Chereads / Love and Drinks / Chapter 4 - 4

Chapter 4 - 4

NAKABABA na si Desiree ng motorsiklo ni Clare. Malapit iyon sa entrada ng condominium.

"Thank you, Miss Clare!" aniya at pagkatapos humakbang na.

"Hey, dropped the 'miss' thing, it's Clare Matthew. Matt. Yes, Matt ang bagong tawag sa 'kin! Kung dadaan ka ulit mamaya sa work ko, pumasok ka sa loob, okay?"

Malakas iyon at tinugon na lang niya ng thumbs-up pero hindi na siya lumingon. Huli na nang ma-realize niya ang huling sinabi ng dating Admin Assistant. Daan siya ulit? Alam ba nito ang pinaggagawa niya nitong nakalipas na mga araw?

"Si Miss Clare ba 'yon o namalik-mata lang ako?" ang sumulpot na si Karina galing sa rest room na sakop ng lobby.

"Ha? Ah, oo."

"Crossdresser pala siya... don't tell me kabilang siya sa mga katulad ko," ani pang tinungo na ang desk.

Natawa siya nang mahina pero hindi niya sinabi ang totoong kasarian ni Clare.

"Baka trip lang niya. Nag-iba na rin kasi ang trabaho niya... bartender na siya."

"Ang cool! Saan daw?" usisa pang nag-umpisa nang magpunas-punas sa ibabaw ng desk. "May iniwan palang mga libro si Soto. Ako na ang nag-abot ng bayad."

Tila nagningning ang mata niya sa tuwang nilapitan pa ang dalaga.

"Thank you, Karina! I love you so much."

"No problem. Basta kapag wala pa rin mamayang gabi si Alena, ikaw muna ang partner ko."

Natawa siya. Mayamaya pa napunta na ang atensiyon niya sa nakasalansang libro. May sealed pa ang mga ito. Bagong-bago. Naalala niya tuloy si Reynold. Kung hindi sila nagkahiwalay malamang hindi lang lima ang bagong comics niya.

"Oh, bakit parang hindi ka masaya? Miss mo siya, ano?" susog ni Karina.

"Medyo. Galante ang mokong na 'yon pagdating sa ganito." Ang ex-boyfriend ang tinutukoy niya.

"Siya nga pala, nang tanungin ko si Soto, sabi niya galing daw talagang Japan ang mga 'yan... sa pinsan niya."

Napatingin siya kay Karina. Kinutuban siya.

"Sino ba ang pinsan niya? Hindi kaya si Rey? Ibañez ang middle name niya na last name naman ni Sorito."

"Kung tama 'yang sinasabi mo, ibig sabihin hindi na talaga mawawala sa sistema mo ang ex mong 'yon. Pero wala ka na bang balak makipagbalikan pa?"

Umiling siya. "Kahit pa mangulit siya, wala na talagang pag-asa."

"That's sad! Wala nang free supply ng comics."

Nagkatawanan sila. Mahilig din kasi roon si Karina.

***

Pinaunlakan ni Desiree ang imbitasyon ni Clare. Heto nga, kahit kakabukas pa lang ng J&F Resto Bar ay nasa loob na siya. Pinapanood ang ginagawang pag-shake ng lalaki sa hawak nitong bote.

"Here, tikman mo," serve nito sa kanya ng kulay dilaw na inuming nasa clear na baso. "Ano palang favorite color mo?"

"Blue," aniyang tinungga naman iyon at pagkatapos naubo. "Sobrang tapang!" at hinagod-hagod ang lalamunan.

Natawa si Clare. "Huwag kasing isahan. Malalasing ka agad niyan."

"Oh, maalala ko lang, meron kaming cocktails ng kulay na sinasabi mo, try it."

Inusog nito ang isa pang baso na sinalinan ng inuming nasabi. Masunurin naman iyong sinimsim ni Desiree.

"Umm... matamis na maasim na may lasang orange at pinya. Ang sarap ha," amaze na komento ng dalaga.

"I wish I can make my own flavour..." naibulong ni Clare sa sarili at napangiti. "Sa palagay mo kaya ko kayang gumawa ng sariling timpla kahit na hindi ito ang forte ko?"

"Oo naman, lahat naman tayo kinikilala pa ang mga sarili. Ako nga, sa edad kong 'to hindi ko pa alam kung saan ako magaling, e."

Natawa na naman si Clare. "Thank you. Sa susunod ipapangalan ko sa 'yo kapag naging successful ang mixing process."

Saglit na nanlaki ang mata ni Desiree at pagkatapos nilagok ang natirang inumin. Hindi siya sigurado pero ng mga sandaling iyon ay tumitibok nang malakas ang puso niya. Para sa baklang kagaya ni Clare. Ang lakas ng impact sa kanya ng sinabi nito. Nakakalasing iyon at parang gusto niyang gumawa ng kung anong kalokohan.

"Isa pa."

