Chereads / His Love and Lies / Chapter 6 - Chapter 5- His Name

Chapter 6 - Chapter 5- His Name

Humiwalay siya sa pagkakayakap ko at sinimulang hubadin  ang kanyang suot na jacket at saka isinuot sa akin. Nakakahiya man pero hindi na ako tumanggi pa ng gawin niya iyon. Naramdaman ko din na nabasa ito dahil sa aking pag-iyak.

Nang magsimula na siyang humakbang patungo sa lugar kung saan ako nagmula, hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Please, be safe."

"Do you think I'm weak?" He said.

Oo nga naman. Bakit ba ako nag-aalala eh mukhang malakas naman siya. Pero hindi din naman siya nakakasigurado na mahina ang manyak at mukhang adik na iyon.

Bago siya tumalikod ay siya namang paglitaw ng lalaking kanina pa humahabol sa akin.

"Hindi ko alam na nagtawag ka pa talaga ng pakialamero. Siguraduhin mo lang na kaya ka niyang ipagtanggol, dahil hindi ko palalampasin ang ginawa mo kani-kanina lang!" Galit na sambit niya.

Para akong binuhusan sa aking narinig. Hindi niya palalampasin ang ginawa kong pagsipa sa pagkalalaki niya? Pasalamat nga siya hindi ito nabasag eh, dahil kung oo, tapos ang lahi niya.

Tiningnan lang ako ni Mr.Unknown bago siya humakbang papunta sa kinaroroonan ng lalaki. Agad namang kumuha ng malaking tubo ang lalaki ng makita niya ito malapit sa kanya. Gagamitin niya ito bilang armas.

Jusko. Sana walang masamang mangyari kay Mr. Unknown.

Nagsimulang hampasin ng lalaki si Mr. Unknown pero agad itong nakaiwas. Sa bawat paghampas ng tubo ay siya namang pagsigaw ko dahil maaring matamaan siya nito. Patuloy lang ito sa pag-atake hanggang sa wala nang mapuntahan si Mr. Unknown dahil pader na ang nasa likod niya. Muling inihampas ng lalaki ang tubo ngunit biglang umikot si Mr. Unknown papunta sa likod nito at sinipa niya ng buong lakas ang lalaki ng magkaroon siya ng tyempo at ito ay natumba. Nabitawan nito ang bitbit na tubo at hindi agad nakatayo.

Sa sobrang bilis ng pangyayari nakita ko nalang na nasa ibabaw na niya si Mr.Unknown na patuloy ang pagsuntok sa dumudugong  mukha ng lalaki.

"Tama na. Baka mapatay mo siya! Please."

I just saw his new side. He's different. He's scary.

Agad akong pumunta sa kanilang kinaroroonan at hinila palayo si Mr. Unknown na patuloy pa din sa pagsuntok sa lalaki. Muling bumagsak ang aking mga luha.

He's not going to kill him right?

"Please, stop it. You might kill him."

Biglang kumalma ang kanyang hitsura ng makitang umiiyak na ako. Tumayo na siya at hinawakan ako sa kamay palayo sa lugar na iyon. Pinasakay niya ako sa kotse niya na nakapark malapit sa isang convenience store at agad na pinaharurot ng wala man lang sinasabi.

Itinigil niya ang kotse sa harap ng isang malaki at mataas na gate. Maya-maya lang ay bumukas na ito kaya tuluyan na kaming nakapasok sa loob.

Kung titingnan sa labas parang napaka-simple lang pero wow sa loob. As in wow! Sobrang ganda. Aakalain mong nasa ibang bansa ka sa ganda.

Itinigil niya ang kotse sa harap at agad na umalis sa drivers seat at isinara iyon.  Nanatili ako sa loob ng kotse.

"Are you not coming?" He asked from outside.

Hindi ako sumagot.

" I don't have time for this. So, get out here."

Hindi din naman siya gentleman noh? Wala man lang pagkukusa.

Lumabas na ako ng sasakyan bago pa siya mag-transform sa kasungitan. Padabog kong isinara ang kotse.

"Careful, it was my favorite car." He said.

Eh di siya na mayaman. Okay na kanina eh, pero nagbalik na naman siya sa pagiging cold ngayon.

