Chereads / Gelatin Girls: His Royal Highness / Chapter 4 - His Childish Side

Chapter 4 - His Childish Side

Quest's Pov

Mataman kaming tiningnan ng dad ni Demo.

"Manang-mana ka talaga sa lolo mo pati ugali mo." Napailing-iling na saad nito kay Demo.

"Aba apo ko yan buti nga di namana yung sayo nako nakakaawa talaga." Saad ni Lolo spence.

Tumawa lang si Demo at napakamot sa ulo.

Pagkatapos naming kumain ay lumapit ang dad ni Demo at inaya akong makipag-usap.

"Hihiramin ko lang muna yung girlfriend mo." Saad nito kay Demo.

Tumingin ito sakin na animo'y nag-aalala ngunit nginitian ko lang ito.

Giniya ako nito sa taas patungo sa isang study room at sinirado muna ang pinto bago magsalita.

"Nagulat ako ng makita ka dito hindi ko iyon inaasahan. Anong kailangan mo dito at bakit mo kasama ang anak ko? Pagpasensyahan mo na ang aking pananalita wala akong karapatan pero anak ko yung madadamay." Seryusong saad nito sakin.

"Wala akong kailangan at wala din akong planong idamay si Demo. Nagkataon lang na nagkakilala kami ng hindi inaasahan." Saad ko dito at tumingin sa portrait ng kanilang pamilya.

Kita sa mukha nito ang pagkasimangot na para bang napilitan lang magpakuha kaya napangiti ako.

"Kung ganoon hayaan mong diretsohin kita anong plano mo sa anak ko? May alam ba siya? Siguro wala dahil nakikita ko kung gaano ito kacomportable sa iyo." Seryusong saad nito.

Napawi ang ngiti ko sa mga salitang iyon. Hindi ako nakapagsalita agad dahil hindi ko inaasahan ang tanong na iyon pilit ko ding inaalis sa isip ko ang ideyang ito.

Napabuntong-hininga ito at tumingin sa portrait na kanina ko pa tinitingnan.

"Sa pagkakaalam ko parewala at babaero si Demo. Hindi rin ito marunong magseryuso sa mga bagay -bagay dahil gusto nitong gawin ang lahat ng magustuhan nito. Mahigpit din ako dito dahil nag-aalala ako sa kapakanan nito baka bukas dalhan din ako ng apo gaya ng nangyari kay Shiro. Kaya wag mong sabihin sakin na tatakbuhan mo din ito gaya ng pagtakbo mo sa responsibilidad mo." Dadgdag nito at tumingin sakin.

Malungkot ko itong nginitian bago magsalita.

"Alam ko yung nararamdaman ni Demo at hindi ko din masasabing parewala ito. Ginagawa po nito ang lahat para makayanan niya at malaki din talaga ang potential nito. Kaya nasisiguro ko po sa inyo na hindi ko hahayaang madamay ito dahil mahalaga din po siya sa akin gaya ng nararamdaman niyo." Saad ko dito.

"Hindi ko naman ako tutol sa inyo Quest nakikita ko kung gaano nag-iba bigla ang ugali nito. Masaya din ito at comportable na kasama ka kahit alam kung darating ang araw na masasaktan ito iiwan ko na kay Demo ang desisyon at susuportaan ko ito sa kasunod na mangyayari." Nakangiting saad nito.

"Salamat po." Saad ko dito parang gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko sa sinabi nito.

"Dad tawagin mo nalang ako niyan hindi ka naman iba sa akin lalo na at nobya ka ng anak ko." Saad nito.

"S-sige po Dad." Saad ko pagkatapos namin mag-usap ay bumaba na kami.

Agad na napatayo si Demo at lumapit sa akin.

"Anong tingin yan." Natatawang saad ko.

"W-wala." Nauutal na saad nito.

Natawa naman yung Dad niya at hinawakan ito sa balikat.

"Naalala ko tuloy yung mommy mo sayo ganyan-ganyan din yun nung hinila ako ng Ama nito." Saad nito.

"H-hindi ah may sasabihin lang ako kay Quest." Saad nito.

