Chapter 8 - Chapter 7

CASSANDRA'S POV

5pm na pala nang magising ako. Bumangon na ako para bumaba. Mukhang wala pa si Chandra ah.

Tiningnan ko ang phone ko para itext siya, sakto naman na nagtext siya. Pauwi na siya.

Magpapakilala muna ako sa inyo. Ako nga pala si Cassandra Cortez. 25 years old. May pagkamaldita ako at maarte pero pagdating sa kapatid ko, nagiging mapagmahal akong ate.

Gusto ko na rin naman umuwi ng Pilipinas dahil graduate na ako pero kaya lang ako nagtagal don dahil kay Hiro, sinundan ko lang siya dito. Ang desperada ba tingnan? Mahal ko eh.

Speaking of Hiro, kahapon pa ako text ng text sa kanya pero hindi pa rin siya nagrereply. Kahit sa chat, online naman. Malaman ko lang na may babae yun naku. Pagsisisihan ni girl na lumapit siya sa boyfriend ko.

Narinig kong may nagbukas ng gate namin. Mukhang nakarating na si Chandra. At hindi nga ako nagkamali.

"Hi, ate. Gising ka na pala. Tamang-tama dahil nag-take out na lang ako ng dinner natin," sabay yakap sa akin.

"Tinatamad ka na naman magluto nho?"

"Sorry, ate. I'm so tired na eh."

"Kumusta naman pagpunta mo sa kaibigan mo?" kinuha ko na yung dala niyang pagkain para mailagay sa lamesa.

"Ayun, tama nga ako. Nag-away na naman sila magkapatid," umupo na ito at nag-umpisa na magkwento kung anong nangyari.

"Kulang lang siguro sila sa understanding. You know, tingnan mo tayo noon lagi rin tayo nag-aaway pero naaayos natin."

"Alam mo ba, ate? Kaparehas din natin sila. Wala na rin silang magulang. Ang kaibahan lang yung papa nila, may iba ng family."

"Magiging okay rin sila, tiwala lang."

"Salamat nga daw pala sa chocolates sabi ni Ash."

Nginitian ko lang siya at nagbuntung-hininga.

"May problem ka ba, ate?" sumunod lang siya sa akin dahil uupo ako.

"Si Hiro kase-"

"Bakit? Ano ginawa sayo ni Kuya Hiro? Sabihin mo lang aawayin ko talaga yun?"

Napatingin naman ako sa kanya.

"Ang O.A mo, sis."

"Sorry. So, ano nga problema mo?"

"Kahapon pa kase ako text ng text sa kanya, hindi man lang nagrereply," napabuntung-hininga na lang ulit ako.

Lumapit sa akin si Chandra at umupo sa tabi ko.

"Don't worry. Baka naman busy lang yun sa school. Remember? Kakalipat lang niya ng school, may inaasikaso lang siguro na mga requirements."

"I hope so."

"Hay nako, smile na. Tara na lang kumain. Gutom na gutom na ako," tumayo na siya at hinila ako papunta sa dining room.

Ano naman kaya binili ng babae na 'to? Pagkatanggal niya sa paper bag, napatakbo agad ako palapit sa kanya.

My favorite, "KFC!!"

"I know naman na favorite mo yan kaya ayan inorder ko. Umupo na tayo at kumain."

Nagdasal muna kami bago kumain. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Kung nandito lang sina Mama at Papa for sure na matutuwa sila. Ang dalawang prinsesa nila ay nakapagtapos na ng pag-aaral.

Pagkatapos namin kumain ay nagrequest sa akin si Chandra na turuan ko siya magbake. Nung nasa Japan kase ako, madami ako natututunan kay Hiro. Lagi kami magkasama sa kanila pero hindi ko pa name-meet parents niya dahil lagi itong nasa business matters.

Nagsearch muna ako sa google ng pwedeng guide naming dalawa ng kapatid ko. Medyo limot ko na kase yung proseso na tinuro sa akin ni Hiro dati.

"May nahanap ka na ba, ate?"

"Eto na po, madam."

Para sa mga gusto magtry, ito ang mga ingredients from Nestle.

Ingredients:

1 stick butter, diced and chilled

1 cup white sugar

1 cup brown sugar

1 pack 125 ml Nestle All Purpose Cream, chilled

2 pcs egg

4 cups All Purpose Flour

1 tsp baking soda

1 tsp fine salt

3 cups chocolates chips

Pinahanda ko na kay Chandra ang lahat ng kakailanganin naming para sa gagawin naming cookies.

Procedure:

1. Using a spatula, mix butter with white and brown sugar. Mix until light and smooth. (10 minutes)

2. Add Nestle All Purpose Cream and mix until well combined. Mix in eggs and vanilla extract mix. (3 minutes)

3. Sift flour, baking soda and salt in a bowl. Add to cream mixture and mix until just combined. Do not over mixed. Mix in 3 cups of chocolate chips. (5 minutes)

4. Refrigerate the dough mixture for about two hours. After chilling the dough, mold into golf ball size portions and chill for another 10 minutes.

5. Pre-heat oven to 350 degrees Fahrenheit for 30 minutes. Grease baking pan then line with aluminum foil. Place pieces of cookie dough with 3-inch apart. Press cookie dough lightly and bake for 10-15 minutes. Set aside to cool completely. Serve. (45 minutes).

After 1 hour and 45 minutes ay tapos na kami sa ginawa naming ni Chandra na cookies.

"Grabe, sis. Matrabaho pala 'to," pagrereklamo niya.

"Aba ginusto mo yan eh."

"Pwede na ba tikman?"

"Of course."

Kumuha ng isa si Chandra para tikman. Tiningnan ko kung ano ang magiging reaksyon niya.

"Sis, super duper delicious!"

"Syempre pinagtulungan natin yan," kumuha na rin ako ng isa para tikman.

"Sana someday maging business partners kayo ng ate ni Ash. Ang sarap din ng pandesal nila."

"Talaga?"

"Yes. Don't worry tomorrow, oorder ako sa kanila."

"Sige. Sabi mo yan ha. Thank you, sis ha. Kahit papaano nakalimutan ko na malungkot ako ngayon."

"Wala yun nho. Yang love na yan huwag mo masyadong dibdibin, may likod ka pa."

Natawa na lang ako sa sinabi ni Chandra. Tama nga siya. Masyado ko kasing mahal si Hiro. Nasanay rin kasi ako na lagi kaming magkausap. Sasanayin ko na lang sarili ko na ganito kami. Ayoko naman na masakal siya saken at humantong sa iwan niya ako. Hindi ko kakayanin yun.