ANNAISHA'S POV
Kakagaling ko lang kina Chandra dahil nag-order sila ng pandesal. Gusto ko man pumasok sa kanila para makilala ang ate niya pero tumanggi ako dahil baka malate na naman ako ng uwi. Mapagalitan pa ako ni ate.
Dadaan muna ako sa palengke para bumili ng flowers kay ate.
Makikipag-ayos na ako sa kanya. Alam ko namang mali ako sa mga sinabi ko at inasta ko sa kanya kahapon. Iiwan ko muna saglit sa may parking sa ilalim ng mall itong bike ko.
Pagka-park ko ay lumabas na ako sa ilaim ng mall para pumunta sa pwesto ng bilihan ng mga bulaklak.
Naglalakad na ako nang makita ko na may nagkakagulo sa di kalayuan.
"Magnanakaw!"
Narinig kong sigaw ng isang babae.
Kinabahan ako bigla dahil hindi naman ako sanay na magpunta dito. Ngayon na lang ulit ako nagpunta tapos ganito pa ang mangyayari.
Napatigil na lang ako bigla dahil hindi ko alam ang gagawin, nagkakagulo na ang mga tao. Babalik na ba ako sa ibaba para kunin ang bike ko at uuwi na o tutuloy pa rin ako?
Maya-maya pa ay may nakita akong isang lalaki na natakbo. Baka ito yung sinasabi nilang magnanakaw. Palapit na ito ng palapit sa akin habang natakbo at lalo ako natakot dahil nakatingin ito sa akin.
Pagkalapit niya sa akin ay hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Bigla niyang hinagis sa akin ang dala niyang bag kanina. Dahil doon, nasa akin na ang atensyon ng mga tao.
"Magnanakaw!"
"Ayan mamang pulis ayan yung magnanakaw!"
Sabi ng isang babae sa pulis. Mukhang siya ang may-ari ng bag na ito.
"H-ha??! Hindi po. Hindi po ako yun. Hinagis lang po sa akin nung lalaki itong bag niyo," feeling ko ay maiiyak na ako.
"Sus, ineng. Lumang style na yan. Syempre kasabwat nga niya. Kababae mong tao ganyan ka."
"Hindi po. Ang katunayan nga po bibili lang po ako ng bulaklak." Sabi ko.
Nagsalita na yung pulis, "Ang mas mabuti pa ineng ay sumama ka na lang sa amin sa presinto at doon ka magpaliwanag."
"Po?! Wait lang po. Tatawagan ko lang po ate ko," pagpapaliwanag ko habang bitbit ako ng pulis.
"Ibigay mo na lang sa amin ang phone number niya. Kami na lang tatawag sa kanya pagkarating natin doon."
Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon.
Takot at kaba dahil ngayon lang ako makakapunta sa presinto. Paano kapag nakulong ako dahil sa kasalanan na hindi ko naman ginawa?
Takot at kaba dahil siguradong magagalit na naman sa akin si ate. Kung kailan naman ako makikipag-ayos tsaka naman 'to nangyare.
Ano na naman kaya sasabihin niya sa akin? Baka akalain niya totoo binibintang sa akin.
Nandito na kami ngayon sa presinto at kasalukuyan akong tinatanong sa nangyare.
"Ganito po kasi ang nangyare. Galing po ako sa kaibigan ko dahil nagdeliver po ako ng pandesal na binebenta ng ate ko. Tapos po naisip ko na magpunta sa palengke para bumili ng bulaklak dahil po makikipag-ayos po ako sa ate ko dahil nagkaroon po kami ng hindi magandang pag-uusap kagabe. Pinark ko po yung bike ko sa ilalim ng mall tapos po nung pagkalabas ko nakita ko na nagkakagulo na po sila malapit sa may prutasan kaya nagdecide po ako na tumigil muna po ako kung saan niyo ako kanina dahil ayoko po madamay sa gulo. Then, nagulat na lang po dahil nasa harapan ko na bigla yung magnanakaw at hinagis sa akin yung bag na ninakaw niya. Ngayon niyo po sabihin sa akin na kasabwat ako nung lalaking magnanakaw na hindi ko naman kilala!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mainis.
