Chereads / Love and Drinks / Chapter 7 - 7

Chapter 7 - 7

Lumipas pa ang ilang buwan at kabisado na ni Clare ang mukha ng pabalik-balik na customer maging ang madalas na order. Beer at barbeque ang mabenta. Kapag may nag-order lang ng ibang pulutan saka nagluluto si Jonas o kaya saka siya nagbubukas ng ibang inumin. Gin. Tequila. Vodka. Rum. Wine. Si Desiree lang ang madalas magpagawa ng cocktails at walang alcohol na inumin. Hindi na niya ito nakitang maglasing ulit. Na-trauma siguro dahil sa ginagawa niya. Hindi niya maisawasang mapangiti nang mag-isa sa isiping iyon.

"You are happy today." Si Jonas iyon sa boses pa lang. Tama nga siya nang mag-angat siya ng tingin at makita itong pababa.

"Morning boss! Morning Fourth!" bati niya.

Naglalampaso siya ng sahig nang umagang iyon nang bumaba ang among kasunuran si Fourth na bagong ligo naman at bihis na bihis. May bitbit itong libro at nakasuot ng salamin sa mata. Lagi na itong natutulog roon pero umaalis pa rin kinabukasan at babalik naman sa gabi para sa oras ng trabaho.

"Morning, sa school lang muna ako. Ba-buh!" paalam ni Fourth na tumalikod din at dumiretso na sa pintuan.

Hindi alam ni Clare kung alin sa dalawa si Fourth. Kung estudyante o nagtuturo. Hindi siya sigurado. Hindi siya nag-uusisa. Hindi rin nagtatagpo ang mga mata nila. Hindi rin naman siya ang unang nagbubukas ng usapan. Hindi nga nila nababanggit ang maiinit na tagpong namagitan sa kanilang tatlo kaya maging siya ay isinawalang-kibo na lang ang tungkol doon. Pero napansin niyang hindi na naglalambingan ang mga ito sa harap niya.

"Ingat," halos sabay pa sila ni Jonas na patungo namang kusina.

Habang siya nagpatuloy na sa ginagawa. Ilang minuto pa, tinawag na siya nito para mag-almusal.

"Nga pala, Matt biyahe ko mamayang hapon pupuntang US. May sasalihan akong competition at mga dalawang linggo ako roon."

"Boss itong bar?"

"Ah! Open pa rin. Marunong ka naman na kaya alam kong kayang-kaya mo nang i-handle ang iba pa at saka nandiyan si Cuatro. Kapag may hindi ka alam sa kanya ka magtanong."

Hindi siya nakapagsalita pero sa totoo lang bigla siyang nalungkot. Kinakabahan din siya sa puwedeng mangyari. May ugali kasi siyang gustong may gumagabay. Kung puwede nga lang pigilan niya ang amo sa pag-alis nito ay gagawin niya.

"I'm counting on you."

Napahinto siya sa pagsubo dahil sa sinabi nito. Ewan niya at mabilis napalis ang lungkot niya. Natutuwa na siya lalo na ngayong napagtantong pinagkakatiwalaan siya ng boss niya.

"I will give my best, Sir!"

Tumawa ang binata at pagkatapos tumayo na para hugasan ang pinagkainan. Dahil tapos na rin siya ay sumunod na siya rito. Hindi na niya ito nakontra nang magpresintang huhugasan din nito ang plato niya.

"It's okay. Wala naman ako rito sa susunod na mga araw..."

Hinayaan na lang niya. Pumunta na lang siyang banyo para magsepilyo pero sinundan siya nito roon at bago pa man niya magawa ang pakay, nasakop na nito ang labi niya. Matagal iyon. Mapaghanap. Nanghihigop ng lakas. Hinihingal tuloy siya nang huminto ito sa paghalik sa kanya.

Tila may gusto itong sabihin pero pinili nitong talikuran siya at iwan doong mag-isa.

****

At ang katulad ng guilty pero loyal sa kasintahan ay hindi natiis ni Jonas na hindi ipaalam kay Fourth ang nangyari. Tumawag ito ora mismo.

"What? You kissed him? Akala ko ba no kissing kapag hindi ako nakatingin."

"I'm sorry. I'm truly sorry. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil aalis ako." Napahawak siya sa sentido. Galit ang nobyo niya kahit hindi niya ito nakikita. May rules sila pero ngayon lang niya hindi nasunod.

"Fuck you! Hindi kita mapapatawad. Uuwi ako agad. Halikan mo ako mamaya. One hundred times."

Si Clare naman nagkulong lang sa banyo. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Matigas na matigas ang ibabang bahagi niya habang inaalala ang halik na ipinagkaloob ni Jonas sa kanya.