Pinagbigyan naman siya nito pero pansin niyang paunti-unti lang ang lagay. Hinayaan lang niya. Inom lang siya nang inom hanggang sa nagkaroon na siya ng lakas ng loob magtanong.

"Ahm... Miss Clare? Naranasan mo na bang mahalikan ng chick na tulad ko?"

Isang mahabang pause ang nangyari bago niya narinig ang malakas nitong pagtawa na parang babae. Oo, daig pa siya nito. Ang seksi ng boses nito. Malandi. Nakakaakit. Natotomboy siya.

Napatayo siya. Hindi na niya kayang magpigil.Dumukwang siya dahilan para maabot ang labi nito. Dinampian niya roon ng halik. Amoy sigarilyo pero wala siyang pakiaalam. Nang hindi ito pumalag, kinabig na niya sa batok. Siya na ang kumilos para sa isang malalim na halik at napaungol pa.

"How was it?" Malambing ang pagkakatanong niya nang ihinto niya ang ginagawa.

Umiwas lang ng tingin si Clare. Pinunas pa nito ang labi at parang walang nangyaring bumalik sa pagkalog ng mixing bottle.

"Okay, okay. Walang effect kasi bakla ka nga pala." Ipinagdiinan pa niya iyon. Nasaktan siya kahit paano. Kung straight siguro ito, malamang hindi niya nararamdaman ngayon ang panliliit sa sarili.

"I'm not easy to please."

Pinamulahan siya sa narinig pero nakasilip siya ng pag-asa. Mukhang challenging kung magpupursige siya sa gusto niya kaso iba ang nasabi niya.

"Don't worry, hindi kita type. Hindi ka matangkad."

Totoo naman. Matatangkad ang lahat ng nakarelasyon niya. Hindi pandak na kagaya ng bartender na nasa harap niya. Mas mataas pa nga siya rito. Pero ang hindi niya maintindihan kung bakit hindi maalis ang tingin niya kay Clare. Iba ang dating nito sa kanya na dati hindi naman niya pinagtutuunan ng pansin. Siguro dahil lalaki pa rin ito kahit na may pusong babae o baka dahil iba ang ganda nito. Kunsabagay, habang pinagmamasdan niya ito ngayon sa suot nitong uniform, wala nang mababakas ng pagiging babae rito maliban sa mahaba at nakatali nitong buhok. May masel na rin ang braso nito. Huwag lang itong tumawa nang maharot, pasado na talaga.

Teka... Pasado? Napailing siya.

"Marami akong damit na hindi ko na magagamit, baka gusto mo. Akyat ka lang sa second floor, hanapin mo lang 'yong pintong may nakalagay na Matthew." Iniba nito ang usapan. Hindi man lang naapektuhan sa pang-iinsulto niya.

"Pagkapasok mo, may makikita kang na nasa kama. Kunin mo ang mga 'yon. Itinabi ko talaga iyon para sa 'yo. Wala akong masyadong ka-close noon sa trabaho kaya masaya na akong naalala mo ako. Ni hindi ka rin nailang lumapit sa akin kahit na alam mo na ang totoo kong pagkatao."

Not easy to please huh, ang nasa isipan ni Desiree habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Clare. Napagtanto niya kasi na simple lang din ang kaligayahan nito.

"Sige, check ko. Masamang tumanggi sa grasya," ang walang gatol na sabi niya.

Inakyat na nga niya ang hagdan doon at walang kahirap-hirap niyang nahanap ang sinasabing pinto. Pinihit na niya ang seradura niyon. Bumungad sa kanya ang pamilyar na silid at ang kamang may bulaklaking handbag na may imprenta ng pangalan niya. Napangiti siya.

"Sweet, huh."

Hindi nagtagal bumaba na siya. Bitbit ang hindi kabigatang dala-dala.

"Binuksan mo? Ano, okay ba? Type mo?" excited na usisa ng nakaabang sa kanya na si Clare.

Halik sa pisngi ang tinugon niya rito. "Thank you. Feeling ko magkakasundo tayo."

Napaawang saglit ang lalaki bago pinunas ang kaliwang pisngi kung saan dumampi ang labi ni Desiree.

"Ganito ka bang magpasalamat?"

Nag-loading saglit ang tanong na iyon sa isip ni Desiree at lihim pa niyang pinagalitan ang sarili nang mahismasan na. Ano naman ba kasing ginagawa niya? Hindi niya type si Clare. Natutuwa lang siya. Period.

"Ah, uuwi na pala ako. Thank you ulit. Babush!"

Halos madapa pa siya sa mabilis na mga hakbang niya.

"W-wait, Des, bayad mo... huh, sige na nga ako na lang."

Naibaba ni Clare ang kamay na pipigil sana sa dalaga saka napakamot na lang sa batok. Sa kanya na naman ipapangalan ang nainom nito at kaltas iyon sa susunod niyang suweldo.