"Sinungaling ka! Kasabwat ka non," nagulat ako dahil dumating na pala yung babae na nakawan.
"Excuse me lang po ha. Ako po kasi yung kausap hindi kayo," lumalabas talaga pagtataray ko kapag naiinis na ako.
"Aba! Gandang babae mo nga, sama naman ng ugali mo!" sigaw niya saken.
"Pang-ilan na po kayo sa nagsabi niyan saken kaya hindi niyo na po kailangan sabihin sa akin dahil matagal ko na pong alam," sabay ngiti ko sa kanya. Kitang-kita ko naman na lalo siya nainis.
"Teka lang po mga Ma'am. Kaya nga po tayo nandito dahil para malaman ang katotohanan. So based pos a statement mo Ms. Michiko ay sinasabi mong inosente ka?"
"Yes, Sir. Ni hindi ko nga po kilala yung lalaki na yun."
"Sir," tawag ng isa pang pulis sa pulis na kumakausap sa akin, "Nahuli na po namin yung lalaking magnanakaw."
"Good. Dalhin niyo siya dito."
Maya-maya pa ay pinasok na yung lalaki sa loob ng presinto. Sinugod naman nung babae na ninakawan yung lalaking magnanakaw. Ako naman eto, nakaupo lang. Ayoko namang mag-aksaya ng oras sa pagsugod sa lalaki na yan nho?
May ilang mga pulis ang pinigilan si ate girl sa pang-aaway ka kuyang magnanakaw. Nang naging malamig na ang atmosphere ay naging tahimik na. Napatunayan naman na inosente ako at walang kinalaman sa nangyare ng umamin na yung lalaki sa mga magnanakaw.
Palabas na sana ako nang lumapit sa akin yung babae kanina, "Miss," tawag niya saken, "Sorry sa mga nasabi ko kanina. Sorry din dahil pinagbintangan kita."
"Masama man po ugali ko pero hindi ko po gawain ang magnakaw," tinalikuran ko na siya at hindi na hinintay pa ang sagot niya.
Bigla naman dumating si ate na nasa harapan ko.
"Ash, ano 'tong may tumawag sa akin na pulis? Ano na naman ginawa mong kalokohan?"
"So mas concern ka pa sa kalokohan thingy na ginawa ko kaysa sa maging concern sa akin kung kumusta ako, kung okay lang ba ako? O baka naman iniisip mo na may kalokohan talaga ako na ginawa?"
"I have no time for your drama, Ash. Bilang ate, pinalaki kita ng maayos sa abot ng makakaya ko pero hindi ko alam na aabot sa ganito ang kalokohan mo," sa lakas ng boses ni ate ay marami na ang nakatingin sa aming dalawa.
"Ayun na nga eh, ikaw nagpalaki sa akin at nag-alaga pero hindi mo pa rin pala ako kilala bilang kapatid mo. Iniisip mo na kayang-kaya ko gawin yung binibintang nila sa akin. Alam mo bang takot na takot ako kanina dahil sa bitbit ako ng mga pulis.
Iniisip ko na sana nandun ka para ipagtanggol ako pero ito ka ngayon, mas malala pa pala ang mangyayari. Dahil mismong kapatid ko pa ang naniniwala na kayang-kaya kong magnakaw," pinunasan ko ang mga luha ko at umalis na sa harapan ni ate.
"Ash, hindi pa tayo tapos mag-usap bumalik ka dito," tawag sa akin ni ate pero hindi ko siya pinansin.
Saan ba ako pupunta ngayon? Ayoko pa umuwi dahil siguradong may part 2 ang sagutan namin ni ate. Hays, bahala na kung saan dalhin ng mga paa ko.