"Shit!"

Hindi na niya alam kung ano ang iisipin. Kamakailan lang mami-miss pa niya ang ex-boyfriend niya. Napapangiti siya kapag naalala si Desiree. Affected siya kay Fourth tapos heto tinitigasan siya dahil lang hinalikan siya ng boss niya.

Napasabunot siya. Ang gulo-gulo ng buhay niya. Siguro nga tama lang na wala si Jonas nang ilang araw. Ayaw niyang may masirang relasyon dahil sa kanya.

Bago magtanghali nakabalik na si Fourth. Pagkapasok lang nito ay sinalubong na ng halik ang kasintahang nakatutok sa mag-uumpisa pa lang na noon-time show sa telebisyon. Siyempre pa, kitang-kita iyon ni Clare dahil nakaupo lang siya sa hagdanan.

"Matt, baba ka rito kung naiinggit ka," paanyaya ni Fourth na nag-uumpisa ng maghubad.

Umiling siya bilang pagtanggi. Kakasabi pa lang niya sa sarili na ayaw niyang makasira ng relasyon ng may relasyon. Tama na ang isang beses.

"Sure ka? Si Jo ang magtratrabaho ngayon."

Hindi niya gets. Wala siyang balak kahit pa may pumipintig sa kaibuturan niya at kapag hindi niya pinigil ay bibigay siya.

"Hindi kaya mas gusto mong ako ang pumapasok sa 'yo?"

Napatakip siya ng tainga pero dinig na dinig pa rin niya ang mga halinghing. Inilihis na niya ang tingin. Ayaw niya nito. Hindi siya matutukso. Gusto niya ng matinong sex life. Ayaw niya ng tatluhan. Pero traydor ang kamay niya. Bumaba iyon papunta sa sandata niya. Ilang saglit pa, nakikisabay na siya sa ungol ng dalawa.

Mga bandang alas tres, nakahanda na sa pag-alis si Jonas. Marami itong binilin sa nobyo pero hindi siya kinakausap nito. Napag-iiwan siya ng mga sandaling iyon kaya nang makasalisi ay kinorner niya ang binata.

"Fuck me hard on my bed after two weeks." Lumambitin pa siya rito para hagkan ito sa labi. May tumikhim lang kaya napabitiw siya.

"Hey, that's cheating!" hila sa kanya ni Fourth.

Tumawa lang si Jonas saka nag-flying kiss na. Hila-hila ang maletang umalis na. Hinatid na lang nila ito ng tanaw. Nang maglaho na sa harap nila ang sinakyan nitong taksi ay saka lang sila pumasok.

"Kaya hindi ko siya hinahatid sa airport kasi baka makita niya akong nagkakaganito. Last minute kasi 'yan kung magsabi na may pupuntahan pala. Alam mo, kanina ko lang nalaman," pagsusumbong nitong sinundan ng pagsinghot ng sipon. Umiiyak na si Fourth.

Nakinig lang naman si Clare. Hinimas-himas pa niya ito sa likod si Fourth habang patuloy ito sa pagkukuwento.

"Bibihira kaming magkaparehas ng interes at itong resto bar lang talaga ang natupad sa lahat ng plano mula nang maging kami. Lagi kaming nagtatalo pero pagkatapos ng sexy time, okay na ulit."

Tumatawa na si Fourth. Hininto na niya ang paghimas na ginagawa. May iba kasing naglalaro sa isipan niya.

"Parang noong may ginawa tayong tatlo. Naging maayos ang pakiramdam ko."

Sumulyap sa kanya si Fourth. "Kapag malungkot ka, puwede mo kaming yayain ni Jo. Sureball na kaya kang paligayahin."

Napaigtad pa siya nang hawakan nito ang kamay niya. Mabilis din ang pagdaloy ng init sa katawan niya. Parang gusto ulit niyang galawin siya ni Fourth ayaw lang niyang isatinig. Napakadumi na nga talaga ng lahat sa kanya. Pero siguro nga, kulang siya sa aruga dahil gusto niyang may nababaliw sa kanya.

Tumayo siya para umupo sa kandungan ni Fourth. Napakagat ito ng labi.

"Ano?"

Umiling siya. "Wala. Ganito lang muna. Pagbalik na lang ni Boss ang iba."

"Yeah... kung mahintay natin siya," anitong pinasok ang kamay sa loob ng t-shirt ni Clare na napaliyad nang mapisil ang sensitibong parte roon.

Napangiti pa nang lihim si Fourth. Sakto sa CCTV Camera ang puwesto nila. Saanman patungo ang tagpong iyon ay nasisigurong mapapanood ng nobyo sa pagbabalik nito.