Demo's Pov
Pumasok na ako sa loob para magpahinga.
Tumabi ako kay Quest na tulog na ng mahimbing. Tinitigan ko ang mukha nito mapapansin kong may lahing dayo ito. Mataas din ang pilik mata nito at ang asset nito ay yung labi niya.
Kinabukasan nagising akong parang mayroong nkatitig sa akin. Pagdilat ko nakatingin ito sa akin at ngumiti.
"Goodmorning gising na gutom na ako."Saad nito.
Natawa nalang ako babae ito tapos hindi marunong magluto nako kawawa yung mister.
"Goodmorning opo kamahalan maligo kana." Tumayo na ako at bumaba para magluto.
Pagkatapos naming kumain ay nagsalita ito.
"Ang sarap naman nito galing mo pala magluto ang swerte ko naman." Saad nito at tinawanan ako.
Nagpailing-iling ako at napangiti na lamang.
Tumingin ito sa phone nito at parang may binibilang.
"Anong gagawin mo ngayon?" Tanong ko.
Tumingin ito sakin ng seryuso.
"Kahapon wala akong maisip ngayon meron na." Saad nito.
Ano kayang iniisip ng babaeng to.
"Ano naman iyon?" Tanong ko.
"Gusto mo bang maging nobyo ko? Yan ba yung word niyo nobyo or kabiyak ay ewan." Saad nito habang nag-iisip.
"Kasi trip ko lang din gusto ko maranasan magkaroon." Malungkot na pahayag nito.
Potek wag mokong tingnan ng ganyan Quest. Kakasabi ko lang kanina malas magiging mister nito.
Napaisip muna ako wala din naman kasi akong gagawin at bored narin ako sa buhay. Kung magstick to one kaya ako masaya kaya?
"Game." Nakangising saad ko.
"Nice puwede bang dito muna ako? Wala na kasi si Yumi tapos pati narin si Gen din. Ako lang mag-isa doon walang kasama nagmumukmok." Saad nito.
"Sige kailan ka lilipat?" Tanong ko.
"Ngayon na." Nakangiting saad nito at may biglang nagdoorbell.
Napakunot naman yung noo ko at pinuntahan iyon.
Bumungad sakin ang mga tauhan ata nito dahil may bitbit ang mga ito ng maleta.
"Butler Jun! Pakipasok nalang po hayaan niyo na ang walang muwang nayan doon po sa taas yang nasa gilid na kwarto." Saad nito na nasa likod ko na.
Halos mapanganga ako butler?? Eh ako nga walang butler wala din akong katulong sa bahay kahit sobrang yaman ko na.
"So alam mo ng oo yung sagot ko?" Tanong ko sa kaniya.
"Aba syempre ako pa ba?" Nakangiting saad nito sakin.
Wow bilib na bilib na ata ako sa babaeng to.
Pagkatapos ng mga ito ay nagpaalam nadin sila.
"Ang dami ata nila?" Saad ko.
"Ah yun ba? Trip lang din." Saad nito.
"Grabe saan ba tayo ngayon at bakit minamadali mo ako?" Saad ko kanina pa ako kinukulit nito na umalis daw kami.
"Maghorseback riding tayooo." Saad niya.
Shet yan talaga ayaw pa naman sakin ng mga hayop.
"Ah eh s-sige." Saad ko.
Nakarating kami sa hacienda ni lolo spencer ko talaga ito binigay sakin eh ayaw nga sakin nung mga hayop kaya hindi ako pumupunta dito.
Medyo nagulat yung mga tao doon lalo na at si Quest palang ang unang babae doon.
"Magandang umaga po Señorito Dem at Señorita napadalaw po ata kayo." bati ni Mang Kanor ito ang inasahan ko sa mga kabayo na alaga ni Lolo.
"Gusto kasi ng nobya ko sumakay ng kabayo kaya dinala ko nalang dito." Saad ko.
"Ganoon po ba sige po ipapahanda ko ang sasakyan niyo si Black at Pearl." Saad nito.
"T-teka." Saad ko ngunit umalis na ito.
"Namumutla ka ata Demo wag mong sabihin takot kang mangabayo." Pang-aasar nito.
"Kasi ano ayaw sakin ng mga hayop." Saad ko.
"Loko ka tinatakot mo kasi tingnan mo nga yang reaction mo." Saad niya.
Lumabas na ang mga ito at dala yung dalawang kabayo. Pinagpapawisan ako bigla ng malamig.
"Manong pakisauli nalang po yung isa si Pearl nalang yung dadalhin namin may takot po kasi dito." Natatawang saad niya.
"Aba pinagkakatuwaan mo ata ako ah." Saad ko.
Sumampa na ito sa likod ng puting kabayo ng walang kahirap-hirap.
"Come on Demo grab my hand." Nakangiting saad nito sakin.
Nagdadalawang-isip man ay kinuha ko ang kamay nito at nakasampa din sa likod. Ngunit agad akong nanigas ng gumalaw ang kabayo kaya mabilis akong napayakap sa likod ni Quest.
"B-baba na ako." Nakapikit na saad ko.
"Hiyah! Huli na kapit ng maigi." Tawang saad nito.
Parang nahulog yung kaluluwa ko sa kaba baliw talaga ang babaeng to.
"Masyado kang tahimik buksan mo yung mga mata mo nakakapit ka naman sakin hindi ka mahuhulog." Kalmadong saad nito sa akin.
Unti-unti kung dinilat ang mga mata ko at tumingin sa paligid.
Okay naman pala sumakay sa kabayo.