"Ano naman iyon aber??" Saad ko.

"Dibale nalang nalimotan kuna." Saad nito at tumalikod.

"Palusot mo hindi benta." Natatawang saad ko kaya lalo itong naasar.

Nagtawanan nalang kami pagkatapos ay nagpaalam na kami sakanila. Nangako din kaming bibisitahin ang si Lolo spencer.

Habang nagdradrive panay ang pagsulyap ni Demo sakin. Kaya natawa nalang ako sa ginagawa nito.

"Kanina kapa tawa ng tawa ano nga kasi yung pinag-usapan niyo?" Pangungulit nito.

"Wala nga sabi tiningnan ko lang mga baby pictures mo." Pagsisinungaling ko.

Napasimagot naman ito at hindi na umimik pa.

"Ganyan-ganyan din yun eh." Tawang saad ko dito.

Ngunit hindi ako pinansin nito hanggang sa makauwi kami ay hindi din ako inimik nito.

Kaya kinublit ko na ngunit iniwasan lang ako at naglakad papunta sa kwarto at sinara iyon.

Aba't sinara pa talaga sa mukha ko.

Binuksan ko naman iyon at nakita kung nakahiga ito at nakapikit.

"Demo nagtatampo kaba hoy." Saad ko at nilapitan iyon.

Kinublit kublit ko ang ilong nito at napangiti sa naisip.

Pinasok ko ang daliri sa ilong nito at agad itong napadilat.

"Ano ba Quest para kang ewan." Inis na saad nito.

Tawang tawa akong naglakad sa banyo at naghugas ng kamay. Hinubad ko na din ang suot ko dahil sobrang naiinitan na ako.

Pagbalik ko nagkasalubong na ang dalawang kilay nito para talagang bata.

Gumapang ako papalapit dito ngunit hindi parin ako nito pinansin.

"Dem." Bulong ko sa tenga nito at agad naman iyong namula.

Pero hindi parin ako nito pinansin aba kaloka si kuya ayaw talaga.

"Magpalit ka nga baka may pumasok at makita kapang hubad diyan." Naiiritang saad nito.

Okay madali akong kausap kaya tumayo ako at tumalikod dito.

Kinuha ko din yung gamit ko dito.

"At ano namang ginagawa mo?" Tanong nito.

"Aalis." Simpleng saad ko at nagpatuloy sa ginagawa.

"Ng nakahubad?" Seryusong saad nito.

Akala ata nito nagbibiro ako kaya naglakad ako bitbit yung maleta at lumabas ng kwarto.

Hindi pa ako nakababa ng biglang hilain ako nito papasok at galit na galit akong tiningnan.

"Baliw kaba lalabas ka talaga ng nakahubad." Galit na saad nito.

"Eh ayaw mo akong-" Hindi natapos ng pagsasalita ko ng sungaban ako nito ng halik.

Mas lalong naging mapusok ang galaw nito at masakit din ang pagkakahawak sakin.

"Gusto mong maghubad tingnan natin." Saad nito.

Kinabukasan tumawag si Gen na bibisita ito mamaya.

Kaya ito ako balot na balot pati leeg ko balot din. Lahat ng parte ng katawan ko hindi pinalampas ng walanghiyang lalaking iyon.

Kita ko itong ngiting-ngiti na nagkakape sa baba at hindi man lang ako tiningnan talagang masasakal ko ang lalaking to dahil hirap akong maglakad sa kagagawan nito!

Umupo ako sa couch at tiningnan ito ng masama. Ngunit hindi ako nito pinansin at ngiting-ngiti lang ng biglang magdoorbell at tumayo ito para pagbuksan iyon.

Nginitian ako nito at bumalik sa ginagawa nito at nakatuon sa phone niya. Kasunod nito si Gen na gulat na gulat sa itsura ko.

"Anong nangyari sayong bruha ka?! at bakit kasama mo itong lalaking to?!" Sigaw nito.

"Itong lalaking to boyfriend ng kaibigan mo." Nakangising saad ni Demo.

