HIROSHI'S POV
*kring kring*
Nagising ako ngayon dahil sa may tumatawag. Sino ba 'to? Agang aga naman eh.
"Hello," wika ko habang nakapikit.
"Hello, Hiro. Nasaan ka na?"
Pagtingin ko sa cellphone ay si Lance pala ang natawag.
Patay! May gagawin nga pala kaming report ngayon.
"On the way na."
"Gasgas na yang linya na yan. Halatang kakagising mo lang."
"Sige na. Liligo na ako."
"Sige. Bilisan mo na."
Pinatay ko na rin yung tawag. Sabado ngayon kaya nawala sa isip ko na may gagawin kaming report. By group yun, nagkataon na kaming tatlo nina Lance at Kenneth ang magkakagrupo.
Nag-online muna ako. May chat pala sila kagabi sa groupchat. Maaga ako natulog kagabi kaya hindi ko na nakita 'to. Maaga naman ako natulog pero tinanghali pa rin ako ng gising.
Nagmadali na ako bumangon para maligo at magbihis. Sa pagmamadali ko ay basta na lang ako makapili ng damit. Ito na lang Guess na T-shirt at isang pants at Vans na sapatos.
9am na nang tumingin ako sa phone ko. Nagmdali na ako magpahatid sa driver namin sa bahay nina Lance. Kikitain ko naman siya sa plaza. Sina Mom at Dad ay wala sa bahay nang bumaba ako. Siguro nasa restaurant na sila.
-1 text message received-
From: Cass
Good morning, love. Kagabi pa ako nagtetext sayo at chat hindi ka nagrereply.
Nag-backread naman ako sa inbox at sa messenger. Oo nga nho. Mamaya ko na lang tatawagan pagka-uwi ko.
Nagtext na ako kay Lance na nasa plaza na ako. Bumaba na ako para makita siya. Nakita naman niya agad ako.
"Akala ko nasa inyo na si Kenneth?" pagtataka ko.
"Sumama pa eh. Nag-aksaya lang ng pamasahe yan."
"Bumili lang ako ng pagkain eh."
"Oo nga pala. Sakay na kayo sa sasakyan. May bibilhin lang ako."
Hinatid ko na muna sila kung saan nakapark yung sasakyan. Iniwan ko muna sila para makabili ng pagkain para sa lunch naming. Nakakahiya naman kung wala akong dala. Late na nga ako eh. Pagkapasok ko sa KFC, nasa akin ang atensyon ng lahat. Hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha o kung ano.
"Wuuuyy, ang cute."
"Magkakaroon na yata ako ng crush."
"Ano kaya name niya?"
"Search mo lalaking nasa KFC na naka Guess na damit at naka-Vans na sapatos."
Natawa naman ako sa huling narinig ko.
Miski yung cashier titig na titig sa akin habang na-order ako. Hindi ako sanay sa ganito. Sana pala si Kenneth na lang pinag-order ko. Mataas self-confidence nun.
Makalipas ang sampung minuto ay pabalik na ako sa sasakyan.
"Wow, foods!"
Parang nagniningning ang mata ni Kenneth nang makita niya ang dala kong KFC na inorder ko.
"Pasensya ka na dito ha. Mukha lang 'tong pagkain."
"Okay lang yun."
Sumakay na ako sa front seat ng sasakyan habang sina Kenneth at Lance ay sa likod nakaupo. Sinabi na ni Lance kay Kuya Bert, driver namin, kung saan ang bahay nila.
Hindi naman ganun ka-traffic kaya nakarating agad kami. Simple lang ang bahay ni Lance pero maganda. Pagkababa namin ay may nakita akong mga batang naglalaro sa kalsada. Hindi naman siya totally highway na madami laging sasakyan na nadaan kaya safe pa rin sa mga bata para maglaro.
"Kuya Bert, thank you po. Tawagan ko na lang po kayo kapag magpapasundo ako," paalam ko kay Kuya.
"Sige po, Sir."
"Thank you po, Kuya Bert," sabi naman ni Kenneth.
Sinundan naman ni Lance, "Ingat po kayo."