"Ang galing mo ata mangabayo parang sanay na sanay ka." Saad ko.
"Napagtripan ko din eh." Nakangiting saad niya.
Nilagay ko yung nguso ko sa balikat niya at pumukit niyakap ko din ito ng mahigpit.
"Oh bakit nanaman?" Tanong nito.
"Baka pagtrippan mo akong ihulog sayang yung lahi kong gwapo." Saad ko.
"Loko-loko hindi ah grabe ka naman." Saad niya huminto ito sa malalaking puno na parte ng haciende.
Pinababa ako nito at saka ito sumunod tili muna nito si Pearl sa puno.
Naglakad muna kami at bigla nitong hinawakan ang kamay ko.
Napatingin ako dito at nakangiti lang itong tumitingin sa daanan.
Hinigpitan ko ang paghawak dito.
"Masaya ka ata." Saad ko.
"Kasama kasi kita." Saad nito ponyemas parang ako ata ang binanatan nito.
"Alam mo wala ka talagang kahihiyan babae ka." Natatawang saad ko dito.
Tumawa lang ito at hinila ako sa malaking puno. Tinanggal nito ang scarf nito at ginawang banig pagkatapos ay umupo doon at sumandal sa puno.
"Come here." Saad niya sabay pat sa lap niya.
"Teka nga ginawa mo pa akong babae ako dapat gumagawa niyan sayo." Saad ko.
Parang ako pa yung sinusuyo nito nagmumukha akong bakla. Ngunit hinila na ako nito kaya umupo nalang ako.
"Higa ka." Saad nito.
Humiga na lamang ako kita ko ang nakangiting mukha nito. Parang nakakahawa ang mga ngiti nito at nagpapagaan ng loob.
Hinawakan nito ang mukha ko at yung buhok ko.
"Alam mo ang gwapo-gwapo mo talaga." Saad nito.
"Parang ako yung mahihiya sayo tigilan moko sa mga banat mo." Natatawang saad ko.
"Eh totoo naman eh ang gwapo ng boyfriend ko." Mas lalong lumapad ang ngiti nito.
"Puro ka talaga kalokohan." Saad ko nalang.
Hinawakan ko ang mukha nito at umangat para halikan ito sa labi.
"Teka censored." Saad niya.
"Baliw ka nga." Tawang-tawang saad ko.
Nagtawanan kami at nagkwentohan malapit na din magtanghali ng nakarating kami sa rancho.
Bigla kaming binungad ni Mang Isko.
"Señorito andito po yung ama niyo binibisita yung lolo mo." Saad nito.
"Sige po. Nako nalimutan kung daanan muna si Lolo ikaw kasi ang kulit-kulit mo." Saad ko sa kanya agad naman ako hinampas.
"Anong ako eh ang landi landi mo nga." Natatawang saad nito.
Napailing-iling lang ako at hinila ito sa mansion. Binitbit ko naman yung mga gamit namin at naglakad doon.
Binati kami ng mga katulong at saktung nakatayo din ang magaling kung ama.
"Buti naisipan mong bumisita Democleus at may kasama ka ata." Seryuso itong nakatingin kay Questia.
"Magandang tanghali po." Saad ni Quest.
"Anong pangalan mo iha pamilyar ka ata sakin." Saad nito medyo nagtaka naman ako.
Tiningnan ko lang si Quest na biglang sumeryuso bago magsalita.
"Questia Veronica Morevilles po" Saad niya.
Napansin kung tumango-tango si Dad. Okay?
"Bisitahin niyo muna yung Lolo mo bago kayu bumaba para kumain mamaya." Saad nito.
Napansin kung hindi ata strict si Dad ngayon. Dinala ko nalang si Quest sa kwarto ni Lolo nakatayo ito at nakatingin sa may bintana.
"Iho buti naman at bumisita ka ulit at sino yang magandang dilag? Ngayon kapa ata nagdala ng babae dito ito naba?" Nakangiting saad nito.
"Si Quest po lolo Spence girlfriend ko." Nakangiting saad ko.
"Hello po nagagalak akong makilala kayo." Saad ni Quest.
Ngumiti naman ito at nakipag-usap samin.
"Mahilig po pala kayo? Marunong po ako gusto niyonb marinig?" Tanong ni Quest.
Kita ko naman ang kasiyahan sa mukha ni lolo at tumango ito.
Naglakad si Quest sa malaking piano at nagsimula ng tumugtug.
(NW: Nocturne C sharp minor by Chopin)
"You seem happy with her look at how amazing that woman is." Biglang saad nito sa akin.
"She is indeed different and Quest never fails to amaze me lolo." Saad ko dito habang hindi inaalis ang tingin kay Quest.
"Wag mo ng pakawalan iho dahil isang beses lang darating babaeng tulad niya." Saad nito napangiti naman ako.
Saktong natapos si Quest ay nagpalakpakan kami. Giniya nadin naming bumaba si Lolo para kumain ng Lunch.
Masyadong tahimik habang kumakain kami. Pakiramdam ko may tensyon na di ko maexplain kung ano.
"Iha kumain ka ng mabuti." Nakangiting saad ni Lolo.
"Ay aba opo naman libre to eh." Pagbibiro ni Quest.
"Walnghiya ka talaga kahit kailan kahit nasa pamilya ko ganun ka din." Natatawang saad ko.
"Kunware kapa gusto mo naman yung kawalnghiyaan ko." Sagot nito sabay irap sakin.
Napailing-iling nalang ako at agad naman kaming natahimik ng napatingin kay Dad muntik na naming malimutan andito nga pala ito.