Na mas lalo kung kinairita mamaya ka talaga sakin.

"Ano?! Kailan pa bruha ka!" Sigaw nito sakin kaya napatakip naman ako sa tenga ko.

"Gen yung bibig mo jusme!" Saad ko.

Tiningnan ako nito ng maigi at biglang hinila nito ang scarf ko.

Shet makikita yung mga mapupulang lovemarks na ginawa ng gagong demo.

"T-teka-" Saad ko pero nakuha na ito iyon nanlalaki na ang mata nito at umuusok ang ilong.

"QUESTIA VERONICA MOREVILLED ANO YAN?!" Sigaw nito at agad na tiningnan si Demo patay!

"Demo takbo!" Sigaw ko nalang nabuga nito ang kapeng iniinom nito at mabilis na tumakbo.

Nagpaikot-ikot sila sakin habang si Gen umuusok na ang ilong.

"Bruha kalma." Saad ko dito at pinipigalan itong abutin si Demo.

"Kalma?! Walanghiya kang lalaki ka alam mo bang ito ang pinakainosente at pinakawalang alam sa bagay-bagay na kilala ko?! Hindi nga marunong magdamit to tapos hindi mo talaga pinalambas at isama sa mga babae mo papatayin kita!" Sigaw nito at may binunot sa likod nito na baril.

"Gen! Saan galing ang baril na yan?!" Gulat na sigaw ko.

Halos lumuwa din ang mata ni Demo sa nakita kung tuluyan ng namutla at tinaas na ang dalawang kamay nito.

"Panindigan mo yung kaibigan ko hayop ka! Papanindigan mo o hindi?!" Sabay kasa nito.

"O-oo! Ibaba mo na yang baril mo puwede!" Kinakabahang saad nito.

"Nagsasabi kaba ng totoo lalaki?!" Saad ni Gen.

"Nagsasabi siya ng totoo ano ba Gen ibaba mo nga yan tinatakot mo si Demo." Saad ko.

Binaba naman nito ang baril sa lamesa saka binatukan ako.

Aray ansakit nun!

"Gaga kaba ha?! Jusko naman Quest ikaw yung pinakabunso samin tapos sa lahat ng pipiliin mo itong lalaking to talaga na kalahi ni Shirong babaero!" Pagsesermon nito sakin.

"Hoy grabe ka naman magsalita kahit tanungin mo pa yang kaibigan mo hindi ako nambababae!" Depensa naman ni Demo.

"Kumalma ka nga Gen." Saad ko dito sabi na nga ba gulo to eh.

"Ikawng babae ka ikaw yung matino sa ating tatlo pero sa lahat ng pipiliin mo ito talaga." Turo nito kay Demo.

"Gwapo naman si Demo kaya okay lang-aray!" Sigaw ko bigla ako nitong kinurot sa tenga.

"Gaga! Ano na wag mong sabihin buntis ka?!" Sigaw nito.

"Hindi gaga ganito magtampo ang hayop na ito." Sabay turo ko sa lalaking nakasandal na sakin habang may tinitingnan na files sa phone nito.

Napansin ata nito na tahimik lang si Demo at comportableng nakasandal sakin.

Nakahinga naman ito ng maluwag at tumingin nagsalita.

"Alagaan mong mabuti tong bruha na to hindi pa naman marunong magluto . Ako pa nga nagplaplantsa sa mga gamit nito bunso namin to ni yumi." Naiiyak na saad nito.

Pinakamahina talaga to si Gen madali lang din itong paiyakin hindi mahahalata na may ganito itong ugali dahil meron itong strong personality outside.

"Hindi ko naman aagawin sa inyu itong kabigan niyo. Alam ko din na tatangatanga ito ginawa nakong alalay sa pamamahay ko ibang klase talaga dapat sakin kayo maawa hindi sa kaniya." Reklamo ni Demo kaya hinampas ko naman.

Tumango-tango din si Gen habang nagpapahid ng luha.

"So ngayon pinagkakaisahan niyo na ako?" Saad ko.

Nagtawanan naman yung dalawa kaya napasimangot nalang ako andaya!