Kumaway naman si Kuya Bert at nagmaneho na paalis.
Pinapasok na kami ni Lance sa bahay nila. Nadatnan namin sa loob ang Mama niya na nagwawalis.
"Magandang umaga po," bati ko.
"Magandang umaga rin, Iho."
"Naku, Tita. Mas maganda ka pa sa umaga," biro ni Kenneth.
"Ikaw talagang bata ka. Hindi ka pa rin nagbabago. Teka Lance, sino 'tong kasama niyong isa. Ngayon ko lang 'to nakita ah," lumapit naman sa akin si Lance.
"Mama, si Hiroshi nga po pala. Bagong kaklase namin. Hiro, si Mama."
"Ang gwapo namang lalaki ni Hiroshi. May lahi ka ba?"
"Hiro na lang po, Tita. Half-Japanese po."
"Akala ko ba Tita ako lang gwapo sa para sa inyo?"
Nagtawanan lang kami sa sinabi ni Kenneth. Hindi siya pinansin ni tita.
"Ah ganun ba. Sige, mag-umpisa na kayo sa gagawin niyo. Pasensya na kung medyo makalat 'tong bahay ha."
"Okay lang po. Wala pong problema," ani ko.
Tinapos na ni tita ang paglilinis niya at iniwan na kami. Binigay ko na kay Lance yung dala kong pagkain na binli ko kanina para mailagay muna sa lamesa nila.
Nag-umpisa na rin kami maggawa ng report namin. Kaming dalawa ni Lance ang taga-hanap ng information sa google ng topic na napatapat sa amin samantalang si Kenneth ang taga-gawa ng powerpoint. Hindi naman mahirap dahil may wifi naman sina Lance at may laptop siya. Nagdala na rin pala ako ng sarili kong laptop para mapabilis ang pagsesearch namin.
Saktong alas-12 na ng tanghali nang matapos kami sa pagagawa ng report. Niyaya muna kami ni Lance na kumain. Tinawag na rin niya ang Mama niya para makasabay namin kumain.
Nakaupo na kami sa may dining room nila habang hinihintay si tita na naglalaba sa may likuran ng bahay nila.
"Lance, wala kang kapatid?" tanong ko.
"Wala eh. Kaya kaming dalawa lang ni Mama ang laging magkasama sa bahay," sagot niya.
"Eh ang Papa mo, nasaan?"
"Nakakasama naman namin siya pero kapag gabi lang dahil gabi na yun nakakauwe galing trabaho."
"Ahh. Parehas pala tayo. Wala rin akong kapatid."
Maya-maya pa ay dumating na si tita. Nagdasal muna kami at nag-umpisa na kumain.
Hindi mawawala ang kwentuhan habang nakain at lalo na ang tawanan dahil kay Kenneth. Napaka-kwela talaga ng lalaki na 'to.
Pagkatapos naming kumain ay tinulungan na namin si tita na maglinis ng pinagkainan namin. Si Kenneth ang may pinakang maraming kalat sa pwesto dahil ang likot kumain, parang bata.
Pagkalinis naming ay tiningnan ulit namin ang ginawa naming report. Pinag-aralan muna namin kung paano naming ito irereport sa Tuesday. Buti na lang nagseryoso muna si Kenneth baka hindi kami matapos kapag puro tawanan lang kami.
5pm na ng matapos kami maglaro. Naglaro muna kami ng ML para pampalipas oras. Tinext ko na rin si Kuya Bert na sunduin na kami, isasabay ko na rin si Kenneth.
Dumating na rin naman agad si Kuya Bert. Nagpaalam na kami kay Tita at nagpasalamat.
Nasa sasakyan na kami ng may nagtext ulit sa akin. Si Cass nga pala. Tawagan ko na lang siya mamaya pag-uwi. Hinataid ko muna si Kenneth sa kanila, madadaanan naman papunta sa amin kaya ayus lang.
6pm na nang makarating kami sa bahay. Nadatnan ko na nanonood ng movie sina Mom at Dad. Bonding time na naman kami nito <3