Chapter 5 - Chapter 4

HIROSHI'S POV

Pasakay na sana siya ng bike ng makita ko yung tuhod niya.

"Wait lang miss, may sugat ka sa tuhod mo. Gusto mo dalhin kita sa clinic o ospital para maipagamot yan?"

"Ang O.A mo po. Malayo 'to sa bituka. Ako na bahala dito. Nga pala, pag-aralan mo sana kung paano tumawid ha para hindi ka nakakapahamak."

Napaka taray naman nung babae na yun. Ako na nga nagmamalasakit dahil alam kong ako ang mali pero inaway pa ako. Bahala nga siya. Kailangan ko na magmadali dahil male-late na ako sa school. 9am na tapos ang klase ko 10am. Kung hindi lang dumating yung babae na yan kanina pa ako nakasakay.

Ako nga pala si Hiroshi Jin. Hiro for short. Twenty-six years of age. Fourth year college na ako at nagte-take ng HRM na course. Kung mapapansin niyo parang pang-Japanese name ko, tama kayo dahil Japanese ako. Half-Japanese rather. My mom is pure Filipino while my dad is a Japanese. Ang pangalan ng mom ko is Aimi Jin at Akihiro Jin naman sa dad ko. Wala akong kapatid kaya only child nila ako. Nakakalungkot nga dahil wala akong kapatid eh.

Galing akong Japan pero lumipat kami dito sa Pilipinas dahil para sa business ni Dad. Kaya no choice naman ako kundi sumama dahil walang mag-aalaga sa akin doon at for sure na hindi papayag si Mom na maiiwan lang ako mag-isa sa Japan.

Back to reality. Magpapahatid sana ako sa driver namin kaso wala pa siya hanggang ngayon dahil hinatid niya ang mga magulang ko sa restaurant namin. Nakarating na rin ako sa school. Sigurado maninibago ako dito ngayon dahil new environment 'to. Sana mababait ang magiging kaklase ko.

Tapos na ang flag ceremony nang makarating ako sa gym. Mukhang nagpupuntahan na sila sa magiging room nila. Kinuha ko naman ang registration form ko at tiningnan kung anong room at building ko.

Lumabas na ako sa gym at saktong labas ko ay nakita ko ang building na nakalagay sa registration form ko. Nag-umpisa na ako maglakad para hanapin ang room ko. Nakalagay ay room 202, ibigsabihin sa second floor 'to.

Nahirapan akong makaakyat dahil ang daming estudyante ang nag-uumpukan sa daan. Medyo sanay na naman ako dahil parang ganito rin naman sa pinapasukan kong school sa Japan. After 123456789 years, nakarating na rin ako sa second floor.

Kaliwa o kanan? Saan kaya ang room 202? Tiningnan ko ang room na nasa kaliwa ko, room 206. Sa kanan, room 205. Mukhang sa kanan nga ang room 202. Habang naglalakad ay nakatingin ako sa itaas ng pinto ng bawat room na madadaanan ko para mahanap ang room ko at habang naglalakad din ako ay ang panay tingin naman ng mga babae na nadadaanan.

"Uy, may cutieee!"

"Chinitooooo."

"Mukhang may lahi."

"Mukhang transferee."

"Bago matapos ang araw na 'to, magiging kami niyan."

Hindi ko alam kung nagbubulungan pa ba sila dahil dinig na dinig ko ang usapan nila. Nang makarating na ako sa tapat ng room ko ay nakita kong nasa loob na ang mga kaklase ko. Nag-aalinlangan ako pumasok dahil nahihiya ako. Hiro kaya mo yan, ikaw pa ba.

Humakbang na ako papunta sa pintuan ng classroom naming at sumilip. May teacher na pala.

"Good morning po, Sir. Dito po ba ang HRM-1A?" tanong ko sa prof.

"Oo, Iho. Dito nga. Pasok ka. And you are?"

"I'm Hiroshi Jin po," pagkasabi ko ng pangalan ko ay may tiningnan naman siya na papel. Mukhang listahan ng mga name namin.

"So, transferee ka pala?"

"Opo, Sir."

"Dahil ikaw ang pinakang huling dumating, maaari mo ba maipakilala ang sarili mo sa kanila?"

"Yes, Sir," nginitian ko si Sir at humarap na sa buong klase. Kinakabahan ako na ewan. Mukha naman silang mababait.

"Good morning everyone. My name is Hiroshi Jin. But you can call me Hiro. Twenty-six years old. Tumigil ako sa pag-aaral ng ilang taon para tulungan ang magulang ko sa work nila kaya ngayon lang ulit ako nakapag-aral. Galing akong Japan pero lumipat kami dito sa Pilipinas for important matters," pagkatapos ko magpakilala ay nginitian ko sila.

"May lahing Hapon ka ba?" tanong ng isang lalaki na parang nerd.

"Half-Japanese ako and half-Filipino. Dad ko yung Japanese then my mom is Filipino," sagot ko.

"Tsaka niyo na ulit interviewhin si Hiro kapag mahaba pa oras natin mamaya. Kailangan niyo pang magpakilala sa akin isa-isa. Mr. Hiroshi, pwede ka na pumili kung saan mo gusto umupo."

"Thank you po, Sir."

Nilibot ko ang paningin ko at naghanap kung saan ako pwede umupo. Nakita kong may isang lalaki ang tinawag ako.

"Dito ka na lang sa tabi namin. May bakante pa naman na upuan."

"Sige. Salamat."

"By the way ako nga pala si Kenneth Bautista," inabot niya sa akin ang kamay niya at nakipag shake hands naman ako.

"Ako naman si Lance Ford," sabi naman ng katabi niya sabay abot din ng kamay.

"Mamaya na sama ka samin sa lunch ha," bulong sa akin ni Kenneth na katabi ko.

"Sige, sige."

Tumahimik na sila dahil nag-uumpisa na magpakilala ang mga kaklase namin. Kakaunti lang pala kami sa section na ito. Siguro nasa sampu lang. Bakit kaya kakaunti lang kame? Mamaya ko na lang sila tatanungin sa lunch.

Maya-maya pa ay si Kenneth na ang tumayo at pumunta sa unahan.

"Hi, everyone. Alam kong alam niyo naman na ako ang pinakang gwapo dito sa section natin," sabay hawak niya sa kanyang buhok at kamot sa ilong kaya nagtawanan ang mga kaklase namin, "By the way, I'm Kenneth Bautista. 22 years old. Ineexpect ko this year ay sana matanggap niyo na ako talaga pinakang gwapo sa klase natin. Thank you."

Tawang-tawa naman si Sir sa pagpapakilala ni Kenneth. Mukhang siya ang kwela dito sa klase naming. Sunod naman na tumayo ay si Lance. Siya na pala huling magpapakilala.

"Good morning. I'm Lance Ford. 22 years old. Pasensya na pala kayo sa sinabi ni Kenneth dahil mukhang nakalimutan na naman niya inumin ang gamut niya."

Nagtawanan na naman ang klase miski si Sir sa sinabi ni Lance. Kung si Kenneth ay kwela, si Lance naman ay mukhang serious mode. Mukhang magiging Masaya ang pag-aaral ko this year.