Chereads / Love and Drinks / Chapter 8 - 8

Chapter 8 - 8

"Frozen cocktail?"

"Yep! Try mo. Bago 'yan sa menu namin."

Nangalumbaba si Desiree. Inaalog-alog pa nang kaunti ang nasa clear na baso na naglalaman ng umuusok sa lamig, isa iyong alcoholic drinks. Matapos makuntento, sumimsim siya roon. Heto na naman kasi siya sa Sabado ng gabi, sa bar counter ng J&F Restobar. Balak niyang magpalipas ng oras.

"Sige, sige, kayo na ang may love life at ako ang single..." aniyang inilapag ang hawak na selpon na naglalaman ng mensahe galing sa magkasintahang Alena at Karina. May date ang mga ito. Solo flight tuloy siya.

"Okay lang 'yan. Mas masarap pa nga ang single, walang sabit." Si Clare na para siyang inaalo.

"Dahil ba single ka rin?" Bumanat na si Desiree. Mukhang may tama na kahit nangangalahati pa lang.

"Hindi ko alam. Medyo magulo kasi itong..." Sinadya ni Clare na bitinin ang sinasabi. Lumipad kasi ang tingin kung saan abala si Fourth sa pagkuha ng order ng bagong pasok na grupo ng kalalakihan.

"Tayo na lang dalawa?"

Napaawang ang bibig ni Clare dahil mabilis na nag-rehistro ang katagang iyon sa utak niya. Ngayon kay Desiree na ang nakatuon ang atensiyon niya. Nakatingin din ito sa kanya na tila naghihintay ng sagot.

"Kanta ba 'yan?" subok ni Clare sa pagbabasakaling malusutan iyon pero inilingan siya ng dalaga.

"Pag-isipan mo ha. Nga pala, heto ang social media account ko. Add mo ako." Matapos niyon, tumayo na si Desiree. Ubos na rin kasi nito ang inumin. Ganito na lagi. Aalis na agad matapos ang isa. Mag-iwan ng buong pera at hindi na hihingi ng sukli.

Gusto itong pigilan ni Clare pero nag-alangan siya. Ano namang sasabihin niya? Ni hindi nga siya sigurado sa sarili. Sa huli, tinanaw lang niya ito hanggang pintuan.

"Paano ngayon 'yan?" ang mabilis na nakalapit na si Fourth. Hindi lingid dito ang nangyayari.

"Ewan." Kumibit siya ng balikat. "Ang alam ko lang, hindi ako kasama sa mga type niya. Alam mo naman minsan ang alak," susog niya.

"Nagbabago ang taste ng tao lalo na kung may katulad mong attractive na, masarap umm..." Tumawa si Fourth. Dumidila-dila sa lollipop na hindi nawawala sa mga nakasanayan nito. Naging maloko rin ang lalaki sa salita mga nagdaang araw na silang dalawa lang ang tumatao sa bar.

Dahil doon, biglang naalala ni Clare si Jonas. Kung naroon lang ito ay malamang matatamaan si Fourth at mauuwi sa harutan.

"Miss mo si Jo? Matatagalan pa 'yon. Kasama kasi 'yon sa Semi-Finals. Nag-send ng video. Panoorin daw natin," anito na ipinakita nga nasabing video sa hawak nitong selpon.

Doon nga napunta ang atensiyon nila saglit. Napuputol lang kapag may pumasok na customers. Magiging busy sila ulit.

Mga ilang minuto pa sila na lang ang naroon. Magsasara na sila. Magtutulungan sila sa paglinis at pagligpit ng mga kalat. Magtatapon ng basura.

"Bukas na lang natin ituloy, gagawa pa akong lesson plan, e!" Si Fourth na nauna ng umakyat.

"Okay, good night," aniya kasabay ng pag-assume ni Clare na baka isang guro ang isa sa mga boss niya. Hindi kasi niya ito inuusisa sa personal nitong buhay dahil ganoon din naman ito sa kanya.

