Chereads / Fall in Love with My Guardian Angel / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

ASAMI'S POV

---Flashback---

Unang araw ko ngayon sa trabaho kaya inagahan ko ang pasok ko. Alam niyo naman kapag first day kailangan agahan talaga. Alangang first day na first day, late ka. Nakakahiya di ba?

Dito ako sa isang supermarket nagtatrabaho bilang cashier. Hindi na masama dahil marangal naman na trabaho at ang mahalaga naman ay may trabaho ako ngayon at mayroon na akong pangdagdag para sa panggastos namin sa araw-araw. Pang-morning shift ako ngayon.

Bago pa ako pumasok ay nakapaggawa na ako ng pandesal na ititinda ni Ash. Mayroon ding nadagdag sa ginawa ko dahil umorder yung kaibigan niya. Sana naman maaga magising si Ash at huwag na ulit siyang tanghaliin. Sayang naman yung mga suki na naghihintay sa amin.

Mag-uumpisa na akong mag-umpisa sa duty ko bilang cashier ng biglang may tumawag sa akin sa cellphone.

"Hello po. Goodmorning," sambit ko.

"Hello. This from police station. Is this Ms. Asami Michiko?"

Police station? Bakit?

"Y-yes po. Bakit po?" nauutal kong sagot.

"Nandito po kasi ngayon sa presinto ang kapatid niyo na si Annaisha Michiko dahil sa salang pagnanakaw pero huwag mo kayo mag-alala dahil imiimbestigahan pa naman namin kaya hindi pa po ito sigurado," paliwanag niya.

"Sige po. Papunta na po ako dyan. Salamat po."

Ash naman. Ano na naman itong pinasok mong gulo?

Papunta na ako ngayon sa police station. Malapit lang naman ito sa bayan kaya mabilis lang akong nakarating dito.

Pagkapasok ko ay paalis na yata si Ash.

"Ash, ano 'tong may tumawag sa akin na pulis? Ano na naman ginawa mong kalokohan?"

Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na pagalitan siya in public place.

"So mas concern ka pa sa kalokohan thingy na ginawa ko kaysa sa maging concern sa akin kung kumusta ako, kung okay lang ba ako? O baka naman iniisip mo na may kalokohan talaga ako na ginawa?"

"I have no time for your drama, Ash. Bilang ate, pinalaki kita ng maayos sa abot ng makakaya ko pero hindi ko alam na aabot sa ganito ang kalokohan mo," sa lakas ng boses ko ay nagtitinginan na sa amin ang mga tao dito sa loob miski ang mga pulis.

"Ayun na nga eh, ikaw nagpalaki sa akin at nag-alaga pero hindi mo pa rin pala ako kilala bilang kapatid mo. Iniisip mo na kayang-kaya ko gawin yung binibintang nila sa akin. Alam mo bang takot na takot ako kanina dahil sa bitbit ako ng mga pulis. Iniisip ko na sana nandun ka para ipagtanggol ako pero ito ka ngayon, mas malala pa pala ang mangyayari. Dahil mismong kapatid ko pa ang naniniwala na kayang-kaya kong magnaka."

"Ash, hindi pa tayo tapos mag-usap bumalik ka dito," tinatawag ko siya pero hindi pa rin niya ako nililingon.

Binilisan ko ang lakad ko para maabutan ko siya.

"Ash, kinakausap pa kita!"

Tumigil naman siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Ano? Ano na naman sasabihin mo saken? Na ang sama sama talaga ng ugali ko na humantong na ako sa ganito? Sige, paniwalaan mo yung babaeng yun, paniwalaan mo na magnanakaw talaga ako. Tutal mas pinapaniwalaan mo naman ang ibang tao kaysa sa mismong kapatid mo eh," sabi niya habang sunod-sunod ang tulo ng luha niya.

"Kung hindi mo ginawa yun bakit ka nandito? Ano bang gusto mong mangyari? Bakit ka ba nagkakaganyan?"

Bigla naman siyang tumawa, "Eh di lumalabas din na naniniwala ka talaga na kaya kong magnakaw? Ang sakit naman nun. Mismong kapatid ko pa ang naniniwalang kaya kong magnakaw. Sana hindi lang kita naging kapatid!" sigaw niya.

"Anong sinabe mo?"

Nagkamali lang ako ng dinig di ba?

"Sana hindi na lang kita naging ate!"

Hindi ko na nakontrol ang sarili ko sa sobrang inis kaya nasampal ko siya. Nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat sa ginawa ko.

"How dare you?! Matapos ko gawin lahat para alagaan ka. Dinamitan kita, pinatira sa maayos na bahay, pinakain at pinag-aral kita tapos ganito ang sasabihin mo sa akin? Kaya namatay si Mama dahil sayo eh!"

Umiiyak na rin ako dahil naalala ko yung paghihirap ni Mama.

"A-anong sinabe mo?"

Shez. Bakit ko yun nasabe?

"Hirap na hirap siya nung pinanganak ka niya. Sinabi ng doctor na isa lang sa inyo ang pwedeng mabuhay. Pero ikaw ang pinili ni mama. Pinilit niya na mailabas ka at pagkatapos nun bigla na lang siyang nawalan ng buhay," pagkukwento ko.

"Hindi. Hindi totoo yan!"

---End of Flashback---

Pagkatapos ng matindi naming sagutan ay bigla na lang siyang tumakbo palayo. Bumalik naman ako sa loob ng police station at sinabe sa akin ng pulis ang detalye ng pangyayari.

So, hindi nga talaga kasabwat si Ash.

Nagi-guilty ako sa mga nasabi ko kanina sa kanya.

Tama nga naman siya. Ako yung ate niya na mas nakakakilala sa kanya tapos ako pa 'tong nanghuhusga sa kanya.

Bumalik na muna ako sa trabaho dahil baka mayari ako ng boss ko. Pero habang nasa trabaho ay iniisip ko pa rin si Ash.

Ngayon, alam na niya ang totoong nangyari kay Mama. Siguradong sisisihin niya ang sarili niya.

Ikaw naman kase Asami bakit mo nasabe yun? Dapat pinigilan mo sarili mo.

Masyado akong nagpadala sa galit ko.

Pauwi na ako ngayon sa bahay. pagkadating ko ay wala akong Ash na nadatnan sa bahay.

Saan kaya yun nagpunta ngayon? Kanina ko pa siya tinetext hindi nagrereply.

Tawagan ko na lang.

The number you have dialed is unattended or out of coverage area. Please, try your call later.

Talagang pinatay niya cellphone niya para hindi ko siya matawagan. Sigurado ako, sa bahay ng kaibigan niya siya nagpunta.