Sumunod nalang ako sa kanya papasok. Bale nasa likuran niya ako habang naglalakad. Tumigil siya ng paglakad pagdating sa hagdan patungong second floor. Pumihit siya paharap at muli akong tiningnan.

"By the way, bakit nga ba kita dinala dito?" Tanong niya.

Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatayo sa harap niya. Eh malay ko ba kung bakit niya ako sinama dito. Pinasakay niya ako sa kotse niya eh.

Marunong din naman pala siyang magtagalog. Akala ko pure English ang peg niya.

"Would you mind answering my question? Hindi yung para kang statwa na nakatayo sa harap ko."

"Nasa akin ba ang isip mo? Bakit akong tinatanong mo." Pabulong na sagot ko.

"What? Umalis kana, pasalamat ka nalang kasi kung wala ako kanina, malamang narape kana." Pagtataboy niya.

Grabe kung makapagpa-alis 'tong lalaking 'to. Kung hindi ko lang siya hinanap kanina eh, hindi ko sana nakita ang manyak na yun.

"Kasalanan mo din naman eh. Bakit kasi umalis ka agad. Hinanap tuloy kita. Ni hindi pa ako nakakapagpasalamat eh." Sunod-sunod na sambit ko.

"Hindi ka rin madaldal noh? Ipapahatid nalang kita kay Hendrix. Hintayin mo siya dito."

May tinawagan siya sa phone na sa aking palagay ay si Hendrix  pagkatapos ay nagsimula na siyang  maglakad pataas. Nanatili akong nakatayo doon. Nakakailang hakbang palang siya ng ito ay bumalik. Palapit sa akin.

Nakadikit pa din ang cellphone niya sa kanyang tainga pero ibinaba niya ito at nilagay sa bulsa ng tuluyang makalapit sa akin.

Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. I can smell his perfume and even his fresh breath. Feeling ko nababalot ako ng isang hindi maipaliwanag na pakiramdam.

His presence is tempting. And I'm drowning because of it.

Napaurong ako. Pero patuloy pa din siya sa paglapit hanggang sa mapasandal ako sa pader.

"M-may k-kailangan ka?" Utal na tanong ko.

What the hell is happening to me? Gosh! Feeling ko magkakasakit ako sa init ng aking pisngi.

Hindi niya ako sinagot.

Itinaas niya ang kanyang kamay at inilagay ito sa aking balikat. At saka lumapit sa akin.

Hahalikan niya ba ako?

Ipinikit ko ang aking mga mata. Hinihintay ang pagdampi ng kanyang  labi sa akin pero wala.

Iminulat ko ang aking mata at nakitang wala na siya sa harap ko.

What the hell!

Kinapa ko ang aking sarili at napansing wala na ang suot kong jacket.

Argh! So, kinuha niya lang ang jacket niya at wala siyang balak na halikan ako.

This is so embarrassing.

Ano nalang ang iisipin niya? Malamang pinagtatawanan na niya ako ngayon.

"Argh! I hate that guy!"

"Miss Brokenhearted, okay ka lang?" Tanong ni Hendrix na kadadating lang.

Hendrix is the driver of that guy. Siya iyong driver na Englishero, na nagtatagalog din pala.

"Namumula ka oh. Is there something  between you and SY that I'm not aware?" He asked.

Obvious ba na may nangyari? Baka kung ano pang isipin nitong si Hendrix.

SY? What a name. I'm sure I will hate it.

"SY? Yun ba ang name niya?"

"Let's say.. Iyon ang tawag ko sa kanya. It was not his full name. Tsaka ayaw niya ng tinatawag sa ibang pangalan. Bakit?"

"A-ahm.. Wala. Ilang beses niya kasi akong tinutulungan pero hindi ko alam name."

"Ah. Halika na, ihahatid na kita."

Curious lang ako, ano kaya ang buong pangalan ng lalaking yun. Siguro ang bantot kaya pinaikli.

"So ano full name niya?" Tanong ko habang naglalakad kami palabas.

"Shalom Ymaru."

"Ano? Shalo-"

"Ssshh.. Hinaan mo boses mo. Kapag narinig ka nun, lagot ka." Pagsaway niya.

"Eh? Bakit?" Tanong ko.

"Secret." Nakangiti niyang sagot.