Hindi nagtagal, siya naman ang umakyat pero hindi pa man nakakapasok sa sariling kuwarto, hinila na siya ni Fourth sa silid nito.

NAKANGALUMBABA si Jonas. Tutok na tutok ang mata sa laptop niya. Naroon ang record video ng nagdaang araw sa pagitan nina Clare at Fourth. Paulit-ulit niyang pinapanood iyon at pagkatapos matatawa.

"Enjoy na enjoy ang kumag!" Ilang araw pa lang kasi siyang wala, may mga kaganapan ng nahahagip ang CCTV na nasa loob lang ng restobar. Alam niyang sinadya iyon ng nobyo niyang si Fourth at iyon ang hindi niya matanggap.

"Makikita mo pag-uwi ko."

Pagdating kasi kay Clare parang gusto niyang makipagpaligsahan sa kasintahan. Ang lalaking bartender ang bagong nagbibigay ng thrill sa relasyon nila. Ibinalik kasi nito excitement sa buhay na akala niya ay matagal ng nawala.

"Shit!" Napaangat siya sa kinauupuan nang makitang may bagong footage. Maririnig doon ang mga halinghing ni Clare. Mas malinaw ang mga kuha. Kitang-kita niya ang bawat panghimud nito sa kahabaan ni Fourth. At ewan ba niya, tila ba sinasadya nitong tumingin sa camera. Naaakit siya.

"Kalma lang. Pag-uwi ko, ako naman," pagkumbinsi niya sa sarili bago nag-shut down ng laptop.

Hindi nakapasok si Jonas sa Grand Finals pero balewala iyon. Ang tanging nasa isip niya ay makauwi at maikama si Clare.

"Humanda ka talaga," sa eroplano pa lang ay sabi.

Pagkababa ng taxi, halos takbuhin niya ang kalye paliko sa restobar na pag-aari. Nakaawang ang pinto pero wala siyang naabutang tao.

"Kalma lang. Kalma lang," aniyang inakyat ang hagdanan. Binuksan niya ang kuwartong inookupa ni Clare. Bakante.

Pumunta siya sa kuwarto nila ng kasintahang si Fourth. Wala rin ito. Nag-umpisa na siyang magmura pero biglang may nagsalita.

"Napaaga ka?" ang bagong ligong si Fourth

"Nasa'n si Matt?"

Napangiti lang ito sa tanong niya. Iiling-iiling kaya naman nilagpasan niya. Balak niyang bumaba na lang at doon maghintay.

"Day off niya ngayon, hindi mo ba alam?" pagbibigay-alam ng bumuntot na si Fourth.

"Fuck! Fuck!" Sinipa-sipa niya ang sofa at pagkatapos hinarap ang kasintahan.

"Give me a blow, right now."

Ngumisi si Fourth. Nakaluhod na siya. Ngayon lang kasi niya nakitang desperado ang nobyo. At may ideya na siya kung bakit ito nagkakaganito. Kailangan lang niyang isatinig iyon.

"Masarap ba kaming panoorin, Jo? Na-excite ka ba? Tinigasan ka ba?"

"Shut up!"

Hindi na ngang nakapagsalita si Fourth. Dahil napuno na ang bibig niya ng matigas na sandata. Sa bilis na mga galaw ni Jonas, paminsan-minsan ay nauubo siya. Marahas. Puwersahan. Huhugutin. Isasagad hanggang lumabas ang mga katas.

Nanginginig ang tuhod ni Fourth at napaupo na lang sa sahig matapos niyon habang si Jonas naman ay hingal na hingal na nagtaas ng pantalon. Satisfied na ito. Kumalma na ang alaga nito.

"Wala man lang thank you?" nagawang magbiro ni Fourth nang tulungan siyang itayo ni Jonas.

"Matutulog muna ako. Ipagluluto na lang kita ng dinner mamaya," anito namang umupo sa sofa at pumikit.

"Sige na nga." Humalukipkip si Fourth at saglit na pinagmamasdan ang nobyo.

May ganito ka palang side, sa isip-isip niya saka ito hinalikan sa noo.

"I love you."