He broke up with me, so there's nothing between us now."
One. Two. Three. Wala pa ding nagsasalita sa kanila. Wala naman siguro silang tanong about the issue. Well, its not that big deal. So-
"Ano? Anong nangyari," biglang tanong ni Mama.
"Ano daw dahilan?" singit ni Jazzen habang puno nang kanin ang bibig.
Tumayo si Papa. "That bastard! Siya pa talaga ang nakipagbreak?" galit na sabi niya na siyang ikinagulat ko. Umupo din naman siya agad at naghihintay sa aking sasabihin.
"Isa-isa lang po. Kalma lang kayo. Tsaka okay lang naman po ako, Papa,"sagot ko.
Tumayo ulit siya at lumapit sakin."Hindi ito pwede. Sinaktan ka nga ng gagong yun? Ang prinsesa ko, sinaktan niya lang. How dare he!"
"Mahal, pakinggan muna kaya natin kung anong nangyari?"pagpapakalma naman ni Mama.
Tama si Mama, ipapaliwanag ko naman talaga sa kanila eh. Naunahan lang ako ng kaba.
"Matitikman ng lalaking yun ang aking kamao. Tingnan lang natin kung kanino siya manghihiram ng mukha! Hindi dapat iniiwan ang prinsesang tulad mo. Kapag nakita ko siya, hinding-hindi na talaga siya sisikatan ng araw! Ang ayoko sa lahat manloloko ng babae! Puntahan natin ang Xerc na yun!" pamimilit ni Papa pero pinigilan ko siya.
"Pa, hayaan nalang po natin siya." I said.
Wala na din kasing mangyayari kung kakausapin siya ni Papa. Hindi na maibabalik pa kung anong meron sa amin dati ni Xerc.
"No! Asan siya? Sino siya para saktan ka? Hindi ka nga namin pinaiiyak tapos siya with matching pang- iiwan pa! Miera, get my gun! The bombs and even the bullets!" utos niya kay Mama na naguguluhan sa sinabi nito.
"Mayroon ba tayong ganun dito?" Jazzen asked.
"Now! I'm going to that bastard and k- aray! A-aray! Mahal ko naman, stop that," pagpigil ni Papa sa kamay ni Mama na ngayon ay nasa tagiliran niya.
Kinurot lang naman siya ni Mama sa tagiliran. Ayaw niya kasing tumigil. Feeling ko tuloy matatawa pa ko sa sitwasyon ngayon.
Inilagay ni Mama ang isang kamay sa bewang at ang isa naman ay dinuduro si Papa na tila isang batang nakagawa ng kasalanan. Tahimik lang ito kasi pinapagalitan.
"Hoy, Gregorio anong baril? Meron ka ba nun? Atsaka bomba? Nababaliw ka na ba?" tanong ni Mama. Nakatingin lang siya kay Papa gamit ang pamatay na irap nito.
If looks could kill, Papa are now in the cemetery, buried there.
"Sabi ko nga mahal, wala. Wala ako nun," sagot ni Papa.
I burst out laughing after that. This couple never failed to amuse me. Nakakatawa lang na ang bilis mawala ng galit ni Papa dahil kay Mama.
"Ang gulo niyo po." Jazzen said while smiling.
I sighed. "Okay, fine. Sasabihin ko lahat pagkatapos nating kumain," tumango naman sila bilang sagot.
So be ready Cherry Icen.
After namin kumain dumiretso kami sa sala. Naupo silang tatlo ganun din ako. Kaya heto para akong nakasalang sa korte, handang sagutin lahat ng tanong nila.
It feels like I'm the witness of one crime so I will spill everything to the court.
"Cherry naman, break na pala kayo tapos di mo manlang sinabi samin ng Papa mo?" Mama started.
"Eh.. Mama, ayaw ko lang naman po na mag-alala kayo. Tsaka okay lang po talaga ako.Tapos na po ang lahat, tanggap ko na po. Maybe me and Xerc are not really meant for each other. Our relationship are not like those in
fairytale stories and movies. There's no happy ending here," sagot ko.
Si Papa naman ang next na nagsalita."Pero anak, sa nakikita namin mukhang hindi ka okay. Alam namin ng Mama mo kung ano ang nararamdaman mo ngayon. Naranasan na namin yan, kaya heto lang ang masasabi ko. Kung saan ka masaya, susuportahan ka namin."
Nakakaiyak na mayroon akong pamilyang tulad nila. They support and comfort me whenever I need them. I'm very lucky to have them in life. Lalo na ngayong kailangan ko sila.
"Hindi na namin aalamin ang buong pangyayari sa pagitan niyong dalawa ni Xerc. May tiwala kami sayo,Cherry." Papa added while tapping my back that makes me hug him tighter.
"Group hug nga! Para kay Cherry na brokenhearted," pag-aya ni Mama.
So here I am losing my breath because of their big hug. Minsan talaga hindi nila alam ang salitang bitaw.
"A...Ma... Pa.. I can't breathe." I said.
Bumitaw naman silang lahat but they have the same look in their faces.
Uh-oh. This is not good.
Bago pa ko makatakbo, nagsimula na nilang kilitiin ako. Napuno ng tawanan ang aming sala idagdag pa ang mga nagkalat na gamit dahil sa paghahabulan namin.
Thanks to them, I almost forgot I just had a broken heart and I'm in so much pain.